This Blog Is Rated
Ola!
Bago ang lahat ay gusto kong magpaumanhin sa aking ilang linggo na walang babalang pagkawala. Kinailangan ko lang ayusin ang aking mapa para naman masabi kong may direksyon ang buhay ko nang hindi maligaw at malihis ng landas. Sa kabutihang palad, hanggang ngayon hindi pa rin ako tapos. At aking napagtanto na moderno na pala ang mundong ginagawalawan ko ngayon. Tenkyu Google Earth.
Gayunpaman, nagpapasalamat ako sa mga hindi nagsawang sumilip at mangumusta dito. Nang dahil sa inyo, hindi nabobokya ang hits ko. Hindi man ako yumayaman sa bawat pagdalaw niyo sa akin ngunit pinatataba niyo naman ang puso ko dahil alam kong nandiyan lang kayo, naghihintay na holdapin ko. Salamat din sa mga nagtanong at nawa’y naging matiwasay ang inyong pamumuhay sa mga binitawan kong kasagutan sa mga bumabagabag sa inyong isipan.
May maikli lang naman akong ibabahagi sa pagkakataong ito.
Hindi ako sigurado kung paano nagsimula ang pagbo-blog sa Pilipinas ngunit alam naman nating lahat kung gaano na kalayo ang narating ng mga Pilipino nang dahil dito. Isa itong mabisang paraan kung nais mong ibahagi at makinig ang mundo sa mga saloobin mo . Ngunit kaakibat nito ay ang mabigat na responsibilidad sa bawat tiklado ng mga titik na manggagaling sa’yo.
May ilan na nagkaroon ng ibang bahagi ng buhay nila nang dahil sa pagbo-blog. Ang iba ay dito nakatagpo ng mga bagong kakilala, kaibigan, kabarkada, kasa-kasama sa mga pagtitipon, sosyalan at gimikan. Marami na rin ang gumagamit ng blogging bilang isang kumikitang kabuhayan. May nagiging tanyag pa nga ng dahil dito. At may iilan naman na para sa personal na dahilan lamang.
Kung ako ang tatanungin, isang malaking bahagi na ng pagkatao ko ang maging isang blogista. Marami akong bagay na naiisip at maraming nais sabihin. At epektibo ang lugar kong ito sa blogosperyo para ilahad ang lahat ng mga ito. Masaya ako sa bawat tugon na natatanggap ko, sang-ayon man o taliwas sa mga pinaniniwalaan ko. Ang mahalaga, pare-pareho tayong natututo.
Lubos kong ring ikinagagalak ang mga simpleng pagkilala at papuri na natatanggap ko.
For the people in ABS-CBN specifically of Rated K, I would like to express my deepest gratitude for considering this blog to be featured in your program. Too bad I ain’t a camera person and just too shy to see myself on TV.
To Mr. Hanz, thank you for being so patient and persistent enough. I apologize if I made you wait too long yet I declined at the end of the day. That offer is a big surprise for me and it’s not that kind of opportunity every blogger can have. That’s why we need to really think about it. It’s a mutual decision by the way. We just have some identity to protect.
To Mr. Joseph, thank you so much. You just have given me one of a good hell experience. He hehe. Up to this time I still can’t believe that I got to have that kind of offer. Well maybe next time things will work out right.
To Ms. Korina Sanchez, I will watch this Sunday’s episode. Promise!
Nandito na ulit ako.


