Gay-uma: Kwentong Bakla
Bakit dumadami ang mga bakla sa mundo samantalang hindi naman sila nanganganak?
Kamakailan lang ay naging usap-usapan sa buong mundo ang pagkilala ng California sa same-sex marriage. Isa itong malaking balita at tunay ngang mabuting balita lalo na sa sangkabaklaan, ngunit tinik naman na lalong tumutusok sa mga lalamunan ng mga tutol dito tuwing sila ay lumulunok. At hanggang sa kasalukuyan ay patuloy pa rin ang walang katapusang mga usap-usapan at diskusyon sa isyung ito.
Ang pagpapakasal ng dalawang taong may magkatulad na kasarian ay unang naging legal sa bansang Netherlands noong taong 2001. Ngunit hindi dito nagsimula ang kabaklaan sa mundo. May mga kasulatan sa kasaysayan na nagpapatunay na bago pa man ang panahon ni Mahoma, higit na matagal sa panahon ni Magellan ay ginagawa na ito sa ilang naunang sibilisasyon sa mundo. Gayunpaman, nang lumaganap ang Kristiyanismo ay nagbago ang tingin ng tao sa pagsasama ng dalawang may parehong kasarian. Dagdag pa rito ang pagdedeklara ng ilang emperador at hari na siyang makapangyarihan noong mga panahong iyon na ilegal ang pagiging homosexual at kung sino man ang mapapatunayan nito ay susunugin ng buhay.
Dito na marahil nagsimula ang mga tagong bakla. Sino ba naman ang may gustong sunugin ng buhay? HELL-EEERRR??!!!
Siyempre, hindi mawawala ang mga miyembro ng pederasyon sa Pilipinas. Nagkalat sila sa lahat ng dako: sa kalsada, karinderya, palengke, mall, paaralan, tindahan, kanto, beauty pageant, bahay niyo, sa loob ng kwarto mo o kahit sa loob ng simbahan. Ibat-ibang propesyon na rin ang napasok nila hindi lang ang maging paborito mong manikurista o parlorista. Maaaring isa siyang big boss ng isang malaking kompanya, pulitiko, sundalo, doktor, nars, inhinyero, guro, o di naman kaya ay boss mo sa iyong opisina. At hindi na ako magtataka kung pati ikaw na bumabasa ng lathalang ito ay miyembro ng alyansa.
Gayunpaman, nakalulungkot isipin na nagiging biktima pa rin sila ng ibat-ibang klase ng diskriminasyon sa ating bansa. At ang pagtanggap at legal na pagkilala ng pagsasamang homosekswal ay tila suntok sa buwan. Ito ang resulta sa oriyentasyong macho sa ating kultura na siyang dahilan din kung bakit may ilan pa rin na takot lumabas at magladlad. Idagdag pa rito ang dominanteng relihiyon sa ating bansa na siyang pangunahing kritiko sa mga ganitong usapin. Ngunit, nais ko lang ipabatid sa kaalaman ng lahat na ang bansangĀ Spain, na siyang sumakop sa Pilipinas sa loob ng mahigit sa 300 daang taon at nagpakilala sa ating ng Katolisismo ay nauna nang kilalanin ang same-sex marriage. Kung posible rin ba ito sa ating bansa, walang makakapagsabi.
Ang tanging magagawa na lang natin bilang tao ay ang paggalang at pagrespeto sa kanila, na iisang mundo pa rin ang ating ginagalawan at pantay-pantay na pagtingin sa lipunang ating kinaaaniban. Dahil kahit anong pagbatikos at pagtutol ang gawin natin, mananatili silang nadiyan at nangangailangan ng ating pag-unawa at pagmamahal.
To further conclude, every badey needs love, understanding and acceptance just like everyone else in the universe. Even the aliens need that. Dehins nila need all the okrays ng mga utaw na Murriah Carrey dahil kahit ano pang chorva at eklavu ng mga Lucita na itey, wa sila say sa Winnie Santos na gays. At kahit anik anetch na etchos at chenelyn pa ang i shoot, chembolar at keberetchi lang yan sa kanila. MaPagoda Cold Wave Lotion lang sila kakadakdak. Kaya sa mga mamita, entourage lang. Keribels ang crayola. Jombagin kapag wis makisama. Oks? Babush baklush!
Rampa na mga bakla!

