Posts Tagged ‘internet’

Bakit Filipino Ang Blog na Ito?

October 7, 2008 - 2:32 am 83 Comments

Hindi pagtakahan should drop to why the English language I’m writing. Naipapahayag more like a good and well myself if it is used. Nor LOSE YOUR WAY the reader and have a misunderstanding. As well ineffable I myself know the way I katanggap effective and acceptable.

Aminado me that my limited vocabulary in English. I do not always include naman si mareng Merriam to help me learn the meaning of supercalifragilisticexpialidoceous that suddenly isinigaw a playmate while I nagpapatintero. But I do not naman ikakaila bagkus ipagmamayabang I have been wise I speak and write in this language. And the sentence that I sambitin favorites again and I’m not sure pagsasawaan is: I am handsome.

However, the ability to speak English became standard of intelligence-mannered and a person. Whether we admit or not, when we nakakarinig of mistaken speaking or writing it is our pinagtatawanan. And the more bitter is hinuhusgahan instead help and a good way to correct the error it. More humor, who will not even notice him seeing his own mistakes.

Spread to the English blogs on the Internet. Also spread the English and trying hard English blogs. Napagisip I just think how translate so if English is my blog? With si Google, the outcome of this translation. Napagtanto and I, I remain in kinagisnan … I will speak English.

TRANSLATION

Hindi niyo na dapat pagtakahan kung bakit sa wikang Filipino ako nagsusulat. Mas naipapahayag ko ng mabuti at maayos ang aking sarili kung ito ang gagamitin. Hindi rin maliligaw ang mga bumabasa nito at magkaroon ng hindi pagkakaunawaan. Maganda nang maipahayag ko ang aking sarili sa paraang alam kong epektibo at katanggap-tanggap.

Aminado ako na limitado ang bokabularyo ko pagdating sa wikang Ingles. Hindi ko naman parating kasama si mareng Merriam para tulungan akong malaman ang ibig sabihin ng supercalifragilisticexpialidoceous na biglang isinigaw ng kalaro ko habang nagpapatintero. Ngunit hindi ko naman ikakaila bagkus ay ipagmamayabang ko pa na marunong akong magsalita at magsulat sa wikang ito. At ang pangungusap na paborito kong sambitin ng paulit-ulit at siguradong hindi ko pagsasawaan ay: I am handsome.

Gayunpaman, ang kakayahan sa wikang Ingles ay naging pamantayan na ng katalinuhan at pinag-aralan ng isang tao. Aminin man natin o hindi, kapag nakakarinig tayo ng mga nagkakamali sa pagsasalita o pagsusulat nito ay ating pinagtatawanan. At ang masaklap pa ay hinuhusgahan sa halip na tulungan at itama sa magandang paraan ang pagkakamaling ito. Nakakatuwa pa, kung sino ang siyang mapuna siya pang hindi nakakakita ng sariling pagkakamali niya.

Nagkalat na ang mga Tagalog blogs sa Internet. Nagkalat din ang mga English at trying hard English blogs. Napagisip-isip ko lang paano kaya kung isalin sa wikang Ingles ang blog ko? Gamit si Google, ito ang kinalabasan ng pagsasalin. At napagtanto ko, mananatili ako sa kinagisnan ko…ang wikang Filipino.

Kingdaddyrich Propayl

September 23, 2008 - 2:46 am 69 Comments

Sa napakaraming bagay na ayaw na ayaw kong gawin, maliban sa paghuhugas ng pinggan, ay ang pagpapakilala sa sarili ang pinakamahirap tuparin. Kahit na alam naman nating lahat na marami nang eksperto dito, sadyang hindi madali para sa akin ang magimbento ng mga kasinungalingan para ilarawan ang aking sarili. Kaya sa pagkakataong ito ay pilit kong ipapakilala ang katauhang nasa likod ng blog na ito at sisikapin kong manatili ang katotohanan sa bawat titik ng pagsasalarawan na iyong mababasa.

Ako si kingdaddyrich. Isinilang at lumaki sa isang bansa na kung tawagin ay Pilipinas. Ilang taon na ang nakararaan nang aking madiskubre na maliban sa pagsasaliksik at panonood ng pornograpiya, ay may iba pa palang mas mabuting maidudulot sa akin ang Internet. Ito ay walang iba kundi ang pagbo-blog. Na nagsimula bilang isang simpleng taga-basa, taga-kumento at nakikihalubilo sa mga hindi ko kilala. Di nagtagal ay gumawa ng sariling tampulan ng mga nakikita, naririnig, nararamdaman at naiisip. At nang lumaon ay nagkaroon ng isang permanenteng tirahan sa isang artipisyal na mundo na kung tawagin ay World Wide Web.

Sa lahat ng mga paksa ng aking mga isinusulat ay pawang pumapanig sa katotohanan. Ang mga ito’y binuo mula sa samu’t saring pagtatanong at pagsasaliksik bago ihain. Bawat detalye na aking ibinabahagi ay may basehan at may pinag-ugatan. Hindi ko kailangang gumawa ng kasinungalingan upang magpasikat at maging tanyag. Hindi ko alam ang lahat. At di ko ugaling sumawsaw sa mga bagay na wala akong alam. Dahil sa simula pa lang, hindi na ito ang layunin ko kung bakit ako nagbo-blog.

Hindi ako anonymous. Si kingdaddyrich ay may pangalan, pagkakakilanlan, pinaggalingan at patutunguhan. Ngunit mas pinili kong ikubli ang aking sarili sa mapanuri at mapanghusgang mata ng mga taong sobra ang bilib sa sarili. Ang blog na ito ay personal. Bagaman bukas sa ano mang uri ng kumento, kritisismo, opinyon o suhestiyon ay limitado lamang sa mga bagay na aking ibinabahagi. Sa madaling sabi, hindi umiikot sa blogosperyo ang buhay ko. Kaya tinawag ko itong artipisyal sapagkat ito ay pansamantala at isang bahagi lamang ng aking buong pagkatao.

Ito ay bukas para sa lahat. Ngunit hindi parang karinderya na kapag natabangan o napaso sa isinubong ulam ay basta na lamang iluluwa at magsasalita ng mga bagay na hindi kaaya-aya. Ang mga ibinabahagi ko dito ay base sa mga realidad ng buhay. Ngunit kung mahalintulad man ito sa mga karanasan mo at matalsikan ng mantika sa mula sa mainit ng kawaling inihain ko ay wala akong magagawa, sinadya ko ito pero hindi ikaw ang tinutukoy ko. At tiwala naman ako na ang aking mga masusugid na mambabasa ay ang mga klase ng taong marunong gamitin ang kung anong kulay abong nasa loob ng kanilang bungo.

Walang sinoman ang aking pinilit na basahin ang mga lathala ko. Walang sinoman din ang obligado na mag-iwan ng kumento. Hindi ako takot sa kahit kanino. Hindi ko rin kailangang makipagbolahan sa mga tao sa paligid ko para makuha ang simpatiya nila para sa sarili ko. Sasabihin ko kung anong gusto ko. At malaya ang sinoman na gawin din ito. Hindi man ako sang-ayon sa mga sinasabi mo ngunit ipaglalaban ko ang karapatan mong sabihin ito.

Para sa mga nagtatanong kung magkano ang aking edad. Para sa mga nag-aakalang ako’y isang maitim at matabang tatay. Para sa mga nag-aakalang mayaman ako. Para sa mga nagtataka kung ako ba ay may multiply. Para sa mga tambay. Para sa mga naghahanap ng aking prenster. Para sa mga gustong sumilip ng aking twit-twit. Siyempre bago ang lahat hayaan niyo na kayo muna ang silipin ko.

Yun lang.

Bigyan Mo Ako ng Emo

August 19, 2008 - 2:02 am 59 Comments

Ang electronic mail o email ay isa sa mga pinakamaganda at pinakamahusay na naimbento kasabay ng pag-unlad ng Internet at World Wide Web. Isa ito sa mga pinakamadali at pinakamabilis na paraan ng komunikasyon maliban sa pakikipagchat sa syota mong poreynjer at pagla-liveshow sa webcam. Kaiba sa nakaugalian nating paraan ng pagpapadala ng sulat na gumagamit ng papel, panulat at sobre, hindi mo kailangang lagyan ng selyo ang monitor mo at ihulog sa post office dahil siguradong mas mapapagastos ka pa sa gagawin mo. Gayunpaman, kakailanganin nito ang kapwa mga email accounts at higit sa lahat ang iyong mga daliri pangkamot ng ulo kung wala kang ideya sa mga pinagsasasabi ko.

Tulad nga ng aking nabanggit, ang email ang isa sa pinakamabilis na paraan ng komunikasyon. Kung dati ay puti na ang mata ng pinadalhan mo bago dumating ang sulat mo, kung sa email ay bumahing ka lang ng tatlong beses tiyak dumating na ang mensahe mo. Magandang praktis ito para ma-master ang pagbahing nang nakadilat. At di hamak na mas mabilis kaysa sa paghawak ng suso sulat (snail mail). Hindi rin pwedeng gamitin sa biological warfare ang email dahil hindi ito pwedeng budburan ng anthrax at ipadala sa Malakanyang. Yun nga lang, pwede kang mag-attach ng virus at ikalat. Lagyan mo lang ng makatawag pansin na subject (porno, scandal, kingdaddyrich nude photos) at tiyak mabilis itong lalaganap.

Maliban sa paga-add ng friends sa Friendster, malaki rin ang pakinabang ng email sa mga nais manggantso at manloko. Nariyan ang kabi-kabilang Internet frauds at scams na matatanggap mo sa email. Ilang beses na ako nakatanggap ng email na nagsasabing nanalo ako sa UK LOTTERY samantalang hindi naman ako sumali. Ilang beses na ring napili ang email ko at pamamanahan daw ako ng limpak-limpak na salapi mula sa isang namatay na pamilya sa OUAGODOUGOU, BURKINA FASO. Hindi pa kasama diyan ang mga spam messages para sa penis enlargments, pornsites, dating sites, at kung anu-ano pang kababalaghan sa Internet.

Nagsimula ang email noong 1965 sa Amerika. At si Ray Tomlinson ang nagmungkahi sa paggamit ng at sign (@) para paghiwalayin ang pangalan ng gumagamit ng kompyuter at ng kompyuter mismo. Ang at sign ay tinatawag din na asperand na sadyang ikinagulat ng mga buhok ko sa kuko ng aking malaman na utong (nipple) pala ang tawag sa kanya sa Tagalog. Kung kaya’t hanggang sa ngayon ay gumugulo pa rin sa utak ko kung suso ba (yung hayop) ba o suso (as in dede) talaga ang tinutukoy ng makalumang paraan ng pagpapadala ng sulat (snail mail).

utong
ang laki ng susunod! bagay ba, ah?! lol

Ayaw mong maniwala? Ako rin eh. Click ka dito.

@ sign = utong

Dahil diyan, naaliw akong gumawa ng panibagong email sa sarili ko mismong utong! Mamasa-masa pa at sariwang sariwa. Para sa inyong mga kumento, reklamo, donasyon, suhestiyon, pabati, panawagan, requests, picture messages, fan mails, hate mails, pakyu mails, spam messages, chain mails, penpal, virus, scandals, latest updates sa showbiz o kahit ano pang gusto niyong sabihin, wag magatubiling ipadala sa:

rb@kingdaddyrich.com

Wag na kayong mahiya at magpadala na ng Emo (Email Mo). Lasapin niyo na ang pagkakataon dahil ito lang ang utong ko na pwede niyong pagsamantalahan.

the primary reason was that it made sense…
– Ray Tomlinson, when asked why did he chose the @ sign