Piso

November 12, 2008 - 1:08 am

Gwapong-gwapo ako kanina. Minsan lang kasi ako magkaroon ng pagkakataon na makapagsuot ng pormal. Nagmumukha akong elegante at kagalang-galang. Napilitan tuloy akong mag-ahit ng bigote para lubusin na ang pagpapanggap. Ewan ko kung kailan pa naging pamantayan ang pagsusuot ng mahabang manggas, pantalon at tire-black-shine leather shoes sa paghahanap ng swerte. May mga nagtatagumpay, ngunit mayron din namang nabibigo. Nadamay pa tuloy ang bigote ko na pinaghirapan kong alagaan at patubuin. Inantay kong mamunga pero bigo ako. Para tuloy akong nakahubad.

Inabot ako ng tanghali. Naghangad ang sikmura ko ng kaunting abuloy para mahirapan naman siya sa trabaho niya. Sisiw daw kasi pag walang laman. Dahil sa mabait ako sa sarili ko, pinagbigyan ko siya.

Ang lakas ng dating ko. Pagtapak ko pa lang parang bumagal ang lahat. Ramdam ko ang sarili kong aura at tinatangay ng sarili kong hangin. Natuyo tuloy ang basa kong kili-kili. May grupo ng mga babae akong nakita sa di kalayuan, kumakain at nagkukuwentuhan. Habang papalapit ako sa pwesto nila, lalong bumagal ang paligid. Sinabayan pa ng pamaskong awitin na pinapatugtog ng mall na iyon. Napasulyap sila sa akin. Binawi ang tingin na para bang nahiya at nagsibungisngisan. Di ako natuwa. Pakiramdam ko pinagtatawanan nila ako dahil wala ang swabeng bigote ko. Di lang nila alam na iritable ako dahil hanggang sa mga oras na iyon ay namamanhid pa rin ang mukha ko.

Kahit mag-isa lang ako, sa mesang pang-apatan ako umupo malayo sa mga babaeng humalay sa pagkatao ko gamit ang kanilang mga tingin. Akala nila siguro mayaman ako, ang di nila alam wala talaga akong pera at hanggang Jerjer Steak lang ang kaya ko. Ngunit bago ko pa ilapag ang pagkaing bitbit ko agad na ninakaw ni Jose Rizal ang atensiyon ko dahil tahimik siyang nakaupo sa isa sa mga upuan sa mesang napili ko. May piso.

Hindi ito ang unang pagkakataon na nakakita ako ng piso sa isang lugar na hindi ko inaasahang makikita o makikita ko pa siya. Kadalasan sa jeep. Isipin mo na lang, kung gano karaming tao ang labas-pasok sa mga lugar na ito. Imposible na kahit isa man sa kanila ay hindi napansin ang munting baryang nagtatangkang sumilaw at bumulag sa ating mga mata. Tulad ko.

Ilang minuto ring nagtalo ang mga nilalang sa aking utak. Mula nang magsimula ako kumain hanggang sa dumighay na ako, di pa rin naalis sa diwa ko ang piso. Kanya-kanyang dahilan kung dapat ko bang kunin o hindi ang nanahimik na barya sa katabing upuan ko. Sumisingit ang aking hiya na baka may makakita sa akin at isiping sabik ako sa piso. Nangingibabaw din ang panghihinayang dahil piso rin yun, pambili ng cherry  balls. At akalain mo bang naisip ko pa na may hidden camera sa paligid at inaantay lang ang ikikilos ko at biglang lalabas si Michael V sabay sigaw ng, Yari Ka!?!

Gayunpaman, nabusog ako, nagpasalamat sa pagkain at tumayo. Iniwan kung paano nadatnan ang piso. At hinangad ko na lang na sana, kung may makakakuha nong piso ay yung manong na lang na paikot-ikot upang linisin ang mga pinagkainan.

Hindi lahat ng oportunidad na dumadating sa buhay natin ay dapat nating sunggaban. Masarap ang magbigay. Nakakalason ang pagiging makasarili. Hindi mo pwedeng gawin ng sabay-sabay ang magkaibang mga bagay. Mahirap. Malay mo hindi pala ito para sa iyo. At inaagaw mo ang karapatan ng kapwa mo ng maging masaya dahil sa kahibangan mo.

74 Responses to “Piso”

  1. Leyn Says:

    tuwing may mga ganitong sandali rin ako, feeling ko nasa isang gag show lang ako na may hidden cam.

    gano pa man kalaki o kaliit ang halaga ng mga bagay bagay, sana sa mga taong karapat dapat mapunta…

    kdr, lahat nalang tinatanggihan mo..

    piso = korina sanchez

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on November 13th, 2008 7:38 pm:

    he hehe. di naman. maliban na lang kung iooffer mo ang pagmamahal mo sa akin!

    bwaha haha! hutena, ang korni!

    erase erase

    [Reply]

  2. FerBert Says:

    natuwa ako no comment pa..

    pagclick ko ng comment

    ay nako si Leyn na naman ang nauna

    sana dinagdagan mo na rin ng apat na piso para naging limang piso na.. malay mo ako makapulot may pambili pa ako ng yosi..

    hindi lang si korina ang tinanggihan mo.. tinanggihan mo na din ako minsan.. hindi ko alam kung kelan yun.. nagpifeeling lang ako na tinanggihan mo ko para maging kalebel ko naman ang syota ni Mar Roxas..

    [Reply]

    Leyn reply on November 12th, 2008 1:42 am:

    isa lang ang ibig sabihin nun fb,

    ako ang una sa puso ni kdr…

    pangalawa ka lang.

    lol.

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on November 13th, 2008 7:43 pm:

    di ko na naisip na dagdagan. pero magandang idea yan ah. hamo’t sa susunod.

    at kailan kita tinanggihan?

    ang lakas mo kaya sa akin. kahit anong posisyon oo lang ako, basta ikaw.

    [Reply]

  3. damdam Says:

    @ leyn - so ako yung tatlong piso ganun?

    @ kdr - mahusay *palakpakan* hindi nga lahat ng darating o inaalok ng tadhana e dapat kunin. eto tip kung dapat kunin o hindi, pag nag dalawang isip ka, wag mo ng kunin. ehehehe.. baka nasa gag show ka nga lang. lol. laging “there’s more than meets the eye” chorva.. err anu daw?

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on November 13th, 2008 7:44 pm:

    nong mga panahong yun, hindi lang 2 isip ang umusbong. at naiapply ko ang tip mo sa sitwasyon kong iyon. salamat!

    [Reply]

  4. manang ising Says:

    piso.

    [Reply]

  5. manang ising Says:

    nakakapanghinayang talaga. naalala ko tuloy nung kabataan ko. pati mga barya sa kanal, kunukuha ko, para may pambili ng nganga.

    [Reply]

  6. p0kw4ng Says:

    ang galing! “Hindi lahat ng oportunidad na dumadating sa buhay natin ay dapat nating sunggaban.”

    sana lahat ng tao ay ito ang naiisip! ang saya saya!

    [Reply]

  7. The Gasoline Dude Says:

    Huwaw! Dahil sa piso nakagawa ka ng post. Idol! *LOLz*

    [Reply]

  8. Marvin Says:

    ano kaya kdr kung naging limampiso yon? hehehe

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on November 13th, 2008 7:46 pm:

    teka isipin ko. :D

    [Reply]

  9. ced Says:

    akala ko ung post mo tungkol sa shaving cream. hehe juk!
    sayang yung piso pero malamang ganun din ggawin ko. deadma na lang. pero kung 20 un baka kunin ko na. haha. juk!
    mukha naman akong pulubers nun. cge na nga 100 na lng. hehe

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on November 13th, 2008 7:49 pm:

    kung tutuusin nga oo sayang siya. yung iba nga namamalimos pa para lang sa piso eh yun, naghe-hello na sa akin si Rizal deadma pa rin ako. pero yun na nga, di ko na lang kinuha.

    Pero kung si Ninoy yun, hmmm…. pag-isipan ko ulit. :D

    [Reply]

  10. M Says:

    Ako naman, isang daan. Sa jeep. Puta isandaan yun, 100 cherry balls yun! Hindi pa man din ako dapat sa bandang likuran ng driver uupo, nagkataon lang na napapasok ako agad sa loob ng jeep kasi ambilis ng andar niya at napalakad ako sa unahan. Pagtingin ko sa tabi ng basurahan, BOOM! 100 pesos! Oh yeah. Kung meron man akong tinanggihan na piso dati, baka yung 100 na ang kapalit nun.

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on November 13th, 2008 7:51 pm:

    bitin. di mo sinabi kung kinuha mo o hindi.

    [Reply]

    M reply on November 16th, 2008 11:33 pm:

    Pinambili ko ng waffle sa LRT station.

    Oo, dinampot ko.

    [Reply]

  11. lyzius Says:

    bakit walang pumapasok sa utak ko kundi yung salitang piso???

    [Reply]

  12. b@kekang Says:

    “Hindi lahat ng oportunidad na dumadating sa buhay natin ay dapat nating sunggaban. Masarap ang magbigay. Nakakalason ang pagiging makasarili. Hindi mo pwedeng gawin ng sabay-sabay ang magkaibang mga bagay. Mahirap. Malay mo hindi pala ito para sa iyo. At inaagaw mo ang karapatan ng kapwa mo ng maging masaya dahil sa kahibangan mo.”

    bakit?takot k bang subukan ang mga opprtunidad sa buhay mo?papano u mlalaman kung para sayo o hinde ang oprtunidad kung tatanggihan u?

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on November 14th, 2008 12:25 pm:

    nope. hindi ako takot. ang sa akin lang, di dapat sunggab ng sunggab sa oportunidad.

    kung paano mo malalaman kung para sa iyo o hindi ang oportunidad, sundin ang payo ni damdam. :)

    [Reply]

  13. ron Says:

    haha! ano nga kaya kung sana BITOY ka? hahaha! yari ka! hehe! pero kung ako sa kalagayan mo id probably do the same thing… :)

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on November 13th, 2008 7:55 pm:

    shet. kung nasa bitoy nga ako, malamang hindi ko ni-blog ito. ha haha!

    [Reply]

  14. mang badoy Says:

    kingdadi ayus sa post ang ganda nito:

    “Hindi lahat ng oportunidad na dumadating sa buhay natin ay dapat nating sunggaban. Masarap ang magbigay. Nakakalason ang pagiging makasarili.”

    make sense sobra, dapat chossy ka sa lahat ng darating pero dapat mentally prepared at emotionally preapred ka sa mga darating na opportunity kasi hindi mo rin alam kung para sayo yun…kaya you better trust your instinct…

    mahusay! pakiss nga!

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on November 13th, 2008 7:56 pm:

    errr… yak!

    [Reply]

  15. Sharon Says:

    Malay mo hindi pala ito para sa iyo. At inaagaw mo ang karapatan ng kapwa mo ng maging masaya dahil sa kahibangan mo.

    –kay bigat. pero totoo naman. oo wag gahaman, hambog at makasarili.. kaya siguro ako pumapangit lately kasi ipinamamahagi ko ang kagandahan ko. HENIWAY. barya killer ako. kinakalog ko yung mga bag na di nagagamit, naghahanap ako ng mga barya para pamasahe nung college.

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on November 13th, 2008 7:58 pm:

    naimagine ko. ha haha. at natawa ako. ewan ko kung bakit. :)

    [Reply]

  16. popoy Says:

    ay nagaplay ka pala kahapon rbilogs. sa may glorietta ba yan?kasi may jabpeyr dun eh.

    oo nga lahat na lang tinanggihan mo.

    may mga pagkakataon at oportunidad din na darating buhay natin na itry naman nating igrab. try mo lang baka okey naman eh.lols

    piso? ako kapag nakakita ng piso ndi ko na din pinupulot. ano ba mayaman ako.lols

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on November 13th, 2008 7:57 pm:

    umattend ako ng debut popoy. at ang yabang mo!

    oops. joke lang. wag magtatampo.

    :D

    [Reply]

  17. siangelnawalangpakpak Says:

    funny. kasi kahapon lang ay may P50 peso bill akong nakita na nasa kalagitnaan lang ng daan, sa harap ng canteen. Dahil iniisip kong sosyalin naman ang mga tao doon, wala naman sigurong magmimind kung kukunin ko ito. Pero naisip ko, baka bumalik yung may-ari o di kaya mas kakailanganin niya yung P50 kaysa sa akin. So hindi ko na lang kinuha. Pagkatapos ng 15 minutes, pagdaan ko doon, wala na yung P50.

    Sana lang hindi yung mga mayayamang estudyante ng Ateneo ang kumuha ng P50 na yun.

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on December 4th, 2008 5:44 pm:

    sa colayco ba yan? he hehe.

    med student ka diba? may med ba sa ateneo? :)

    [Reply]

  18. joshmarie Says:

    Hindi lahat ng oportunidad na dumadating sa buhay natin ay dapat nating sunggaban. Masarap ang magbigay. Nakakalason ang pagiging makasarili. -TAMA-TAMA-TAMA. THERE ARE PEOPLE NA WALANG IBANG NASA ISIP KUNDI ANG SARILI LANG…

    napadaan po mula sa blog ni bosing ron turon. :)

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on December 4th, 2008 5:45 pm:

    hellow joshmarie. kumusta ka naman? buti ay dumaan ka. wag ka sana matisod.

    [Reply]

  19. Layla Says:

    nakokonsensya tuloy ako. kasi pag nakakakita ako ng piso sabay sunggab ko agad. haha

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on December 4th, 2008 5:46 pm:

    ayos lang yun. wag ka makonsensya. wag mo ako tularan, maarte! ha haha!

    [Reply]

  20. lei Says:

    pag ako nakakita ng piso dito magpapamisa ako. lol.
    miss ko na si jose rizal. naisip ko tuloy sana napagtripan kong dalin dati ung philippine peso dito.. e di naelibs pa ung mga alien dito. haha.
    anyway, ako naman kahit one dollar bill lang ung makita ko dito, aba! grab na agad! konting cents lang idagdag ko dun may pang frappuccino na ako. :)

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on December 4th, 2008 5:47 pm:

    waw. imported ka pala. eh di bestfriend mo na sina ninong benj at tito abraham. paki kumusta na lang ako sa kanila. okeys?

    [Reply]

  21. pokwang Says:

    panalo ang prinsipyo nyo mr. suave este kingdaderich….sana ang mga katulad mo ang nabibiyayaan ng magandang trabaho…Wish you good luck na lang

    [Reply]

  22. boni station Says:

    kung piso ang isang comment! may 35pesos kana! haha.
    ganda ng blog nagpapaalala lang na wala sa haba ng entry ang ikinagaganda ng isang post! kahit pa piso lang yan ! sobrang benta!!

    pautang ng dose!! (12pesos) wala nakong pangsakay sa MRT hehe


    bons sa boni station

    [Reply]

    mang badoy reply on November 26th, 2008 3:37 pm:

    ang korni mo mare

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on December 4th, 2008 5:48 pm:

    sana magkakilala tayo para naman napahiram kita ng kailangan mo.

    nadala kasi ako sa pambobola mo eh. ha haha!

    [Reply]

  23. taps Says:

    sayang ang piso, kukunin ko yun at ilalagay sa lata ng bantay bata… o di kaya pang bili ng kendi sa kalye. hehehe

    which is better? Yep korek… ipangbibili ko ng maxx kendi. Hehehe

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on December 4th, 2008 5:50 pm:

    yan ang gusto ko sayo. mapagkawanggawa ka. alam ko namang yung maxx na bibilhin mo eh idodonate mo sa bantay bata.

    akalain mo yun, double X pala ang maxx.

    [Reply]

  24. siangelnawalangpakpak Says:

    Maysa kung anong topak talaga ang pumasok sa isip ko. Tag po kita. Kaw na po bahala kung ano gagawin mo diyan =)

    Pasa ko lang kasi napag-utusan =)

    http://mahiyaintalagaako.wordpress.com/2008/11/15/kagatin-mo-ang-limonada-ko/

    Godbless!

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on December 4th, 2008 5:54 pm:

    teka. antagal na nito. pasensya na ah. sisikapin kong gawin yan. salamat sa pag alala sa akin. :D

    [Reply]

  25. sexymoi Says:

    akala ko bukas yung zipper mo kaya tinitingnan ka nung mga girls hahaha.

    Masarap ang magbigay. Nakakalason ang pagiging makasarili. Hindi mo pwedeng gawin ng sabay-sabay ang magkaibang mga bagay. —>> ouch! tinamaan ako. minsan kasi parang sobrang gahol ako sa oras gusto ko lahat gagawin or makuha ko ng minsanan. :(

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on December 4th, 2008 5:53 pm:

    depende sa sitwasyon. kaya kailangang magprioritize. yung pinakaimportante muna. may mga bagay naman na ginawa na pwedeng pagsabayin, kunwari, magbasa ng diyaryo habang nagkakape, o kaya magbasa ng diyaryo habang tuma…. nagyoyosi na lang.

    [Reply]

  26. axel Says:

    Wow!! Paskong pasko na pala ang header mo…

    Na-guilty naman ako sa post mo… Aku kasi kapag nakakita ng pera at wala namang tao na tingin kong nagmamay-ari ay kinukuha ko na…

    Pano ba masasabing hindi nga para sa iyo yun o para nga ba sa iyo ang mga pagkakataong dumaan??

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on December 4th, 2008 5:54 pm:

    merry xmas axel. pengeng piso.

    sa tanong mo naman, alam ni damdam ang sagot. he hehe.

    [Reply]

    axel reply on December 6th, 2008 12:27 pm:

    aku din pengeng piso…

    ahaha, alam ba ni damdam sagot??

    @Damdam >> anu nga ba ang sagot??

    [Reply]

  27. abou Says:

    wala na nga sigurong halaga ang piso ngayon at walang nag iinteres na kumuha. hay.

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on December 4th, 2008 5:55 pm:

    meron. nakakabili pa ako ng kendi sa piso. kaya pa.

    [Reply]

  28. jiMboy Says:

    haha! buti nga at iniwan mu nalang. Para sa iyo, hindi piso ang halaga ng dangal at kahihiyan haha. Yung mga badjao na sumasampa sa jeep, ginto na sa kanila ang piso mas kelangan siguru nila un. :D

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on December 4th, 2008 5:58 pm:

    dangal at kahihiyan? meron pa ba ako non? ha haha!

    kumusta ang mga badjao sa kalye? kumakanta pa rin ba sila? he hehe.

    [Reply]

  29. Yom Says:

    Kamusta? :) Ngayon lang uli nabuhay at napadaan. :)

    Sa hirap ng buhay ngayon, kahit mismo piso, papatusin mo na. Pero kung ako ‘yung nandoon, kinuha ko ‘yung piso–at ibibigay sa kung sinuman ‘yung sa palagay ko ay nangangailangan nun. Better idea, I guess. Kaysa makuha ng mga taong masyadong naghahngad. At least, mas sure na nakatulong. :)

    But on the deeper side, ang hirap kasi tingnan ‘yung mga opportunities na para ba sa’yo talaga o hindi. Every opportunities compel us to think. Pero kahit anupaman ‘yan, it still boils down in taking risks. Sabi nga nung professor ko sa Econ, risks means opportunities. :) Bwisit. Mababa nga pala grades ko sa Econ. :))

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on December 4th, 2008 5:57 pm:

    maniniwala na sana ako eh. alangya. biglang hirit ka na mababa ang grade sa Econ.

    nice insight though. :D

    [Reply]

  30. kirk Says:

    biruin mo, nagawan mo ng kwento yun. piso rin ang dahilan kung bakit ako naglakad pauwi minsan. kulang ng piso ang pamasahe ko, sana pala ako na lang ang nakapulot ng nakita mo.

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on December 4th, 2008 5:59 pm:

    dumadaan ka ba sa megamall? he hehe.

    [Reply]

    kirk reply on December 4th, 2008 10:08 pm:

    ano namang gagawin ko dun eh sa makati at maynila lang umiikot ang buhay ko.LOLs

    [Reply]

  31. Blogger Says:

    Hi! We are currently doing a study on blogging and would like to invite you to fill out a survey that we have prepared regarding this topic. This will only take 5-10 minutes of your time. 

    [Reply]

  32. glesy the great Says:

    akalain mo yun piso pala ang manghahatak sakin sa blog mo… first time kong papasok dito.. pero feeling ko gusto ko dito..

    ahahaha.. naparanoid ka? actually ako rin di ko pinupulot yung mga barya na nakikita ko kahit mukhang pera ako….. mas marami pang nangangailangan yan… cheers;p

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on December 4th, 2008 6:00 pm:

    sabi nga nila, masarap ang first time. tipong hahanap-hanapin.

    welkam dito.

    [Reply]

  33. glesy the great Says:

    add nga pala kita sa blogroll ko ha… ahehehe

    http://anakngpiso.wordpress.com/

    [Reply]

  34. spongebabe Says:

    hmm…

    kaya ka ba laging nakakakita ng mga piso-piso sa kung saan-saan ay dahil sa mukhang pera ka?

    hehehe. jokeness lang.

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on December 4th, 2008 6:00 pm:

    ikaw mukhang redtube. har harhar!

    [Reply]

  35. GODDESS Says:

    may kurot sa puso yung last part.

    siguro papasok din dito yung concept ng pagiging gahaman. yung alam na niyang meron na sya, gusto pa niyang kumamkam ng higit pa. makikipag agawan pa dun sa kakarampot na pwede pa sanang paghatian ng ibang less fortunate.

    daming companies dito nagle-lay-off ngayon. baket? karamihan sinasabi na wala ng ipapasweldo sa mang-gagawa. pero ang totoo, ayaw ng mga kumpanyang mabawasan ang profits nila. kung sana matuto silang ibahagi kung anong meron sila, kung sana matutunan nilang maghigpit medyo ng sinturon, eh di sana, hindi nila kailangang mag-lay off ng mga empleyado. pero ang nangyayari, ayaw nilang bawasan yung kikitain nila - GAHAMAN.

    [Reply]

  36. ate honey Says:

    padaan.. ang saya nung entry… swabe na swabe pero tinamaan ako sa

    “… Malay mo hindi pala ito para sa iyo. At inaagaw mo ang karapatan ng kapwa mo ng maging masaya dahil sa kahibangan mo.”

    na enlighten tuloy ako… pwede exhange links?

    [Reply]

    ate honey reply on December 1st, 2008 2:39 pm:

    honga pala parang wala ako nakita links

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on December 4th, 2008 6:02 pm:

    salamat sa pagdaan. at salamat sa pag link sa akin. at oo wala akong links dito. he hehe.

    [Reply]

  37. alas Says:

    Sa halos buong gabi kong paghahanap ng mababasa, eto lang ang masasabi kong may kwenta.

    Sana mabasa to ng mga taong nag-aapply sa ina-applyan ko. hahaha!

    Salamat at hindi nasayang ang pagpupuyat ko sa gabing ito. lols.

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on December 18th, 2008 6:28 am:

    nako. tats naman ako. :)

    [Reply]

  38. JOANNE Says:

    ang galing. piso. hay. buti sana pulutin nung maglilinis nung table.
    ang galing mo mag blog, naiinspire mo ako. hahaha. gawa ka libro!

    -bago mong fan.

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on December 18th, 2008 10:59 pm:

    nako salamat! ipinapanalangin ko rin na sana magkalibro ako.

    balik ka. :)

    [Reply]

  39. JOANNE Says:

    hmm, ano kaya title? :D

    [Reply]

Leave a Reply