This Blog Is Rated
Ola!
Bago ang lahat ay gusto kong magpaumanhin sa aking ilang linggo na walang babalang pagkawala. Kinailangan ko lang ayusin ang aking mapa para naman masabi kong may direksyon ang buhay ko nang hindi maligaw at malihis ng landas. Sa kabutihang palad, hanggang ngayon hindi pa rin ako tapos. At aking napagtanto na moderno na pala ang mundong ginagawalawan ko ngayon. Tenkyu Google Earth.
Gayunpaman, nagpapasalamat ako sa mga hindi nagsawang sumilip at mangumusta dito. Nang dahil sa inyo, hindi nabobokya ang hits ko. Hindi man ako yumayaman sa bawat pagdalaw niyo sa akin ngunit pinatataba niyo naman ang puso ko dahil alam kong nandiyan lang kayo, naghihintay na holdapin ko. Salamat din sa mga nagtanong at nawa’y naging matiwasay ang inyong pamumuhay sa mga binitawan kong kasagutan sa mga bumabagabag sa inyong isipan.
May maikli lang naman akong ibabahagi sa pagkakataong ito.
Hindi ako sigurado kung paano nagsimula ang pagbo-blog sa Pilipinas ngunit alam naman nating lahat kung gaano na kalayo ang narating ng mga Pilipino nang dahil dito. Isa itong mabisang paraan kung nais mong ibahagi at makinig ang mundo sa mga saloobin mo . Ngunit kaakibat nito ay ang mabigat na responsibilidad sa bawat tiklado ng mga titik na manggagaling sa’yo.
May ilan na nagkaroon ng ibang bahagi ng buhay nila nang dahil sa pagbo-blog. Ang iba ay dito nakatagpo ng mga bagong kakilala, kaibigan, kabarkada, kasa-kasama sa mga pagtitipon, sosyalan at gimikan. Marami na rin ang gumagamit ng blogging bilang isang kumikitang kabuhayan. May nagiging tanyag pa nga ng dahil dito. At may iilan naman na para sa personal na dahilan lamang.
Kung ako ang tatanungin, isang malaking bahagi na ng pagkatao ko ang maging isang blogista. Marami akong bagay na naiisip at maraming nais sabihin. At epektibo ang lugar kong ito sa blogosperyo para ilahad ang lahat ng mga ito. Masaya ako sa bawat tugon na natatanggap ko, sang-ayon man o taliwas sa mga pinaniniwalaan ko. Ang mahalaga, pare-pareho tayong natututo.
Lubos kong ring ikinagagalak ang mga simpleng pagkilala at papuri na natatanggap ko.
For the people in ABS-CBN specifically of Rated K, I would like to express my deepest gratitude for considering this blog to be featured in your program. Too bad I ain’t a camera person and just too shy to see myself on TV.
To Mr. Hanz, thank you for being so patient and persistent enough. I apologize if I made you wait too long yet I declined at the end of the day. That offer is a big surprise for me and it’s not that kind of opportunity every blogger can have. That’s why we need to really think about it. It’s a mutual decision by the way. We just have some identity to protect.
To Mr. Joseph, thank you so much. You just have given me one of a good hell experience. He hehe. Up to this time I still can’t believe that I got to have that kind of offer. Well maybe next time things will work out right.
To Ms. Korina Sanchez, I will watch this Sunday’s episode. Promise!
Nandito na ulit ako.



November 6th, 2008 at 3:51 am
KingDaddyRich on TV.
Declined the offer.
Beat that!
[Reply]
kingdaddyrich reply on November 7th, 2008 1:36 am:
lumipas na ang holloween pero naalala ko si michael jackson sa comment na ito. he hehe.
[Reply]
November 6th, 2008 at 3:57 am
WOW!
[Reply]
November 6th, 2008 at 4:16 am
may sikat na akong friend!!! whoohooo!!! gaya nga ng sabi ko sa plurk, ikaw lang ang john lloyd cruz ng buhay ko… tara sundance tayo! forever ever ever…
congrats ulit!
[Reply]
kingdaddyrich reply on November 7th, 2008 1:37 am:
nako wala yan. simpleng invitation lang naman. nagkataon lang siguro. he hehe. salamat…
at
ingat!
[Reply]
November 6th, 2008 at 4:37 am
[…] you know what? He decided to decline. If you’re no him, i bet you’re going gaga for the […]
November 6th, 2008 at 5:07 am
huwaaaaaw.
[Reply]
November 6th, 2008 at 5:22 am
“Kung ako ang tatanungin, isang malaking bahagi na ng pagkatao ko ang maging isang blogista. Marami akong bagay na naiisip at maraming nais sabihin. At epektibo ang lugar kong ito sa blogosperyo para ilahad ang lahat ng mga ito.”
Sang ayon ako sa’yo kabayan. So far, malaki na ang naitulong ng pagba-blog sa buhay ko. Madami akong nakikilala, madaming natututunan at madaming naibabahagi sa mundo.
Mabuhay ka!
[Reply]
kingdaddyrich reply on November 7th, 2008 1:44 am:
mabuhay ka rin kabayang Samjuan!
sana talaga ay mapagyaman pa natin ang mga positibong epekto ng pagbo-blog sa atin at maibahagi natin ito sa ibang tao sa kahit ano pa mang paraan.
[Reply]
November 6th, 2008 at 6:23 am
Sosyalin. Sino na ‘yung ipi-feature nila kung hindi na ikaw?
[Reply]
Leyn reply on November 6th, 2008 6:53 am:
tinuro ka nga namin alex e, kaso andyan ka. sayang tuloy. haha.
[Reply]
lyzius reply on November 6th, 2008 12:43 pm:
sus! sayang yun lex..lika pabook tayo…ako yung taga punas mo ng pawis habang me interview ka..makita lang sa teevee…
[Reply]
Leyn reply on November 6th, 2008 10:23 pm:
dyos ko, naiimagine kita jing, kumakaway ka pa sa likod. lol.
[Reply]
lyzius reply on November 7th, 2008 2:46 pm:
ahaha…me dalang plakard…”i lab u inay!!! nasa tv na ako”
nyahahahaha
[Reply]
kingdaddyrich reply on November 9th, 2008 2:58 am:
tapos si alex molina seryoso habang ini-interview. tapos may surprise guest na darating. bwaha haha!!!
[Reply]
lyzius reply on November 9th, 2008 10:35 pm:
tas magkakantahan sila sa beach na me mga maraming maraming ekstra at me dance number pa…
shet hindi na maawat ang kasikatan ni alex molina aka “the gasoline dude’s life”
ahhmmm, teka… di ba blog ni KDR ito? bakit si alex molina ang bida????
[Reply]
Leyn reply on November 10th, 2008 10:55 pm:
kawawa nanaman si alex satin,
walang kamuwang muwang.
lol!
[Reply]
November 6th, 2008 at 9:36 am
huwaw naman kdr. tinanggihan mo ang abs-cbn. di ako makapaniwala. wala ba bayad yun?
[Reply]
kingdaddyrich reply on November 7th, 2008 1:46 am:
ahhmm di ko alam sir. pero may bayad man yun o wala, it doesn’t matter. mahiyain lang talaga ako. he hehe.
[Reply]
November 6th, 2008 at 10:01 am
rbilog. naiintindihan kita sa naging desisyon mo. kahit nga sa mga pagtitipon ay nakamaskara ka pa. nakita ko yung pic mo na may maskara at napakaanonimus mo sobra. hahaha. pero sabi nga ni leyn, may mga dapat na pangalagaan tulad ng identity at pagkatao.
sana sa susunod na may dumating na pagkakataong ganito ay hindi mo na tanggihan. lakas loob mo nang tatanggapin ang hamon at ipagmamalaki ang iyong pagiging blogista, na ginagawa mo naman ngayon pero may mga dpat ka lang talagang isaalang alang. papanuorin ko din ang rated k sa linggo, at ipagyayabang ko sa mga kasama ko sa bahay na dpat ay isang kaibigan ko ang ifefeature dyan kaso HINDI MAAROK ANG TALENT FEE kaya hindi pumayag. lolz. biro lang.
we’re so proud of you rbilog!!!!
mabuhay ka!
P.S.
ah sana nirecommend mo ako para mainterview.lols
[Reply]
kingdaddyrich reply on November 7th, 2008 1:48 am:
ha haha. kaw naman. pero di pa rin ako makagetover. siyempre iba ang feeling diba. lalo kapag ikaw na mismo ang nasa ganong sitwasyon. pero salamat sa suporta mo.
ihanda na ang mga plaka at banner, ikaw na ang presidente ng pans klab ko. ha ahha!
[Reply]
November 6th, 2008 at 11:33 am
waaaaaaa! ang lupit mo talaga! i would’ve been nice to see you on tv, mate
i adore the modesty
keep it up…
peace out!
[Reply]
kingdaddyrich reply on November 7th, 2008 1:48 am:
salamats ron!
[Reply]
November 6th, 2008 at 11:36 am
Ilang burger daw ba ang katumbas nung pagkakafeature mo? Ahahay! Sa susunod na magkikita tayo, hindi lang papicture ang gagawin ko, pa-autograph na din. Sa cheeks. Ng pwet. Ahihi.
Apir tayo dyan KDR.
KILALA KO TO SA PERSONAL!!! Wahahahaha.
[Reply]
lyzius reply on November 6th, 2008 12:44 pm:
buti na lang napichuran ko si rb nung uwi ko nung june..pra kung magdecide na sya, at least sasabihin ko na nakarubbing elbows ko na yan…
naks naman!
taartits na!
[Reply]
kingdaddyrich reply on November 7th, 2008 1:52 am:
di lang naka rubbing elbows, nalibre mo pa ako ng lapid’s barbecue at mamahaling kape.
[Reply]
lyzius reply on November 7th, 2008 2:48 pm:
bwahahaha…
ang mamahaling kape na hindi ko alam kung paano iinumin para magmukhang sosyalin! sos ang hirap maging dukha..hindi man lang makapamuhay sa marangyang buhay…
bwahahahahaha
[Reply]
M reply on November 10th, 2008 5:27 pm:
Lapid’s ba o Reyes? Reyes ata.
[Reply]
kingdaddyrich reply on November 13th, 2008 5:25 pm:
Reyes nga ata. bakit ba tayo napunta sa Lapid’s.
[Reply]
November 6th, 2008 at 12:00 pm
astig!
ibang level na pla tong si kdr.
pero saludo ko sa choice mo.
tama si leyn, baka ung iba e nagkandarapa na sa ganyan.
iba pa rin ang may pinoprotektahan!
dahil jan penge ng autograph!
hehe
nga pala, welcomeback!
[Reply]
kingdaddyrich reply on November 7th, 2008 1:52 am:
enge muna tuta!
[Reply]
November 6th, 2008 at 12:44 pm
huwaw! welkam bak sayo! isa pang gud news ang dala sa yong pagbabalik. ahehe. lumelebel-up ka talaga parekoy! woohoo! kung ano man ang naging desisyon mo, nirerespeto namin yun. may kanya-kanyang trip talaga tayong mga blogista. protecting your anonymity is one acceptable reason to refuse a good offer (kung yun nga ang dahilan). cheers!
[Reply]
kingdaddyrich reply on November 7th, 2008 1:54 am:
not just about anonymity, nahihiya lang talaga ako sa TV! ha haha!
isa pa, pakalat-kalat kaya ako sa divisoria!
[Reply]
beero reply on November 7th, 2008 5:50 pm:
pareho pala tayong camera shy. ahehe. kaya pag may production kami nung college usually ako na lang gumagawa ng script di kaya eh cameraman kasi ayokong humarap sa (bidyo) camera. hehe.
[Reply]
kingdaddyrich reply on November 9th, 2008 3:08 am:
iba naman sa akin, di pwedeng indi ako aarte. at laging tatay ang role ko.
[Reply]
November 6th, 2008 at 1:09 pm
alam mo bang pangarap namin ni komski na mafeature sa rated K. hahaha.
astig, tikas mo talaga.. kaso, oo nga, sino nang ifea-feature?!
uulitin ko lang ung sabi ni Leyn, BEAT THAT! ^_^
[Reply]
kingdaddyrich reply on November 9th, 2008 3:47 am:
iniba na raw eh. he hehe.
[Reply]
November 6th, 2008 at 1:54 pm
syet, pareng bossing idol, kilala mo pa rin ba ang mga hamak na blogistang tulad ko??
huwaw!!! grabe mga sikat ang mga prends ko!!! si KDR! si M! si FB! si GP! at marami pang iba…
[Reply]
kingdaddyrich reply on November 9th, 2008 3:49 am:
aba siyempre naman!
[Reply]
November 6th, 2008 at 5:21 pm
gasul! umuwi ka na ng pinas at nang ikaw na ang pumalit! ahahaha!
astig pala at inofferan ka pa ng Rated K. siguro kung si mark logan yun o si kay-susan-tayo eh hindi mo tatanggihan. hahaha! biro lang. =D
[Reply]
November 6th, 2008 at 7:44 pm
K ka na ba?
K na K!!
ay.. maling show. oi ang galing naman non. yan, tama yan. hambol tayo eh.
[Reply]
November 6th, 2008 at 10:21 pm
huwaw! astig mo talaga kdr!
sana pumayag ka tapos request ko na habang interview ka e wag ipakita yong muka mo. parang yung sa mga ginagawang interview sa mga witness na ayaw ipakita ang muka . hehe.
pero saludo ako sa desisyon mo. yan talaga ang matatawag na prinsipiyo.
apir!
[Reply]
kingdaddyrich reply on November 9th, 2008 3:53 am:
ginagawa rin yan sa mga nare-rape. magparape kaya muna ako ano?
[Reply]
November 6th, 2008 at 10:40 pm
Okay lang yan.
Kapag nakita kita, magpapa-autograph ako sa pagitan ng hita ko.
KDR was here.
Ok lang ba?
[Reply]
kingdaddyrich reply on November 7th, 2008 1:57 am:
ok lang. pero gagamit ako ng paet at martilyo at iuukit ko ang pirma ko. game?
[Reply]
November 7th, 2008 at 1:10 am
aba’y ibang level ito!
ang galing galing naman! at ilang mamamayan lang ang may kakayahang gumawa ng ginawa mo — tinaggihan mo ang isa sa pinaka malaking network sa pinas. siguro gusto mo kapuso? hehehe, joke lang!
wag ka magkakalimot kahit sikat ka na!
[Reply]
The Gasoline Dude reply on November 7th, 2008 9:33 pm:
Naunahan ako ni Crazz. Naisip ko din ‘yun. Hindi kaya Kapuso ka KDR kaya hindi mo tinanggap? Kung si Mel Tiangco ng Mel & Joey (Ch7) o si Gerry Geronimo ng Ating Alamin (Ch4) ang nag-alok? *LOLz*
[Reply]
kingdaddyrich reply on November 9th, 2008 3:24 am:
ang totoo, ka-KOSA talaga ako. so far wala pa namang offer ang GMA.
[Reply]
November 7th, 2008 at 1:45 am
and that’s what i call “clear set of values”… hats off to you daddyrich… as i bow down to your modesty…
maybe next time, the station and program will be graced by your presence on camera… in a different light… hmmm… mga blogistang hinahabol habol ng media perhaps? hehehe!
yeah, leyn capped it in two words… BEAT THAT!!! HEHEHE!
P.S.
i think they’re airing something else… individuals who pawned their mobile number over radiowaves and found ‘true’ love (as they claim… hehehe!)… at least, it’s what i heard.
P.S.S.
hala ka… malamang sa malamang… sinusubaybayan na ng istasyon ang blog mo… hehehe!
[Reply]
kingdaddyrich reply on November 9th, 2008 3:31 am:
ha haha! kaw kasi.
pero salamat talaga. speechless pa rin ako. ang totoo, nagi-imagine na nga ako kung ano mga pwedeng mangyari kung natuloy. ha haha! sana sa susunod may ganito ulit pero iba naman. yun tipong pwede akong magtago. kahit itong blog ko na lang, wag na ako. lol.
salamat ulit!
[Reply]
November 7th, 2008 at 3:03 am
Asteeg.
[Reply]
kingdaddyrich reply on November 9th, 2008 3:55 am:
oi! teegas!
[Reply]
November 7th, 2008 at 1:19 pm
Kakaiba ka talaga bossing… Bakit mo sila tinanggihan???
Ako ba tatanggihan mo kapag inalok kita?? hehehe…
[Reply]
kingdaddyrich reply on November 9th, 2008 3:34 am:
depende… *kindat*
[Reply]
November 7th, 2008 at 1:43 pm
Dapat pumayag ka pa rin bossing pero gayahin mo yung mga witnesses ng mga krimen na walang ilaw para anonymous ka pa rin… hehehe…
[Reply]
lyzius reply on November 7th, 2008 2:49 pm:
ahahaha…
yung parang pag iniinterbyu yung mga na-rape, o me sakit na AIDS o kaya yung mga..basta yung mga nilalang na pixelated ang mukha na kapag sinilip mo sa ilalim ng puting t-shirt eh makikita mo rin ang mukha..
oi trivia yun, try nyo trulalu yun…
[Reply]
axel reply on November 7th, 2008 11:40 pm:
Ahahaha, ganun ba?? na-try mo na ba yun??
[Reply]
kingdaddyrich reply on November 9th, 2008 3:38 am:
mag-aabang ako sa imbestigador nang masubukan. bwaha haha!
[Reply]
lyzius reply on November 9th, 2008 10:39 pm:
oo nasubukan ko na yun..kaya yung ibang show hindi na pixelated view ang ginagawa kasi me teknik na para makita ang true identity,,,
[Reply]
November 7th, 2008 at 2:12 pm
seryoso? dapat umoo ka.. e di sana mapapanood ka na namin! ayos! galing galing!
http://fjordz-hiraya.blogspot.com
[Reply]
kingdaddyrich reply on November 9th, 2008 4:00 am:
yep. seryoso!
[Reply]
November 7th, 2008 at 7:46 pm
Pasensya na, pero ang laking bagay sa akin pag binibisita mo ang blog ko. FANATIC? Ü Makikinood na rin ako ng Balitang K sa sabado, o kung ano man yun basta ung kay Ms. Korina!
Goodluck and keep blogging
[Reply]
November 8th, 2008 at 6:01 am
Congrats RB!napacomment tuloy ako. Ang taray.
[Reply]
kingdaddyrich reply on November 9th, 2008 4:06 am:
salamat amigo!
[Reply]
November 8th, 2008 at 10:42 am
wow, sos-yal ka talaga.
ang galing-galing naman.
kung nagkataon pala, makikita na namin kung sino ka.
im so proud of you, idol.
[Reply]
November 8th, 2008 at 11:51 am
uy. ang galing naman. sayang kung lumabas ka sana nakita ka namin sa TFC. (syetness, la nga pala kaming TFC) sTiiiigggg! ang daming magagaling na pinoy bloggers dito.
-napadaan pero babalik at babalik rin.
[Reply]
November 8th, 2008 at 11:16 pm
ang galing mo kdr!!
sana makita kita someday.. =)
[Reply]
November 9th, 2008 at 6:38 am
weow!! social level… tumanggi hehe… anyway, you deserve it naman eh. feeling ko kahit sino hindi mabobore sa blog mo at merong matutunang something kahit comedy ang entry mo.
keep it up sir… sahre your talent!!
[Reply]
November 9th, 2008 at 6:38 am
ahaha sorry naman wrong spelling… i meant share :p
[Reply]
November 9th, 2008 at 10:13 am
PANALO!!! Isa kang tunay na MAMAMAYANG PILIPINO!!!
Tatlong MAIINGAY NA PALAK-PAK PARA SA IYO KDR!!
Nagpupugay,
BUGHAW NA BERDENG KUTONG HINIRANG
[Reply]
November 9th, 2008 at 6:19 pm
Syempre makikicomment din ako. HAHAHA. :p Congrats KDR, bonggang bongga ang iyong pagkahirang bilang isa sa mga dapat mainterbyu sa TV.
Baka pati si Obama tanggihan mo ha!
[Reply]
November 9th, 2008 at 7:22 pm
sa GMA u mgpainterview kc yan lng npapanuod q d2 hehe..san u jan sa pinas?punta u sa ibabaw ng bubong nyo now na..kc gngamit q now google earth hehe..
[Reply]
November 9th, 2008 at 7:25 pm
sayang naman…di sana nakita ka na namin sa tv
[Reply]
November 10th, 2008 at 5:03 pm
Panalo! We’re proud of you Bro! Kung sino ka man, isa kang inspirasyon!
[Reply]
November 11th, 2008 at 1:09 am
wow, blogging celeb na!
hehehe. congrats, kdr! i will also be watching the rated k ep to see. 
[Reply]
November 17th, 2008 at 6:35 pm
Whew! Tapos na pagiging lurker ko s blog mo, at last nakapag comment din ako, yahooooooooooooooo!!! Astig ni KDR, weeeeeee…. sikat… Buti di lumaki ulo mo, pero bka ibang ulo ang lumaki sayo ha? jowk (LOL)
[Reply]
December 2nd, 2008 at 6:57 pm
pahabol….. congrats!!
[Reply]
December 3rd, 2008 at 8:44 pm
gagagagarabeeeeeeeeeh.. nautot ako sa nabasa ko….. ang haba ng hair mo kindaddyrich ha, hanggang dito naaapakan ko… cheers-glesy the great
[Reply]