Pwedeng Magtanong?

October 16, 2008 - 12:37 am

Kung mapapansin, madalang akong magpost ng blog entry na may kinalaman sa aking personal na buhay. Kadalasan, ang mga sinusulat ko ay ukol sa mga bagay at tao sa paligid ko, obserbasyon, opinyon, kuro-kuro, na walang direktang kinalaman sa akin ngunit kahit paano ay may bahagyang epekto sa pagka-tao ko. Tama ang nabasa mo, tao nga ako.

Kung ang isang robot nga ay  nasisira, may mga panahon din sa buhay ng isang tao na nasisiraan siya. Sa kung ano mang aspeto ay marami. At di ko na responsibilidad na isa-isahin pa ang mga ito dahil alam kong minsan sa buhay mo ay nasiraan ka ng ulo at ginawa ang pinakawalang-saysay na bagay sa mundo, nasiraan ng loob dahil sa mga bagay na sadyang hindi mo mapipigilan at siniraan ng kapwa dahil sa sobrang inggit at hindi matanggap ang isang maliwanag na katotohanan.

Hindi ko inisa-isa, nagbigay lang ako ng halimbawa. At hindi rin ako nasisiraan sa gagawin kong ito dahil gusto ko lang mapatunayan na tulad niyo ay tao rin ako.


kinulang lang sa vitamins

Naisip ko lang kasi na baka may mga katanungan na bumabagabag sa inyo na gusto niyong ibulalas at ipagsigawan.  Mapa-tungkol sa akin man yan o hindi ay aking sasagutin ng buong puso at walang malisya. Kahit tungkol saan, ano, kailan, bakit at paano. Kahit pa ang pinakawalang-kwentang bagay na naisip mo ay bibigyan natin ng kwenta basta may katumbas na kasagutan. At garantiya ko na aking pag-iisipan at sasagutin ang iyong katanungan sa pinakaseryoso, pinakatotoo, at pinaka-bibong paraan na alam ko.

Halimbawa:

KDR, paano ka matulog? nakatihaya? nakatagilid? o nakadapa?
Noong bata ako, malikot raw ako at nakikipag-away pag tulog, nananapak, naninipa at minsan nandudura (wag ikaila na tulo laway ka rin noong bata). Naranasan ko na ring makarating sa first floor galing sa second floor ng bahay na hindi gumagamit ng hagdan dahil sa kalikutan ko. Tama! Nalaglag na ako sa hagdan habang natutulog. Buti na lang at hindi na iyon naulit at mula noon kahit anong pwesto ko pa sa pagtulog, nakatihaya, nakatagilid o nakadapa, isa lang ang sinisigurado ko…na nakapikit ako kapag natutulog.

What is your motto in life?
Whatever yaya, you’re such a loser.

Bakit pula ang tawag sa dilaw ng itlog?
Isipin mo na lang ang mga walang kamalay-malay na nilalang na nanggagaling sa itlog at ano ang mangyayari kapag pinaslang mo sila para ulamin. Subukan mo ring bigkasin ang tulang “roses are red, violets are blue.” At ano sa palagay ang mangyayari kapag nasobrahan ka sa kamot.

Madalang na ang libre sa mundo kaya lubus-lubosin mo na. O ano? Game!

121 Responses to “Pwedeng Magtanong?”

  1. Leyn Says:

    KingDaddyRich, what is your most embarrassing moment?

    (tangina antagal ko nag-isip, eto lang natanong ko!)

    [Reply]

    lethalverses reply on October 16th, 2008 1:02 am:

    oo nga leyn, sige hihintayin ko ang sagot ni KDR diyan…

    napapahiya pa ba ang isang institusyong gaya ng isang KDR?

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on October 27th, 2008 10:29 pm:

    feeling ko talaga napahiya ako sa karanasan kong iyan. wala naman silang nakuha sa akin (maliban sa puri ko dahil kung saan saang parte ng katawan ko lumanding ang kamay ng mga balahurang gwardiya). ang masaklap dun, paglabas ko ng automatic center, may babae kaming nakasalubong sabay turo sa akin at sabing… “ay siya yung nandun diba?”

    grr… di ko alam kung anong dapat kong maging reaksyon ng mga panahong yun!

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on October 27th, 2008 10:21 pm:

    parang slum book lang ah…

    most embarassing moment ko? ahmm… sa mga kahiya-hiyang bagay nagawa ko sa buhay ko, ang isang ito lang talaga ang hindi ko makakalimutan.

    nasa automatic center ako non kasama ko ang tiyahin ko at tumingin tingin lang. noong papalabas na kami, akalain mo bang tumunog yung detector nila sa may entrance. eh di todo harang naman ang mga gwardiya at kapa sa buong katawan ko. wala naman silang makikita no! sos! di naman ako ganun ka desperado. sobrang daming tao pa man din ng mga panahong yun at alam mo naman ang mga usisero. nag box office tuloy yung automatic center at feeling ko artista ako dahil pinagkakaguluhan ako ng tao. ganon pala ang feeling pag pinagkakaguluhan nila, nakakakaba. lalo kung pinagkakamalan kang shoplifter. sos yan.

    [Reply]

    b@kekang reply on October 29th, 2008 2:38 pm:

    eh ba’t nga tumunog yung detector?saang parte ng katawan itinapat ng tumunog?

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on October 29th, 2008 3:32 pm:

    hindi yung hand held detector ang gamit nila. yun bang nakatambay sa entrance? ganun. so buong katawan ko ang nadedetect niya.

    [Reply]

    b@kekang reply on October 30th, 2008 4:07 pm:

    ahh..pero anu nga yung tumunog n yun?

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on November 7th, 2008 12:19 am:

    wala silang nakita. too bad. di nila kinapa ang butas ng pwet ko. tsk tsk.

    [Reply]

  2. lethalverses Says:

    bossing, matagal ko nang katanungan ito, pero di ko pa din nasasagot…

    ANO ANG TAWAG SA FRESH LUMPIA KUNG BULOK NA ITO?

    [Reply]

    Leyn reply on October 16th, 2008 1:03 am:

    LOL putangina na tawa ako. HAHAHA.

    [Reply]

    lethalverses reply on October 16th, 2008 1:11 am:

    hahaha ginawa nating chatbox itong comment…

    alangan naman kasi kung sasabihing “BULOK NA FRESH LUMPIA…”

    hmmm… hintayin natin ang kasagutan ni bossing..

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on October 28th, 2008 12:41 am:

    una sa lahat, nais kong magpaumanhin dahil nakapangako ako sa iyo na sasagutin ko agad ang tanong na ito ngunit sa kabila ng lahat ay hinuli ko pa. isipin mo na lang na tulad ng isa kang FRESH LUMPIA ay ispesyal ka at nais kitang huling kainin dahil sapagkat nais kong maiwan ang iyong lasa sa aking dila.

    ngayon, nanaisin mo bang mabulok? hindi diba? dahil isa lang ang tawag sa isang nabubulok na lumpia.

    clue: nagsisimula sa letter C

    [Reply]

  3. vhonne Says:

    ako po ay mayroong katanungan…

    pwede po ba akong mag SNACK kung COFFEE BREAK?

    at magkakamag-anak po ba sina Gary V., Michael V., Ate Vi., Jollibee at si Voltes V?

    sana po ay bigyan-tugon niyo ang aking katanungan… salamat po…

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on October 27th, 2008 10:49 pm:

    tanong: pwede po ba akong mag SNACK kung COFFEE BREAK?
    sagot: hindi. pero kung trip mo hindi kita pipigilan.

    tanong: at magkakamag-anak po ba sina Gary V., Michael V., Ate Vi., Jollibee at si Voltes V?
    sagot: hallerr?! mukha ba silang magkakamag-anak? una, si voltes 5. paano kaya siya iniri ng magulang niya. si Jollibee, kung magkamag-anak man sila malamang ampon itong isang ito (B at V, magkaiba). sina michael v, gary v, at ate v pwede pa siguro dahil galing sila sa isang industriya… pero di pa rin dahil ang v ni ate v ay pangalan niya (Vilma) samantalang sina gary v at michael v ay apelyido. si v ni gary v ay Valenciano samantalang ang kay michael V ay VITOY! gets? VITOY VITOY VITOY!

    trivia: ang totoong pangalan ni michael v ay Beethoven del Valle Bunagan

    salamat sa pagtatanong. kung may kung ano pang bumabagabag sa isip mo, malaya kang magtanong dito. hanggang sa muli. :D

    [Reply]

    vhonne reply on October 27th, 2008 11:12 pm:

    aha… un pala real name nya.. ang alam ko kc dati.. Beethoven Bunagan… may del Valle pa pala… hehehe…

    salamat po sa kasagutan…

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on October 28th, 2008 12:45 am:

    anytime! it’s liver lover, buooooyyy!!!

    [Reply]

  4. luisbatchoy Says:

    kdr me tanong ako sa yo

    ba’t pa ba tayo nagtatanong kung pwedeng magtanong, eh di ba, tanong na rin yun?

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on October 27th, 2008 10:56 pm:

    ahh.. oo nga. pero kasi, malay mo hindi pwedeng magtanong diba? so mas maganda na rin kung itatanong kung pwedeng magtanong at least alam mo na hindi ka mapapahiya.

    parang ano lang yan eh, it’s better to give than to receive.

    pero walang kinalaman yan sa sagot ko. share ko lang. :D

    [Reply]

  5. The Gasoline Dude Says:

    KDR, pwedeng magtanong?

    BAKIT PO SA BLOG NIYO KAPAG TINAPAT KO PO ANG CURSOR SA PANGALAN PO NI LEYN PO, NAKALAGAY PO “I LABS YU” PO? MAG-ANO PO BA TALAGA KAYO NI LEYN PO? NANLILIGAW PO BA KAYO KAY LEYN PO? O MAG BOYPLEN-GELPLEN NA PO KAYO NI LEYN PO?

    Pakisagot naman po. *LOLz*

    [Reply]

    Myk2ts reply on October 16th, 2008 9:15 am:

    maayos at magalang ang pagkakatanong… kdr, pakisagot :)

    [Reply]

    lyzius reply on October 16th, 2008 12:40 pm:

    talagang hinanap ko lahat ng me pangalan ni leyn kung alin dun ang may ilabyu… at dun pala sa bandang kanan yun…

    natanong ko na ata yan ke gasul nung araw…

    sana ay masagot na rin yan…

    po

    [Reply]

    samieboi reply on October 16th, 2008 9:59 pm:

    eto din tanong ko… gaya gaya? hhahah!!

    [Reply]

    Leyn reply on October 17th, 2008 10:54 am:

    wag nyo nga ako pag usapan. sumisikat na ko. napaka low profile ko pa naman. haha.

    makakabawi rin ako sayo alex!!!

    [Reply]

    ayz reply on October 23rd, 2008 4:07 pm:

    ako rin.. matagal ko nang tanong yan..

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on October 27th, 2008 11:10 pm:

    alam mo ALEX MOLINA aka GARDO VERZOSA, isa ka sa mga kaibigan ko dito sa blogosperyo at sangkatutak ang respeto ko sayo. ayaw man kita ipahiya o ano pa man, mabuting ikaw na mismo ang tumingin.

    bakit di mo subukan ngayon tignan ang link kung ano talaga ang nakalagay?

    hmmm….

    so nasagot ko na ang katanungan mo? ok. salamat!

    [Reply]

    The Gasoline Dude reply on October 27th, 2008 11:22 pm:

    Waaahhh! Binago mo!!! >= C

    Sorry Don Romantiko, pero hindi mo nasagot ang tanong namin. *LOLz*

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on October 28th, 2008 12:47 am:

    wala akong binabago. at gusto mo bang i paste ko dito ang napakalaswa mong sinabi sa akin kanina, ha?

    [Reply]

    samieboi reply on October 29th, 2008 3:39 pm:

    nabago :| hahah!

    [Reply]

    Leyn reply on October 30th, 2008 10:04 pm:

    parang interesado ako sa napaka laswang sinabi ni alex a. hmm…

    [Reply]

  6. lawstude Says:

    kdr pasali po.

    bakit po ba ang ingles ng matamis na pula eh brown sugar?

    [Reply]

    dong ho reply on October 22nd, 2008 3:17 pm:

    hhahahahaaha… astig to oman!

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on October 27th, 2008 11:21 pm:

    teka, naguluhan ako sa tanong. anong matamis na pula? pula ng itlog? anong itlog? lol.

    [Reply]

  7. Sharon Says:

    to be or not to be?

    ayaw ko kay ate be, kasi ako si ate shawe.

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on October 27th, 2008 11:22 pm:

    tutubi? lubi lubi?

    [Reply]

  8. popoy Says:

    rbilog eto ang tanong ko sau.

    si leyn ba yung tipo ng babaeng masasabi mong mapapangasawa mo?

    o seryus yang tanong ko ha. umayos ka ng sagot. gulpi ka! hahaha

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on October 27th, 2008 11:33 pm:

    tanong: si leyn ba yung tipo ng babaeng masasabi mong mapapangasawa mo?
    sagot: hindi malayong matipuhan ng sinomang lalaki ang isang tulad ni leyn. kung makikilala pa niya ito ng husto, ang mga katangiang taglay niya ay perpekto para maging isang mabuting asawa.

    [Reply]

    M reply on November 6th, 2008 11:45 am:

    MABUTING ASAWA???

    Uhhhhhhhh.

    Okay.

    [Reply]

    Leyn reply on November 7th, 2008 12:19 am:

    oo M, at sa mga karapat dapat lang pinaparamdam yun.

    [Reply]

    M reply on November 8th, 2008 1:23 am:

    Naks potek, talbog ako sa sagot na yun. Parang with matching FPJ pose and smug rugged stare.

    Sige erap, naniniwala ako dyan.

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on November 9th, 2008 4:17 am:

    and with that husky voice. imagine that, leyn speaking. :D

    [Reply]

    M reply on November 10th, 2008 5:29 pm:

    It’s like, all the fashion in the world has been obliterated.

    [Reply]

  9. b@kekang Says:

    KDR..kelan b yung una mong anu..

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on October 27th, 2008 11:34 pm:

    elementary ako noong first communion ko.

    [Reply]

    b@kekang reply on October 29th, 2008 2:27 pm:

    aah..

    [Reply]

  10. kilala mo na ako sa pagtanong kong ito Says:

    eh bakit rbilog tawag sayo ni popoy, eh di ibig sabihin ikaw nga yung tinanong kong multiply id dati? naiinis ka na ba sa akin pag kinukulit kita sa ganyan? hahah!!! sorry na isipin mo na lang ako ay isang maliit na batang walang magawa sa buhay :)

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on October 27th, 2008 11:53 pm:

    maliit na bata, di ako naiinis. sa totoo lang natutuwa pa nga ako. parang ganito :D.

    di ko lang alam kung bakit ganyan ang tawag sa akin ni popoy. siguro para may distinction ako sa kanya. ganyan niya ako kamahal. may puwang ako sa puso niya.

    [Reply]

    samieboi reply on October 29th, 2008 3:40 pm:

    eengk! wrong answer. hahah joke lang :) sige maniniwala ako sa ngayon sa sagot na ito :)

    [Reply]

    samieboi reply on October 29th, 2008 3:41 pm:

    at nakalimutan kong palitan ang name ko.. haah keri lang ako lang naman ata ang nagtatanong niyan sayo :D

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on November 7th, 2008 12:17 am:

    bwahahahahaha!!!

    [Reply]

  11. hazel Says:

    ahaha! wala lang. :D

    [Reply]

  12. anonymous blogger Says:

    virgin ka pa ba? lol

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on October 27th, 2008 11:57 pm:

    oo. hindi ka naniniwala? okay.

    [Reply]

  13. taps Says:

    KDR, eto tanong ko, ano mas gusto mo dose kahaba o otso kabilog?

    LOL

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on October 28th, 2008 12:00 am:

    ahm.. ang hirap ata pumili. katanggap tanggap pa yung dose kahaba. pero yung otso kabilog… wtf! parang braso ko lang. :)

    [Reply]

  14. ron Says:

    ang lupit ng motto mo! hahahaha!

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on October 28th, 2008 12:01 am:

    watsup yaya?!

    [Reply]

  15. karmi Says:

    ikaw ba si don romantiko? :D

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on October 28th, 2008 12:04 am:

    ako si kingdaddyrich. at sino naman si don romantiko? ahmm.

    [Reply]

    ellieshe reply on October 30th, 2008 6:51 pm:

    don romantiko! hmmmn…

    [Reply]

  16. gagay Says:

    good day! back for blogging..hope to see u at mine!take care!

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on October 28th, 2008 12:05 am:

    see me at yours??? hmmmm… me thinking.

    [Reply]

  17. Litz Says:

    tanong: bakit wala pang sagot ang mga tanong???

    [Reply]

    manang ising reply on October 21st, 2008 2:22 am:

    litz, bisi ata si king dadi rits. alam mo naman ang mga pinaggagawa noong bata na yaon.

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on October 28th, 2008 12:06 am:

    heto na po ate. pasensya na po. masyado lang in demand. maraming projects at shooting eh. at maraming salamat manang ising. :D

    [Reply]

  18. dong ho Says:

    ako simpleng tanong lang ang gumugulo sa buhay ko ngayon. ito yon “bakit kung nagiging mas close kayo, mas nagiging open kayo?”. labo!

    [Reply]

    b@kekang reply on October 22nd, 2008 3:11 pm:

    bka po makatulong itong opinyon q hehe..

    natural o normal n maging open ka sa taong close sau..d b pgclose n kau open arms and legs k na?ang sagwa nman tingnan na nakaopen arms and legs ka sa taong d close sau..imaginin u hehehe..

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on October 28th, 2008 12:14 am:

    kailangan pa ba akong sumagot? maraming salamat kay bakekang sa paggawa ng pabor para sa akin. :D

    [Reply]

    fjordz reply on November 4th, 2008 3:26 am:

    seryoso pa man din ako pag tinanong ko ito hehehe.. pero kung sabagay tama nga rin naman.. point si b@kekang …

    http://www.fjordz-hiraya.blogspot.com

    [Reply]

  19. Warvitt Says:

    KDR, bakit mas malibog ka pa sa pato?

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on October 28th, 2008 12:18 am:

    huwat? kailan pa naging malibog ang pato?

    pero para sagutin ang tanong mo, hindi ko alam kung bakit. siguro dahil tulad ng pato, mahilig akong tumuka.

    [Reply]

    b@kekang reply on October 29th, 2008 2:33 pm:

    virgin na malibog?

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on October 29th, 2008 3:35 pm:

    bakit hindi ba pwede?

    [Reply]

  20. mayui Says:

    kuya, anong probinsya mo?
    wala akong maisip. ahaha..
    totoo ba yung kay ate leyn? o dito lang sa blogosperyo? hmm.. mukhang kailangan magresearch ah.

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on October 28th, 2008 12:20 am:

    hindi ko alam kung dapat ko bang ikatuwa o ikahiya na wala akong probinsya. ang mahirap lang, wala akong napupuntahan kapag bakasyon. :(

    sige research ka lang. antayin ko na lang ang kalalabasan ng research mo. :)

    [Reply]

  21. beero Says:

    natawa ako sa comment ni gasoline dude. at dahil dun eto ang tanong ko..

    matagal ko na ring narinig ang kumakalat na usap-usapan sa blogosperyo. tungkol ito sa tila namumuong pagtitinginan, relasyon, o kung ano pa man yan sa pagitan 2 bloggers. [insert gasoline dude’s question here] lols.

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on October 28th, 2008 12:27 am:

    2 bloggers? tulad nina beero at gasoline dude? okay lang yan. tanggap naman ng madla yan eh. at naiintindihan ko. :)

    [Reply]

    beero reply on November 6th, 2008 12:50 pm:

    haha. beero at gasdude? bagong labtim? wapak!

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on November 7th, 2008 12:16 am:

    wag mo ikahiya si gasdude! ang macho kaya niyan!

    [Reply]

  22. manang ising Says:

    yaman din lang na pinag-uusapan sina kdr at leyn, ibabahagi ko sa inyo ang sumagi sa isip kong kanta na idinededikeyt ko kay leyn habang nilalabhan ko ang aking mga damit.

    para sa iyo ito, leyn, anak.

    RB by Edwin McCain

    RB, your crying shoulder.
    RB, your love suicide.
    RB, better when older.
    RB, the greatest fan of your life.

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on October 24th, 2008 4:06 pm:

    BWAHAHAHAHAHAH!!!! hindi ko napigilang mapacomment ng dahil dito.

    manang ising kung sino ka man, ampunin mo na ako! ha haha!!! at maraming salamat sa page-entertain mo sa mga tao sa kabila ng pagiging absent ko..

    sa lahat, pasensya na ha. nagsasaliksik pa kasi ako ng bonggang bongga para may kabuluhan ang isagot ko sa inyo.

    maraming salamat ulit! :D

    [Reply]

    manang ising reply on October 25th, 2008 12:38 am:

    kdr, ikaw na bata ka, oo. huuu.. naghihintay ang mga masugid mong mangbabasa sa mga mga sagot mo. ‘wag mo nang uulitin yun, ha-ne?

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on October 28th, 2008 12:29 am:

    opo manang ising. pasensya na po. hindi na po mauulit.

    [Reply]

    Leyn reply on October 26th, 2008 12:29 am:

    naiyak naman ako! hahaha!

    inamag na ang mga tanong, pero malapit nang masagot.

    manang ising, sino ka po ba talaga? sisikat ka sa kanta mong yan.

    [Reply]

    manang ising reply on October 26th, 2008 8:03 am:

    huwag n’yo na akong intindihin. nandito ako upang makiisa sa panggugulo sa entry na ito. at maging sa iba pa.

    leyn, iha, kumusta?

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on October 28th, 2008 12:30 am:

    magagawa ba naming hindi intindihin ang isang manang na tulad mo? nag-iisa ka na lang sa mundo. hindi ka dapat pinapabayaan at dapat pinapahaba pa ang buhay mo. pero kung sawa ka na sa buhay mo, pwede kitang tulungan.

    oo nga pala, bakit ngayon ka lang nagparamdam. :) kaw ah. he hehe.

    [Reply]

    manang ising reply on October 28th, 2008 2:22 am:

    gusto ko lamang gugulin ang mga nalalabi kong panahon na magkomento sa mga entry mong agaw-atensyon.

    at..

    madali kang makahalata, iho. magaling, magaling. ahe-ahe-ahe.. hindi ko lang alam kung dahil iyon sa aking pagpublisa ng aking email address di-ne. *ubo, ubo* heniwey, huwag ka nang magpuyat. mahirap magkasakit ngayon.

    [Reply]

    fjordz reply on November 4th, 2008 3:32 am:

    natatawa ako hahahahaha

    http://www.fjordz-hiraya.blogspot.com

    [Reply]

  23. kirk Says:

    bakit?

    [Reply]

    manang ising reply on October 25th, 2008 12:45 am:

    sa ngayon, eto ang pinakamabuluhang tanong na nabasa ko. makalaglag-pustiso.

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on October 28th, 2008 12:32 am:

    dahil.

    [Reply]

  24. souljaboi Says:

    aztig ka po tlga kdr!!

    pwede po mgtanong?

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on October 28th, 2008 12:32 am:

    zige. anong tanong mo?

    [Reply]

    souljaboi reply on November 8th, 2008 10:54 pm:

    salamat po!!

    [Reply]

  25. dos Says:

    busy po ba si kdr?..

    gs2 q na po mabasa mga sagot mo..
    hehe

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on October 28th, 2008 12:34 am:

    yan na po ang mga sagot ko. nawa’y mapunan niyan ang ilang gabi mong pagkabalisa dahil dito. salamat sa pag-antabay.

    [Reply]

    dos reply on November 8th, 2008 10:50 pm:

    salamt po sa mga cnagot mo
    nkakatuwa tlga
    nkakabuhay
    hehe

    [Reply]

  26. linglingbells Says:

    ano ang inuuna mong binabasa kapag naliligo ka?

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on October 28th, 2008 2:45 pm:

    kamay. :D

    [Reply]

    M reply on November 6th, 2008 11:55 am:

    Ay, ako eh paa! Kasi diba basa yung sahig ng banyo kapag maliligo ka tapos matatapakan mo yun tapos…

    Okay, I shut up nao.

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on November 7th, 2008 12:15 am:

    nagtsitsinelas kasi ako pag pumapasok sa banyo. he hehe.

    [Reply]

  27. Layla Says:

    Dear KDR,
    newbie po ako dito. eto po tanong ko. wat is lab?

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on October 29th, 2008 3:34 pm:

    hi hello. :)

    masyadong broad ang katanungan mo. pero nasagot ko na yan sa previous entry ko. pakitingin na lang. Love VS Infatuation ang title. salamat! naway makatulong.

    [Reply]

  28. lethalverses Says:

    bagong katanungan po…

    BAKIT PO WALA PA PO KAYONG NEW POST IDOL BOSSING MANEDYER KDR?

    …naghihintay na po ang mga nagugutom naming kaisipan sa matatalinong lathalain ng isang KDR.

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on November 6th, 2008 3:57 am:

    paumanhin ginoo sa aking nabalam na paglalathala. hamp’t sisiguraduhin ko na sa susunod ko pang pagtatala ay bubusugin kita ng kaalaman at siyempre, pagmamahal. mwah!

    [Reply]

  29. berde Says:

    ser..bakit masamang mag-mura?

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on November 7th, 2008 12:13 am:

    sino may sabing masama magmura?

    eh !@#$%^& pala ng mga yan eh.

    [Reply]

  30. teresa Says:

    itatanong ko sana kung ikw si don romantiko
    kaso natanong na ni karmi,hehe!

    pero kahit di mo sinagot,alam kong ikw un,hehe!
    may tumawag na sayo dito ng don romantiko eh. :-)

    [Reply]

    Leyn reply on November 4th, 2008 5:45 am:

    oo nga kdr, sino ba yang don romantiko na yan, misyado na syang sikat.

    hahaha.

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on November 7th, 2008 12:14 am:

    di ako si don romantiko. ako si mr. suave!

    [Reply]

  31. berde Says:

    leyn.. kilala mo ba ako? haha..

    [Reply]

    Leyn reply on November 7th, 2008 12:22 am:

    tangina ka! nagbabasa ka pala dito?!

    …ayan. patunay lang yan na kilala kita.

    [Reply]

  32. mang badoy Says:

    bakit may bato ang lrt1 at wala ang lrt2/mrt?

    [Reply]

    LV reply on November 6th, 2008 1:50 pm:

    hehe pasagot bossing KDR…

    actually ang pagkakaalam ko, may bato din sa MRT gaya sa LRT1 pero nde ko sure kung meron sa LRT2…

    ang mga batong ito ay nagsisilbing ballast ng riles, na nagkakalat ng pahalang at pahabang (lateral at longitudinal) puwersa ng mabilis at mabigat na bagay gaya ng tren.

    kung oobserbahang mabuti, ang mga batong pinili ay halos magkakasukat, at ang silbi nito ay higit na mailalarawan gaya ng pagtayo sa umpok ng buhangin kung saan ang buhangin ay dagliang maf-flat, habang ang pagtayo naman sa umpok ng mga bato ay hindi.

    samakatuwid, ang mga batong ito (hindi droga) ay tumutulong upang makabawas sa pressure na tinatanggap ng mga riles at ang nilalatagan nitong sahig na semento, dahil naikakalat nito ang puwersa ng rumaragasang tren na epektibong nailalabas naman sa mga malalaking siwang ng bato.

    syet, nde ko alam kung naesplika ko ang aking kasagutan ng mabuti. pag nde mo naintindihan, tanong mo na lamang muli kay bossing KDR ;)

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on November 6th, 2008 11:42 pm:

    salamat sa pagsagot! ha haha.

    para may silbi ako idadagdag ko lang na walang bato sa LRT 2.

    yan.

    [Reply]

  33. M Says:

    KDR, may tanong ako. Pwede bang wag mong sagutin tong tanong kong ‘to?

    [Reply]

  34. lei Says:

    ah. bago lang ako dito pero pwede ba akong magtanong?
    bakit mas mahalaga sayo na pangalagaan ung identity kesa makita on national tv? since birth ba never kang nangarap maging artista?

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on November 9th, 2008 1:28 pm:

    hindi ko pinangarap na maging artista. mas ginusto ko na manggamot ako balang araw kaysa umarte sa harap ng camera noong bata ako. pero minsan ko nang nasabi dito na gusto kong maging action star. gusto ko kasi yung pagtambling tambling nila at pagka-imortal na imahe pag nasa pelikula. :)

    kahit sino naman mas gugustuhing pangalagaan muna ang identity niya bago ang iba pa.

    [Reply]

  35. berde Says:

    @LEYN– ahahahh! tangna ka din! sagutin mo na ung liham… TAE!
    @KDR– TANGNA! buti lng d masamang mag mura! salamat!
    @LEYN Ulit– POTAH! Sarap mag mura! tangna! YUNG LIHAM!!!

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on November 9th, 2008 1:29 pm:

    oo. ganun talaga. baka may tanong ka pa? :D

    [Reply]

  36. TANONG LANG Says:

    KDR, bading ka ba? Nakailang jowa ka na?

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on November 13th, 2008 8:08 pm:

    alam kong hindi mababawasan ang pagkatao ko kung sasagutin ang tanong mo. pero nagdalawang isip pa rin ako. bakit? dahil mataas ang porsiyento na bading ang nagtatanong sa isang lalaki kung bading ba siya o hindi. gayunpaman, sasagutin ko pa rin sa ikaliligaya at ikatatahimik mo…

    hindi.

    [Reply]

Leave a Reply