OFW Ba You?
Hindi ka ba nagtataka kung bakit mga bagong bayani ang tawag sa kanila?
Kada taon, daan-libong mga Pilipino ang umaalis upang maghanap-buhay sa ibang bansa. Noong nakaraang taon, mahigit sa isang milyon ang nangibang-bayan upang doon magbaka-sakali at hanapin ang swerte na ipinagkait sa sariling lupa. Para sa nakararami, ito na ang pinakamabisang paraan para makaahon sa kahirapan. Isang mabilisang sagot sa kumakalam na sikmura, kapalit ng matagal na pagkakalayo at pagkahiwalay sa mga minamahal at pamilya.
Ang reputasyon ng mga Pilipino bilang mga world class skilled workers ay talagang maipagmamalaki natin sa buong mundo. Malaking bentahe rin ang kaalaman sa wikang Ingles upang madaling makakuha ng trabaho. Gayunpaman, ang malaking kita pa rin ang pangunahing umaakit sa mga Pilipino para mangibang-bansa. At ang ipinapadalang pera ng mga OFW sa Pilipinas ay may malaking bahaging ginagampanan upang isalba ang ating ekonomiya.
May dalawang pangkalahatang paraan upang makapagpadala ng pera sa Pilipinas. Una ay sa pamamagitan ng banko, at ikalawa naman ay ang door-to-door.
Ang lahat nang ipinadalang pera na dadaan sa anumang banko ay iniuulat sa Banko Sentral ng Pilipinas (Central Bank of the Philippines). Ang Banko Sentral naman ang siyang magtatala nito upang malaman kung gano na kalaki ang dollar reserve ng Pilipinas. At ito ang magiging batayan ng mga pandaigdigang institusyon ng pananalapi tulad ng International Monetary Fund, World Bank at iba pa, upang malaman ang kakayahan natin para makapagbayad ng utang at upang maka-utang.
Hindi basta-basta ang halagang pinag-uusapan dito. Hindi lang ito milyong piso kundi bilyong dolyar o katumbas ng daang bilyong piso ng OFW remittances taun-taon. Kaya pursigido ang pamahalaan na makahanap ng trabaho para sa manggagawang Pilipino sa ibang bansa. Maliban pa rito ang mga padalang hindi dumadaan sa banko at direktang nakakarating sa mga pinadalhan nito. Kaya hindi totoo na magiging superpower ang Pilipinas kapag pinauwi lahat ng OFW sa buong mundo. Kapag nangyari yun, babagsak ang ekonomiya at mahihirapan tayong bumangon ng mag-isa.
Hindi lang naman ang gobyerno ang nakikinabang sa mga dollar remittances na ito kundi siyempre, pati na ang mga pamilyang naiwan dito. Ang perang ipinadala sa kanila ay ipinambibili ng mga pangunahing pangangailangan, damit, pagkain, mga gamit sa eskwelahan, may ilan na nagnenegosyo at iba pa, na ginagamit sa kanilang pag-unlad. Kapalit ng maginhawang pamumuhay ang lungkot ng pagkawalay sa kanilang mahal sa buhay.
Malaking sakripisyo ang paghahanap-buhay sa ibang bansa. Kailangan mong makibagay sa kultura, sa tao at sa kapaligiran mo. Kailangan suungin ng mag-isa ang bawat dagok at pagsubok na darating dahil ang una mong tinatakbuhan sa mga ganitong pangangailangan ay malayo. At sa mga panahong wala kang karamay sa isang banyagang bansa ay wala kang ibang magagawa kundi tiisin ang iyong pangungulila.
Ilang beses na rin tayong nakarinig, nakabasa o nakapanood ng mga hindi magagandang balita ukol sa maling pagtrato sa mga OFW. Samut-saring mga pang-aabuso, pananamantala, pananakit at disriminasyon sa ibat-ibang pagkakataon. Ngunit sa kabila ng naka-ambang peligro ay patuloy pa rin tayo. Paulit-ulit mang mangyari, magpapatuloy pa rin ang pagiging Overseas Filipino Workers makapagbigay lang ng magandang kinabukasan sa pamilya.
Pero hindi ito nakikita ng ilan sa atin. Ang akala ng iba, kapag sa ibang bansa ka nagtatrabaho ay bigatin ka. Isang maling mentalidad na madali lang kitain ang pera sa ibang bansa. Kasingdali ng pagtatanim ng barya sa buhangin at pagdidilig gamit ang sariling pawis araw-araw. Aantaying lumago at mamunga. At saka pipitasin at aanihin upang may maipadalang pera.
Nakakalungkot lamang dahil ang mga matatalinong utak at ang pinakamagagaling na manggagawa ay napupwersang umalis ng Pilipinas dahil mismo sa gobyerno. Ang mga dapat na bumubuo ng pundasyon ng isang matatag na bansa ay wala, nasa malalayong lupain at ang sana’y may malaking maitutulong sa pag-unlad natin ay ibang nasyon ang nakikinabang. Buti na lamang ay may iilan pa rin na marunong lumingon sa pinanggalingan. Sa kasamaang palad, mayroon din namang nakalimot na sa pinag-ugatan.



October 11th, 2008 at 2:20 am
nakakalungkot no?
lalo na yung mga pinagsasamantalahan atsaka physically abused.
pero for sure, mas masakit ang “homesickness” kaysa pisikal na pananakit. kung balang araw pupunta man ako ng ibang bansa, sana naman maka chamba ako ng swerte at sa maayos na estado ako mapunta.
hindi naman kaya ni manny villar pauwiin lahat ng mga OFW na naaapi, politika lang yon.
[Reply]
kingdaddyrich reply on October 12th, 2008 10:33 am:
oo nga eh.
naisip ko lang, bakit pa kailangang i televise yung mga ganon? tapos may mga commercial pa sa tv? anong gusto niyang palabasin? savior siya ng mga ofw?
sus. isa yung responsibilidad para sa isang pulitiko na iniluklok ng mamamayan. hindi iyon utang na loob.
awww.. these politicians. such a pain in the ass.
[Reply]
October 11th, 2008 at 2:30 am
kung posible lang talaga na ireformat ang mundo… yung tipong lahat mayaman na lang tapos di na kakailanganin pa ng ibang taong mangibang bayan, eh di ang saya lang ng lahat… kaya lang hindi.
nakakalungkot.
at namiss ko tuloy ang mga taong nasa ibang bansa. sheesh.
[Reply]
kingdaddyrich reply on October 12th, 2008 10:36 am:
kapag ni reformat ang mundo, di kaya magbalik tayo sa prehistoric time. ha haha. ang saya non. gumagamit tayo ng bato for blogging. kaso mahirap i share. ha haha! wadaef i’m thinking.
[Reply]
samieboi reply on October 13th, 2008 4:11 am:
erm, pag ni reformat ang mundo, hindi natin kailangan ulitin ang history… gawa ng bagong history na dapat so pwedeng hindi na pahirapan ang sarili at mag blog sa bato kasi medyo kamusta naman yun… hahaha!!! tae, either ung bato eh i hand delivery mo sa uhm, lahat ng tao… or kung sino man ung sa tingin mo na may gusto makabasa tapos kailangan pa nila magcomment… ohwahaw lang talaga sa effort. hahahah!!!
ang nasa isip ko lang naman kasi nung nagcomment ako eh ung pagkakapantay pantay ng mga tao hano, di naman nasingit non time na yon ang kung papaano ang pagbablog pag nagreformat ng mundo. hahah!
[Reply]
kingdaddyrich reply on October 13th, 2008 11:42 pm:
lol. hindi nag meet ang wavelength ng utak natin. nasa infrared ako, nasa ultraviolet ka. ang layo.
pero kung ano man yan, mukhang hindi mangyayari ang parehong gusto nating mangyari. goodluck na lang sa mga pangarap natin.
[Reply]
M reply on November 6th, 2008 1:50 pm:
madali lang i-share yun, gumamit ka ng pterodactyl para maideliber na parang dyaryo! o davah!
[Reply]
October 11th, 2008 at 8:24 am
Matalinong utak? Magaling na manggagawa? Are you referring to me? *LOLz*
Napag-isip naman ako sa last line. Lilingon pa din naman ako. Hindi naman ako makakalimot. Naks!
[Reply]
kingdaddyrich reply on October 12th, 2008 10:37 am:
oo gasdude. ikaw talaga ang tinutukoy ko. alam naman ng lahat na ikaw ang epitome ng ka-machohan sa blogosperyo. ha haha!
yummeh!
[Reply]
October 11th, 2008 at 10:01 am
nung unang taon ko dito sa Amerika, feeling ko, OFW ako. homesickness? grabe. hanggang ngayon homesick pa rin ako.
hai, madami nga akong kakilala na nakalimutan na ang Pinas. ako?! di ata mangyayari un.. =) naman. ^^,
[Reply]
kingdaddyrich reply on October 12th, 2008 10:38 am:
ha haha. oo nga naman. bakit mo makakalimutan ang Pilipinas. eh nandito si toot. ha haha..
hulaan niyo. lols.
[Reply]
October 11th, 2008 at 10:32 am
proud ako sa tatay ko kasi nung bata pa ako nagtrabaho sya sa saudi for four years. at talaga namang kahanga hanga ang mga OFWs. mabuhay ang mga OFWs.
[Reply]
kingdaddyrich reply on October 12th, 2008 10:41 am:
mabuhay sila.
alam ng mga kaanak o malalapit na kaibigan kung ano ang hirap ang magkaron ng isang minamahal na malayo sa iyo.
pero di natin malalaman kung ano ang tunay na hirap kung tayo mismo ang nasa lugar nila.
regards kay dad dong ho. he hehe.
[Reply]
October 11th, 2008 at 11:14 am
nakakalungkot ngang isipin na manpower services lang ang kayang iexport ng pilipinas. pursigido pa ang gobyerno na maghanap ng trabaho para sa mga pilipino abroad, pero kung iisipin mo, parang ibinibenta mo ang mamamayan mo. lalong nakakagigil ang mga abusadong agencies, na sobrang binabarat ang mga workers at sobrang mura kung ibenta sa mga employers.
[Reply]
kingdaddyrich reply on October 12th, 2008 10:45 am:
philippines exports raw materials and imports finish products. at isa ang manpower sa mga raw materials na ito. at oo, pursigido ang gobyerno na maghanap ng trabaho para sa mga pilipino abroad, na mabuti para sa pilipinas. eh no choice naman kasi. bilyong piso ang ipinapasok ng mga OFW sa pilipinas taon-taon. sana lang magkaroon ng maayos na programa para sa mga ofw para hindi aabusuhin dito sa pilipinas at pati na sa mga bansang pupuntahan nila.
isa pa, kung kaya nilang gumawa ng trabaho abroad sana unahin muna nila sa pilipinas para second choice na lang ang pagpunta sa ibang bansa para magtrabaho.
[Reply]
October 11th, 2008 at 2:29 pm
OFW ba me?..nope d po..turista lang aq dito..and i’m so thankful kc nkapunta aq dito..visit visa lng pero maeextend ata..homesick ang naging kalaban q dito kc sobrang nmimis q na mga kids namen..naiintindihan q ngayon..dati pgnagchachat kmi mas importante p saken mglaro ng pw kea d q pnpansin hubby q at inis na inis n saken nung nasa pinas pa aq,,aq namn ngayon ang inis na inis sa mga anak q pg d me pinapansin kc mas gusto p nilang mgcomputer games..gaya ng buhay sa pinas me kanya2 kanyang kwento rin ang bawat Pinoy n andito sa Kuwait.
[Reply]
kingdaddyrich reply on October 12th, 2008 10:47 am:
john lloyd: ingat!
[Reply]
b@kekang reply on October 12th, 2008 1:46 pm:
bea alonzo: thnx!..ingat u din..mwah!
[Reply]
October 11th, 2008 at 8:49 pm
OFW here
woof!
[Reply]
kingdaddyrich reply on October 12th, 2008 10:48 am:
hello there.
[Reply]
October 11th, 2008 at 9:28 pm
truly sila ang pag-asa ng mababang ekonomiya… buti na lang may sarili na tayong oil para makausad from the recession
[Reply]
kingdaddyrich reply on October 12th, 2008 10:50 am:
ha haha. mukhang matagal pa ata bago maramdaman ang produkto ng may sariling minahan ng langis. isa pa, hindi lahat ng income mapupunta sa atin. may mga kahati tayo diyan.
[Reply]
October 12th, 2008 at 3:24 am
3 years na ang nakalipas ng umalis ako diyan. Hindi man ako matatawag na OFW at kahit din hindi kumikita sa akin ang Pilipinas dahil wala naman akong pinapadalhan ng pera dyan, kahit kelan hindi ko magagawang talikuran ang Pinas. Maraming mapait na karanasan pero mas marami yung masaya. kahit andito ang buong pamilya ko, kahit maganda yung kinabukasang nakalatag para sa akin dito, hindi ko pa rin makita ang sarili ko na mananatili dito hanggang sa huli. babalik ako dahil kahit gano kabulok ang sistema ng Pilipinas, wala pa ring papantay sa aking BAYANG MAGILIW! i thank you.
[Reply]
kingdaddyrich reply on October 12th, 2008 10:52 am:
waw. nakakataba ng puso. ewan ko natutuwa ako kapag may mga ganitong klase pa rin ng pinoy. though alam kong hindi naman sila nawawala, marami rami na rin kasing nawawalan ng pag-asa eh.
[Reply]
GODDESS reply on October 12th, 2008 11:22 am:
alam mo kung anong malungkot? alam kong pagbalik ko, malamang na hindi na ako pakikinabangan ng pilipinas. kumbaga, canada had me at my prime at babalik ako sa pinas kapag uugod ugod na ako (pero GODDESS pa din) at wala ng ibang gagawin kungdi ang umupo sa tomba-tomba. sayang, hindi napakinabangan ng Pilipinas ang mura kong katawanan, bukas kong kamalayan at naguumapaw kong “brilliant ideas”. hahahahhaa!!! kakapalan talaga ng mukha ko, dinala ko pa dito sa blog mo. nyahahhaa!!
[Reply]
kingdaddyrich reply on October 13th, 2008 11:44 pm:
may point ka. imbes na dito ma drain ang sustansiya mo at makinabang ang kapwa pilipino, iba ang pumiga sayo.
he hehe. ang panget ata pakinggan.
[Reply]
lethalverses reply on October 14th, 2008 5:52 am:
natigil ako sa ibinahagi ni goddess…
“canada had me at my prime at babalik ako sa pinas kapag uugod ugod na ako”
masakit isipin, pero iyan ang isa sa mga bagay na kailangan nating lunukin. isa sa mga bagay na bagamat hindi nararapat ay KINAKAILANGAN.
[Reply]
October 12th, 2008 at 4:35 am
nakakalungkot nga yung brain drain na palala ng palala. pero walang choice ang mga tao eh, kailangang kumita ng pera. nakakalungkot din na maraming nakakalimot sa bayan, at yung iba, parang mga hindi Pilipino kung makaasta.
[Reply]
kingdaddyrich reply on October 12th, 2008 10:53 am:
ah oo. minsan di na nakakalungkot eh, nakakainis. may nabasa ako noong nakaraan, parang sulat ng isang korean sa mga pinoy. ang punto niya dun ay ang kawalan ng nasyonalismo ng mga pinoy kaya hindi umuunlad ang sarili niyang bansa. hay..
[Reply]
maye reply on October 12th, 2008 11:47 am:
nakakainis nga! pero wala pa naman akong personal na kilalang ganon, buti naman.
ah, nakita ko rin yun somewhere, pero di ko nabasa ng buo. ayos nga yun eh, totoo yung mga sinabi niya. kung sana magagawa natin yung mga sinasabi niya, eh di okay sana. tsk.
[Reply]
October 12th, 2008 at 7:00 pm
nagmula ako sa angkan kung saan halos lahat ng may taglay ng apelyido ko ay nasa ibang bansa, kumakayod at tinitiis ang mawalay sa Pamilya.. Tatay ko isang seaman inisip ko dati hindi naman importante yung perang pinapadala nya ang mahalaga nandito sya pero ngayon naisip ko hindi ako mabubuhay kung hindi magpapakahirap ang tatay kong malayo samin, hindi ako makakapag-aral, hindi nya mabibigya ang luho ko sa katawan at hindi ako makakapagblog dahil malamang wala kameng internet.
[Reply]
kingdaddyrich reply on October 14th, 2008 12:18 am:
ha haha. oo nga naman. thanks to papi.
[Reply]
October 13th, 2008 at 1:18 pm
Natuwa naman ako at may post ka tungkol sa aming mga OFW. lalo na to
“Nakakalungkot lamang dahil ang mga matatalinong utak at ang pinakamagagaling na manggagawa ay napupwersang umalis ng Pilipinas dahil mismo sa gobyerno”- sobrang natamaan talaga ako dito. dyuk. =)
Mahirap ngang malayo sa pamilya pero kailangan…. ang drama ko. lol!
[Reply]
kingdaddyrich reply on October 14th, 2008 12:20 am:
aktwali, si gas dude din daw tinamaan.
[Reply]
lethalverses reply on October 14th, 2008 5:57 am:
tinamaan din ako sa linyang ‘yan hehehe
teka, nde pala ako OFW. so ibig sabihin:
IF the smartest and greatest workers are forced to go out and become OFWS,
AND I am not an OFW, moreso forced to go out of the country,
HENCE I CONCLUDE THAT i am not the smartest and greatest, but definitely one of the cuter dumbest workers!!
labo. sinapian lang boss kdr hihihi
[Reply]
October 14th, 2008 at 6:07 am
Bakit nga ba ang ibayong bansa ang tila pumagkit na kasagutan sa ating mga utak?
Kung tutuusin, sa kasaysayan ay dumating ang mahabong panahon kung saan ang Pilipinas ay di hamak na mas maunlad pa kaysa sa karatig bansa nitong kagaya ng bansang Hapon, Singapore at Malaysia…
Ano ang nangyari?
Marami. Isa na diyan ay sa kadahilanang inuna ng mga nauna at kasalukuyan nating pamahalaan ang pakikipagniig at pagpapaalila sa mga dayuhan. Animo mga diyos sa lupa na pinapahalagahan natin ang maaring sabihin sa atin ng mga makapangyarihang bansa, lalo na ang mga nasa kanluranin. Inuna natin ang kanilang oportunidad na magpalawig ng kanilang interes sa atin kaysa sa oportunidad na magsimula ang mga lokal na entreprenyur.
Oo, ironic kung tutuusin dahil ako ay isa sa mga manggagawa dito sa Pilipinas na naghahanap-buhay sa isang kumpanyang nagsimula sa banyagang bansa.
…wala pala akong pinagkaiba sa mga OFWs na ipinagkakatiwala sa mga dayuhan ang kakayahang magkaroon ng panlaman sa sikmura.
[Reply]
October 15th, 2008 at 3:35 pm
I guess lahat lang siguro tayo naghahangad ng mas maunlad at mabuting buhay. At masakit mang sabihin, hindi maibibigay ng bansa natin yung buhay na gusto natin.
Kakabasa ko lang sa isang blog kanina about sipag at tiyaga. Indeed, totoo ulit ang katotohanan na wala ng nararating ang sipag at tiyaga formula lang.
Ang dami kasing gahaman sa pera lalo na sa gobyerno. Mayaman na gusto pang yumaman ulit. Hindi bale ng mawala ang prinsipyo at paninindigan basta yumaman lang, after all, lahat halos lahat ng taong gobyerno e corrupt, bat pa sila magpapakabayani at mag titiis sa konting sweldo. Naging motto na nila yung if you can’t beat them, join them.
I should know, one of my cousins is now richer than before but she lost a hefty amount of brains, turning her into an idiot.
[Reply]
October 23rd, 2008 at 10:21 pm
may point ka KDR…
pero hindi lang naman sahod nagugustuhan ng OFW sa abroad,
kundi ang tiwasay ng kapaligiran… simpleng buhay pero moderno…
kung pwede lang limutin ang lupang pinanggalingan? bakit hindi?
alam naman ng namumuno sa atin kung paano gagaan ang buhay,
bakit ayaw nilang gawin? ayaw na nga nilang gawin, papahirapan pa ang taong bayan… tama ba yon?
[Reply]
October 28th, 2008 at 5:46 am
may tama ka kdr=)
” Ang akala ng iba, kapag sa ibang bansa ka nagtatrabaho ay bigatin ka. Isang maling mentalidad na madali lang kitain ang pera sa ibang bansa. Kasingdali ng pagtatanim ng barya sa buhangin at pagdidilig gamit ang sariling pawis araw-araw. Aantaying lumago at mamunga. At saka pipitasin at aanihin upang may maipadalang pera. ”
sapol!
[Reply]
November 2nd, 2008 at 5:39 pm
“Ang akala ng iba, kapag sa ibang bansa ka nagtatrabaho ay bigatin ka. Isang maling mentalidad na madali lang kitain ang pera sa ibang bansa.”
(May nauna pala sa ‘kin pero itutuloy ko na rin.)
100% true. Kasi kapag umuwi ka ng ‘Pinas lahat kilala ka, lahat kaibigan ka, lahat feeling close sa ‘yo, lahat nakapila.
Isa nga sa mga kasamahan ko dito noong umuwi, napadaan sa isang kapitbahay na may birthday, akalain mong humirit ng dalawang case na beer! “Birthday ko ba?!” sabi nung kasama ko. Nasa isip daw nya, “ikaw kaya ang mag-Saudi!”
Kaming mga OFW, Riyals man (o dolyar o yen o kahit anong currency pa) ang kinikita, ganoon din ang ginagastos namin dito. Ang bawat piso na pinadadala namin ay katumbas ng dugo’t pawis kasama ang sakripisyo, homesick at hirap namin dito.
Hindi kami namimitas ng pera!!!
[Reply]
p0kw4ng reply on November 2nd, 2008 6:05 pm:
glen hindi ka naman galit sa akin nyang comment mo na yan..peace! hihihi
OFW din ako kaya alam ko na hindi tayo namimitas ng pera sa ibang bansa..hindi kinukutkot na parang tinga sa ngipin ang bawat pera na kinikita sa katapusan ng buwan…
idagdag mo pa dyan pag uwi mo eh uutangan ka ng mas malaki pa sa kinikita mo sa isang buwan,tapos pag tinanggihan mo eh ikaw pa ang madamot at nagyayabang,hihihi…
[Reply]
Glenn reply on November 2nd, 2008 7:09 pm:
Hindi naman p0kw4ng. Actually, denitail-out ko lang yong comment mo. (Galit ako kasi inunahan mo ako. joke!)
Tama ka dyan, kapag pinautang mo naman, tingnan natin kung babayaran.
I don’t personally know the blogger (familiar lang kasi sa greenpinoy site) pero kung anuman ang nagtulak sa kanyang mag-blog about OFW - about us - natutuwa ako.
Salamat..
[Reply]
p0kw4ng reply on November 2nd, 2008 7:16 pm:
hihihi ang bagal mo kasi!
hahaha oo nga..di na nila naiisipang magbayad..pag naningil ka sila pa ang galit,sasabihin ginigipit mo sila eh di mo naman kailangan ang salapi!
wala pong anuman..salamat din!
[Reply]
November 4th, 2008 at 4:20 pm
ehem-ehem! may dalawa mali sa research mo… una… hindi na daang libo ang umaalis taon-taon ayun sa latest chikka ng mga tambay may isang milyon na ang umaalis sa bansa para magtrabaho taon taon… ang ikalawa naman ay hindi lahat ng magagaling ang umaalis kundi lahat lang ng matatapang at madidiskarte para umunlad sa ibang bansa…
tama ka may mga nakakalimot nga lalo na yung mga DH dito sa malaysia akala mo kung sino mag english e barok naman! hehehe!
thank you very much…
[Reply]
kingdaddyrich reply on November 4th, 2008 9:55 pm:
una sa lahat, sana ay binasa mo munang mabuti ang entry na ito bago ka nag ehem-ehem at paratangan na may mali sa research ko. kung iyong mamarapatin nawa’y suriin mabuti ang bawat letra ng bawat pangungusap ng bawat talata ng kabuuan nito. ito ay tumatalakay sa isang sensitibong pahayag at hindi nilikha ng may kababawan. at sa simula pa lamang ay makikita mo na ang “link” kung saan makikita ang estatistika ng kabuuang bilang ng manggagagawang nangibang bansa noong nakaraang taon kasunod ang maliwanag pa sa araw kong pagkakabanggit.
ito ang tinutukoy ko kung sakali man na tinatamad ka na. http://www.poea.gov.ph/stats/stats2007.pdf
isipin mo na lang, kung pagsasamahin ko ang daang-libo ay makakabuo ako ng milyon, ngunit kung pagsasamahin ko ang milyon, ito ay magbibigay ng milyon-milyon na kitang-kitang lampas sa hinihingi ng estatistika.
ikalawa, wala akong sinabi na LAHAT ng magagaling ang umaalis ng bansa. at sa iyong paglalahad na “lahat lang ng matatapang at madidiskarte para umunlad sa ibang bansa… ” ay tila ba nililimitahan mo ang katangian ng mga pilipino na nagagawang umalis ng bansa. at ibig mo bang sabihin na hindi mo inihahanay ang sarili mo sa mga sinasaludo kong matatalinong utak at magagaling kundi sa matatatapang at madidiskarte? oo nga naman. kung nagkamali man ako ng pagkakaintindi, nais ko lamang sabihin na bawat salitang ginagamit ay may katumbas ng kahulugan kaya’t sana’y gamitin ito ng tumpak sa nais mong ipakahulugan.
isa pa, ang pahayag na iyan ay pansariling opinyon kung kaya’t buong giting kong ipapaintindi sa iyo na walang mali sa sinabi kong iyan.
marami ring salamat.
[Reply]
Glenn reply on November 5th, 2008 8:52 pm:
“tama ka may mga nakakalimot nga lalo na yung mga DH dito sa malaysia akala mo kung sino mag english e barok naman! hehehe!”
Ayokong manghusga nang basta-basta kasi hindi ako ganoong klaseng tao pero sa tono ng pananalita (o pagsusulat) mo, IKAW ang nakakalimot.
Sana hindi mo makalimutang PILIPINO ang mga DH na nilalait mo.
Sana hindi mo makalimutang OFW rin silang katulad mo.
Katulad mo, nagpapakahirap din sila sa banyagang bansang kinaroroonan nila.
Hindi ba mas mabuting hangaan sila na kahit papaano ay nakakapagsalita ng English kahit DH “lang” sila at hindi kagaya mo(kung ano man ang trabaho mo)?
Siguro maswerte kang nakakapagsalita ng tuwid ng English pero wag mo sanang kalimutang PILIPINO tayong lahat. Kapwa OFW mo pa sila.
***Hindi ikaw, mang badoy, ang hinuhusgahan ko kundi ang komento mo. Pero kung sa totoong buhay ay ganyan din ang ugali mo, para sa ‘yo na rin ito.***
[Reply]
p0kw4ng reply on November 5th, 2008 10:13 pm:
alam mo glenn marami talaga ang tulad ni mang badoy..madaling makalimot at hindi muna pinagiisipan ang sinasabi! (tulad ko din,hihihi)
sya ay isa ding OFW,pero sinasabi nya na ang umaalis lang ng bansa ay yung matatapang at madidiskarte..so aminado sya na hindi sya magaling!
Para sayo Mang Badoy….Hindi mo ba alam na until now marami pa ding mga professionals sa mga non-anglish countries ang hindi nakakaintindi o nakakapagsalita ng english..So dapat mo pa nga sanang ipagmalaki ang mga “DH” dyan atleast kahit wrong grammar marunong sila! At hindi mo ba napapansin na kung tayo ngang mga pinoy eh wrong grammar pa din minsan pagdating sa tagalog na sarili na nating wika…at isa pa di mo ba alam na kahit sa mga english countries may mga tao ding wrong grammar!
whew..habang paliwanag pero madilim pa din!
DH nga din pala ako..wrong grammar din..kung dati eh puro present tense ang gamit ko ngayon naman eh puro past tense na,hahaha!
[Reply]
November 5th, 2008 at 3:01 am
waaah kdr bakit sa akin pumasok yung violent reaction mo kay mang badoy! feeling ko tuloy ako yung may comment na walang kwenta! peace di ako kaaway no,hihihi…
[Reply]
kingdaddyrich reply on November 7th, 2008 12:25 am:
oi sorry. he hehe. nagpaliwanag na ako sa barangay.
[Reply]
November 6th, 2008 at 1:56 pm
Swerte na din ako at kahit papaano eh nakaranas ako ng maayos na buhay kahit hindi umalis ang mga magulang ko.
Pero sa palagay ko ako naman dapat ang magsakripisyo para kahit papaano masuklian ko ang mga naibigay nila sa akin. Ako naman ang aalis. Susundan ko si Gasul at si Mami Lyzius.
[Reply]
November 6th, 2008 at 5:10 pm
Ako.. oo OFW ako..
Malayo.. malungkot.. nag iisa. Marami man kaming Pilipino sa lugar kung saan ako naroroon, hindi parin masaya. Bakit? Dahil marami sa kanila (maaring kabilang rin ako) na di nag papahalaga sa kung ano ang meron sila. Marami ang tumatalikda sa kung ano siya. Nakakatakot.
Utak talangaka.. mapanghusga sa kapwa.. yan ang karaniwang katangiang umuusbong sa mga taong nakasalamuha ko.. ang mas nakakalungkot kapwa Pilipino nila ang hinusgahan.. sinisiraan.
[Reply]
November 8th, 2008 at 12:13 pm
totoo to. pero mas mahirap yata pakibagayan ung ibang pinoy dito kesa sa ibang lahi. aba! super kung lumaki ang ulo! che! nakatungtong lng ng amerika kala mo kung sino.. tapos sasabihin pa hindi daw sila pinoy. hay.. tao nga naman.
[Reply]
Glenn reply on November 11th, 2008 1:14 pm:
Tama ka rin dyan, Lei! Buti nga Amerika natuntungan nila. Ilang mga Pinoy dito, buhangin lang ng Saudi Arabia ang natuntungan Poncio Pilato na kung umasta. Paasan ng ihi, hilahan pababa. Ang sakit ngang isipin na kapwa Pilipino rin sila.
[Reply]
December 3rd, 2008 at 11:00 pm
sa maikling pnhon n pmamamalagi q d2 nkakalungkot mlaman n ang iba nating klahing pinay eh pinaiiral ang pagiging “praktikal” nkakaawa nman sila kng tu2usin..pero unfair ‘yun sa mga pinay na matinong nghahanap buhay d2 kc ndadamay sila.Kdalasan ngdadalawang isip aq kung yes or no ba ang isa2got q sa tanong nilang..Are you a Filibini(Filipina)?
[Reply]