Jer Box

September 30, 2008 - 12:50 am

Alam kong alam mo kung anong pakiramdam nito. Pero maaaring hindi mo alam kung kailan ito aatake. Sosorpresahin ka nila at mararamdaman mo na lang ang sarili mo na nagmamadali. Nagmamadali ng maghanap ng pwede mong hingan ng tulong. At habang taranta ka sa paghahanap ay mabilis ang tibok ng puso mo na tila bagang may kabayong nais kumawala sa dibdib mo. Nanlalamig ka sabay ng pagtagaktak ng pawis sa buo mong katawan. Hindi ka na mapakali. Hindi mo na alam ang gagawin. Hindi ka makahingi ng tulong dahil nahihiya ka pero kanina mo pa gustong isigaw ang mga katagang… “Pautang ina! Nasan ang banyo? Natatae na ako!!!”

Kung tutuusin, maganda para sa kalusugan natin ang regular na paglalabas ng masasamang elemento sa katawan. Ngunit kung ito’y darating sa maling oras sa maling lugar siyempre ibang usapan na yan. Mahirap atang pigilan si Incredible Hulk kung gusto na niyang lumabas mula sa pagkakakulong ng mahigit sa isang linggo sa iyong bituka. O di naman kaya ay harangin ang isang rumaragasang putik na may kasamang lupa, buhangin, mga bato at may gulay-gulay pa sa pamamagitan ng iyong mga pinagpalang kamay. Magkakalat ka lang. Ang baho non. At ang ewwwww pa.

Kahit sabihin mo pang araw-araw kang jumejerbaks at nagagawa mo pang kumain habang nakaupo sa trono, di mo rin masasabi ang kondisyon ng tiyan mo. May pagkakataon kasi na may bigla na lang may kikiliti sa sikmura mo at parang prutas na naglalaglagan ang mga duming nakakapit sa bituka mo. Di mo namamalayan ay hinihila ka na ng inodoro. At maya-maya pa, umuungol ka na sa loob ng banyo.

Yan ay kung may banyong agad-agarang handang sumalo sa mga pagkakasala mo. Eh paano kung wala?

Diyan na bibilis ang oras mo at babagal ang oras sa paligid mo. Mas pahirap pa kung abutan ka sa isang lugar na matao at talagang imposibleng makakita ng pampublikong kubeta. Maliban na lang kung kakayanin ng tigas ng iyong mukha ang pagkatok sa ibang bahay para makigamit ng palikuran, na sa tingin ko ay napaka-imposible. At ang tagapagligtas mo na lamang ay ang pinakamalapit na fastfood chain.

Dahil diyan gagawa ka ng paraan at dito lalabas ang talas ng isip mo. Para kang artista na lahat ng masasalubong ay hahawiin para proteksyonan ang sarili. Mahirap na kasi dahil kapag nabangga ka nila ay malaglag ang pinakaiingatan mong yaman at sa isang iglap ay bigla kang pagkaguluhan. At ang tanging pag-asa mo na lamang ay manatiling nakatikom ang iyong asshole na mas matindi pa sa mga ngipin. Sige nga, humati ka ng tae sa gamit ang ngipin mo!

Kung mairaraos mo man ang lahat ng kalbaryo ito nang matagumpay at walang bahid ng dumi at baho. Binabati kita. Ngunit kung maging bigo sa isang napakahirap na pagsubok na tulad nito, binabati pa rin kita. Dahil alam ko na matapos ang lahat ng ito, sisikapin mo pa ring ibangon ang kahihiyan mo. At ang karanasang ito ay mananatili, habambuhay.

Life is like a shit sandwich. The more bread you have, the less shit you have to eat.

47 Responses to “Jer Box”

  1. Leyn Says:

    isa lang naiisip ko habang nagbabasa ako… si M!

    kahit ang mga sosyal din ay nawawalang ng poise kapag sakit na ng tiyan ang nadarama. mas prefer ko pang sumakit ang ngipin, ulo at katawan ko wag lang makaramdam ng pagtatae. ang hirap e… :S

    malas lang ng mga lalaki, halatang halata na nagbabawas sila pag nasa public toilet. nakaupo e. lol.

    [Reply]

    The Gasoline Dude reply on September 30th, 2008 1:58 am:

    Huh? Hindi ba nakaupo ang mga BABAE kapag TUMATAE??? *gulat*

    [Reply]

    Leyn reply on September 30th, 2008 3:33 am:

    gaga! i mean madidifferentiate agad ng ibang lalaki kung pumupupu o nagwiwiwi lang ang ibang lalaki pag sumilip sa ibaba ng cubicle.

    ginawa mo naman kaming alien. lol.

    [Reply]

    The Gasoline Dude reply on September 30th, 2008 7:27 am:

    Hindi mo kasi nililinaw Leyn!!! Akala ko me ibang posisyon na ng PAGTAE ang mga BABAE na hindi ko alam. *LOLz*

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on September 30th, 2008 12:30 pm:

    HA HAHA! natawa naman ako sa usapan niyo. napag-uusapan na rin lang ang posisyon, matanong ko lang…

    KAILANGAN BA TALAGA NA NAKAUPO?

    [Reply]

    Leyn reply on September 30th, 2008 9:14 pm:

    sorry naman. i’m not good in explaining things lalo na kung tungkol sa pagjebs. sos!

    at uunahan na kita, wag mo naman ako sulatan tungkol sa pagtae sa blog ko. lol.

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on September 30th, 2008 12:24 pm:

    naalala ko tuloy yung CR sa terminal ng bus sa monumento. ha haha! naghahanap ako ng available nag cubicle para umihi. eh ang baba nong divider nong cubicle. kala ko walang tao pero pagsilip ko may mamang nakaupo. ha haha!

    [Reply]

    Leyn reply on September 30th, 2008 9:12 pm:

    wahahaha! nakakainis yung CR na yun sa may victory. ang baba ng pader, pwede kang mag hello sa nakaupo.

    [Reply]

    Lyzius reply on September 30th, 2008 11:10 pm:

    ahahaha…

    naalala ko tuloy yung CR sa stop over ng bus papuntang Baguio sa may Sison, Pangasinan…

    Kasi pagtapos ka na at pagtayo mo, kita mo na yung mga kapit-Jerbox mo….

    Sos!

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on September 30th, 2008 11:47 pm:

    yun nga lyzius! natumbok mo! he hehe.

    [Reply]

    popoy reply on October 1st, 2008 3:54 pm:

    OO nga. sa may SISON. kaya kahit taeng tae ka na parang babalik sya sa tyan mo dahil may mga naghihintay. dyahe.lols

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on October 1st, 2008 6:21 pm:

    na try mo popoy?

    [Reply]

  2. fjordz Says:

    may karanasan na rin ako sa ganto.. at ang pota nangyari sa may shaw blvd.. san ka pa.. may dala-dala pa akong isang malaking box na uber bigat.. pero hindi ko na ikukwento dahil sa kahihiyan.. may poise pa ako ng lagay na yun ah..

    http://fjordz-hiraya.blogspot.com

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on September 30th, 2008 12:33 pm:

    at least diba may poise pa rin. yun nga lang maamoy. pero kung marami namang tao, di naman siguro mahahalata.

    [Reply]

  3. Jon Cabron Says:

    taena ayokong ayoko ng nakakabasa ng mga ganitong tema. maglalaro sa isip ko ‘to mamaya pag nasa bus na ‘ko.

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on September 30th, 2008 12:52 pm:

    kung ito man ang dahilan kung bakit ka nasuka sa bus…

    aantayin ko ang scandal mo. :D

    [Reply]

  4. Yods Says:

    minalas malas pa kung pagdating mo sa cr ng pinakamalapit na fast food chain ay may nauna ng lumulutang na jerbaks na hindi nalulon ng inidoro dahil walang panulak na tubig. ehehe

    [Reply]

    Leyn reply on September 30th, 2008 5:03 am:

    nakakadire naman tong description mo puto. lol.

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on September 30th, 2008 12:54 pm:

    ha haha! sa madaling salita, wala ka ring panghugas! ha haha!

    [Reply]

  5. kris jasper Says:

    Kaya nga nagdadala ako ng Imodium lagi…

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on September 30th, 2008 12:55 pm:

    may imodium sa UK?

    [Reply]

  6. Nenengsky Says:

    The number of times I drank hot chocolate from Jollibee is significantly related to my inappropriate-time to move my bowel scenarios.

    It’s time to replace Jollibee Hot Chocolate with Biguerlai Tea.

    Jerbox rox.

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on September 30th, 2008 7:25 pm:

    The number of times I drank any hot beverage from any restos or cafe is a significant factor in my bowel movement.

    That’s why as much as possible, i order cold drinks instead.

    yes. it rox. :D happy blogging. :)

    [Reply]

  7. taps Says:

    gustong gusto ko yung feeling na natatae, may thrill.

    tapos biglang aabot ka pala sa grand finals… yung tipong mga 2 seconds na lang ang pagitan ng pwet mo at inidoro… ayos na ayos yun….

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on September 30th, 2008 7:27 pm:

    tapos parang bukal ng bumubulwak ang jerbox sa pwet mo. at parang ang gaan gaan ng pakiramdam mo pagkatapos.

    what a thrill!

    ayos na ayos!

    [Reply]

  8. mangyan ako Says:

    bagong word ‘yon ah: jerbaks, kailangan ko na mag-update ng slangs ko..xx xx xx

    uu nga, bakit nga ganyan yang mga “jerbaks” na yan, papansin sa mga lugar na alam ata nilang papansinin mo talaga sila, di puede ipagwalang bahala, kasi baka nga rumagasa ang maamoy na “katotohanan”…xx xx xx

    eewww talaga, super yackidoodles…

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on September 30th, 2008 11:50 pm:

    oh yes JERBAKS! he hehe. baka alam ito ng mga arabo.

    [Reply]

  9. samieboi Says:

    hmm. gusto ko ang kowt mo sa dulo. so capitalist (nga ba?). the more moolah, the less shit you have to eat. truelala. kaya puro kasabugan buhay ko ngayon, no bread. haha :)

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on October 1st, 2008 6:24 pm:

    save rice. eat bread. o daba? :D

    [Reply]

    samieboi reply on October 2nd, 2008 12:27 am:

    hindi naman talaga ko nagkakanin. sumasakit ang tiyan ko for some reason. kaya sige bread lang ng bread.

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on October 2nd, 2008 1:11 am:

    whoa! kung bigas ang kinakain mo malamang sumakit talaga. pero kanin? hmmm..

    [Reply]

    samieboi reply on October 3rd, 2008 6:29 am:

    hahaha!!! tae alangan naman kainin ko ang di luto. hahahahah!!! oo weird lang tlga ang tyan ko.

    [Reply]

  10. pao Says:

    hi, Dad! at yeah–eww.

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on October 1st, 2008 6:39 pm:

    hi xio. yeahboi! :)

    [Reply]

  11. maye Says:

    eeeew!! ahaha.. buti hindi ako kumakain. madalas pa naman akong kumain sa harapan ng computer habang nagbablog-hop. tsk tsk.

    masasummarize yan sa isang word eh: success!!
    nyahaha..

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on October 1st, 2008 9:38 pm:

    pampagana nga ito eh. he hehe.

    success!

    [Reply]

  12. spongebabe Says:

    ambantot naman ng entry na’to.

    hehehehe.

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on October 1st, 2008 9:41 pm:

    baka may naapakan ka lang kaya mabantot. he hehe.

    [Reply]

  13. popoy Says:

    hindi ako aalis ng bahay tuwing pumapasok hanggat hindi ko nararamdamang kalmado na ang tyan at pwet ko. mahirap magpigil sa loob ng MRT.

    si Mariano din ang naiisip kong nagsulat ng entry.lols pis rbilogs :)

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on October 1st, 2008 9:42 pm:

    ano bang mayron kay mariano at naiisip niyo siya pag ganitong usapan. samantalang isa siya sa mga naging inspirasyon ko sa post na ito. hmmm..

    [Reply]

    b@kekang reply on October 6th, 2008 11:43 pm:

    d aq inaabot ng jebs sa labas ng bahay kc constipated aq hahahaha!

    [Reply]

  14. Jayclops Says:

    Haha. Nakakatawa ka.

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on October 16th, 2008 12:52 am:

    salamat. ramdam ko ang kaligayahan mo. he hehe.

    [Reply]

  15. hazel Says:

    ang sarap naman ng usapan na ‘to. pambihira, natapat pa na kumakain ako. ahaha! :D

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on October 16th, 2008 12:53 am:

    wag ka mag-alala, di ka naman nasuka diba?

    sadyang binuo ang entry na yan para di ka masuka habang kumain at nagbabasa. :)

    [Reply]

  16. Gretel Says:

    i really like what i read here

    enjoy to the max

    iba kasi meaning ng jerbox sa lugar namin eh

    hehehe

    sino gumawa ng entry nato?

    cute sya ha..

    artistic ang pagkakadescribe

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on October 28th, 2008 1:35 am:

    ay hello po sa inyo. ako po ang may gawa ng entry na ito. ang na curious naman po ako kung ano ang ibig sabihin ng jerbox sa inyo? at taga san po ulit kayo? salamat gretel. :)

    [Reply]

Leave a Reply