Bakit Sagabal Ang Payong Kapag Umuulan?
Ilang araw nang umuulan. Siguro ilang araw na ring namamayani ang pagka-emo ng karamihan. Kakaiba kasi ang mood na ibinibigay ng ulan. Nariyan ang maging sentimental, matulala o di naman kaya ay magbalik-nakaraan. Habang iniisip ang masasayang ala-ala ng lumipas ay tumutugtog naman ang kantang Payong (tinagalog na Umbrella) ni Miss Ganda sa backround. Magandang kumbinasyon. At napapa-di na, di na, hinde, hinde, hinde ka na rin habang nakangiti at sumasabay sa beat ng kanta ang paa mo.
Napag-uusapan na rin lang ang payong ay lulubus-lubusin ko na ang pagkakataon.
Karamihan sa atin ay kasangga na ang payong tuwing umuulan at kahit matindi ang sikat ng araw. At di lang yan, madalas din gamitin ang payong para sumalo ayon kay Bro. Mike Velarde. Pero maliban sa mga ito, may ilang bagay akong napansin na negatibong implikasyon na dulot ng payong lalo kapag umuulan. At kung nagkataon, malamang ay nasa Guinness na naman ang mga Pilipino sa paggawa ng pinakamalaking payong sa buong mundo.
Hindi epektibo ang payong kapag malakas ang ulan. Hindi parating diretsong patayo ang buhos ng ulan at maraming pagkakataon na may anggulo ito. Hindi maproproteksyonan ng payong ang buong katawan mo at swerte ka na kung hanggang binti mo lang ang mabasa. Di rin epektibo ang pag-anggulo ng payong dahil malamang ay umaanggi. Eh paano kung papasok ka ng eskwela o opisina? Kumusta naman ang sapatos at pantalon mo. At kung marunong humalakhak ang bagyo ay malamang pinagtawanan ka na nito.
Nakakairita rin yung mga aleng nag-iipit ng mahahabang payong sa kili-kili. Di ko alam kung nagtatanga-tangahan o hindi lang talaga naisip na pwedeng mag-exist ang tao sa likod nila. Kapag minalas-malas pa ay tatamaan ka ng dulo nito na namumukadkad sa putik. Idagdag pa ang mga taong walang pakundangan kung magkiskis ng basang payong sayo para sa sarili nilang kapakanan. Akala lang nila di ko alam na ginagawa nila yun para matuyo agad ang payong nila. Hah!
Malaking sagabal din ang mga payong lalo na ang mga de-tupi. Madalas itong ginagamit lalo ng mga kababaihan dahil pwedeng isuksok sa kanilang kikay bag. Kumportableng dalhin, madaling buksan, at ang hirap tupiin! Alam ko namang hindi na kailangang pag-aralan sa paaralan ang tamang paraan ng patutupi ng payong pero utang na loob talaga, hindi ko ito maperpekto.
At hindi malayong nangyari na rin sa iyo na sa kalagitnaan ng pagtawid sa kalsada ay biglang bumaligtad ang payong mo bunsod ng malakas na hangin. Sa halip na iintindihin mo ang pagtawid mo ay inasikaso mo pa ang bumaligtad mong payong. Dahil aminin man natin o hindi, nakakahiya ang mabaligtaran ng payong sa kalsada at hindi ka magka-ugaga sa pag-ayos nito.
Eh paano kung tuluyang lumakas ang hangin at tinangay ka? Tapos saktong may humaharurot na 10-wheeler trak ng gasolina na patungo sa direksyon mo. At sa sobrang lakas ng hangin, hindi mo makontrol ang payong at dinadala ka rin nito patungo sa direksyon ng humaharurot na 10-wheeler trak. Sa tingin mo ba may panalo ka pag nagbanggaan kayo?
Bakit hindi mo subukang magkapote minsan? Para ligtas at maiba naman. Ang mga halaman, ayos lang kahit hindi diligan kapag ganitong maulan.
At kahit anong baliktad mo sa payong mo, mapuno man yan ng kung anong hinahangad mo, kapag ginamit mo ulit ay matatapon at matatapon din yan. Mas mabuti siguro kung makukuntento at payayabungin ang kung anong kayang saluhin ng mga palad mo.
…hinulog ng langit na siyang nag-ampon, sa piyesta ng dahon ako’y sumilong, daan-daan larawan ang nagdaraan sa aking paningin, daan-daang nakaraan ibinabalik ng simoy ng hangin…



September 26th, 2008 at 2:09 am
nararamdaman kong ang post na ito ay dedicated para sa akin.
kakabili ko lang ng bagong payong kanina… walang utang na loob ang dati kong payong. bumabaligtad lagi. parang galit sya sakin. tsk.
[Reply]
kingdaddyrich reply on September 26th, 2008 9:11 am:
Fibrella ella eh eh eh..
[Reply]
lethalverses reply on September 26th, 2008 9:51 am:
naisip ko lang, ang payong pala parang pulitiko din…
bumabaligtad. sumusunod kung saan mas malakas ang hangin…
[Reply]
kingdaddyrich reply on September 26th, 2008 12:47 pm:
at salo lang ng salo.
[Reply]
The Gasoline Dude reply on September 26th, 2008 2:45 pm:
Para ding isang relasyon… Kapag hindi nakayanan ang bagyo, ito’y bumabaligtad at nasisira… kapag nakakabitaw ang may-ari, ito’y nililipad ng hangin… Haaayyy…
[Reply]
samieboi reply on September 26th, 2008 3:25 pm:
pero pwede naman din ayusin muli ang bumaliktad na payong. pwede rin naman habulin kung lumipad ang payong.
[Reply]
kingdaddyrich reply on September 29th, 2008 4:24 pm:
waw. parang marianas trench, palalim na nang palalim.
[Reply]
Leyn reply on September 28th, 2008 5:07 pm:
anlalalim ng mga pinagsasabi nyo. ang reklamo ko lang talaga eh bumabaligtad payong ko. lol.
[Reply]
kingdaddyrich reply on September 29th, 2008 4:25 pm:
aba oo nga naman. pero ang galing. naihalintulad ng mga intlehenteng taong ito ang payong sa realidad ng buhay. genius homo sapiens.
[Reply]
samieboi reply on September 29th, 2008 10:05 pm:
payong pa ba ang usapan? hahaha
[Reply]
September 26th, 2008 at 2:47 am
bago ang lahat bilib din ako sa blog mo at sa oras na binabasa ko ito eh may 9 people na nagbabasa. at mag aalas tres na niyan ah. astig!
ako lagi akong may dalang payong pero bihira kong gamitin. hindi ko ginagamit kapag napaka init ng sikat ng araw at di rin kapag naulan. mas gusto kong gamitin or let’s say makisukob sa payong ng ibang tao.
main reason (lalo na pag umuulan): ayokong mabasa ang payong ko. hahahah!!!
astig!
[Reply]
kingdaddyrich reply on September 26th, 2008 9:15 am:
9 people? sayang! sana naprint-screen ko. tsk. isa lang ang ibig-sabihin niyan. walo na kayong bumamabasa ng blog ko. ako ang pang siyam. rak on!
at dahil ayaw mong mabasa ang payong mo, pang-147 ka na sa mga kakilala ko na may ganyang makabuluhang dahilan. ayos! magsama-sama tayong lahat.
[Reply]
samieboi reply on September 26th, 2008 3:27 pm:
wahahah! typo mehn sorry naman sa 9 readers. hahah!!! madaling araw.
eh kasi naman diba mababasa pati ung ibang gamit sa loob ng bag.. eh di might as well maki sukob. haha!! saka mas masayang maulanan
[Reply]
kingdaddyrich reply on September 29th, 2008 4:27 pm:
teka san mo ba tinignan? dun sa kulay green sa kanan o sa itim sa baba? he hehe. la lang.
tama ka masayang maulanan. pero di masayang magkasakit.
[Reply]
samieboi reply on September 29th, 2008 10:05 pm:
dude. wala na ako sa hulog ng madaling araw. alam ko 8 ang tinayp ko. hahaha :))
[Reply]
kingdaddyrich reply on September 30th, 2008 12:59 am:
ngak. yung number ba ang typo? nagkakaintindihan tayo. garabe! ha haha.
[Reply]
September 26th, 2008 at 4:07 am
totoo ba ito? pangatlong comment ako sa blog mo? HIMALA! teka, bibilisan ko ang comment at baka dumami pa.. hehehe
oo nga, daw, umuulan na naman. badtrip un, kasi mabagal ang internet at madalas nawawalan ng connection. badtrip kasi, may ka-chat ako. un.
payong. di ako nagpapayong kapag umuulan. pareho kami ng dahilan ni samieboi, ayoko ring mabasa ung payong ko. tatakbo na lang ako kesa sa mabasa ung payong ko. kung may bagyo, umm, papatila na lang ako ng ulan sa mall.
[Reply]
kingdaddyrich reply on September 26th, 2008 9:22 am:
gusto ko sana hulaan pero di ko talaga kilala kung sino ang ka chat mo. hmmm…
at pang-148 ka na sa bilang. tsk. kapag naka 150 ako, magpepetisiyon ako sa senado para gumawa ng batas na ipinagbabawal ang paggamit ng payong sa Pilipinas.
pero magandang suhestiyon ang pagtakbo kapag maabutan ng ulan. malaking posibilidad na maiwasan ang patak. lol.
[Reply]
September 26th, 2008 at 4:16 am
mahilig ako magdala ng maliit na payong. ung pang isahan lang. para kapag me gustong makisukob, magsisiksikan kami ha ha ha.
para me warmth.
[Reply]
kingdaddyrich reply on September 26th, 2008 9:33 am:
uy lolo. kumusta? mabuti naman at nagpapayong ka. uso ang sakit ngayon. dapat talaga lagi kang may dalang payong kasi humihina na ang immune system mo lalo pag nagkakaedad.
at sukob ang pinaguusapan, nasan na ba si samieboi. he hehe.
[Reply]
samieboi reply on December 1st, 2008 2:53 pm:
haha ngayon ko lang nakita na hinahanap mo pala ako sa reply mong ito, o ako nga ba itong samieboi na ito? hahah
bakit naman? may kinalaman ba ako sa pagsukob? err? hahahah
[Reply]
September 26th, 2008 at 8:23 am
di ako nawawalan ng payong sa bag ko. parang kulang kapag wala ako nito. katulad ng panahon ngayon na bigla-bigla na lamang bumubuhos ang malakas ng ulan, handa ako. pero nakakatawa kasi this week lang e naipahiya nako ng payong ko ke-aga-aga dahil bumaliktad sya sa sobrang lakas ng hangin. hahaha!
[Reply]
kingdaddyrich reply on September 26th, 2008 9:37 am:
ipinahihiwatig lang niyan na wag ka na magpayong. sali ka na sa amin. pang 149 ka na pag nagkataon. at pag nagtagumpay tayo, wala na tayong payong na makikita sa lansangan ng Pilipinas kahit kailan!
[Reply]
Yoji reply on September 26th, 2008 12:52 pm:
e kasi naman sakitin ako, as in mahamugan lang ng konti, sinisipon na. parang sanggol. hahaha! (ayaw lang talaga maki-join sa mga hindi gumagamit ng payong. hehe.)
naalala ko tuloy nanay ko na napakahilig sa payong. kelangan minimum na 5 payong meron sa bahay. take note: unused dapat. as in mga bago, pero dahil matagal na nya nabili ang mga yun, luma na din. hehe. bukod pa yung dalawang payong na salit-salitan nya na ginagamit. hehehe.
[Reply]
kingdaddyrich reply on September 29th, 2008 4:30 pm:
kung naalala mo nanay mo, naalala ko naman si penguin. isa sa mga malupit na kalaban ni batman (ako ito, secret lang). ang dami niyang payong diba? pinakapaborito kong payong niya yung may armalite sa dulo. ang galing kasi eh. pumapatay. ha haha!
[Reply]
September 26th, 2008 at 8:40 am
ayoko ng ulan. hate na hate ko ang ulan.
at kahit anong klaseng pangba-bribe ang gawin ng nanay ko simula nung elementary ako hanggang college, never akong nagdadala ng payong.
one time binilhan nya ako ng magandang payong na folded para daw di ako tamarin magbitbit. ayun, iniwan ko sa bahay ng kaklase ko at di ko na naisip balikan in a million years. sandamukal na litanya inabot ko nun, kesyo mamahalin daw yung payong na binili nya para saken, pero keber mode pa din ako.
hanggang ngayon. di baleng mabasa, wag lang magbitbit ng payong. ayos diba?
[Reply]
kingdaddyrich reply on September 26th, 2008 9:39 am:
iniwan? at talagang hindi naiwan! ha haha. sana ibinigay mo na lang para kahit paano nakapag-tenkyu siya sa iyo.
at tama ka, di baleng mabasa. ang sarap kaya mabasa.
[Reply]
September 26th, 2008 at 5:41 pm
Wala po itong koneksyon sa entry niyo, pero kailangan kong magcomment. Natouch naman ako at nadalaw niyo ang site ko. Isa ko sa milyun niyong silent readers. Yun lang, hello, hello, hello
rak en rol
[Reply]
kingdaddyrich reply on September 29th, 2008 4:30 pm:
hello hello hello din.
rak en rowl!
[Reply]
September 27th, 2008 at 6:02 am
gusto ko ang ulan. kahapon nag mall ako. naisipan ko bumili ng bagong payong pero ang ending, waterproof pouch ang nabili ko, kung saan pede ko ilagay ang selfon ko, ang wallet at kung ano ano pang ayaw ko mabasa pag naulan. Ayun, tyempo paglabas ko umuulan at malayo ang pinag parkingan ko ng sasakyan. Ayos na ayos ang waterproof pouch, at nag enjoy akong maglakad sa ulan habang ang lahat ng tao ay stressed na stressed dahil umuulan, nagkakanda basa basa sa pag iwas sa ulan at sa mga kung ano ano pa, andun lang ako, naglalakad at nagpapabasa… next time, bibili ako ng towel at plastic na paglalagyan nun sa car, kasi, basang basa ako pag dating ko sa sasakyan ko, at ayokong pumasok at mag drayb kasi nga, mababasa ang upuan…toinks!
[Reply]
kingdaddyrich reply on September 29th, 2008 4:34 pm:
wui idol. nandito ka ulit. he hehe.
kung ako siguro ang nasa lugar mo, yung binili kong waterproof pouch ay itinalukbong ko sa ulo ko. diba ang galing?
isabay mo na rin kaya ang pagbili ng sabon at shampoo para solve na! bagong ligo ka pa pag dating mo sa susunod na pupuntahan mo. he hehe.
[Reply]
luisbatchoy reply on September 30th, 2008 3:10 am:
idol ba talaga? Andito lang ako lagi king daddy…naka lurker mode…hehehehe…eh kung itinalukbong ko sa ulo ko yun, pano mababasa ang ulo ko? Di ba, di ba? Ang kulet…para na ring nag suot ako ng hoodie, no puro hood lang? Hehehehe…basta lagi lang ako na ka lurker mode…hehehehe…pa kiss…mwah…speaking of kiss…masarap mag kiss under the rain, or under a fireworks display…wonder ko lang…pwde ba sabay? Toinks!
[Reply]
kingdaddyrich reply on September 30th, 2008 1:00 pm:
oo idol. nakita ko ang profile mo sa friendster! aba, hindi biro ang manalo ng ganun ah. tsk tsk. idowwwl!!!
at ume-emo ka rin. pwede sumabay sa kiss. pero wag sa akin! ha haha.
[Reply]
luisbatchoy reply on September 30th, 2008 8:25 pm:
hahahaha…yun ba? wala yun… baka nakatsamba lanag…decoration sa dingding … o dali na, kiss na! Mwakhakhakhak
[Reply]
kingdaddyrich reply on September 30th, 2008 8:53 pm:
kung tsatsamba rin lang ako. sana yung katulad ng pagkatsamba mo! *bow*
[Reply]
September 27th, 2008 at 12:32 pm
Tuwing panahon ng tag-ulan, nakakarami ako ng payong! Bihira na ang payong na matibay ngayun. Merong pang fashionista, may pang matanda ang itsura at meron din namang pang emergency lang na pag hinipan ay magkakalasog-lasog na agad…Mabuti pa nung bata ako, kapote lagi ang pinapadala sakin ng lola ko. Ngayun kasing dalaga na ko, parang nakakahiya ng mag kapote, bukod sa out of style eh mukha ka pang astronaut na naglalakad sa gitna ng ulan.
[Reply]
kingdaddyrich reply on September 29th, 2008 4:37 pm:
naks dalaga na siya. ayii… kikay! he hehe.
pero kung ako sayo, hindi ako magkakapote. pang lalaki lang kasi yun eh. if you know what i mean..
yihee! dalaga na siya.
[Reply]
litz reply on September 29th, 2008 11:30 pm:
ayiiihiihihih…upu dalaga na kuh…ayiiihhiii…:)
[Reply]
September 27th, 2008 at 2:40 pm
i love payong! dati ang dami ko pa sa kotse nyan.. at hindi ako nasisiraan ng payong, well bihira, madalas sila pb nakakasira ng payong ko.. pero palagay ko hindi payong ang sagabal e, yung taong mismong gumagamit ng payong na walang pakundangan sa paligid nya..
sa sobrang love ko ang payong e adik ako sa pag titiklop nito. hamo, turuan kita minsan, enjoy.
nga pala since nabanggit mo na rin lamang ang pagka emo ng mga tao sa tuwing tag ulan e may tawag jan; Seasonal Affective Dysorder.. or SAD or also known as winter depression. Yung pag ka emo daw ng tao e umuugnay sa lagay ng panahon.. lol..
[Reply]
kingdaddyrich reply on September 29th, 2008 4:41 pm:
oo nga. ang tao ang sagabal sa payong. dapat hindi tao ang gumagamit sa payong eh. tsk. pero sige, papaturo pa rin akong magtupi sayo. para di ako mapapahiya kay GOOGLE GIRL kapag tinutupi ko ang payong niya. he hehe.
teka, totoo ba yang Seasonal Affectice Disorder na yan? scientifically proven? tsk. ngayon ko lang narinig (in this case nabasa) ang tungkol diyan. anong gamot diyan.
[Reply]
September 27th, 2008 at 9:50 pm
nahihirapan din ako magtiklop ng ‘folding’ na payong! basta ko na lang sinasara at itatapon sa bag ko. hahhaah! o di kaya kung may babae akong kasama, pinapaayos ko muna. hehehe! di rin yun effective kapag malakas ang hangin. dahil may mga ‘joints’ yung payong, madaling mabali. hehehe!
nakakasenti nga ngayon. hays..
[Reply]
kingdaddyrich reply on September 29th, 2008 4:47 pm:
ah. joints pala ang tawag dun. aba oo nga. pero hula ko basa ang gamit mo kung isasara mo at biglang itatapon sa bag mo ang payong mo lalo pag tagulan. hula lang naman. di ako sure diyan. hula lang talaga.
[Reply]
September 28th, 2008 at 9:13 am
ayaw ko talaga yung payong song, nakakhiya kay rih
pero true sarap emote emote pag umuulan
[Reply]
kingdaddyrich reply on September 29th, 2008 4:49 pm:
siguro yan ang pinapakinggan mo no kapag nag eemote emote.
di na di na, hinde hinde, eh eh..
[Reply]
September 28th, 2008 at 3:32 pm
kapote pa rin ang ok pag malakas talaga ang ulan. lalo na’t bagyo.
[Reply]
kingdaddyrich reply on September 29th, 2008 4:50 pm:
oo. parang si batman ang dating kapag hinahangin. yess!
[Reply]
September 28th, 2008 at 5:58 pm
ayoko ng payong, gusto ko magtampisaw sa ulan. hehe
[Reply]
kingdaddyrich reply on September 29th, 2008 4:52 pm:
oi taps. anong isda ang palaging basa sa ulan?
[Reply]
September 28th, 2008 at 9:30 pm
Woi!! Kamusta?! Haha. Na-miss ko talaga itong page mo!! Hehe.
Ayoko ng payong. Pati kapote. Haha. Mas gusto ko kasi minsan mag-alulod-hopping, e. Exciting. Haha. Pero totoo naman kasing hassle ang payong! Waah! Laging sira ang get-up kapag umuulan.
[Reply]
kingdaddyrich reply on September 29th, 2008 4:53 pm:
buti pa ang page ko na mimiss mo. tsk tsk.
oh wait. pano yang alulod hopping?
[Reply]
September 29th, 2008 at 1:11 pm
kaya di ako nagpapayong eh. tamang jacket na lang pag maulan. kung minsan, kahit na may dala akong payong, di ko na binubuksan at takbo na lang hanggang makasakay ng jeep.
ayoko rin ng kapote, mahirap itupi at itago kapag di mo na kailangan dahil basang-basa.
[Reply]
kingdaddyrich reply on September 29th, 2008 4:54 pm:
oi. nakauwi ka na ng pinas? walang jeep sa states. wala kang pupuntahan kapag umulan bigla.
[Reply]
maye reply on September 29th, 2008 9:23 pm:
di pa. ahaha.. wala nga po. naalala ko lang yung noon.
[Reply]
kingdaddyrich reply on September 30th, 2008 12:54 am:
speaking of states, ano pakiramdam kapag inabutan ng snow sa daan? he hehe.
[Reply]
September 30th, 2008 at 4:22 am
uy usapang payong! pagkakataon ko na ito para ipagmalaki ang aking emo payong. ehehe
[Reply]
kingdaddyrich reply on September 30th, 2008 12:15 pm:
emo payong? ano yun?
[Reply]
September 30th, 2008 at 1:28 pm
Ang pinakaayaw ko ay yung naghihintay ka ng jeep tapos maulan.Yung katabi mo may payong. Lahat ng tubig na tutulo galing sa payong niya sayo mapupunta. Para kang alulod.
[Reply]
kingdaddyrich reply on September 30th, 2008 1:46 pm:
ha haha! oo nga! isa pa yun. sos yan.
[Reply]
October 6th, 2008 at 4:32 pm
buti n lng ala d2 ulan hehe..init n parang nasa oven lng nman..ang ayoko eh yung iwinawala ang payong ng kung cnu mang gumamit..kagigil yun naku!!
[Reply]
kingdaddyrich reply on October 6th, 2008 6:27 pm:
walang ulan diyan? nasang planeta ka ba? hmmm… walain ako ng payong. pero at least sa akin yung payong na winawala ko so ayos lang.
[Reply]
b@kekang reply on October 6th, 2008 11:33 pm:
ala po..malapit kc 2 sa mars hehe..ang init dito..at uso dito ang angheat wave hahaha!susmaryosep n mga arabo ‘to uu!!!
[Reply]
kingdaddyrich reply on October 7th, 2008 8:09 am:
ha haha! kaya naman pala. naintindihan ko na ngayon. kailangan niyo mag rain dance.
[Reply]
October 8th, 2008 at 5:56 pm
naku!!malalagas ang lahat ng buhok q sa lahat ng parte ng katawan..d uulan d2..anywayz malamig n nman simoy ng hangin malapit n kc winter d2..ang sarap n nyan mag ano hehehe..matulog.
[Reply]
kingdaddyrich reply on October 8th, 2008 8:39 pm:
sabi nga sa akin. kulang na lang snow. bakit dito sa pinas kung kailan malapit na ang pasko saka mainit. tsk
[Reply]
b@kekang reply on October 12th, 2008 1:48 pm:
maiinit ang ulo kapag pasko sa pinas dahil sa sandamakmak na gaastusin dahil sa dami ng inaanak hehe
[Reply]
October 12th, 2008 at 4:26 pm
great site. Hahaha. nakakatuwa na may mga taong sinusuri ang mga trivial na bagay na sadya namang nakatutuwa. Minsan mapapasabi ka na lamang ng “oo nga no”
[Reply]
kingdaddyrich reply on October 16th, 2008 12:50 am:
halow! kumusta naman tayo diyan?
[Reply]