Kingdaddyrich Propayl
Sa napakaraming bagay na ayaw na ayaw kong gawin, maliban sa paghuhugas ng pinggan, ay ang pagpapakilala sa sarili ang pinakamahirap tuparin. Kahit na alam naman nating lahat na marami nang eksperto dito, sadyang hindi madali para sa akin ang magimbento ng mga kasinungalingan para ilarawan ang aking sarili. Kaya sa pagkakataong ito ay pilit kong ipapakilala ang katauhang nasa likod ng blog na ito at sisikapin kong manatili ang katotohanan sa bawat titik ng pagsasalarawan na iyong mababasa.
Ako si kingdaddyrich. Isinilang at lumaki sa isang bansa na kung tawagin ay Pilipinas. Ilang taon na ang nakararaan nang aking madiskubre na maliban sa pagsasaliksik at panonood ng pornograpiya, ay may iba pa palang mas mabuting maidudulot sa akin ang Internet. Ito ay walang iba kundi ang pagbo-blog. Na nagsimula bilang isang simpleng taga-basa, taga-kumento at nakikihalubilo sa mga hindi ko kilala. Di nagtagal ay gumawa ng sariling tampulan ng mga nakikita, naririnig, nararamdaman at naiisip. At nang lumaon ay nagkaroon ng isang permanenteng tirahan sa isang artipisyal na mundo na kung tawagin ay World Wide Web.
Sa lahat ng mga paksa ng aking mga isinusulat ay pawang pumapanig sa katotohanan. Ang mga ito’y binuo mula sa samu’t saring pagtatanong at pagsasaliksik bago ihain. Bawat detalye na aking ibinabahagi ay may basehan at may pinag-ugatan. Hindi ko kailangang gumawa ng kasinungalingan upang magpasikat at maging tanyag. Hindi ko alam ang lahat. At di ko ugaling sumawsaw sa mga bagay na wala akong alam. Dahil sa simula pa lang, hindi na ito ang layunin ko kung bakit ako nagbo-blog.
Hindi ako anonymous. Si kingdaddyrich ay may pangalan, pagkakakilanlan, pinaggalingan at patutunguhan. Ngunit mas pinili kong ikubli ang aking sarili sa mapanuri at mapanghusgang mata ng mga taong sobra ang bilib sa sarili. Ang blog na ito ay personal. Bagaman bukas sa ano mang uri ng kumento, kritisismo, opinyon o suhestiyon ay limitado lamang sa mga bagay na aking ibinabahagi. Sa madaling sabi, hindi umiikot sa blogosperyo ang buhay ko. Kaya tinawag ko itong artipisyal sapagkat ito ay pansamantala at isang bahagi lamang ng aking buong pagkatao.
Ito ay bukas para sa lahat. Ngunit hindi parang karinderya na kapag natabangan o napaso sa isinubong ulam ay basta na lamang iluluwa at magsasalita ng mga bagay na hindi kaaya-aya. Ang mga ibinabahagi ko dito ay base sa mga realidad ng buhay. Ngunit kung mahalintulad man ito sa mga karanasan mo at matalsikan ng mantika sa mula sa mainit ng kawaling inihain ko ay wala akong magagawa, sinadya ko ito pero hindi ikaw ang tinutukoy ko. At tiwala naman ako na ang aking mga masusugid na mambabasa ay ang mga klase ng taong marunong gamitin ang kung anong kulay abong nasa loob ng kanilang bungo.
Walang sinoman ang aking pinilit na basahin ang mga lathala ko. Walang sinoman din ang obligado na mag-iwan ng kumento. Hindi ako takot sa kahit kanino. Hindi ko rin kailangang makipagbolahan sa mga tao sa paligid ko para makuha ang simpatiya nila para sa sarili ko. Sasabihin ko kung anong gusto ko. At malaya ang sinoman na gawin din ito. Hindi man ako sang-ayon sa mga sinasabi mo ngunit ipaglalaban ko ang karapatan mong sabihin ito.
Para sa mga nagtatanong kung magkano ang aking edad. Para sa mga nag-aakalang ako’y isang maitim at matabang tatay. Para sa mga nag-aakalang mayaman ako. Para sa mga nagtataka kung ako ba ay may multiply. Para sa mga tambay. Para sa mga naghahanap ng aking prenster. Para sa mga gustong sumilip ng aking twit-twit. Siyempre bago ang lahat hayaan niyo na kayo muna ang silipin ko.
Yun lang.



September 23rd, 2008 at 2:58 am
hindi ko alam kung bakit pero idol talaga kita kdr!
umpisa palang alam mo na ‘yon.
at habangbuhay mo akong fan.
may ebidensya ka e. hahaha.
ang gusto ko talaga sa blog mo, may sense…
hindi ginawang materyal para lang ipagmalaki ang sarili o gumawa ng pantasyang alter ego.
saludo!
[Reply]
kingdaddyrich reply on September 23rd, 2008 3:50 am:
palakpak tenga ko. ha haha! ano bang ibig sabihin niyang mga sinabi mo? nalulusaw ang puso ko. para akong babaeng binobola ng manliligaw ko. ganito pala feeling ng nililigawan. ha haha! salamat. dahil diyan.. may malupit kang yakap sa akin. ayiii….
[Reply]
Leyn reply on September 23rd, 2008 9:57 am:
gaga! parang dini display mo na nililigawan kita a. pft!
yung yakap… ano… gawin mo nalang cash. lol!
[Reply]
kingdaddyrich reply on September 23rd, 2008 2:44 pm:
magkano ba ang yakap ng isang sosyalera?
[Reply]
lyzius reply on September 23rd, 2008 4:40 pm:
kdr: wag mo akong bilugin leyn hindi ako kulangot!
ang korni ko talaga kahit kelan…
[Reply]
Leyn reply on September 24th, 2008 8:46 pm:
mura lang, sing halaga lang ng isang LV bag.
Louis Vayong bag.
[Reply]
lethalverses reply on September 26th, 2008 9:31 am:
kala ko naman LethalVerses bag, e walang halaga un..
ika nga, “priceless” hehehe…
[Reply]
September 23rd, 2008 at 3:32 am
Gaya ng sabi ko dati, i like how you write kasi nababalik ako sa kabataan ko. kewl!
“Para sa mga nagtataka kung ako ba ay may multiply.”
hindi ko na ipipilit un.
–< sorry na.
[Reply]
kingdaddyrich reply on September 23rd, 2008 3:53 am:
masarap kasi magreminisce ng buhay kabataan. ito yung mga panahong wala tayong inaalalang problema at naeenjoy lang natin ang existence sa mundo. nakakatuwa rin makita ang mga bata at nakakakuha ako ng inspirasyon sa kanila para ilahad ang kabataan ko.
buti na lang may mga tulad mo na nakakappreciate ng mga ganong ala-ala.
salamat.
at kaya ko inilagay ang pangungusap na yan dahil naisip kita. he hehe. wag ka magsorry sus.
[Reply]
samieboi reply on September 23rd, 2008 9:58 am:
=)
[Reply]
September 23rd, 2008 at 3:48 am
binasa ko naman ang buong entry mo kdr pero bakit parang wala akong masabi. stunned ako sa mga kuro-kuro mo. napag-isipisip tuloy ako sa gagawin ko sa blog ko. may tanong lang ako, bakit ka nagpakilala?
[Reply]
kingdaddyrich reply on September 23rd, 2008 3:58 am:
marami kasing katanungan tungkol sa akin. bahagya pa lang nga yang pagpapakilalang yan eh. at least kahit paano, mababago yung mga maling impormasyon tungkol sa akin. isa pa, ang blog na ito ang magsasalamin kay kingdaddyrich. mas makikilala mo siya sa mga susunod pang magiging entry niya. parang isang bagong kaibigan na habang tumatagal ay nagkakakilala. at sa huli ay magkakainlab-an. ha haha!
at isa pa, hindi pa ako nagpapakilala sa buong blogging life ko. maganda rin yan na ilagay sa ABOUT page para naman may kahit kaunting ideya ang mga bibisita dito.
maraming salamat sa pagbabasa sa mga naging entry ko. blog lang ng blog.
[Reply]
kirk reply on September 23rd, 2008 4:02 am:
sose. grand entrance pala ang post na ito sa bagong tab na about me, nyahaha! sige aabangan ko yan.
[Reply]
kingdaddyrich reply on September 23rd, 2008 4:17 am:
ito na rin yun. ha haha!
[Reply]
September 23rd, 2008 at 6:13 am
http://rbilog.multiply.com
pero sa totoo lang dati nung una akala ko matanda ka na at uugod ugod na.. sauce! di pa pala nagkakalayo ang edad naten..
isa sa pinakaayaw pag pers day op class nung gradeschool ako eh yung magpapakilala ako.. sabi ko nga sa profile ko sa plurk. mahalaga pa ba kung sino ako? kung saan ako galing? kung ano ang estado ng buhay ko? hindi ba mas mahalaga ang kakayahan ko at kung ano ang kaya kong gawin sa buhay mo? dahil kun tutuusin hindi ka naman gaganda o gwagwapo kung malalaman mo kung sino talaga ako.
anonymous poreber pa rin tayo kahit na magkalat pa scandal naten sa net.. anonymous pa rin!
[Reply]
Leyn reply on September 23rd, 2008 9:46 am:
anonymous ka dyan. ASA pa kayo, may picture tayong tatlo! hahaha. laki pa ng ngiti mo dun fb. hahaha.
[Reply]
kingdaddyrich reply on September 23rd, 2008 2:10 pm:
oi. yung picture sa trinoma naaalala mo pa? he hehe.
[Reply]
kingdaddyrich reply on September 23rd, 2008 2:07 pm:
singkwenta ka na rin pala. kailangan na natin ng viagra.
ayoko rin ng ganyan sa iskul. shy type kasi ako. at tama ka, hindi na mahalaga pang malaman yung mga ganun. ang mahalaga ay ang magiging performance sa iskul. hindi naman nila bibigyan ng award ang pagiging malibog natin diba?
at kumusta naman ang scandal sa net. ha haha. oo nga, nagkalat. goodluck na lang sa mga maghahanap.
[Reply]
lethalverses reply on September 26th, 2008 9:34 am:
hahaha ako din, may picture ng isang KDR!!!
kung sino ang interesado dyan, i-PM lang ako’t pag-uusapan natin ang presyo…
[Reply]
kingdaddyrich reply on September 26th, 2008 12:35 pm:
at ako na ang bibili. magkano?
[Reply]
September 23rd, 2008 at 6:28 am
tama, tama. di ko maintindihan kung bakit may mga flamer sa internet. kung ayaw nila ng nababasa nila, bakit nila ipinapagpatuloy ang pagbabasa? kala mo pa kung sinong magagaling kung makapag-komento. mga KSP lang yung mga ganon.
gusto ko ang blog mo dahil hindi masakit sa ulong bsahin.
syempre dahil na rin sa insightful na entries. bonus na yung nakakatawa pa.
sa tingin ko naman isa kang mabuting tao.
at syempre saludo ka rin kay rizal tulad ko. ahaha.
[Reply]
kingdaddyrich reply on September 23rd, 2008 2:16 pm:
nako ilan beses ko nang sinabi na hindi ako mabuting tao. bola lang lahat yan. at isa akong flamer sa internet na nagbabalat-kayo at may multiple username sa mga forum. kulang kasi ako sa pansin. gusto ko maging famous. lol.
ilang beses ko nang nababasa yang insightful na yan. he hehe. mukhang masarap pakinggan. at siyempre, idol ko siya.
[Reply]
maye reply on September 23rd, 2008 9:15 pm:
nye…kasasabi lang na pawang katotohanan tapos ganyan. tsktsk.
[Reply]
kingdaddyrich reply on September 23rd, 2008 11:17 pm:
ha haha. oxymoron. pwede ring moron na lang.
[Reply]
September 23rd, 2008 at 8:21 am
goodfuckingmorning. bagong gising ako rb. einubeh. ahaha
kakabigla yung mga gani ganitong entry. pero isa ka sa mga
matitinong napuntahan ko dito sa internet. hindi nga ito suma-
salamin sa buong pagkatao mo. alam ko yon kasi kaibigan
kita. natural din naman na magreklamo ka dito paminsan minsan
kasi sayo to. pare-parehas lang tayong nakikigamit ng lugar sa
artipisyal na mundong to. basta magsulat ka. wala naman masama
dun, pag may hindi naman ako naintindihan sa sinabi mo
hindi mo naman tinatanggal ang karapatan kong tanungin ka para
sa eksplanasyon.. diba? nice. penge talent.
[Reply]
kingdaddyrich reply on September 23rd, 2008 2:23 pm:
shet. kaibigan nga kita.
and sharon knows some of my secrets. ahi hihi. *shhh…*
[Reply]
September 23rd, 2008 at 8:29 am
fan mo ko, kingdaddyrich!
[Reply]
kingdaddyrich reply on September 23rd, 2008 2:24 pm:
wushu bola.
ahi hihi.
[Reply]
Yoji reply on September 25th, 2008 8:11 am:
ahahaha! kunwari ka pa jan!
[Reply]
September 23rd, 2008 at 9:59 am
teka picture mo ba ung nakashades? hahaha.. ayysuss ginoo.. nagulat ako eh..
anyways.. bilib ako sa mga sinusulat mo, may pagkabob ong ang pagkakasulat mo at siyempre ibang klase tlga.. may halong kiliti pero may sense sobra…
i salute you and your entries..
[Reply]
kingdaddyrich reply on September 23rd, 2008 2:28 pm:
*salutes back*
ako nga yun. ha haha. anong nakakagulat dun? nasilaw ka ba sa salamain?
kala ko ang sasabihin mo eh may pagkabobo. nako, magpapamisa ako pag ganon. ha haha! anyways, salamat jep. isa ka sa mga hindi nagsasawang magpabalik balik dito. isa ka rin sa mga nakakausap ko sa mga buhay buhay. at goodluck nga pala ah.
[Reply]
jep reply on September 25th, 2008 7:32 pm:
salamat sa pagoodluck.. hehehe..
oo nagulat ako sa shades.. kala ko kung anong meron dun sa link na un.. aba aba aba..
hahaha oo nga no, nung binasa ko ung comment ko bobo din ung pagkabasa ko.. anyways alam mo naman na hindi ka ganun.. yessssss..
[Reply]
kingdaddyrich reply on September 25th, 2008 7:36 pm:
alam ko. pero ano naman kaya ang alam mo? hmm…
[Reply]
September 23rd, 2008 at 11:04 am
hindi talaga maikakaila na ako ay iyong fan. isa ako sa mga libo libo mong tagasubaybay. ang husay naman kasi ng pamamaran mo sa pagsusulat ng iyong mga ideya.
apir idol!
[Reply]
kingdaddyrich reply on September 23rd, 2008 2:30 pm:
oi yods. nagugulat nga ako pag napapacomment ka dito. siyempre iba ang pakiramdam na magpaparamdam bigla ang isang taong naririnig mo lang sa usapan. he hehe. salamat salamat. nakakataba ng puso.
[Reply]
Yods reply on September 30th, 2008 4:25 am:
hala! ano yun? naririnig mo ako sa mga usapan? nino? natakot naman ako dun? anong klaseng usapan? bulong mo naman sa akin. ehehe
[Reply]
September 23rd, 2008 at 11:44 am
un eh, gamit na ang Lightbox plugin.
at syempre, mata lang ang pinakita.
hehehe..
si rb, kdr. idol. ^^,
ibang klase ka talagang magsulat. madami na akong aral na napulot sa pagbabasa dito sa blog mo.. tulad ng ano? ummm.. basta madami na.
at oo na, mas matanda ako sau.
hehehe..
[Reply]
kingdaddyrich reply on September 23rd, 2008 2:31 pm:
salamat sa plug-in ate. ha haha!
[Reply]
September 23rd, 2008 at 11:53 am
Heyah… seryoso ah… hehehe!
i did take a peek sa iyong friendster and yes, mukhang protektado nga ang iyong identidad… hehehe!
by the way, tama ba ako ng pagkakatanda… and that is if you still remember too… we have the same last name, right?
[Reply]
kingdaddyrich reply on September 23rd, 2008 2:37 pm:
oh yes but op kors. and i remember your whole name.
thanks din prue kasi kahit nasa dati pa akong nagboblog isa ka sa mga unang nagwelcome sa akin.
[Reply]
PRUE reply on September 23rd, 2008 11:37 pm:
HAHAHA! i bet you don’t… hahaha!
and now that reminded me… one christmas gift gone to waste because… hmmm… either you were keenly protecting your physical identity… or you got scared because i’m gay and you probably thought i was stalking you.. hahaha!
it happens and i totally understand…
fan na fan kaya ako ng blog mo… hahaha! nambola pa! toingk!
[Reply]
PRUE reply on September 23rd, 2008 11:39 pm:
palalakihin ko ulo mo… hehehe! alam mo bang bilib ako sa tagalog/filipino mo? i am a writer pero ibang klase ka magsulat at well-adept ka sa language natin…
bilib… saludo… bow ako sau daddyrich! hanga ako sa ‘yo!
[Reply]
kingdaddyrich reply on September 24th, 2008 2:51 pm:
*speechless*
sasabog na kasi ulo ko. ahu huhu.
[Reply]
September 23rd, 2008 at 2:22 pm
kdr, kahit maging sino ka pa. saludo ako sa mga ibinabahagi mo dito sa blogosphere.=)
[Reply]
kingdaddyrich reply on September 23rd, 2008 2:39 pm:
magandang pamagat ng pelikula yan. ha haha. pag ginawang pelikula ang buhay ko isa sa magiging choices ko yan. *maging sino ka pa*
parang si robin padilla lang. it’s liver lover, BOYYYY!!!
[Reply]
September 23rd, 2008 at 3:58 pm
ito na yata pinaka seryoso mong post. totoo ba to? hehehe… syempre naman.
astig kasi sumisikat ka kaya hinahanap ka na ngayon ng taong bayan. ala super hero ka na talaga ulit.
[Reply]
kingdaddyrich reply on September 23rd, 2008 11:21 pm:
totoo yan! pero kailangan ko muna iorganize ang bakya rangers. tsk tsk. kalat kalat na sila.
[Reply]
dong ho reply on September 25th, 2008 11:54 am:
hehehe… excited na ako maging super hero ulit. kelangan ko ng mag exercise nito.
[Reply]
September 23rd, 2008 at 4:45 pm
yeah boi!
isa ka ngang matabang lalake na maitim at padre de pamilya na…
at isa rin akong sinungaling…
apir!
[Reply]
kingdaddyrich reply on September 23rd, 2008 11:26 pm:
at ang mga tipo ko ang type mo.
kurek? tenkyu.
[Reply]
Leyn reply on September 24th, 2008 5:33 am:
para mo na rin sinabing kumakabit si jing. lol.
[Reply]
September 23rd, 2008 at 10:26 pm
hays…
iba iba ang rason ng mga tao sa pagboblog…
unfortunately yung iba, mali ang motibo… tsk tsk…
it’s cool to know you better
[Reply]
kingdaddyrich reply on September 23rd, 2008 11:28 pm:
tenkyu. ^_^
[Reply]
September 24th, 2008 at 10:13 pm
Napakaepektibong pagpapakilala. Master ka talaga. Fans kita! Hehe. Natawa ako sa ideyang mejo ikinukubli mo pa sa mga tao yung identity mo, tapos sa bandang hulihan ay ilalathala mo ang iyong mga online accounts. Astig haha. Babalik ako dito upang muling magbasa ng iyong mga lathala. More power sa yo bro.
[Reply]
kingdaddyrich reply on September 25th, 2008 2:31 pm:
salamat. wag kalimutan ang susi. baka di ka makapasok.
[Reply]
September 25th, 2008 at 8:37 am
pareho tayo. hate na hate ko din ang maghugas ng pinggan. T_T
at potah, may picture talaga!?! at kelangan talaga naka-shades?!?
hehehe. ayos.
[Reply]
kingdaddyrich reply on September 25th, 2008 2:34 pm:
ha haha. para di halata na may pinagtataguan ako.
i like the word potah.
[Reply]
spongebabe reply on September 25th, 2008 3:10 pm:
oo, parang shet lang yan. tsaka pak. classy di ba?
[Reply]
September 25th, 2008 at 12:58 pm
anubeh. lahat ng nilagay mong link, naka-blocked dito sa opis. di tuloy kita makilala. ahahaha.
ganda ng shades mo. pa-arbor. sana ma-meet kita someday. lols
[Reply]
kingdaddyrich reply on September 25th, 2008 2:48 pm:
bawal ata ang iskwater sa opis mo. tsk.
anyways, you can drop by divisoria for the shades. and there’s a new model called SHUTTER SHADES you might like it.
and if you want to meet me, tambay ka lang sa kahabaan ng quezon avenue. pag tiyempo, baka ikaw pa maging unang customer ko.
[Reply]
jeck reply on September 25th, 2008 5:30 pm:
nakita ko nga yung shutter shades sa blog ni leyn.
naka-save pa rin sa pc ko yung pic natin sa providence nung unang nagkita tayo. nasa akin ang alas laban sa inyong mga anonymous bloggers. bwahahahaha! teka, wala pala akong pic ni leyn.
[Reply]
kingdaddyrich reply on September 25th, 2008 7:37 pm:
at bakit mo naman gusto ng pic ni leyn aber?! hmmm…
[Reply]
lethalverses reply on September 26th, 2008 9:45 am:
huli ka balbon! halatang-halata ang pagnanasa mo kay leyn hahaha
[Reply]
September 26th, 2008 at 9:44 am
haha tandang
alextanda ko pa ng perstaym ka naming imeet sa glorietta, kala ko ang isang institusyong gaya mo ay nde namamansin sa kagaya kong smash earth (ayon nga kay M)pero nagkamali ako. lalo na ng halikan mo kaming lahat sa ngala-ngala bilang pagbati hehe
[Reply]
kingdaddyrich reply on September 26th, 2008 12:44 pm:
that was such a nice experience. very nostalgic. ulitin natin ulit.
[Reply]
October 6th, 2008 at 11:22 pm
hmmnn…
[Reply]
October 23rd, 2008 at 8:15 am
hindi ko alam kung bakit ako naluluha. siguro OA lang ako. pero nabagbag ang damdamin ko sa tinuran mo dito….
“…Ito ay bukas para sa lahat. Ngunit hindi parang karinderya na kapag natabangan o napaso sa isinubong ulam ay basta na lamang iluluwa at magsasalita ng mga bagay na hindi kaaya-aya.”
siguro gutom lang ako. nahagip kasi ng mata ko ang “karinderya”. lol.
[Reply]
kingdaddyrich reply on October 28th, 2008 1:29 am:
ahhm.. kakapanood ko siguro ng dramarama yan.
tahan na miss maru.
[Reply]
November 5th, 2008 at 1:52 pm
ei king daddy rich.. hanz hir of abs-cbn.. mr joseph aquino of rated k referred me to you.. we wud like to feature ur blogspot on our show. pls give me a ring or txt me at 0920-507-5555 for inquiries. tnx so much and god bless y’all..
[Reply]