Pasaload
From: +63909384****
Message:
msta na u kuya Sen u 2 ito na new numbr me favor nMn pkilodn muna me ng 115 EMERGENCY lng nka confine ks me byadan me nlang pglbas me d2 tnks w8 q ha?
Una sa lahat, gusto kong lang malaman mo na kung hindi ko pa binasa ng ilang beses ay hindi ko maiintindihan ang text mo. Hiningal ako sa pagbabasa at buti na lang ay naisipan mong maglagay ng tandang pananong (?) sa katapusan ng iyong mensahe. Di mo ba alam na hindi lang isang beses pwedeng gumamit ng punctuation mark sa talata? O talagang hindi mo nagawang makilala sina tuldok at kuwit nang magsimula kang bumasa at sumulat.
Pangalawa, saang lupalop mo naman nahalungkat ang number ko samantalang di ko naman gawaing makipag-exchange numbers sa mga taong hindi ko kilala. Yan ay kung tao ka nga. At mas lalong hindi ko gawain ang magsulat ng number ko sa likod ng pinto sa banyo ng mga mall at maging sa mga upuan at dingding ng bus at maghanap ng makaka-SEB ko. Napakagaling mo rin naman manghula at sa kabila ng napakaraming bilang ng kumbinasyon na pwedeng mabuo ay lumanding ka sa isang numerong aktibo. Malas mo lang at sa number ko ito natapat.
Pangatlo, wala akong kilalang Sen. Diyan pa lang, bistado ka na! Akala mo ba matatakot mo ako sa pago-ALL CAPS mo ng emergency? Hindi rin naman makapal ang bagang mo at nagawa mo pang presyohan ang hinihingi mong load.
Pangapat, hindi ka ba nasuya dahil ilang beses mong ginamit ang salitang “me”? Hindi inimbento ang salitang yan para tumukoy lang sa iyo. Mamigay ka naman! Parang ipinagdadamot mo at inaangkin mo na eh.
at Panglima, kahit kailan ay hindi nilimitahan ang paggamit ng patinig sa pagtetext. Hindi rin sila binigyan ng presyo na sa tuwing gagamitin mo ay magkakautang ka sa banko at buwan-buwan ay dadagdag sa bill mo sa selepono. Kaya parang awa mo na, magpatinig ka! Lilima na lang yan. Gamitin mo na! Please!
Ito na ata ang pinaka-cheap at pinakawalang kalatoy-latoy na modus operandi ng panloloko na naranasan ko. Ganon na ba kahirap ang Pilipinas at kailangan pang humantong sa mga ganitong walang kwentang bagay ang naiisip ng mga Pilipino magkaron lang ng pang-text? O sadyang na mababaw na talaga ang iilan at di man lang nagawang mag-isip ng mas bonggang klase ng panggagantso na mas lalo silang makikinabang?
Wala ka namang ibang pwedeng gawin sa load na yan kundi ipangtext din sa ibang tao. Mabebenta ba yan? As if naman na may bibili. Hindi ka naman makakabili ng bigas at ulam para makain mula sa load na yan. At mas lalong hindi iyan maaaring ipambili ng utak para naman magkalaman ang bungo mong kinakabag na dahil sa masamang hangin na pumapaikot diyan.
Matuto kang paghirapan ang mga bagay na gusto mong makuha. Hindi yung manlalamang ka ng kapwa para makatikim ng biyaya ng iba.



September 18th, 2008 at 5:35 am
ako kdr, papasahan mo ba ako pag nanghingi ako ng load? lol.
ang nakakatawa lang, nag eeffort sila gumasta ng ilang piso sa maliit na probability na may magogoyo sila. bawi din, unless na marami talagang nagpapaloko.
[Reply]
kingdaddyrich reply on September 18th, 2008 5:37 am:
por sure unli yang mga yan. he hehe.
[Reply]
Leyn reply on September 18th, 2008 8:45 am:
ah ganun ba. wala kasi sa bokabularyo natin ang mag-unli. lol.
[Reply]
kingdaddyrich reply on September 18th, 2008 3:06 pm:
ha haha! wag ka naman pahalata na wala tayong pang unli kaya wala sa bokabolaryo natin yun.
[Reply]
popoy reply on September 18th, 2008 2:42 pm:
oo naman papasahan ka ni kdr ng load.hahahaha.pis!!!
[Reply]
kingdaddyrich reply on September 18th, 2008 3:14 pm:
nako mayaman yan. di niya kailangan ang pasaload.
[Reply]
September 18th, 2008 at 6:01 am
ang puso ingatan…masyado ka namang galit no? Hindi naman kaya? Hehehehhe Gudlak sa mga mangagancho
[Reply]
kingdaddyrich reply on September 18th, 2008 3:07 pm:
eh kasi naman manlilinlang na lang di pa umisip ng mas epektib e. sayang ang effort!
ha haha!
[Reply]
September 18th, 2008 at 6:36 am
haha.. malay mo naman, nawrong send lang. ahaha..
pero kung modus yan, hanep, ganyan na ba ngayon? aanhin naman nila ang load? di naman makakain yun.
[Reply]
kingdaddyrich reply on September 18th, 2008 3:10 pm:
di lang minsan nangyari sa akin yan at di lang sa akin nangyari kaya malabong isipin na wrong send. base rin sa arkitektura ng mensahe, halata ang intensiyon na kumumbinsi at manloko.
ganyan na ba ngayon? oo! ang pathetic no?
[Reply]
mayui reply on September 19th, 2008 3:57 am:
ah.. oo nga naman. buti hindi pa ako nabibiktima ng ganyan, o kahit ang mga kakilala ko. ang pathetic nga! tsk tsk.
[Reply]
kingdaddyrich reply on September 19th, 2008 9:28 am:
teka. ibibigay ko number mo.
ano nga palang number mo?
[Reply]
maye reply on September 19th, 2008 10:12 am:
hahaha.. di ko rin po siya mapapasahan ng load dahil wala naman ako dyan sa ‘pinas. sori na lang.
[Reply]
kingdaddyrich reply on September 19th, 2008 10:34 am:
oo nga pala. imported ka. hi hihi. sarap ng feeling pag may imported kang reader. lol.
ahm. size 10 nga pala.
[Reply]
maye reply on September 19th, 2008 10:56 am:
ahaha.. imported, amf.
out of school youth nga lang na walang maipagmamalaki. malapit na akong magbalik dyan sa ‘pinas, though. balik eskwela na!
sige kuya, pag may natira pa sa pamasahe ko pabalik dyan. ahaha..
[Reply]
kingdaddyrich reply on September 19th, 2008 2:55 pm:
oiiieee… wala akong sinabe. hi hihi.
[Reply]
maye reply on September 19th, 2008 9:52 pm:
ooops.
(naka-leave lang po kasi ako ngayon sa isang unibersidad dyan.)
[Reply]
kingdaddyrich reply on September 19th, 2008 11:09 pm:
u
nibersidad
ng pilipinas
yan ba yun? he hehe. kailan ang iyong balik sa lupang tinubuan?
[Reply]
mayui reply on September 20th, 2008 3:39 am:
ahaha.. ang galing. paano mo po nahulaan?
malapit na. ilang linggo na lang, magiging isa na ako sa mga palaboy sa QC.
[Reply]
kingdaddyrich reply on September 20th, 2008 11:39 am:
psych ako
short for psychopath.
[Reply]
maye reply on September 20th, 2008 10:16 pm:
sobrang haba na ng replies na ‘to. ahaha..
add po kita sa links ko ha. thanks!
(wag ka na pong pumalag, na-add ko na.)
[Reply]
kingdaddyrich reply on September 20th, 2008 10:46 pm:
oo nga. pahabain pa natin hanggang sa isang word na lang per line ang magkasya.
game?
game!
[Reply]
maye reply on September 21st, 2008 3:39 pm:
seryoso? ahaha.. nahihiya na ako magreply dahil ginawa na nating parang chat ‘to. at di na related sa post mo yung pinag-uusapan. haha.. sorry po.
lubus-lubosin ko na pagiging offT: idol mo ba si rizal? idol ko siya! nabasa ko lang by chance sa kung saan na niresearch mo lahat ng tungkol sa kanya noong bata ka.
[Reply]
kingdaddyrich reply on September 21st, 2008 5:41 pm:
ha haha. yes yes. kulang na lang ay dalawin ko siya sa puntod niya at interviewhin siya mismo. i even attempted to memorise his mi ultimo adios. pero nakalimutan ko rin.
try to read ambeth ocampo book Rizal Without an Overcoat. there are lots of facts there that you can’t find in textbooks.
[Reply]
maye reply on September 22nd, 2008 6:35 am:
wow, addict! ahaha..
ganun? gusto ko nga dating bisitahin yung bahay niya sa calamba, promise na yun ng mom ko, pero di na niya natupad.
anyway.. hanapin ko yung book na yan pag-uwi ko! ahaha.. i doubt na meron niyan dito.
[Reply]
kingdaddyrich reply on September 22nd, 2008 2:26 pm:
ha haha. yan ang di ko pa nagagawa. nong nasa calamba kasi ako non at binabalak na pumunta sa bahay ni rizal eh tinakot ako ng isang opismeyt at sinabing may multo daw dun at nausog siya noong bata siya nang pumunta sila dun. di ko na tinuloy, wala kasi akong kasama at bata pa ako, baka mausog ako. he hehe.
gusto ko ngang basahin yung iba bang biography ni rizal na authored nong matatandang tao. sina agustin coates etc. he hehe. pero the best yung kay ambeth ocampo. mayron niyan sa powerbooks. at pagkatapos mo basahin pahiram ulit ako. ha haha. sarap ulit-ulitin eh.
[Reply]
maye reply on September 22nd, 2008 10:36 pm:
ganun? gusto ko pa naman magpunta kahit mag-isa. kailangan makahanap ng kasama.
madami naman po nagpupunta dun di ba? so baka pinipili lang yung mauusog. ahaha..
sure! ahaha.. bibilhin ko talaga yung book na yun.
actually, wala akong gaanong alam tungkol kay rizal bukod sa mga naituro sa ‘min sa history at sa filipino nung inanalyze namin ang buhay niya at ang noli at fili, at syempre yung movie ni cesar montano.
gusto kong malaman ang tungkol sa pagiging babaero niya.
nabasa mo ba yung veneration without understanding ni renato constantino? nakakainis yun.
offtopic kung offtopic tayo. nagiguilty ako. ahaha..
[Reply]
kingdaddyrich reply on September 23rd, 2008 4:24 am:
try to watch bayaning third world.
[Reply]
maye reply on September 23rd, 2008 6:05 am:
er.. okay.
[Reply]
September 18th, 2008 at 10:08 am
tingin ko alam nila kung sino mapepera.
heheheh
hayaan mo na lng sila, wala naman sila mapapala sa kalokohan na yan.
[Reply]
kingdaddyrich reply on September 18th, 2008 3:12 pm:
at di na ako magtataka kung minsan sayo naman magtext yan.
teka nga, itetext ko sa kanya yung number mo. friends na kami eh.
[Reply]
September 18th, 2008 at 2:44 pm
isa lang gagawin ko dyan rbilog kapag nakatanggap ako nyan, DELETE.hahaha
buti nga yan lang natatanggap mo eh, ako ndi ko alam kung matutuwa ako o hindi, sige itxt ka ng KANT*T*N tayo. ayan, syempre nireplyan ko, makalibre naman ng seks, eh ayun nga ang problema CHECK OPERATOR ako.hahahaha
[Reply]
kingdaddyrich reply on September 18th, 2008 3:13 pm:
taena. sabi na nga ba tigang ka na eh. ha haha!
[Reply]
popoy reply on September 22nd, 2008 10:39 am:
ok tigang na kung tigang.lols. ikaw ba rbilog? tigang?lols
[Reply]
kingdaddyrich reply on September 22nd, 2008 2:28 pm:
hangga’t may dalawa akong kamay, hinding hindi ako matitigang.
[Reply]
Leyn reply on September 18th, 2008 9:33 pm:
lol. bading yun popoy.
[Reply]
popoy reply on September 22nd, 2008 10:39 am:
leyn, buti na lang wala akong panreply kung hindi eh paktay na.lols
[Reply]
September 18th, 2008 at 6:21 pm
hahaha.ibang klase.buti wala pang gumaganyan saken e.
madalas ko lang kasing matanggap e “AKO SI ATTY. GANYAN,NANALO KA SA RAFFLE NAMEN” hay naku nakakaasar.
[Reply]
kingdaddyrich reply on September 18th, 2008 7:21 pm:
see? ha haha. ako rin kaya may ganyan. CONGRATULATIONS! YOUR CELLPHONE WON blah blah. harujusko.
[Reply]
berlai reply on September 19th, 2008 7:32 pm:
ang k-KSP!
[Reply]
September 18th, 2008 at 7:41 pm
3 beses na ako nakatanggap ng message na yan. nasa data base na nila ako.
[Reply]
kingdaddyrich reply on September 19th, 2008 9:32 am:
ha haha. goodluck naman sa atin.
[Reply]
September 18th, 2008 at 11:34 pm
ayos a!! nanermon?? hahaha..
kasi naman sayo pa naglanding..
dapat prinomote mo na rin yung number nya para madala.. malay mo ipaghiganti ka ng mga loyal readers mo hehehe..
http://fjordz-hiraya.blogspot.com
[Reply]
kingdaddyrich reply on September 19th, 2008 9:33 am:
naisip ko na rin yan. kaso kahit ayaw ko, pinilit kong magpakatao. isa pa, baka sa huli ako naman ang balikan ng mga readers ko dahil sila naman ang hinihingan ng load ng mokong na to.
[Reply]
September 19th, 2008 at 3:56 am
ahaha. mga tao talagang desperado kung anu ano na lang ginagawa para makapanloko at makakuha ng pera sa iba.
aminin ko na nga. sa totoo lang ako talaga yang humihingi ng load na yan. padagdagan na din pala, gawin mo ng 300. pascratch na lang taz send mo sa kin yung pin at card number. joke! lolz
[Reply]
kingdaddyrich reply on September 19th, 2008 9:36 am:
demanding. pero dahil lab kita ito na oh.
PIN: ***** ****
Card Number: ****** *****
paki scratch na lang. ktnksbai.
[Reply]
September 19th, 2008 at 5:53 pm
isa lang ibig sabihin nyan kdr… baka marami kang load…
[Reply]
kingdaddyrich reply on September 19th, 2008 11:10 pm:
at maraming langis sa middle east.
[Reply]
molestedtwineggs reply on September 20th, 2008 5:38 pm:
paano naman napunta sa langis ang load? naku.. hihingi pa naman sana ako ng load sau.. hindi namn pasaload kundi 300 load emergency lang… para sun sim card ko upang hindi mablock… i western union ko na lang.. cge.. na sayang yong sun ko lakas ng signal rito ang sun… cge na .. fugee ka naman at saka matche..
kdr plz
[Reply]
kingdaddyrich reply on September 20th, 2008 7:45 pm:
pag marami kang langis, marami kang pera. pag marami kang pera, marami ka rin pambili ng load. at san ba maraming langis? sa middle east diba? eh nasan ka ba ngayon? lol.
wow. salamat sa compliment. fugee parang fudge. at matche parang posporo. siyet. akmang akma sa akin.
[Reply]
September 20th, 2008 at 2:08 pm
honga… sobrang cheap… ewan ko lang kung mag pumapatol pa sa ganyang pang gugulang. pero wag ka parang numberko yun ah.. hahaha joke lang. napadaan lang uli
[Reply]
kingdaddyrich reply on September 20th, 2008 7:47 pm:
ha haha. ikaw pala!
[Reply]
September 20th, 2008 at 5:56 pm
kdr, slamat sa dalaw. it’s an onor. hehe. yung tanong mo, gerl sya, nagamit ko yung titi kasi mukha syang lalaki. confirmed naman ang pagka eba nya, yung cheekbones lang kasi nya, parang yung kay ricardo cepeda. ang hard.
nakakalurky naman ang pasaload na yan. inimergency pa ang sarili. tsk tsk.
[Reply]
kingdaddyrich reply on September 20th, 2008 7:48 pm:
ikaw ba ang nagconfirm na isa siyang eba? naks naman!
[Reply]
Myk2ts reply on September 21st, 2008 6:51 pm:
hindeeee! nakita ko kasi yung kilikili nya, eh parang balat ng manok na hilaw, kaya yun, conpirm :p
[Reply]
kingdaddyrich reply on September 21st, 2008 9:19 pm:
ha haha! kung sabagay. kung lalaki kasi yun eh di sana puro buhok diba. ha haha. di siguro nagsheshave. taka lang ako bakit parang yung hindeeee mo eh parang may pandidiri. lol.
[Reply]
Myk2ts reply on September 22nd, 2008 10:24 am:
haha hindi dahil sa shave yun kdr, bunga ng chani yun. tama, may halong pandidiri yon at pagsusuka
[Reply]
kingdaddyrich reply on September 23rd, 2008 4:25 am:
pihikan ka pala sa chiks
[Reply]
September 20th, 2008 at 10:10 pm
galit kaba kdr? wag ka galit… malay mo, kilala mo pala yan. iniinis ka lang… kung nainis ka ehdi natuwa sya. haha.
yaan mo na… teka may tanong ako. sa mundo ba, hindi parin ba katanggap tanggap ang mga taong walang magawa? ung tipong pananakit lang ang alam at kalokohan?
[Reply]
kingdaddyrich reply on September 20th, 2008 10:48 pm:
uy bold. pano yan? ha haha!
di ko kilala yan. wala akong kilalang cheap. ay meron pala. kaso di kami close.
sa tanong mo naman, sa tingin ko ay katanggap tanggap naman ang mga ganyang klaseng tao. kahit pano, they add “spice” sa mundong ibabaw.
why ask?
[Reply]
September 21st, 2008 at 11:06 am
Sorry ha… Pero ako kasi nung nakatanggap niyan, malutong na P******* I** M*! ang nireply ko with thw word… Sh8T ka! P*T*Y G*T*M!
Hehe
So stupid kasi talaga ang mga ganyan e!
[Reply]
kingdaddyrich reply on September 21st, 2008 3:06 pm:
ha haha.. di ko na lang nireplyan kasi naman baka lalo pa akong kulitin. kumusta naman yung sh8t? he hehe. pero gusto ko yung patay gutom ah. saktong sakto.
[Reply]
September 21st, 2008 at 11:06 am
KDR… Musta naman pala ang buhay? DI ka nagrereply sa Friendster mo.
[Reply]
kingdaddyrich reply on September 21st, 2008 3:08 pm:
ayos lang ang buhay ko at heto marunong pa rin magtype. tenkgad! di nagrereply sa friendster? may mensahe ka ba? ang nandon lang eh sent a smile. anong irereply ko dun? gusto mo ng rose? sige teka.
[Reply]
September 21st, 2008 at 11:43 am
sana man lang ung common na pangalan ang ginamit. tulad ng rb, juancho o kaya bruno.
[Reply]
kingdaddyrich reply on September 21st, 2008 3:10 pm:
o kaya enrico.
[Reply]
September 22nd, 2008 at 7:01 am
sana tinext mo tas sinabi mo na isusumbong mo sya sa NTC. hehehe.
[Reply]
kingdaddyrich reply on September 23rd, 2008 4:25 am:
di kami close ng NTC.
[Reply]
September 22nd, 2008 at 8:16 pm
2 lang masasabi ko kingdaddy… kupal ang mga taong yan! tamad mag trabaho ng may pambili sila ng load at ikalawa bulok ang style nila hindi man lang ginalingan ang pag construct ng tinatawag nilang “modus operandi” next time galingan nila…
[Reply]
kingdaddyrich reply on September 23rd, 2008 4:27 am:
isa lang ang masasabi ko.
kupal talaga sila.
[Reply]
September 27th, 2008 at 4:27 pm
mahirap ka pala magoyo kdr. HAHAHA.
ang bobey ko. kung tumama kasi siya ng pangalan sa kin,
na medyo imposible dahil sa king pangalan,
papatulan ko e.
pero di 115. bente lang! HAHAHAHA.
[Reply]
October 5th, 2008 at 8:57 pm
bka nman n xsend lng xa sayo kuya hehe..’kaw nman ng react u agad..xsend lng yun..pwamis..hehe..
p.s. naiirita din aq sa mga mahilig mag smartalert..d kea me loading station huh!
[Reply]