Laser Squadron
Kahit sinubukan ko ay hindi ko pa rin nagawang pigilan ang pagtigas at pagtayo ng aking etits buhok sa kung saan-saang bahagi ng aking katawan habang pinapanuod yan. Hindi naman ako manok para magkaron ng balahibo, pero syet, bumalik bigla ang ala-ala ng aking pagkabata at parang gusto akong labasan ng luha na mangingilid muna at saka aagos na parang baha. Alam ko OA na ako, pero umamin ka na, tumayo rin ang buhok mo habang pinapanuod ito.
Isa ang Maskman sa mga kinaadikan kong palabas noong kabataan ko. Pero hanggang ngayon, hindi pa rin nawawala sa isip ko kung paano tawagin ni Rio ang pangalan ni Michael Joe habang kinakain siya ng lupa. At kung paano tawagin ni Michael Joe ang pangalan ni Rio gamit ang mala-Renz Verano na boses. Hindi mawawala sina Black Mask Leonard, Blue Mask Adrian, Yellow Mask Eloisa, kikay Pink Mask Mary Rose na crush na crush ko at si Direktor Sugata na hanggang sa Takeshi’s Castle ay pinaparamdam ang kanyang Aura Power.
Ang Laser Magnum, Shot Bomber at Jet Cannon. Ang kanilang Great Five Robot at ang mukhang football player na Galaxy Robot na may napakalapad na kamay at nipples na pumuputok. Ang mga kontrabida na sina Emperador Seba, Prinsesa Igamu, Dargan, Vulco, Fumin, Anagmus, Kiros at mga kangkarot na panggulong nakaitim na nakamaskara. Ngunit ang pinakapaborito ko sa lahat, ay walang iba kundi si Okerampa (hindi Pukerampa), na bumubuka at siyang nagpapalaki sa mga pinulbos na monsters ng Maskman.

Naaalala ko pa dati, ini-imagine ko na ako si Pink Red Mask. Gayang-gaya ko pa yung meditation gesture niya pero dismayado ako dahil hindi ako marunong lumipad para tamang kariran na ang pagta-transform. Pagkatapos magpalit ng anyo ay ang pinakamalupit na posing muna (nasa gitna sa larawan sa itaas). At sa halip na nasa kaliwa, ipinagpipilitan kong ilagay sa kanan ang relo ko para sakto kapag tatawagin ko na ang Robot ko o makikipag-komunikasyon sa mga kakampi.
Pero hanggang dun na lang ako. At sa panaginip ko na lang naiisip na nakasakay ako sa Galaxy Robot. Gayunpaman masaya na ako dahil kahit sa imahinasyon lang ay naging Maskman ako. Di tulad ngayon na puro kamunduhan na ang nai-imagine ko.
Maliban sa Maskman ay nahumaling din ako sa Bioman, Jetman, Fiveman, Turbo Rangers, Ultraman at Magmaman (mga higante na mukhang isda at may bombilya ng LRT sa dibdib), Machine Man (Buknoy the fighting ball at ang magmaneho ng nakadapa), Shaider (Annie kita Panty), Voltron, Masked Rider Black at marami pang iba. Malamang na-hook ka rin dito. Maliban na lang kung mas trip mo ang manood ng Sailormoon.
Sabi nga nila, lahat ng bagay ay may katapusan. Hindi ko na maalala kung anong katapusan ng mga ito pero bigla na lang silang nawala sa telebisyon. Nakalulungkot isipin na hindi na ito mapapanood ng mga makabagong henerasyon. Mami-miss ko lang talaga yung mga pose ko ala-Maskman. Di tulad ngayon, dahil sa pagbabago ng panahon, nagbago na rin ang mga trip na pose ng mga kabataang Pilipino.

Laser Squadron!
Alam kong marami sa atin ang naghahangad na ibalik ito muli. Kung sakali man, yung orihinal na lang sana ang ipalabas. Nakita naman nating lahat kung anong nangyari sa Zaido na mas maganda pa ang special effects ng lumang Shaider. At hindi ko rin yata matatanggap na gumanap na Red Mask at Pink Mask sina Gerald at Kim Chiu.
Ang mga seryeng ito na naging parte ng ating pagkabata ay kailangan ding magpaalam at palitan. Ngunit kung ikukumpara sa mga kasalukuyang palabas na may ganitong klase ng genre, hinding-hindi ko ito ipagpapalit. Pero kung ipapalabas ulit, hindi ako magdadalawang-isip na muli itong abangan at panoorin.



September 16th, 2008 at 3:33 am
ahahahaha! nakakaiyak naman ang posing ng mga emo kids. hindi posing pang bioman yan kundi pang Sailor Moon! Kitams may binuo pa silang puso para silang magta transform.
sandali nga kdr, hindi ba ikaw yung nasa gitna? hahaha.
[Reply]
ced reply on September 16th, 2008 6:32 am:
hahahha, anu ba yan kdr? nilalaglag ka ni leyn! haha
[Reply]
lyzius reply on September 16th, 2008 11:27 am:
ahahahaha…LOLZ… sabog ang uhog ko pag-gulong sa mga hinayupak na emo kids na iyan na pinagigitnaan ng abang lingkod KDR!
bwahahahaha…
sailormoon meets emo kids unite!
[Reply]
kingdaddyrich reply on September 16th, 2008 12:02 pm:
umamin ka na, ikaw si boink!
ba be bu be, BOINK!
[Reply]
kingdaddyrich reply on September 16th, 2008 11:59 am:
sabi na eh. dapat indi ko na nipost yan dahil aasarin mo lang ako.
[Reply]
Leyn reply on September 17th, 2008 9:21 pm:
ok lang yan. kasama mo naman sina alex sa pic e. ayun o, ganda ng pagkaka dirty finger nya. lol.
[Reply]
kingdaddyrich reply on September 18th, 2008 3:17 am:
malamang hindi ito nakita ni alex. hindi nagreact eh. ha haha!
[Reply]
The Gasoline Dude reply on September 18th, 2008 3:24 am:
Nyahaha langya ka Leyn! Wala ako sa pic na ‘yan! Hindi akong damit na ganyan! Saka hindi humaba ng ganyan buhok ko! *LOLz*
Mukhang picture ‘yan ng mga manliligaw ni Leyn. Kasama kasi si KDR eh. Tapos nagfo-form pa ng hearts sa kamay. They love Leyn Heart daw o. Haha.
[Reply]
kingdaddyrich reply on September 18th, 2008 3:29 am:
di nga symmetric eh. di nakisama yung naka pulang scarf. ganda na sana kaso nagsarili siya. tuloy nagmukhang palong ng manok yung buhok.
anong konek? wala lang.
[Reply]
lethalverses reply on September 26th, 2008 8:40 am:
oo nga kdr, hindi nga ba ikaw ung nasa gitna?
at syet, sino si pink mask dun??
[Reply]
September 16th, 2008 at 6:34 am
anu ba yan. parang kahapon lng ginagawa ko yung mga kamay kamay nung red at blue. hindi alam ng kaklase ko. napahiya tuloy ako. hahahah.
teka baka yung yellow at pink ang alam nya. hahaha
pero nakakamiss talaga nung bata ang mga ganyan.
ibang role playing na kasi ngaun ang ginagawa ngaun e? dba? hehe
[Reply]
kingdaddyrich reply on September 16th, 2008 11:58 am:
para sayo talaga yang post na yan. sumisipsip ako para sa aso. ha haha!
ilang taon na ba yung kaklase mo. sana sinubukan mo yung sailormoon transformation. baka mas alam niya yun. he hehe.
[Reply]
September 16th, 2008 at 7:12 am
uyy.. napapaghalataan ang edad.. haha.. wala pa ata akong muwang nung pinalabas yang maskman. o di lang talaga ako nanonood ng tv. haha..
nakakamiss din ang mga palabas na pinapanood natin nung kabataan. magkakaiba nga lang siguro ng mga namimiss. pero parehas lang na nakakamiss. ang gulo? basta, yun na yun!
[Reply]
kingdaddyrich reply on September 16th, 2008 11:50 am:
ha haha. wala pa rin akong muwang niyan. nagpapanggap lang ako.
[Reply]
September 16th, 2008 at 9:43 am
hanga ako sa talas ng memorya mo rbilog. biruin mo naalala mo pa rin ang mga tauhan sa mga palabas na yan? o wag mo sabihing, thank you google, thank you wikipedia?lols
sikat nga sa kabataan yan nuong mga panahong umeere pa sa telebisyon ang mga hapong mandirigma at tagapagligtas ng sangkatauhan. ako, na di naman nalalayo ang edad ay lumaki sa mga palabas na yan. naaalala ko na tuwing linggo madalas ipalabas at panuorin namin yan ng mga pinsan ko. hindi kumpleto ang linggo kapag hindi ko napapanuod yan. pagkatapos, tuwing hapon naman eh nilalaro namin ang maskman maskman, kunin ang gomang tsinelas at ipasok ito sa dalawang kamay hanggang sa malapit sa siko, PRESTO! si red maskman na kami. kumpleto ang barkada mas masaya, kaawa awa nga lang yung gaganap na okerampa kasi binabato namin ng bato.lols
eh bakit may studio picture mo pang nakalagay rbilog? kelan pa yan kuha? nung 1991?lols
[Reply]
kingdaddyrich reply on September 16th, 2008 11:48 am:
tenkyu google yan. he hehe. bestfriends kami non.
alam mo ba yung beach walk na tsinelas na yung strap niya eh may kulay (red, blue, green)? ha haha. dun ang basehan namin non kung anong klaseng maskman kami. eh kaso havaianas na ang tsinelas ko non. lol!
parang naiimagine ata kita habang naglalaro na nasa siko ang tsinelas! ha haha!
teka, hulaan mo kung sino ako diyan sa picture. ha haha!
[Reply]
popoy reply on September 16th, 2008 1:46 pm:
ahahaha. wag mong imaginin hahaha. mukha akong tanga nun.lols
teka may pink na ba nung tisnelas diba wala? hahaha
hindi beach walk ang tsinelas ko nun, goma din pero tigdodose lang isa. ang sosyal mo havaianas.lols
[Reply]
kingdaddyrich reply on September 16th, 2008 2:20 pm:
oo yun nga! mahal pa pala ang beach walk dati. islander pa nga uso non eh. ha haha.
tama! dose nga isang pares. may sampung piso nga non eh! ha haha. wala ata akong napansing pink. red at blue yung madalas na kulay nong strap non. joke lang yung havaianas. ngayon pa lang ako nakaexperience niyan eh.
[Reply]
lethalverses reply on September 26th, 2008 8:47 am:
haha oo nga, bistado namang noong July ka lamang nagumpisang mag havaianas http://kingdaddyrich.com/2008/07/17/may-surpresa-ako-sayo/
(sana gumana ang url tag ko hehehe)
[Reply]
kingdaddyrich reply on September 26th, 2008 9:01 am:
ito kasing si popoy. makakalimutin. he hehe.
[Reply]
September 16th, 2008 at 10:15 am
hang galeng! tribute ba ito sa mga palabas na iyon? hehehe.. =)
nakakamiss nga sila pati yung mga theme songs,kahit hindi namin maintindihan ng mga pinsan ko ewan at nakakabisado din namin..hahaha!
crush ko nuon si mask rider black. lalo na si ultraman na halos feeling ko kasama niya kong matsutsugi kapag nagblink na yung pulang something sa dibdib niya samahan pa ng warning sound..hahaha kalurky!
naadik din ako nun sa mga unang anime tulad ng thunder jet (rugarai),btx at gundam.
at tama..iba na ang hilig ng mga kabataan ngayon..
kase yung mga teenage boys now-a-days, mas magaling pa maglaro ng pang adult toys. eerk! kamukat mukat mo hindi na robot o bola ang hawak nila..sanggol na!
[Reply]
kingdaddyrich reply on September 16th, 2008 11:42 am:
ha haha! oo nga. nasasabayan ko yung japanese lyrics ng mga yon. ang weird. ha haha. yung masked rider black nakakaiyak ang ending song non grabe. pag natatapos yun naiiyak na rin ako kasi wala nang labanan at balita naman ang panonoorin. hay gulay.
yung ultraman naman gomang goma yung kalaban. pero ang galing non kasi ang dami pala nilang ultraman. si earl ignacio pa nga yung dubber nong character ni ultraman non. wa. sana ibalik. ang ganda kasi non eh.
pero di ko ata naabutan yung thunder jet. ha haha. yung btx at gundam, kinaadikan ko. hanggang ngayon adik pa rin ako sa gundam kasi maraming nilalabas na bago.
anong adult toys pala ang tinutukoy mo? hindi ko ata alam yan. napakainosente ko sa mga ganyang bagay. lol.
[Reply]
eiyelle reply on September 19th, 2008 10:05 am:
hahaha! talagang naiiyak ka? emong emo ang dating..
galing naman! hindi ko alam na si earl ignacio din pala ngdub kay ultraman
akala ko kay peterpan lang siya. at oo, isang pamilya yata iyang mga
ultraman eh,meron pang ace, ziga, xenon, at juniors etc.
yung thunder jet sa channel 2 dati yun pinalabas, onting episode lang
kase kaya siguro hindi mu napanood at nauna pa yata yun sa btx.
maganda din pala yung one piece sa channel 7. astig!
at bakit ko ba kasi nasabi yung adult toys..eh hindi ko rin alam yun..mas inosente ako sa iyo..hahahah!!
[Reply]
kingdaddyrich reply on September 19th, 2008 10:38 am:
oo. tinanong ko pa si nanay ko kung ano pinagkaiba ni arnel ignacio at earl ignacio. mukhang itatakwil ko kung si arnel ignacio ang nagdub. ha haha!
oh yeah yung one piece. inabangan ko rin yun. kaso, yung habit ng mga network na di tapusin yung mga anime nila. ka asar. nakakafrustrate lang. tsk tsk.
pero sabi nila, kung ano yung naiisip, yun ang lumalabas sa bibig. at this context, yun ang naitatayp sa keyboard. *thinking adult toys*
[Reply]
September 16th, 2008 at 10:48 am
nostalgic. idol ko si michael joe. hehe. pero ang ginagaya ko sa kanila e si black maskman. naalala ko tuloy yung ending song ng show na mga kamay nila yung pinapakita tapos may nilalaro silang goma na umiilaw. astig. kala ko nga gagawin nila yung bahay ni tarzan e. kaya ko yun! ilang beses ko rin pinanood sa youtube yung last part ng maskman, nakakaiyak. sana nga ibalik ulit sa tv yung mga ganitong uri ng show. aura power!!!
[Reply]
kingdaddyrich reply on September 16th, 2008 11:34 am:
ilang beses ko rin sinubukang gayahin yung gomang umiilaw na yun. pero laging sa star lang ako nauuwi.
ito, ang mga bayaning magiting
walang takot, sa bangis ang kalaba’y umuurong!
lol.
[Reply]
eiyelle reply on September 19th, 2008 9:41 am:
… Matatag tagapagtanggol ng inaapi
Mga huwaran sa tungkuling tapat
Nakahandang mag-alay ng buhay
Oh Maskman, tanod ng kapayapaan
Oh Maskman, ating maaasahan
Dapat nating tularan ang kagitingan
Laser Squadron Maskman…Maskman!
*hahaha!!..dudugtungan ko lang yung kanta!
nakakamiss ibalik na ang maskman..lol!
[Reply]
kingdaddyrich reply on September 19th, 2008 10:40 am:
buti na lang. nakalimutan ko kasi kaya di ko na naituloy. ha haha. pero wrong spelling. MASKUMAN ata yung binabanggit nila sa kanta. ewan ko ba kung para dun nga ba talaga yun. LOL
[Reply]
eiyelle reply on September 19th, 2008 4:37 pm:
ginawa ko talaga siyang maskman..kase ang akala ko ako lang ang
may rinig ng maskuman..hehehe! hindi pala ako bingi salamat kingdaddy.. =)
[Reply]
kingdaddyrich reply on September 19th, 2008 9:40 pm:
aktwali, machoman talaga dapat yun.
[Reply]
kingdaddyrich reply on September 19th, 2008 9:40 pm:
aktwali, machoman talaga dapat yun.
Oh Machoman, tanod ng kapayapaan
Oh Machoman, ating maaasahan
Dapat nating tularan ang kagitingan
Laser Squadron Machoman…Machoman!
[Reply]
September 16th, 2008 at 10:58 am
hahaha oo sa IBC channel 13 pa pinapalabas yan db? hapon un eh.. kasabayan niya ata ung masked rider at shaider.. hahaha.. adik din ako dyan, pati kanta kinabisado ko.. oha oha.. pero di ko na ata natapos yan..
[Reply]
kingdaddyrich reply on September 16th, 2008 11:32 am:
oo tama. sa channel 13 nga. iba pa sila dati. medyo may kwenta pa yung pinapalabas nila at nakikipagsabayan sa mga malalaking network. eh ngayon, bitag na lang yung pinapanuod ko sa kanila. pero sa totoo lang, parang sila ang trend setter eh. sa kanila rin nagsimula yung mga tsinobela na sikat ngayon sa malalaking network.
[Reply]
September 16th, 2008 at 11:09 am
si masked rider black ba si alexis?
pwes, kras ko din sya. hahahaha.
naalala ko dati, pag palabas na yang mga bioman at maskman na yan, walang mga bata sa kalsada.. lahat nanonood!
[Reply]
kingdaddyrich reply on September 16th, 2008 11:29 am:
si shaider si alexis.
si masked rider black si robert akizuki.
tapos si peebo yung android na kakampi ng bioman.
si tuxedo mask naman yung kakampi nina sailormoon.
ako naman si kingdaddyrich.
[Reply]
spongebabe reply on September 16th, 2008 11:33 am:
ay oo. si shaider nga pala yun. wahehe.
sya nga. sya nga yung kras ko.
di ko kras si tuxedo mask. si knight of the moonlight ang gusto ko. wahahaha.
tsaka paborito ko din yung blue blink. alam mo ba yun, ha? ha? ha?
[Reply]
kingdaddyrich reply on September 16th, 2008 11:37 am:
ha haha! pucha. fanatic ka pala ng sailormoon. kras ko dun si sailor neptune eh. may drawing pa nga ako non na naka lingerie na pinagnanasahan ko bago matulog. ha haha.
ako si blink, sa bawat oras nariyan… ha haha! di ko gaanong nasubaybayan ito eh. kasi naman panghapon ako sa eskwelahan dati. eh hapon din ito pinapalabas. pero di ko talaga makakalimutan yung zenki. he hehe.
[Reply]
spongebabe reply on September 16th, 2008 11:39 am:
si zenki at ang binhi ng kadiliman! wahahaha!
tsaka peyborit ko yung shin chan! huhuhuhu. namimiss ko na yun. T_T
[Reply]
kingdaddyrich reply on September 16th, 2008 11:43 am:
aha! carmen! ikaw ba yan? ha haha. may palabas ngayon sa channel 13 eh. parang shin shan din. prince makaroo ata title non. ha haha. cute cute.
[Reply]
mayui reply on September 17th, 2008 9:53 pm:
wah. blue blink, zenki! mga malalabo na sa alaala ko pero alam ko inaabangan ko rin yan.
yung shinchan may pinapalabas sa cable dito sa CA, english nga lang. mas okay yung tagalog sa channel 13!
[Reply]
kingdaddyrich reply on September 18th, 2008 3:16 am:
uy, imported ka pala. he hehe.
[Reply]
September 16th, 2008 at 12:23 pm
naadik kaming magkakalaro nuon sa jetman. .tsaka blue blink, tsaka fushigi yuugi tsaka cindirella..nyaaaah! ansarap talaga balikan ung mga panahon na pagkatapos mung manood ng mga palabas na yun eh saka mo naman gagayahin. At kunwari ang monster na kakalabanin eh ung mga nanay..ahahaha!
[Reply]
kingdaddyrich reply on September 16th, 2008 2:26 pm:
nong hayskul ako, fushigi yuugi yung uso. pero di ako makasunod non kasi wala kaming cable. eh nong pinalabas sa channel 7, wala na. napanood na ng mga kaklase ko yun. tsk. pati ibang anime. kaya nong nagkacable kami, hindi na ako nag-aral. kinabisado ko na lang yung mga palabas sa tv.
[Reply]
September 16th, 2008 at 1:44 pm
AMP talaga nasisira mundo ko pag nakikita ko yang picture na yan. Napaka-pathetic! Aypota.
Pero infairness, sikat sila. Andami nang blog ang meron nyan. Malagyan nga yung aken. Joke!
[Reply]
kingdaddyrich reply on September 16th, 2008 2:29 pm:
sorry naman! ha haha.
diba nandon ka sa concert ng eheads? hindi mo ba napansin sa labas ng venue? ang daming nagkalat na JJs. ha haha.
[Reply]
September 16th, 2008 at 6:43 pm
ang tagal ko na naghahanap ng laruan na ukerampa…
pero wala akong makita….
may napansin kayo? lahat ng pink, magaganda.
yung mga kulay dilaw, tibuin.
[Reply]
kingdaddyrich reply on September 16th, 2008 9:50 pm:
oo nga. napansin ko rin yun e. kaya siguro namatay si yellow four sa bioman para mapalitan naman. tomboyin din kasi yung karakter dun. nagmomotor pa.
di kaya diyan nagsimula kung bakit pang kikay ang pink?
[Reply]
eiyelle reply on September 19th, 2008 10:10 am:
makikisabat lang po..
halah! magagalit sa iyo si majinboo..
diba sabi niya hindi lahat ng pink kikay! lol!
[Reply]
kingdaddyrich reply on September 19th, 2008 10:41 am:
HA HAHA! anubeh!
[Reply]
September 16th, 2008 at 6:47 pm
hmmmmm. di ko maalala si maskman.anong year yan?
pero POWER RANGERS alam ko.tsaka sailormoon.ang seseksi ee
[Reply]
kingdaddyrich reply on September 16th, 2008 9:53 pm:
nene, wala ka pa ata nong mga panahon ng maskman.
nong sinabi mo yung sailormoon parang nagduda ako sa kasarian mo. he hehe.
[Reply]
berlai reply on September 18th, 2008 6:14 pm:
identity crisis muhahaha:)))))
[Reply]
September 16th, 2008 at 8:12 pm
waaaaaaaaa!!! so nostalgic! pero not to the point na tumayo ang etits este ang buhok ko! hahaha! adik ako sa mask man dati at dahil dun sobrang natawa ako sa post mo! i really hope na ikaw manalo! hehehe!
anyway naalala ko yung themesong nitong mask man… at aaminin ko, kabisado ka pa xa hanggang nayon! hahaha! biruin mo, si VIC SOTTO apala kumanta nun? gosh…
nakakamiss tlaga maging bata… at maging inosente ulit! hahaha!
[Reply]
kingdaddyrich reply on September 16th, 2008 9:58 pm:
wushu. nahiya ka pa. tayo tayo lang naman eh. aminin mo na na tinigasan ka… *kindat*
na play mo ba yung video? yan yung opening ng maskman na ringtone ko na sa celphone ko. gusto mo bluetootan tayo? he hehe.
pero alam mo, balita nga raw yan na TVJ ang kumanta ng opening ng maskman. pero ayon sa aking pagsasaliksik, mukhang hindi.
kilala mo ba si LA LOPEZ?
wag ka maglala, hindi rin siya ang kumanta. buti na lang. he hehe.
[Reply]
September 16th, 2008 at 11:21 pm
ako gusto ko si shaider! astig! hehehehe!
[Reply]
kingdaddyrich reply on September 17th, 2008 12:48 pm:
time space warp, ngayon din! lamunin si mang badoy!
[Reply]
September 17th, 2008 at 1:04 am
mas gusto ko yong
bayotman… bioman yata yon… i was in the elementary that time..
back to back ng shaider… gawa ka rin ng episode kdr..
[Reply]
kingdaddyrich reply on September 17th, 2008 12:51 pm:
anong episode?
lam mo, tagal na kitang nakikita dito pero ngayon ko lang na realize na parang may something sa molestedtwineggs. tama ba? o ako lang ang may kakaibang imahinasyon.
[Reply]
September 17th, 2008 at 8:37 am
di ko ata naabutan ang maskman kuya RB.. LOL. hehehe
grabe, long time crush ko ata c Mask Rider Black.. at noon pa lang may puwang na sa aking puso ang mga Geeks katulad ni Machine Man..
[Reply]
kingdaddyrich reply on September 17th, 2008 12:53 pm:
di mo naabutan? ows? mas matanda ka kaya sa akin. paborito ko yung machine man. saka si buknoy the fighting ball. he hehe.
[Reply]
September 17th, 2008 at 12:33 pm
AAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!
Nakakamiss talaga yung mga yan…
naalala ko yung mga lumang anime at mga super heroes na ganyan…
naalala ko takot-na-takot ako sa mga kaaway ni mask raider black… yung babaeng nasobrahan sa botox kaya naging plastik na yung mukha… ahahah
dati hindi ko pinapansin yung panty ni annie… (haha inosente pa ako nun eh) ngayun ko nga lang narealize na masama pala na makita ang panty saTV!!!
shet!!!
Pinapanood ko rin yung Sailormoon dati… ahahaha
pati yung eto rangers, time quest, bubble gum crisis, saber marionette, neon genesis evangelion… tapos yung beattle rangers, mask raider US version… power rangers at iba pa…
pangit na yung mga bagong version ng mga “MAN” na yan…
tulad ng mask raider riyuki… biglang nawala na rin yung kasi hindi nag-click ng mga batang manonood… ahahaha
woi ito pala yung URL ng bagong site ko
http://marijuanaden.tk
pa add…
[Reply]
kingdaddyrich reply on September 17th, 2008 12:56 pm:
naramdaman ko yung AAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHH!!!! mo mcrey. he hehe.
pareho tayo, hindi ko pinapansin yung panty ni annie dati. aba. malay ko ba dun. he hehe.
kaya pala long hair ka, fan ka pala ng sailormoon. yes! pero gusto ko dun yung magtatransform sila. nawawala kasi ang damit nila pag ganun eh.
yung time quest aliw na aliw din ako. pero ang pinakapaborito ko sa lahat, yung evangelion. he hehe. may kumpleto akong series non. saka movie.
[Reply]
McRey reply on September 17th, 2008 1:02 pm:
ahahaha….
alam ko kung bakit gusto mo yung evangelion…
hhmmmm
aahahahahah
oo nga eh… naalala ko tuloy yung super twins sa 7… nakakairita… parang sailormoon na ewan…
Grabe ngayun ko lang napagtanto na napakaluwag ng MTRCB noong mga bata pa tayo (yeahba!!!)… pero ngayun siguro kapag ibabalik yung shaider, lalagyan na ng pixel yung panty nyang yellow!!!
Pero balik tung ZAIDO hindi kita yung panty ni ANNIE? (LOVI POE yata gumanap dun)
[Reply]
kingdaddyrich reply on September 17th, 2008 8:28 pm:
kras ko kasi si shinji. saka may part dun na sabay sila naligo nong huling angel. ha haha!
lintik na super twins. parang gusto kong pagumpugin si jennylyn mercado at si nadine samonte nong ginawa yon. wala talagang originality. tsk tsk. kawawa naman.
hindi ata si lovie poe ang gumanap na annie. si kris bernal diba?
[Reply]
September 17th, 2008 at 3:12 pm
astig post na naman. naalala ko pa na favorite ko ang shaider. kahit paulit ulit lang naman ang plot pero ang sarap pa ring panoorin.
naalala ko din nung mga super heroes pa tayo nina doc rio. nakakatalon pa tayo sa mga building. ngayon kahit sa pagtalon na lang sa pagtawid sa baha nahihirapan na. hehehe…
[Reply]
kingdaddyrich reply on September 17th, 2008 8:29 pm:
ang bigat kasi ng bakya. hay.
[Reply]
September 17th, 2008 at 7:53 pm
kdr>>>> patay tayo dyan.. mali yang umahinasyon mo… amf
[Reply]
kingdaddyrich reply on September 17th, 2008 8:30 pm:
ah ganun ba. salamat sa pagtama.
mabuti na yung maliwanag.
[Reply]
September 18th, 2008 at 1:59 am
syet. ang aga ko pala lumandi..
magkaedad lang tayo diba?
so.. mga 5-7 years old meron
na akong crush..
yung 2 sa maskman(men) yung si red at yung hindi si black. nakokolor blind na ako.
[Reply]
kingdaddyrich reply on September 18th, 2008 3:06 am:
3 lang lalaki diyan. si red, black, blue. so malamang si red at blue yan.
sister, pareho tayo ng taste. *beso*
[Reply]
Sharon reply on September 18th, 2008 10:54 am:
syet. oo nga. ampogi sa bidyo no? putaaah
[Reply]
September 18th, 2008 at 2:33 am
kung alam mo lang kung gaano ako naimpluwensyahan ng mga palabas na iyan. it brings back my (our) childhood memories. maganda sa shaider yung shigi shigi song ng mga kumma.
[Reply]
kingdaddyrich reply on September 18th, 2008 3:11 am:
napaisip ako kung anong klaseng impluwensiya ang idinulot nila sayo. sumasayaw ka na rin ba tulad ng mga kumma? he hehe. joke lang.
naikwento ko na naman sa post na iyan kung pano rin ako naimpluwensiyahan ng rider kick at rider punch na yan.
[Reply]
kirk reply on September 18th, 2008 3:13 am:
naging mainitin ang ulo ko. naging mabigat ang mga kamay ko. kapag nakakita ako ng panty, si annie ang aking unang naaalala nyahaha. biro lang.
[Reply]
kingdaddyrich reply on September 18th, 2008 3:15 am:
kapag nababanggit ang ulo at kamay, iba na naiisip ko. hmmm.
[Reply]
kirk reply on September 18th, 2008 3:18 am:
haha, wala akong ibig sabihin dun.
[Reply]
kingdaddyrich reply on September 18th, 2008 3:27 am:
maniniwala na sana ako, pero nabanggit ang panty ni annie. wag ka mag-alala. lalaki rin ako. nararamdaman ko rin yang nararamdaman mo.
[Reply]
September 18th, 2008 at 2:33 am
Naalala ko dyan eh nafu-frustrate ako sa Maskman kasi walang GREEN. Sa Bioman kasi kapag naglalaro kami ng role playing ng mga kaibigan kong bata eh ako lagi si Sammy aka Green Two, tapos nung nauso na ‘yung Maskman, di na ako makapili ng character ko kasi nga wala nang GREEN. Peyborit ko kasi ang BERDE nung bata ako.
[Reply]
kingdaddyrich reply on September 18th, 2008 3:12 am:
hindi yan ang sinabi mo sa akin kanina. si Pink 5 ang sinasabi mo hindi si green two. wag kang ganyan.
[Reply]
chroneicon reply on September 21st, 2008 11:52 am:
power rangers ka na lang gasul!
hehe
[Reply]
September 18th, 2008 at 2:33 am
link pala kita
[Reply]
kingdaddyrich reply on September 18th, 2008 3:14 am:
tenkyu.
[Reply]
September 21st, 2008 at 1:57 am
natanong ko na to sayu sa plurk…magkano ba edad mo?ahahaha..
na miss ko na din ang mga ganyang palabas..ngayun walang kwenta ang palabas sa tv…leche…mas mabuti pang manood nalang ako ng sarili ko..lols.
teka…saan ka dyan sa lima? sabi ko na kasi na itigil na sa pinas ang pagpasok ng emo..
shit…nababahiran ang kabataan..putakte…dumadami ang nagkakastroke na mga bata ngayun.los
[Reply]
kingdaddyrich reply on September 21st, 2008 3:03 pm:
ako yung nasa gitna. naalala ko bigla si nasty mac? diba siya yung nastroke na na-killed? he hehe.
para naman sa edad ko. pwede mo siyang bilhin sa halagang P1500.00, 3 hours na yan. tatlong putok? game?
[Reply]
September 23rd, 2008 at 11:43 pm
Syet, namiss ko ang Maskman na yan… Ako pa naman si Blue Mask dyan…
[Reply]
kingdaddyrich reply on September 24th, 2008 1:23 am:
diba ikaw si yello chorva?
[Reply]
axel reply on September 24th, 2008 10:39 am:
Shhh, wag kang maingay sikreto lang yun… hehehe…
Frustrated ako eh, kaya gumawa ako ng sarili kong costume… lolz
[Reply]
kingdaddyrich reply on September 24th, 2008 2:20 pm:
and you didn’t fail. kitang kita ang hubog mo! he hehe.
[Reply]
axel reply on September 24th, 2008 3:28 pm:
Hehehe, yun ang hubog ng isang shuper hero… lolz…
[Reply]
kingdaddyrich reply on September 24th, 2008 4:08 pm:
back and front may humps. oh yes.
[Reply]
axel reply on September 25th, 2008 9:46 am:
Parang kanta lang ah… My Humps… lolz…
[Reply]
September 26th, 2008 at 8:49 am
haha namimiss ko na si pukerampa!!
pukerampa!!! pukerampa!!!
..ukerampa nga ba??
[Reply]
kingdaddyrich reply on September 26th, 2008 8:59 am:
is this short for tigang?
mabuhay tayong mga tigang!
[Reply]