Silvertoes

September 5, 2008 - 12:49 am

Ewan ko ba kung bakit may mga babaeng sobrang ubod ng feeling. Nakakairita lang kasi. Sobrang ubod ng iritasyon ang idinudulot nito sa katawan ko. Kahit pigilan ko ay pilit pa rin siyang ibinabahing ng ilong ko. Madalas na itinitikom ko na lang ang bibig ko kahit alam ko namang mabango ang hininga ko. Pero minsan talaga, umaabot tayo sa punto na hindi na natin ma-take ang lahat. Lalo pag nasaksihan mo na ang pangit na katotohanan.

Sino bang matutuwa sa isang babae na feeling niya ay napakaganda niya? Pakiramdam niya lahat ng lalaki may gusto sa kanya. Pero ang mga ikinikilos naman niya ay salungat sa hilatsa ng kanyang mukha. At mas lalong salungat sa inaakala niya ang reaksyon ng mga lalaki sa kanya. Pwede ba? Hindi lahat ng babae ay may karapatang magmaganda. At si Anne Curtis lang ang may karapatang tawaging dyosa.

Akala mo pa kung sino para manlait ng kapwa. Nakalimutang may bagay na tinatawag na salamin na pwedeng makita ang sarili. Pero ano bang magagawa kung ang di kanais-nais na ugali na nananalaytay sa ugat ay lumabas sa mukha kaya ito’y nagiging hindi kanais-nais din.? Wala ka nang no choice diba? Eh di mag-feeling na lang. Bulsyet!

Ang masaklap pa diyan, hindi marunong gumamit ng utak. Hindi alam ang pinagkaiba ng balat sa tinalupan, ng sipon sa plema, at ng kanan sa kaliwa. Lahat ng tao may utak. Kahit nga mga hayop meron. Pati mga dinosaurs. Hindi naman iyan nandiyan para pandisplay. Hindi nga siya nakikita eh. Sana kahit paano gamitin. Sayang. Madalang na ang libre sa mundo.

Mas trip ko pang makipagkiskisan ng dila sa mga taong tahimik ay kahit hindi halata ay may saysay naman ang lumalabas sa bunganga. Kaysa sa mga asal-iskwa na dada ng dada pero mga bagay na walang kwenta naman ang pinagsasasabi. Hindi ko nilalahat ang mga iskwa pero utang na loob naman, maawa ka sa balat mo. Kung mga aso nga natuturuan.

Sabihin niyo na ang lahat ng gusto niyong sabihin. Kahit ipamukha niyo pa napaka-ungentleman ko. Wala akong pakialam. Pero hindi ko ipinagkakalat na gwapo ako. Hindi ko rin ipinangangalandakan na macho ako. Hindi ako madaling mauto. Hindi ako makukuha sa bola. Madali akong maniwala pero mahirap kumbinsihin. Hindi ako perpekto. At higit sa lahat, hindi ako plastik.

Wag ka nang magpanggap na ikaw ay isang dalagang ubod ng ganda, kahit na alam naman natin na ang karakas mo ay ubod ng sama!
– Parokya ni Edgar

PS
Para rin ito sa lahat ng lalaki na sobrang ubod ng feeling at akala nila ay lagi silang bagong paligo at lahat ng babae ay may gusto sa kanila. At kung tinamaan ka sa mga sinabi kong ito, have a life!

143 Responses to “Silvertoes”

  1. Leyn Says:

    ako, hindi ba ako pwedeng tawaging dyosa? ahehe.

    [Reply]

    popoy reply on September 5th, 2008 10:15 am:

    pede kang tawaging dyosa. :) hihihihi

    [Reply]

    lyzius reply on September 5th, 2008 11:44 am:

    bakit si popoy ang nagreply…

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on September 5th, 2008 5:48 pm:

    ewan ko nga ba diyan. pft. inunahan pa ako.

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on September 5th, 2008 5:47 pm:

    bigyan mo nga ako ng tatlong mababaw na dahilan at tatlong malalim na dahilan kung bakit pwede tawaging dyosa si leyn? so lima lahat!

    tulad nga ng sinabi ko, hindi siya dyosa, siya ang miss universe ng buhay ko.

    anim pala!

    [Reply]

    madjik reply on September 8th, 2008 8:27 pm:

    kdr dko nasagot yung question mo kung bakit ako kinilig.

    yung mga comment na ganito ang kasagutan..hehe

    syetnes pulang pula na dingding ko!.

    [Reply]

    Leyn reply on September 6th, 2008 2:58 am:

    ahaha, sigurado ka? hindi ba ako feeling? :P
    baka mapahiya ako sa punto ni kdr pag feeling pala ako.
    :P

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on September 5th, 2008 5:41 pm:

    hindi ka pwede tawaging diyosa. simple lang ang dahilan…

    dahil ikaw ang miss universe ng buhay ko.

    [Reply]

    The Gasoline Dude reply on September 5th, 2008 11:06 pm:

    For everyone’s info, si King Daddy Rich ang totoong BAKOD KING. Nyahaha! *LOLz*

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on September 6th, 2008 12:57 am:

    maraming nagtangka, pero walang nagtagumpay na tibagin ang bakod. ehem!

    [Reply]

    Leyn reply on September 6th, 2008 3:07 am:

    nag-blush naman ang cheeks ko.

    cheeks sa pwet. haha.

    ahehe, mas gusto ko yan, ang miss universe ay mortal. at hindi basta basta kathang isip. mas makatotohanan. :D paano matatawag na dyosa ang isang tao kung hindi naman pang miss universe ang beauty. :D

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on September 6th, 2008 3:19 am:

    at ang isang miss universe, may brain.

    [Reply]

    karmi reply on September 6th, 2008 3:49 am:

    un eh. miss universe ng buhay. =)
    kakilig naman.. :D

    [Reply]

    Leyn reply on September 6th, 2008 6:37 pm:

    sos, kabog parin kami sa conjugal blog nyo.
    mas kakilig yon. haha.

    [Reply]

    karmi reply on September 6th, 2008 9:34 pm:

    gawa na rin kau. :D

    ayiiiii.. ^^, hahaha..

    [Reply]

  2. PRUE Says:

    hmmmm… satire? may kaaway?

    hehehe! oh well, i know the feeling… not the pagka-dyosa… hahaha… but being irked by some feeling na tao…

    P.S.

    ISMAYL po…

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on September 5th, 2008 5:50 pm:

    waw irked? wad do you mean by dat? is it da sound made by the galising dogs? *birked* *birked*

    how was it being a dyosa? ha haha! yu got me there!

    :D

    [Reply]

    PRUE reply on September 6th, 2008 2:03 am:

    hahaha… pwede… pwede…

    hmmm… di ko alam how it feels to be a dyosa eh… ako po’y isang charmed one lang… toingk!!!

    P.S.

    pasingit po… uy… pssst.. daddyrich… hmmm… ah eh… panu ba ‘to… bahala na… sana i don’t IRK anybody’s ire… hehehe… kasi.. si Piolo… eh happens to be a friend of Prue… actually mahal ko… hahaha!

    hehehe… wala lang…

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on September 6th, 2008 2:51 am:

    yun! at least diba may info na nanggaling talaga dun sa mismong nakakasalamuha si Piolo. salamat charmed one! at patuloy na mahalin si Piolo. ha haha!

    oh, by the way, baka close mo rin si Anne Curtis, since para sa akin siya lang ang may karapatang tawaging dyosa, pa ask naman how does it feel for her to be one. he hehe. yan yan. exciting ito. :D

    [Reply]

  3. Maldito Says:

    aaminin ko man, mas masarap pakinggan na gwapo ako keysa mabait ko.lols..joke lang.

    mag post din ako tungkol sa babae at lalaki sa office na akala nila eh perkperkto ang ngipin nila at ganun nalang makapagyabang sa beauty daw nila..

    ewan ko pero mukha silang ingroan..

    hintay lang sila..dahil ipopost ko din yun.

    amen sayu.

    PS: AKala ko si Piolo ang diosa? Paki confirmed nlang po KDR!@

    salamat at I lab yu sa tago.Kitakits sa plurk!ahhahaa

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on September 5th, 2008 5:56 pm:

    mukhang gusto ko rin ata yung unang sinabi mo. ha haha!

    oh yes those bastards. tsk tsk. aabangan ko ang post mo.

    napaisip ako don kay Piola. sa sobrang inis ko, hindi ko na siya naalala. tsk. dibale sa susunod. ipakakawala ko muna ang mga insider ko nang malaman natin kung what’s the real score between her and SAMantha. mukhang lesbyana pa ata. tsk.

    ui. wag ka mag a-i lab yu dito. sikret lang natin yun.

    i lab yu tu! mwahugs!

    [Reply]

    mnel reply on September 6th, 2008 3:01 am:

    wag si piolo. parang awa niyo na. siya ang magiging ama ng mga anak ko. hehe.

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on September 6th, 2008 3:10 am:

    ha haha! siyet! teka, baka nakakalimutan mo, kilala ko si ano. ha haha!

    wag ka mag alala, may insider na naman ako sa abs-cbn eh mukha namang hindi totoo ang usap-usapan.

    [Reply]

    mnel reply on September 7th, 2008 12:58 am:

    kahit totoo, hindi ako naniniwala. mwahahaha

    sabi nga nila love is blind.

    same is true sa kakilala mo. haha. okay lang yun sa kanya. he understands. love is blind nga eh. nabulag na siya sa kin. haha.

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on September 7th, 2008 4:18 pm:

    kung bulag man siya, ang masasabi ko lang ay ang galing niya kumapa! lol.

    [Reply]

    mnel reply on September 8th, 2008 12:30 am:

    *poker face*

    bakit parang bastos yung dating nun?

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on September 8th, 2008 2:02 pm:

    nako hindi. ang ibig kong sabihin, ang galing niyang kumapa ng ugali mo. siyempre, hindi naman yung mukha lang ang pakikisamahan sa relasyon. magkakaalaman pa rin sa ugali.

    [Reply]

    M reply on September 7th, 2008 4:30 pm:

    Sigurado ka? Ayaw mo kay Matt Mullenweg?

    [Reply]

    mnel reply on September 8th, 2008 12:31 am:

    ay. oo nga pala. bagong boyfriend ko nga pala si matt. hihi.

    [Reply]

  4. damdam Says:

    so ganun ganun na lang ba? si anne curtis lang ang pwedeng dyosa? joke lang..
    allergic din ako sa mga ganyan. and to add pa sa allergies ko, allergic ako sa feeling tao.. yung ang sagwa na nga ng mukha mo, asal hayup ka pa, pero korteng tao ka naman..

    oh well. lahat naman tayo may karapatan na mag maganda, pero ilugar lang naman phulees! kung alam mong pangit kam wag mo ng lagyan ng tagline ang nickname mo ng pretty baby or gorgeous. maawa ka na lang sa mga batang, baka mag karoon sila ng misconception ng mga sa adjectives..

    aminado ako laitera ako, pero nilalait ko lang e yung mga karapat-dapat laiitin tulad ng mga feelengalush na yan..

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on September 5th, 2008 6:00 pm:

    oh yung mga feeling diyan, nababasa niyo ba ito?

    take it from damdam.

    hindi kayo ililigaw sa tamang landas nito.

    [Reply]

    ayz reply on September 6th, 2008 12:46 am:

    parang kilala ko to dam ha?! hahahah

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on September 6th, 2008 1:00 am:

    oi clue!

    [Reply]

    Sharon reply on September 8th, 2008 10:43 pm:

    blind item?!

    [Reply]

  5. FerBert Says:

    alam mo bang paborito ko ang silvertoes.

    PS. ako si anne curtis. ako ang dyosa! haha

    xoxo

    [Reply]

    FerBert reply on September 5th, 2008 10:38 am:

    well idagdag na rin natin sa listahan ang mga not so byotiful gelay na ang bg background sa FS nila eh beautiful girls ni Jojo.

    im way too cool for yah boi

    haha

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on September 5th, 2008 6:03 pm:

    paborito ko rin yan. nakakaexpire ng bonggang bongga. at ang mga nagbiblink na friendster profile. homaygums! biglang nagkastar sa monitor ko. en dat walang kamatayang friendster pose. lol.

    at may xoxo <–diba hugs ito?

    fb, alam mo naman ang kaibahan ng katawan nating dalawa. maawa ka sa akin please.

    kiss na lang.

    [Reply]

  6. spongebabe Says:

    nasisense ko may bad experience ka sa mga taong mafeeling. hahaha.

    ewan ba. andaming mafeeling sa mundo. parang mga megalomaniac. may mga illusions of grandeur (and beauty) para sa sarili nila.

    isama mo pa jan yung mga girls who know they’re pretty and let it go into their heads.

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on September 5th, 2008 6:05 pm:

    oh yes! how i love the term. megalomaniac. saktong sakto. parang bra lang.

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on September 6th, 2008 2:43 pm:

    if i may add, they are sucker for fame. so lame. pathetic.

    talagang sinagot ko sarili kong comment. ha haha!

    [Reply]

    spongebabe reply on September 6th, 2008 9:12 pm:

    sobrang irita ka sa feelingerang itey at di ka na nakapag-hintay na sumagot ako sa comment mo at talagang sinundan mo agad ng comment yung comment mo! wahaha!

    sinetch ba itey? na-intriga tuloy ako. hehe.

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on September 7th, 2008 4:33 pm:

    oo. at kita mo naman. isang araw ang pagitan! he hehe.

    sinetch ba itey? clue: dyosa raw siya! ha haha!

    oi, may nakita akong kapareho ng bloglayout mo. la lang. share ko lang. :D

    [Reply]

    spongebabe reply on September 8th, 2008 11:34 am:

    me blog ba yan? i-IM mo nga saken ang link ng dyosang yan ng matignan natin kung karapatdapat nga syang tawaging dyosa.

    at syempre may kapareho ang layout ko dahil ninakaw ko lang yan sa World Wide Web. tinatamad pa ako gumawa ng sarili kong template kaya yan na lang muna.

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on September 8th, 2008 7:53 pm:

    maaaring meron, maaaring wala. wala naman akong pinipinpoint na tao dahil nagkalat sa balat ng lupa ang mga ganyang tao. feeling. kung may magrereact man na blogista at magcounter post sa entry kong ito, im sorry for making them feel guilty. and im so sorry for them. this is the truth. this is reality. patunayan nila na walang ganitong klase ng tao, matutuwa pa ako. oh yes i know they are reading this. i wonder why. must be a fan or something. feeling? no. as i have said, this is the truth. this is reality. and i can prove it.

    [Reply]

    spongebabe reply on September 9th, 2008 7:07 am:

    ay, highblood?

    relax ka lang KDR. kung mafeeling talaga yang mga yan, di mo na sila kelangan pag-aksayahan ng panahon. you’ll just flatter them. and consequently, mas lalo silang magfifeeling.

    weeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeee! ^_^

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on September 9th, 2008 8:45 am:

    at dapat nila akong pasalamatan dahil don. ha haha.

    [Reply]

  7. popoy Says:

    rb. naku po. striking ang entry. nananapak hahahaha.

    marami na din akong karanasan sa ganyang usapin. naalala ko yung nakasakay ko sa fx na babae, hindi ko pa tinitignan yung mukha nya, kasi ndi ako makagalaw sa sikip, malaki kasi ang sinasakop nyang upuan, hindi naman sya mataba. so si ako naman eh nagbigay, hayaan ko na. nung medyo umandar na yung fx ayun nagstart na sya maginarte, siksik ng siksik, usog ng usog kahit wala nang upuan yung katabi nya at ako. tapos eto pa syang nakatakip ng panyo sa bibig nya at ilong, eh wala namang kakaibang amoy sa fx (maselan ang ilong ko kaya alam ko ang mabaho at hindi hahaha). ayun di ndi ko na lang pinansin, PAUTANG INA nung bumaba na sya, nakita ko yung hilatsa ng mukha, tanginiks, baku bako ang mukha, ang kapal ng labi at maitim yung paligid ng mata. tangina, bangkay yata yung katabi ko. naisip ko lang naman kasi tulad na din ng sinabi mo wag magmamaganda kapag ndi naman maganda, mapapahiya lang sya lalo. hahaha.

    ganun din sa mga lalaki, wag maggandang lalaki kung mukha naman kinaskas na bato ang itsura. nakakainis lang.

    P.S.

    Sapul ako sa sinabi ko kasi nagiinarte din ako minsan hahaha.

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on September 5th, 2008 6:08 pm:

    alam mo na kung bakit nakatakip ng panyo ang mukha! ha haha.

    teka, sinubukan mo bang kapain yung bulsa mo pagkababa niya? may hula kasi ako. hmmm…

    mukhang trip ka niya popoy. ayiii!! tigas-titig na yan! ha haha. mukha naman siyang may taste. oh tama na, lalaki na ulo niyan, mag fifeeling na. tsk tsk.

    [Reply]

  8. berlai Says:

    aba worst experience ko ang masabihan ng pangit ng MAS PANGIT pa sakin.
    kill’em.!

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on September 5th, 2008 6:11 pm:

    HA HAHA! na aliw naman ako sa banat mo. pero kaya mo na yan. alam ko namang matatapang kayong dabawenyo.

    [Reply]

    berlai reply on September 8th, 2008 6:24 pm:

    haha. matapang ba kami? sinu maysabi?
    ngayon ko lang nalaman yan ah. =))

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on September 8th, 2008 7:44 pm:

    sabi ni mayor ng dabao. sino nga ba ulit yun? yung nagmumura on live tv.

    [Reply]

    berlai reply on September 12th, 2008 12:00 pm:

    si mayor rudy. ahaha oo:) oy pero mabait yun ah. nagkita nga kami kahapon sa park ee ;))

    [Reply]

    mnel reply on September 6th, 2008 3:03 am:

    haha. makikisabat lang. sana binigyan mo ng salamin. lol.

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on September 6th, 2008 3:13 am:

    yung basag. para paghawak niya masugatan siya. sabay takbo. ha haha!

    [Reply]

    berlai reply on September 8th, 2008 6:22 pm:

    hinde kakantahan ko na lang siya “THERE CAN BE MIRACLES WHEN YOU BELIEVE” hahaha=))

    [Reply]

  9. lyzius Says:

    minsan kasi hindi na epektib ang kape… at madalas me daya na ang salamin…

    maraming nagkalat na ganyan…

    minsan naman sana kilabutan!

    teka, ako ba yun? madalas tawagin ako ni jeck josa ng katigangan…tsk!

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on September 5th, 2008 6:13 pm:

    eh di sana nguyain na lang ang kape, baka makatulong.

    ang totoo iniisip kita habang ginagawa ko ito. pero naisip ko rin na isa kang Josa, iba naman ang spelling sa Dyosa eh kaya ayos na. :)

    [Reply]

  10. keitaro hanazawa Says:

    Daddy, sino ba kaaway mo ha? Papa-RIP ko iyan sa mga tambay sa amin. :)

    Anyway, true iyang sinabi mo. Marami talagang mga taong filingero’t filingera. I hate them too. Kala mo umaagos sa batis ng katotohanan yung mga kagandahan nila!

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on September 5th, 2008 6:15 pm:

    rip them lungs. lols. tapos i adobo natin. at ipakain sa mga aso. ha haha!

    [Reply]

  11. The Gasoline Dude Says:

    Teka sino ba ito? Blogger ba ito? Blind item na naman! Hahaha! = P

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on September 6th, 2008 1:02 am:

    tsismoso ka talaga gasdude. wala akong sinabi ah. ehem!

    o sha. anong latest? he hehe.

    [Reply]

  12. ayz Says:

    buti nalang di ako feeling.. alam ko kasing maganda talaga ako! ahhahaa!! taena!! parang walang nabasa sa kapal ng mukha e! haahaha

    saken depende talaga,kung may karapatan kang magmaganda, e di go. siguraduhin mo nga lang na deserving ka sa titulong yun. at alamin mo ang kapasidad mo, kung ganda ka lang, wag kang feeling matalino, stick with what you’re blessed with.. hahaha

    ah basta ganun?!

    nagmamahal,
    princess chubby. ahahahaa

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on September 6th, 2008 1:06 am:

    nagpaparinig ka ba ayz? may nasasaktan. ha haha! ang masaklap kasi, kahit walang k magmaganda, ang feeling pa! tsk tsk. ang saklap!

    [Reply]

    ayz reply on September 6th, 2008 1:44 am:

    sinong nasasaktan???

    e kung sing tigas ba ng bato ang mukha nyan, kahit anong pagpaparinig mo e di nya magegets. ehehhe

    tsk tsk tsk

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on September 6th, 2008 2:53 am:

    may point ka! ha haha! ikaskas na lang ano?

    [Reply]

  13. Yods Says:

    naka, ang mga taong ganyan dapat regaluhan ng salamin para makita nila totoo nilang itsura. o kaya iuntog sa pader ang mga ulo para maalog ang utak dahil baka masyadong nagpaniwala sa mga magulang nila na magagandang tao sila.

    ako din galit ako sa mga feelingero at feelingera. parang sa kasabihan lang yan na ang magnanakaw ay galit sa kapwa magnanakaw. ahaha. feelingero din pala ako. toinkz!

    kung si anne curtis ang nagiisang dyosa, ako naman ang kapartner niya…

    ako si yods, ang nagiisang dyoso. lolz

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on September 6th, 2008 3:01 am:

    oi pareng yods! he hehe. musta? :D

    mas magandang sabihin na mag feeling ka kung may K ka, diba? eh sus yung iba eh, hay naku! harujusko!

    at ikaw lang ang nag iisang dyoso na nakilala ko. :D

    [Reply]

  14. Lhay Says:

    ako hindi ako feeling, pero yung iba yun ang feeling sa akin, gets mo?

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on September 6th, 2008 3:04 am:

    pinaparinggan mo ba ako? hindi ko marining. bingi ako.

    [Reply]

  15. mnel Says:

    ARAY KO.

    may batong nahulog galing sa langit. =P

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on September 6th, 2008 3:17 am:

    di mo kailangang magpanggap doc.

    alam mo at alam naman ng nakararami na hindi mo na kailangang magmaganda.

    naks!

    [Reply]

    mnel reply on September 7th, 2008 1:03 am:

    SOS KA. alam kong MAGANDA AKO. nalaglagan lang ako ng bato. beware of falling debris pala. haha.

    teka tama na. shut up na ko. haha.

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on September 7th, 2008 4:39 pm:

    oh yes yes! YESSSS!!!!

    [Reply]

  16. karmi Says:

    aminado akong hindi ako maganda. cute lang. kaya nga cutecarme ung YM id ko.. hahaha. feelingera.

    anyways, di ata mawawala sa mundo ang mga taong ganyan, hanggat walang magsasabi sa kanila na sumusobra na cla sa pagpapanggap na tao este na maganda/gwapo sila.

    [Reply]

    Leyn reply on September 6th, 2008 4:58 am:

    ang hirap kasi, kahit sabihan o pinag uusapan na ng mga tao na sumosobra na sila sa pagpapanggap eh sige parin. :D

    nga pala, kilala ko na yung artistang sinasabi ko. ahahaha.

    [Reply]

    karmi reply on September 6th, 2008 6:27 am:

    ay, kapal na nga nun. hahaha. :P wala nang lunas dun, kundi ang mawala na cla sa mundong ito. LOL. sensya, harsh ata.

    hala o? sino? sa blog ko kasi, may nagsabi, kamukha daw nya c john lloyd. hahaha. :D

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on September 6th, 2008 2:45 pm:

    yun na nga, sinabi na ni leyn.

    tama na! sobra na! ibagsak! ha haha!

    oi bawal magtsismisan sa blog ko. lol. isali niyo kasi ako. sino ba yan?

    [Reply]

  17. ana Says:

    ah yan pala yung sinasabi ng kaibigan ko na nasa ulo daw ang kagandahan… kawawa naman sila dahil nasa ulo lang ang kagandahan nila.. buti pa ko nasa kuko

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on September 6th, 2008 2:46 pm:

    mare, san ka nagpalinis? yung nails ko kasi hindi ko pa rin napapamanicure eh. aww.

    [Reply]

    ana reply on September 7th, 2008 8:36 pm:

    ahahha! pinadila lang sa pusa

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on September 7th, 2008 11:09 pm:

    naks! may acetone ang laway ng pusa niyo!

    [Reply]

  18. ron Says:

    wahehehe! nakakainis nga yung mga ganung babae. maganda tignan pero kapag ganun ang ugali, TURN OFF! nakakairita nga! hahaha!

    buti na lang hindi ako kagwapuhan, at wala akong karapatang magfiling-filingan! hehee!

    great post! weeeeeeee!

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on September 7th, 2008 4:44 pm:

    maganda lang tignan. wag na lang sana magsalita. umaalingasaw ang kabobohan.

    [Reply]

  19. sam Says:

    OUCH! Feelingera pa man din ako.

    Heheh!!! :D

    may sadyang mga babaita at lalakito na walang karapatang magfeeling pero sige gora pa din sila sa pagpapatutyadang kagandahan at kagwapuhan sila. take for example…

    sabi ko nga manahimik ako.

    AT tunay shalala na ang may karapatan lang na matawag na diyosa ay si Anne Curtis. shet!

    =)

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on September 7th, 2008 5:09 pm:

    hey ninja gerl, san ang example?

    [Reply]

  20. utakmunggo Says:

    nakow! naglipana nga ang mga ganyang klase sa buong mundong world. susko wag mo nang pagaksayahan ng brain cells ang mga taong ganyan dahil ang totoo nyan, hindi si anne curtis kundi ako lang… AKO LANG ang dyosa dito sa planetang ito. (dating bakla pero dyosa pa rin.. hahaha)

    sa parte naman ng mga boylets na nagpi-feeling God’s gift to womankind, madali namang ma-weed out ang mga tulad nila dahil taliwas rin sa kanilang itsura (at kadalasan sa amoy na rin ng hininga) ang mga kwento kwento nila tungkol sa mga chikas.

    ibig sabihin, these people are trying to compensate for what they lack.

    inuulit ko. ako lang ang dyosa.

    weh. haha

    [Reply]

    otep reply on September 7th, 2008 1:53 am:

    diyosa ka rin?

    apir*

    nyahahahaha…

    [Reply]

    otep reply on September 7th, 2008 1:53 am:

    dyosa* rather. LOL

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on September 7th, 2008 5:18 pm:

    bakit may rin? don’t tell me dyosa ka?

    [Reply]

    otep reply on September 8th, 2008 8:58 pm:

    Lolz.. nyahahahaha oo ako ang kumbinasyon ni dyesabel at dyosa.. tawagin mo na lang ako sa ngalang “dyosabel” taray!

    nyahahaha

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on September 9th, 2008 8:33 am:

    akala ko dyesa… or dyobel! mas maganda ata ang dyobel, gerl na gerl.

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on September 7th, 2008 5:16 pm:

    ibig sabihin, these people are trying to compensate for what they lack. <- oh yes i like this one. super! bonggang bongga ito! :D

    [Reply]

  21. otep Says:

    ‘yan gusto ko sa’yo eh.. hindi ka unequitable.. buti na lang may P.S ka,
    kung hindi mag poprotesta mga femenista. Lolzzz…

    madami talagang ganyan sa earth.. dito lang sa tabi-tabi dami na..
    mga feelingsssssssssssssss..

    pero para sa’kin ok lang ang pagiging utak paa, kung may itsura ka,
    kumpara sa pangit na! ang pangit pa ng ugali.. (har har patawarin.)

    btw, sabi sa’kin dati, (share ko lang) ‘wag na ‘wag ka daw tatawag ng “pangit” ng papisikal kasi parang binastos mo na rin ang may lalang (amen.)

    btw uli, kung sakaling nakasalo naman ng kagandahan ang mga ninuno mo noong nagsaboy ang diyos.. share to others na lang..

    yummy! -ang green ko.. nyahahahahahaha..

    \m/

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on September 7th, 2008 5:21 pm:

    pano kung mukhang paa pero matalino? anong mas pipiliin mo?

    [Reply]

    otep reply on September 8th, 2008 9:04 pm:

    ayt.. ayoko ng mukhang paa at ayoko din ng matalino.. harhar..

    ayt.. san mo ko pinapapili? daya. pinag isa mo naman eh.. nyahahahaha
    baka mukhang paa ba o matalino…? ganun ba?

    teka bakit dati, pag nagcocoment ako dito lumalabas avatar ko bakit ngayon wa na…? :D

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on September 9th, 2008 8:39 am:

    dito ka mamimili, sa utak paa pero ginagamit ang utak o sa maganda at utak paa? lol. pakatotoo tayo.

    oo nga eh, baka ibang email na ang inilalagay mo kaya hindi lumalabas ang avatar mo.

    [Reply]

    otep reply on September 9th, 2008 9:59 pm:

    ayt.. brain bleed…

    next question please.. pag iisipan ko pa.. harhar!!

    [Reply]

  22. McRey Says:

    Bakit hindi pwedeng tawagin ng dyosa?! Eh diba mas mataas ng DYOSA kaysa Miss Universe kasi ang pageant lang ang Miss. U… ahahah (Gatong ako?!)

    Nakakainis yungmga ganun… lalu na kung pangit talaga… ganito kasi yun, sa mcdo sa morayta kumakain ako ng sikat na sikat ng burger. Tapos napatingin ako sa siang magandang first year na schoolmate ko kasama ang pangit niyang friend. Tapos hindi siya angrereak na naiirita sya kasi patingin-tingin ako sa kanya… pero shet madapakingshet!!! Yung nang makita ko yung pangit nyang kaibigan may pakulot-kulot pa ng nood natila ba minamata ako… tang ina nung pangit na yun.

    mamatay na sana sya.

    hahaha… baket nabiktima ka ba?! ahaha

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on September 7th, 2008 5:24 pm:

    ha haha. oo eh. di lang ako ang nabiktima. baka ikaw rin nabiktima niya!? ha haha. kidding.

    dun sa mcdo sa morayta. daming ngang bebe dun. ahi hihi. pero madalang lang ako kumain dun. dami kasing tao parati.

    [Reply]

  23. Ralph Says:

    hay nako hayaan n lng ang mga HL (hampas lupa) yan n lang ang tangi nilang magagawa ang mag feeling kasi wala na silang choice; di sila maganda, at di din maganda ugali so san pa cla lulugar kungdi magfeeling. hahaha!

    nakakaawang mga nilalang. naturingang tao umaasal ng hayop. wow!

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on September 7th, 2008 5:26 pm:

    uy bitter. biktima ka rin ano? lol.

    HL - bago to ah. ha haha. ichecheck ko yan!

    [Reply]

  24. jadelopez Says:

    true. may pailan ilan akong kilalang ganyan haha!

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on September 7th, 2008 5:27 pm:

    oi artista?! ayos to! clue naman diyan clue!

    [Reply]

  25. rio Says:

    pwede bang magkomento d2 ang panget na tulad ko??

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on September 7th, 2008 5:28 pm:

    basta rio ang pangalan, walang pwedeng pumigil sa kanya para magcomment dito.

    [Reply]

    rio reply on September 9th, 2008 1:47 pm:

    ako nga pala si kampanerang kuba…

    [Reply]

  26. M Says:

    Mas mahaba pa ang buhok ko sa buhok ni Anne Curtis. Dapat ako ang diyosa at hindi siya.

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on September 7th, 2008 5:30 pm:

    naisip ko lang, hindi kulot si anne curtis.

    pero kung papipiliin ako kung si anne curtis o ikaw, walang aangal, wala ring kokontra, sapagkat nagiisa ka, dito sa puso ko.

    [Reply]

    mnel reply on September 8th, 2008 7:24 pm:

    walang diyosang kulot

    [Reply]

  27. Kevin Says:

    HUHLOLz. Sino ba yang “dyosa-dyosahan na yan”?

    Mahirap ding magpanggap na kaaya-aya sa mata ng mga tao. May mga kagandahan at kapangitan ding taglay ang mga tao. Siguroo, siguro lang ah, nagmumukha lang pangit ang kanilang mga ugali. Pero may kanais-nais rin naman sa kanila.

    Depende rin sa taong huhusga ang kagwapuhan KO. Este, to generalize, sa tao! O diba, ang kapal din ng mukha ko.

    Ay nako, byuti is in da eyes of the beholder. Pero kung sobra-sobrang kakapalan na, bahala ka na KDR. :p

    Nagtataka lang ako: perfect daw ang mukha ni Elizabeth Ramsey. Akalain mo yun!! :D

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on September 7th, 2008 11:17 pm:

    may sukat tamang sukat nga raw ang mukha. may proportion. at don naging perfect ang mukha ni elizbeth ramsey. san ko nga pala ulit napanuod yan?

    nagkamali ata ako sa sinabi kong walang perpekto sa mundo.

    tsk tsk.

    [Reply]

  28. ced Says:

    aray! aray! aray!

    napuwing pala ko. heheheh!

    pero kaasar nga ung mga ganyan. sobrang sarap buhusan ng kumukulong liquid sosa. hehe. anu kaya napakain sa kanila ng magulang nila? isang bandehadong self-confidence. o baka nga wala silang salamin sa bahay?

    buti na lng cute ako. hehehe =p

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on September 7th, 2008 11:21 pm:

    ang sama ni ced! ha haha! wag ganon. baka hindi tumalab. lol.

    [Reply]

    mnel reply on September 8th, 2008 12:32 am:

    ced yung ilong mo abot hanggang dito. :P

    joke lang. haha.

    [Reply]

  29. lethalverses Says:

    tama ka parekoy, sakto ilang araw pa lang ang nkakaraan e napatunayan ko ito…

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on September 8th, 2008 2:11 pm:

    uy talaga? kanino? sino ba yan? :D

    [Reply]

  30. coldman Says:

    anubayan, parang may ligawan sa taas! Lol!

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on September 8th, 2008 2:15 pm:

    hi hihi. *blush*

    [Reply]

    Sharon reply on September 8th, 2008 2:22 pm:

    ay may kalandian yun blash blash na yun o. ahahaha

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on September 8th, 2008 2:29 pm:

    minsan talaga masarap maging malandi. hi hihi *kurot sharon*

    [Reply]

  31. Sharon Says:

    nakakatakot yung post mo. feelingera kasi akong mala-dyosa din ang kagandahan ko. tapos alam ko din na hindi ako henyo. paano ba yun? ahuhu. it hurts you know. i need a life. *hikbi*Hikbineko*hikbi*

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on September 8th, 2008 2:27 pm:

    it is not how you perceive yourself, sometimes, what matters is how others perceive you as a human. which makes me disagree, big time, to what you have said. but still, i admire you being so humble aside for being a certified bad ass chick. lol.

    parang jollibee lang, go big time!

    [Reply]

    Sharon reply on September 8th, 2008 10:38 pm:

    may napulot akong kowt sa CFAD collegeshirt sa UST:

    ano pala ako, unique
    (translation: wirdo ako)

    “you laugh at me because I am different. I laugh at you because you’re all the same.”

    ganun nalang. :D

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on September 9th, 2008 8:43 am:

    that’s more like it.

    kaya loyal sharonian ako eh. he hehe.

    [Reply]

  32. katcarneo Says:

    Well, gusto ko ng mga taong feelingero/feelingera, kasi may napagtatawanan ako. Natutunan ko nang wag mainis, mas masaya sya pramis

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on September 8th, 2008 7:35 pm:

    unti unti ko na rin yang natututunan. ganon talaga eh. buti sana kung ako lang ang may ganong klaseng reaksyon sa mga ganong klase ng tao. pero hindi. di naman ako galit. paki ko sa kanila. wala rin akong paki kung magalit sila sa akin. naiirita lang. at alam kong may mga ganitong klaseng sitwasyon din ang nararanasan ng ibang tao kaya ko ito ni-blog. at hindi nga ako nagkamali. ang daming nag-react.

    [Reply]

  33. di-mapanhusgang mangyan Says:

    tama yan, ala tayong karapatang humusga sa ating kapwa, sabi nga ni melanie marquez eh, “Dont judge the book, if you’re not a judge!”…at importante rin na bago punahin ang puwing ng iba, eh ‘yon uling muna natin sa sarili nating mukha ang punasin…

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on September 8th, 2008 7:36 pm:

    hindi lang ang mukha ang may uling. buong katawan. lol.

    [Reply]

  34. di-mapanhusgang mangyan Says:

    p.s. dito sa saudi maraming ganitong mga babae, ‘yon sobra kong magmaganda…kasi nga di mo naman sila masisisi, kasi sa dami ng lalaki dito, eh syempre mataaas ang demand sa makaka-ulayaw na babae, eh konti at nagkakahigpitan pa dito sa supply, kaya me karapatan silang magmaganda, kahit di naman kagandahan….

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on September 8th, 2008 7:40 pm:

    ha haha! oo nga eh. sobrang restricted ang mga kababaihan diyan dahil sa culture. no choice naman itong mga guys at kailangang sumunod sa batas. at dahil sa mataas ang demand at mababa ang supply, hayun mataas ang presyo.

    [Reply]

  35. jiMboy Says:

    pambihira! may kaklase akong ganito! tae muka namang kabayo! parang magsasaka pa ung paa. ung legs parang kulambo ng fisherman. bumbayin pa ichura. sarap bugbugin eh

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on September 8th, 2008 7:42 pm:

    di mo ba trip ang bumbayin? diba sila raw yung magagandang lahi?

    eniwey, ang lupit ng bases of comparison mo. pero ito ang pinakagusto ko,

    “ung legs parang kulambo ng fisherman”

    ha haha! pwede nang humuli ng isda.

    [Reply]

    Sharon reply on September 8th, 2008 10:35 pm:

    awts bumbayin daw ako. ;c
    pero hindi ako amoy bumbay ah.

    pero maganda talaga ako. pramis.

    [Reply]

  36. jiMboy Says:

    ni-click ko link mo ate sharon to see if totoo ngang bumbayin maganda ikaw tulad ng sabi mo. Kaya lang sira ung link. hhahaha

    [Reply]

  37. eiyelle Says:

    pakomento po..
    kagagaling ko lang sa blog ni LV parang may kaaway siya,
    at pati ikaw lovegurukdr meron din?..nauuso na yata talaga ang mga filingera/filingero ngayun.. nagkalat na sila..nagkakaubusan na ng totoong magaganda..

    ibig sabihin malapit na akong ma extinct? (hahahah! filingera din pala!) lolz!

    pwedeng idedicate sa kanila yung latest post ni GP..
    mga PKPI!! kailangan silang kalusin!.. harhar!

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on September 10th, 2008 12:05 am:

    maulan kasi. ha haha. lam mo na pag nababasa. lol. salamat nga pala sa iyong pagbabalik. :)

    [Reply]

  38. mang badoy Says:

    hala wag ka na magalit king daddy rich pareho naman tayong gwapo at macho… heheh!

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on September 11th, 2008 10:56 am:

    wala akong ibang masabi.

    kundi

    tama!

    [Reply]

  39. beero Says:

    ayun! may alam akong adyektib para dyan - “feelingera”. haha. matuto naman kasi sana silang lumugar kung san sila nararapat. ahehe.

    At si Anne Curtis lang ang may karapatang tawaging dyosa. –> at talagang may plugging pa eh no. hehe. kapamilya? ahehe

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on September 11th, 2008 10:57 am:

    share your adjective sir beero. he hehe.

    nakita ko lang sa commercial yan. wala na akong oras para manood ng tv. pero natuwa ako at least marunong silang pumili para sa karakter na yan. naisip ko kasi walang ibang bagay na artista diyan maliban kay anne curtis.

    [Reply]

  40. b@kekang Says:

    ay naku me kilala akong ganyan!feeling maganda!ang worst sa kanya pavirgin epek..!gwarrk!! ang sarap nyang i flush sa inidoro

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on October 11th, 2008 9:50 pm:

    ha haha. pa virgin epek~

    [Reply]

Leave a Reply