Emo: Love vs Infatuation
Kingdaddyrich aka Don Romantiko,
Magandang araw sa’yo. Isa ako sa mga malugod na sumusubaybay sa blog mo. Petiks kasi ako ngayon dito sa opisina, kaya’t naisipan kong sulatan ka at humingi na din ng advise. Hehe.
Ano ba ang difference ng infatuation sa true love? How would you distinguish one from the other? Dapat ba kapag nanligaw ka ng isang babae eh masasabi mo na sa sarili mo na mahal mo na siya, o OK lang na manligaw kahit infatuation pa lang ang nararamdaman mo para sa kanya? Paano nga ba ang manligaw? Any best practices that you want to share? Hehe.
Alam kong expert ka sa ganitong topic kaya naisipan kong itanong sa’yo ang mga ito. Expert meaning both in principle and practice ay magaling ka sa subject na love. *LOLz*
I’m looking forward to your response.
Regards,
Gas Dude
Bago sa lahat, nais ko munang ipabatid ang aking taos pusong pasasalamat sa iyo dahil sa tinagal-tagal kong paghihintay na may mag-emo sa akin ay sa wakas maliban sa samut-saring spam ay may tao na ring maituturing na naglaan ng kanyang oras para sumulat at bigyan ako ng poproblemahin. Maraming salamat din sa iyong pagsubaybay sa aking blog at nawa’y manatili kang parokyano nito dahil dalawa na lang tayong bumibisita sa blog na ito. Isang malagkit na *mwahugs* para sa iyo Gas Dude.
Maliban sa kanilang spelling, marahil karamihan sa atin ay hindi alam ang malaking pagkakaiba ng dalawang ito o kahit man lang mga kahulugan nila. Para sa kaalaman ng lahat, walang kinalaman ang infatuation sa pagpapataba at wala ring silbi kung titingin ka sa diksyunaryo dahil ang mababasa mo lang dito ay the state of being infatuated. At maliban sa iskor sa tennis ay hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na may mas malalim pang kahulugan ang love.
May mga nararamdaman tayo kapag infatuated sa isang tao na maaaring hindi natin nararamdaman kapag in love sa kanya. Ngunit hindi natin masasabing love na nga ito kung hindi man lang natin alam kung paano ipagpapakahulugan ang infatuation.
Alam mo ba yung mga kilig moments? Yung mga pagkakataon na parang kinakabahan ka pag nandiyan ang taong gusto mo. Mga panahong hindi mo siya maalis sa isip mo. Gusto mo parati siyang nandiyan at hindi kumpleto ang araw mo kapag hindi siya nakasama. At tipong nagseselos ka ng walang sapat na dahilan. Akala mo siguro ay love na ito, pero hindi. Ito ay ilang senyales na infatuation lamang ang nararamdaman mo. Ito ay panandalian lamang at madaling mapawi agad.
Sa mga panahong ito ay gumagawa tayo ng mga perpektong imahe sa isang tao. Wala tayong nakikita kundi lahat ng kagandahan sa taong iyon. Hindi natin nakikita ang katotohanan na walang taong perpektong sa pisikal na mundo. At ang lahat ng paghangang iyan ay maaaring mawawala sa sandaling makita na natin at hindi magawang tanggapin ang katotohanang ito.
At bilang karagdagan, ang mga simpleng senyales na ito ay nagbubunsod ng pagbabago sa chemical balance sa utak ng tao. Kapag tayo’y infatuated, ang adrenaline ang nagpapabilis sa tibok ng ating puso. Ang dopamine naman ang nagbibigay sa atin ng hindi maipaliwanag na magandang pakiramdam. Ang oxytocin ang nagbibigay ng emosyonal na pagkagusto at nagbubunsod ng walang katapusang tigas-titig sa kapwa. Sa madaling salita, libog lang. At dahil sa mga kemikal na ito, may mga pagkakataong nasasapawan nito ang lohikal na abilidad ng tao.
Kaya siguro naimbento ang kasabihang kung maganda ang karir, olats sa lablayp. Pero kung panalo ang lablayp, olats naman ang karir. Infatuation life is your creation (c’mon Barbie let’s go party!).
Sa kabilang banda, ang love na marahil ang pinakakumplikadong salita sa mundo. Sa dami ng mga bagay na sinasaklaw, napakahirap nitong ilarawan at bigyan ng kahulugan na direktang tutukoy dito. Ilang kilalang tao na rin ang nagtangkang bigyan ng ibat-ibang kahulugan ang love. Hindi mabilang na beses na rin itong naging paksa sa mga tula, awitin, pelikula, nobela, sanaysay, kwento, mga suicide notes at iba pa. At karamihan sa kanila ay natutuluyan at karamihan din naman ay buhay pa at bitter pa rin.
Habang mas binibigyan natin ito ng kahulugan, mas lalo tayong nalalayo sa tunay na nais ipahiwatig nito. Habang mas nagbibigay tayo ng iba pang salita na tutukoy dito, ang bigat na dulot ng salitang pag-ibig ay gumagaan at minsan pa’y nawawala. At patuloy lang nating ililigaw ang ating sarili kung ipipilit nating gumawa ng sariling deskripsyon para dito.
Marunong makuntento ang pag-ibig. Hindi ito naghahanap ng wala o baguhin ang isang minamahal na hindi naman talaga siya. Marunong ito magbigay, tumanggap at magpasalamat ng walang kondisyon. Hindi ito madamot at hindi rin nag-aantay ng kabayaran. Hindi ito mapanumbat. Marunong ito magpatawad at umunawa. Marunong ito tumanggap ng pagkakamali at naghahangad ng mga bagay na ikaliligaya ng bawat isa.
Sa love, nakikita natin ang lahat. Hindi tayo bulag sa katotohanan. Alam natin ang mga bagay na saklaw ng isang imperpektong mundo na ating ginagawalan. Tanggap ang lahat ng kamalian at ito ay natural na nangyayari sa sinoman. Ngunit sa kabila ng lahat, nanatili tayo. At ito ay walang hangganan.
Kaya’t kung manliligaw, hindi pangangailangan na mahal mo na agad ang isang babae. Lagi mong isa-isip na ang love ay pangmatagalan at ang infatuation ay panandalian. Ang love ay binubuo ng magagandang ala-ala, mahabang pinagsamahan, mga pagsubok na nilampasan, tawanan, iyakan, lambingan at kant…….ahan. Samantalang ang infatuation ay simpleng paghanga lamang.
Mahalaga rin ang pagiging totoo mo sa nililigawan mo at higit sa lahat sa iyong sarili. Hindi na kailangan ng mga kung ano-ano pang tips lalo pa sa mga lalaking nasa edad mo na. C’mon, give me a break! Ngunit batay sa karanasan ng aking mga kakilala at kaibigan, hindi pa rin daw naluluma ang pagbibigay ng bouquet of flowers sa isang nililigawan. Patok pa rin ito sa mga gelays. Alam kong sumasang-ayon ka sa akin sa sinabi kong ito Gas Dude. At nagpapasalamat ako kay Pampoy sa pag boto sa akin sa Project Lafftrip. Walang bawian ah. He hehe.
Ang pag-ibig ay parang isang matayog na puno, may pinag-uugatan at may malakas na kinakapitan. Lumalaki at tumatanda kasabay ng panahon. Samantalang ang paghanga ay tila isang damong ligaw na kung saan-saan lamang biglang tutubo at mamumukadkad. At sa maikling panahon, malalanta rin at tuluyan nang mamamatay.
Sincerely yours,
Vendetta Kingdaddyrich
PS:
Para sa kaalaman ng lahat, hindi ko imbento ang sulat na nabasa niyo sa taas. Sa maniwala kayo o hindi, nag-eexist talaga si Gas Dude. Bilang katunayan ito ang aming naging usapan. Malalaman niyo rin dito ang kanyang tunay na pangalan. Ha haha! Para sa inyong mga emo, i-send lamang ito sa email na makikita sa pinakaibabang bahagi ng blog na ito.
Tenkyuberimats!



August 31st, 2008 at 3:09 pm
walang hya ka gas dude, hindi japeks e-mail ko. hahaha. atsaka bat ganun, yung sulat mo saken kalandian yung sulat mo kay kdr seryoso… ibig sabihin malandi ako at si kdr seryoso? lol
anyway… aprub ako sa sagot ni kdr. napapaghalatang seryoso magmahal. ;P
mahirap talaga i differentiate ang love sa infatuation. kadalasan infatuation lang talaga ang nararamdaman ng mga tao, kaso mahirap sabihin ang term na “i’m in infatuation”, mas madaling sabihin ang “i’m in love”. diba. mas maikli. hehe.
[Reply]
The Gasoline Dude reply on August 31st, 2008 4:17 pm:
Japeks ang e-mail add mo Leyn! Tumatalbog ang email ko! Hmpf! *LOLz*
Sige iisip ako ng mas seryosong topic para sa’yo. Susulat ako s’yo ulit. Sagutin mo ha! Hehehe!
“I’m in infatuation…” Parang tongue twister ah. *LOLz*
[Reply]
kingdaddyrich reply on August 31st, 2008 7:00 pm:
aba siyempre kailangan seryoso. mahirap na! ha haha!
mahirap din sabihin na i’m infatuating for you. mas palakpak tenga kung i’m in love with you. he hehe.
[Reply]
August 31st, 2008 at 3:38 pm
Huwaw! Wala akong masabi sa response mo sa sulat ko. Speechless.
Baka lalong main-love sa’yo si Leyn n’yan. Hahaha. = P
[Reply]
Leyn reply on August 31st, 2008 4:21 pm:
tangina ka. wag mo idamay ang mabango kong pangalan. Lol.
[Reply]
The Gasoline Dude reply on August 31st, 2008 4:32 pm:
Ang lutong naman ng mura mo! Love mo ko noh? Nyahaha. = P
[Reply]
kingdaddyrich reply on August 31st, 2008 7:04 pm:
oist! ano sabi mo?
[Reply]
donG hO reply on September 1st, 2008 6:01 pm:
may nagyayari yata dito.
[Reply]
The Gasoline Dude reply on September 1st, 2008 7:59 pm:
Wala po Boss. Selos ka? *LOLz*
[Reply]
kingdaddyrich reply on September 1st, 2008 8:23 pm:
di naman ikaw yung tipo na dapat pagselosan.
ha haha!
ang banat! wooo!!!
[Reply]
lethalverses reply on September 3rd, 2008 6:13 am:
gasul!! ang landi landi mo!!!!!!!!!!!!!
pati si leyn, inaagaw mo pa kay kdr…
tsk tsk tsk…
malamang kaya biglang nawala si chibi, inagaw mo na kay chie wahahahaha
[Reply]
kingdaddyrich reply on September 3rd, 2008 2:59 pm:
oo nga eh. tsk tsk tsk.
at kaya pala nawala yung isa dahil inagaw mo kay chie. nako naman gasul, paano na yung bagong lab interes mo niyan? wala pa nga eh bokya ka agad. he hehe.
[Reply]
The Gasoline Dude reply on September 3rd, 2008 7:59 pm:
Sinong bagong love interest? Wala ako alam dyan. Haha. = P
[Reply]
The Gasoline Dude reply on September 3rd, 2008 7:58 pm:
Hindi ako ang malandi! IKAW! MADAMI KANG BABAE EH! At hindi ko inaagaw si Leyn! *LOLz*
[Reply]
The Gasoline Dude reply on September 3rd, 2008 8:00 pm:
And I’m pertaining to LETHALVERSES. *LOLz*
[Reply]
kingdaddyrich reply on September 3rd, 2008 11:06 pm:
he hehe. buti nang maliwanag.
[Reply]
Leyn reply on September 4th, 2008 5:14 am:
oi. nasisira ang friendship! LOL.
[Reply]
lethalverses reply on September 6th, 2008 9:18 am:
TEKA!! SINO ANG MALANDI!!!
SOBRA KA NA PARE, AKALA MO LAHAT BIRO. SAKIT MONG MAGSALITA A… GUSTO MO BA NG SUNTUKAN??
[Reply]
lethalverses reply on September 6th, 2008 9:19 am:
…pero syempre dyoklang, kurutan na lang!!
wehehehe… GASUL : ang tunay na pag-ibig ni chibi.
[Reply]
kingdaddyrich reply on September 6th, 2008 12:20 pm:
pwede mag request?
sabunutan kaya?
ng buhok sa kili kili!
[Reply]
August 31st, 2008 at 4:15 pm
Hindi na lang ako magco-comment sa content, pero natutuwa ako sa mga nailahad mo dito sa post na ito. Ngayo’y mas malinaw na sa ‘kin ang lahat… Nyahaha! = D
Wala ba akong T-Shirt kasi sumulat ako sa’yo? *LOLz*
[Reply]
kingdaddyrich reply on August 31st, 2008 7:20 pm:
sana nga natulungan kita sa iyong suliranin. ha haha! talagang nag survey at nagresearch ako diyan. lols. isa pa, lahat naman tayo naliwanagan tungkol sa mga usaping yan. pero sa’yo pa rin naman nakasalalaya ang lahat.
at ang t-shirt? parang wala naman ata akong sinabing may libreng t-shirt ang sinomang susulat sa akin. meron ba? he hehe.
[Reply]
The Gasoline Dude reply on September 1st, 2008 8:04 pm:
Magpagawa ka na ng KDR shirts kasi ang mga sikat me mga T-Shirts, tulad ni Greenpinoy. *LOLz*
[Reply]
kingdaddyrich reply on September 1st, 2008 8:26 pm:
ang tagal na kayang meron!?
[Reply]
lethalverses reply on September 3rd, 2008 6:14 am:
teka teka, penge ako ng tshirt KDR!!!
[Reply]
kingdaddyrich reply on September 3rd, 2008 3:05 pm:
magpapamass produce nga ako ng may mapala naman ako sa pagiging KDR ko. may bayad ah. he hehe!
[Reply]
August 31st, 2008 at 6:19 pm
astig naman ‘tong post na ‘to, parang doctor love on blogsphre ah… at least now di lang si gas dude ang namulat ang isipan sa infatuation at love na yan…at kahit magkaaway kami ng chemistry, naaliw naman ako sa mga chemicals na pinaghalo-halo para sa infatuation…at sa epekto ng pinaghalo-halong chemicals buti nalang me “g”, pero kung minsan nawawala ‘yong “g” ah… lolz..
[Reply]
kingdaddyrich reply on August 31st, 2008 7:22 pm:
waw. bakit hindi *in love na mangyan* ang pangalan mo. o kaya *infatuated na mangyan*.
teka anong “g” ba yan? g-spot? ha haha!
[Reply]
August 31st, 2008 at 6:35 pm
magaling magaling. ako’y naliwanagan. heheh
may nasama pang pharmacodynamics at pharmacokinetics. heheh
mukhang naimpress mo naman kdr si ano e… dba leyn?
teka… nasan na ung fans club nyo ha?
[Reply]
kingdaddyrich reply on August 31st, 2008 7:35 pm:
pharmacocococo…. lol. di ko alam yan. he hehe. pero naaliw ako sa oxytocin. i think abundant ang katawan ko niyan kaya ganito. ha haha. and you know the reason why doc.
sino naimpress? yung fans clun ewan ko kung nasan. yung presidente kasi puro girls inaatupag (diba ikaw yun doc ced). he hehe!
[Reply]
rio reply on September 2nd, 2008 2:24 pm:
aba…my fans club ka na kdr? san pwedeng kumuha ng application form at ng makapag apply? hehe
[Reply]
kingdaddyrich reply on September 2nd, 2008 8:57 pm:
oi ced. application form daw. may miyembro ka na. ha haha. sa wakas dalawa na kayo!
[Reply]
August 31st, 2008 at 8:32 pm
hmmm…
infatuation at saka love… hmm….
basta sabi ng pari sa amin kanina sa homily, hangga’t hindi ka nasasaktan hindi ka pa tunay na nagmamahal. sooo ayun.
whahahah parang walang konek ang sinabi ko eh di ba.
hmm thought provoking…
[Reply]
kingdaddyrich reply on August 31st, 2008 9:47 pm:
basta sabi ng pari sa amin kanina sa homily, hangga’t hindi ka nasasaktan hindi ka pa tunay na nagmamahal. sooo ayun. <–iniisip ko rin kung ano ang ibig sabihin ng pari niyong sadista (ata) sa sinabi niyang ito. he hehe. kailangan ko na ata magsimba! tsk tsk.
sige isip muna. then pag may nagrealize, open ang comment box.
[Reply]
August 31st, 2008 at 8:51 pm
baket kung kelan naging single ako saka naman naging love chevers ang topic ng mga bloggers.. hahahaha
mahusay. ngayon alam ko ng kung nalilibugan ako dahil maganda sya hindi iyon pagmahahal kundi infatuation lang pero kung nalilibugan ako dahil maganda sya sa kabila ng pagiging pokpok at bitch nya ibig sabihin love yun o mali ako dahil libog pa rin ang tawag doon? whutevah love is so complex. i’d rather die, gimme that f*cking blade. haha
[Reply]
kingdaddyrich reply on August 31st, 2008 9:51 pm:
si gas dude kasi eh! ha haha.
but nice analogy. pero ang hirap tanggapin na love kasi sa simula ay libog pa rin. paano kung nakaraos ka na sa kanya at wala na ang libog mo diba? anong kasunod?
tulad mo, whutevah love is so complex!
pero hindi mo kailangang mamatay, maraming nagmamahal sayo. at malulungkot si leyn niyan.
naks!
[Reply]
August 31st, 2008 at 9:52 pm
*kilig* i wnt to paint my walls red! hehehe
[Reply]
kingdaddyrich reply on August 31st, 2008 10:56 pm:
koya san ka kinilig?
[Reply]
donG hO reply on September 1st, 2008 6:00 pm:
malamang dito sya nakilig “Samantalang ang paghanga ay tila isang damong ligaw na kung saan-saan lamang biglang tutubo at mamumukadkad.” wahehehehe….
[Reply]
kingdaddyrich reply on September 1st, 2008 8:27 pm:
kinilig ka rin siguro diyan kuya dong ano? ahi hihi.. ayii.
[Reply]
donG hO reply on September 1st, 2008 11:13 pm:
anong kilig? kilig na kilig! hehehe… dyok lang.
[Reply]
kingdaddyrich reply on September 1st, 2008 11:24 pm:
ha haha! sabi na nga ba eh.
[Reply]
rio reply on September 2nd, 2008 2:06 pm:
haha.. si kuya dong!..kinikilig….amin na kasi..tau- tau lang naman nakakaalam e..
[Reply]
kingdaddyrich reply on September 2nd, 2008 8:59 pm:
sino kaya? sino kaya? hmmm…
[Reply]
August 31st, 2008 at 10:54 pm
hays… very nice distinction between the two. i have always believed that love is not a feeling. and love love really takes time. i do not believe in love at first site– yun ang infatuatio in my opinion. but sometimes infatuation draws us to a person. in fatuation drives us to know a person. and as time goes by, as you know the person..dun na ndedevelop ang pagmamahal
ahehe…
[Reply]
kingdaddyrich reply on August 31st, 2008 11:03 pm:
oo tama ka diyan parekoy! buti na lang nag agree ka kundi, hindi ka nag agree! tsk.
[Reply]
August 31st, 2008 at 11:23 pm
hmmmmmmmm, o well, nagreact na ako sa ym kanina diba..hehe. yun na yun.
at bakit vendetta? napanood mo siguro no? ako hindi ko tinapos, di ko maintindihan e, pangmatalino ata.
[Reply]
kingdaddyrich reply on August 31st, 2008 11:53 pm:
thanks sa reaction.
at bakit vendetta?
galing yun sa isang sikat na kanta dati pero it’s for people who’s stupid!
ha haha!
[Reply]
na* reply on September 1st, 2008 1:57 pm:
pangstupid? bagay pala sa akin yun then.
hmf!
[Reply]
kingdaddyrich reply on September 1st, 2008 8:29 pm:
love soft as an easy chair, STUPED!
love fresh as the morning air, STUPED!
love one that is shared by two, STUPED LAB!
i have found in you.
ha haha!
[Reply]
September 1st, 2008 at 8:02 am
akala ko ba love is like a rosary full of mystery?
di rin ako magaling sa mga love love na yan kaya deadmakels lang.
about love lang ba ang pwede isulat sayo? magi-emo nga din ako. pero iisipin ko muna kung ano ang ii-emo ko sayo. wahehe.
[Reply]
kingdaddyrich reply on September 1st, 2008 8:31 pm:
sige antayin ko ang emo mo. ha haha! pero kung tungkol kay alex molina ang ii-emo mo, sa kanya mo na lang itanong directly. ha haha! ayi! yon naman!
[Reply]
spongebabe reply on September 5th, 2008 9:43 am:
leche ka. hahahaha. ngayon lang ako nagblog hop kaya ngayon ko lang nabasa to. leche ka pa rin. hahaha.
[Reply]
kingdaddyrich reply on September 6th, 2008 2:39 am:
ha haha. wag ka na mahiya!
[Reply]
September 1st, 2008 at 10:27 am
olats ako sa lablayp. ako ang babaeng litong lito sa pagibig. yung iba naghahangad ng mamahalin, ako, sobra sobra ang natatanggap kong pagmamahal. hays. baka kemikal imbalance din to.
[Reply]
kingdaddyrich reply on September 1st, 2008 8:33 pm:
oo nga. minsan kasi pag sobra, nakakasama. maganda talaga kung balanse ang lahat. oh hai.
[Reply]
September 1st, 2008 at 12:19 pm
pwede palang humingi dito ng payo about love problems??
pwede din bang makahingi dito ng load o kaya ay isang kilong bigas? lol
ang ganda ng pagkaka explain mo about true love and infantuation,,astig!
[Reply]
donG hO reply on September 1st, 2008 5:59 pm:
si kingdaddyrich sa totoo lang sya talaga si doctor love. wahehehe…
[Reply]
rio reply on September 2nd, 2008 2:08 pm:
sabi na nga at tama ang hinala ko na si KDR ay si dr.love.wahehe
[Reply]
kingdaddyrich reply on September 2nd, 2008 9:00 pm:
nako hinde. aww. baka mawalan ng trabaho yung tunay na dr. love. nasa friendster nga rin yun eh. lol.
[Reply]
kingdaddyrich reply on September 1st, 2008 8:35 pm:
hindi ito limitado sa love problems.
kung gusto mo ng load, iwan mo lang ang numero mo dito at tiyak, marami ang magtetext sayo. tsambahan mo na lang yung mayaman na may pambigay ng load.
mahaba ang pila sa bigas. pero kung mapilit ka, tyagain mo na lang dito sa tapat ng bahay namin.
maraming salamat ate rio. he hehe.
[Reply]
rio reply on September 2nd, 2008 2:13 pm:
dear king daddy rich,
ako po si rio, mahigit kumilang na beinte ?? anyos at kasalukuyang nauubusan ng load..nais ko po sanang makibahagi sa inyong programang handog load at handog bigas…maari nyo po ba akong hanapan ng sponsor para sa aking load? ang aking numero ay 0922-22-22 nugtunog…ako po ay naghihintay..maraming salamat po at sana ay tumagal pa ang intong programang……..Dr.love aka..KDR..lols
nagmamahal,
rio=P
p.s.
pwede po bang 100 pesos load?
kung hindi po pwede ay 300 nalang…hehe
[Reply]
kingdaddyrich reply on September 2nd, 2008 9:04 pm:
mahigit kumilang? he hehe. maniwala akong beinte ka lang ate rio! ha haha!
handog load at handog bigas! ha haha! grabe ah.
para sa sinumang mayaman sa load diyan, bahaginan niyo raw si ate rio. ang sinomang magbibigay ng load sa kanya ay may libreng bunot. at ang sinomang magbibigay ng bigas may libreng linis.
libreng bunot ng buhok at linis ng kili kili. ha haha!
[Reply]
rio reply on September 3rd, 2008 11:48 am:
tsuri naman….typo error…kumulang* haha
utak beinte lang ako..haha
[Reply]
kingdaddyrich reply on September 3rd, 2008 3:09 pm:
ano ate rio? libreng bunot at linis ba sa sinomang magbibigay ng load at bigas sayo?
[Reply]
rio reply on September 4th, 2008 3:04 pm:
cge ba…basta lahat ng ipin ang bubunutin ko ha….
[Reply]
kingdaddyrich reply on September 4th, 2008 6:12 pm:
hindi. buhok sa kili kili ang pinaguusapan dito.
[Reply]
b@kekang reply on October 8th, 2008 4:07 pm:
hi..d2 samen ngpromo yung TM/Globe sim card..sa isang sim card merong 1/2 kl.ng rice n libre sayang d u nkaavail hahahaha
!!
[Reply]
September 1st, 2008 at 1:06 pm
aba! at problema pala si gasdude!
ayaw ko ng pag usapan ang love. bitter! lol!
[Reply]
The Gasoline Dude reply on September 1st, 2008 8:01 pm:
Nyahaha! Coldman! Hindi ko problema ang love. Wala lang akong matanong kay KDR. *LOLz*
[Reply]
kingdaddyrich reply on September 1st, 2008 8:38 pm:
ha haha. oo nga. hindi mo problema. kasi kanina lang may nagtatanong tungkol sa kanya. ayi! ha haha.
[Reply]
Leyn reply on September 2nd, 2008 1:34 pm:
ay! sino naman kaya yan! haha. chismis.
[Reply]
kingdaddyrich reply on September 1st, 2008 8:37 pm:
ha haha. ikaw pa? maniwala ako. katawan pa lang ulam na. smile pa lang laglag na ang balls ng mga bading. lol.
[Reply]
September 1st, 2008 at 4:06 pm
wow!
science plus theo plus real life experiences
equals kdr the love guru!! yihii..
tnx! atleat ngayun super sure nako,
hindi lang pala hormonal itong lablayp ko..heheheh!!
galing galing!!! =)
[Reply]
kingdaddyrich reply on September 1st, 2008 8:39 pm:
nako baka mabrand na ako as love guru. nako wak po, magiging miserable ang lablayp niyo! ha haha.
[Reply]
September 1st, 2008 at 5:58 pm
kung ito man ang pinaka komplikadong salita ay malamang ito na rin ang pinaka importanteng salita.
hehehe…
[Reply]
kingdaddyrich reply on September 1st, 2008 8:41 pm:
naks. naman! gumaganun! ha haha!
[Reply]
rio reply on September 2nd, 2008 2:17 pm:
haha..sabi na nga at mukhang kinikilig ng husto si kuya dong e…
mas malalim pa ata ang mga binitawang salita ni kuya dong e…konti nlang at malapit na nyang matalbugan ang iyong eksplinasyon, KDR..hehe
[Reply]
kingdaddyrich reply on September 2nd, 2008 9:05 pm:
i wonder why. hmmm. he hehe. si kuya dong malupit sa chiks yan! ha haha!
[Reply]
September 1st, 2008 at 8:54 pm
panu mga walang lablayp? XD
[Reply]
kingdaddyrich reply on September 1st, 2008 10:26 pm:
pano nga ba? he hehe.
[Reply]
rio reply on September 2nd, 2008 2:18 pm:
pwede mo din yang idulog kay KDR..
madaming tips yan para magkaroon ng lablyp ang isang lables…hehe
[Reply]
kingdaddyrich reply on September 2nd, 2008 9:12 pm:
bugaw ako. ano gusto mo? teen ager o teen edger, meron din akong amoy lupa at kinakain na ng lupa. pero, may asim pa sila!
[Reply]
September 2nd, 2008 at 1:45 pm
wow. another jo the mango in the making. galing magpayo. uy teka namatay na pala kahapon si tiya dely, pwede ka siguro mag apply doon.
another thing, sana iba na background music kasi love ang payo eh. sana di na yung may humahalakhak lols.
basta bro pag legal advice naman eh ipasa mo sakin hehehe.
[Reply]
rio reply on September 2nd, 2008 2:21 pm:
hmm…si lawstude..kunwari pa yan…isa din yang jo d mango 2 be e…at ang mas malupet…with matching legal advice yung mga yun…
kuya lawstude..sample nga ng advise dyan about long term relationship…hehehe…i badly need it..lols…
[Reply]
kingdaddyrich reply on September 2nd, 2008 9:18 pm:
long term? long distance relationship ba yan?
cpa? hmm..
[Reply]
rio reply on September 3rd, 2008 11:49 am:
wahahaha!! cpa?? sino yun?? lols
[Reply]
kingdaddyrich reply on September 3rd, 2008 3:15 pm:
wushu! ha haha!
[Reply]
kingdaddyrich reply on September 2nd, 2008 9:17 pm:
nako. ibang level na yang si joe da mango. ha haha. baka ma brand ako as dr love ah. diba dj din yun? lol. yung si tiya dely, siya diba yung Remember M Remember E put them together, remember me?
he hehe
yung backround music, isang post na lang matatabunan na yan. ha haha. wala nang maingay.
sige pag legal advise ikaw agad ang ituturo ko. goodluck nga pala dun sa contest ah.
[Reply]
September 2nd, 2008 at 1:58 pm
hay. sayang, naka-blocked ang imageshack dito sa opis.
andami kong natutunan sa post mo na ‘to. totoo pala si gas dude no? kala ko fictional blogger lang at walang persona. haha.
ngayon alam ko na. libog lang pala ang nararamdaman ko kay chie.
salamat. nagising ako. *mwahugs*
[Reply]
kingdaddyrich reply on September 2nd, 2008 2:33 pm:
pautang ina jeck! ha haha! you got me there! tumataob ako sa punch lines mo. ha haha!
[Reply]
September 2nd, 2008 at 2:21 pm
rb, nagkausap na tayo tungkol sa mga ganitong bagay. at alam mo ang kwento hahaha.
ang lab talaga ay isang napakumplikadong usapin sa lahat ng usapin. pero magsimula tayo sa infatuation. ang infatuation sa aking opinion ay nararamdaman nang mga kabataan. yung tipong nasa stage pa lang na may tumutubo sa kanilang mga buhok buhok, lumalaki ang mga ano ano at medyo kumakapal at naglalaway laway ang mga ano. ano ba tong pinagsasasabi ko walang kwenta. hahaha. ayun, basta puppy love, tutang pagibig tama diba? yung tipong may mga kilig paktor pa yung mga malalanding babae, at yung mga tipong pagnanasahan ng mga binata sa SIAR ng bahay o ng iskul. alam mo na yun kung ano yun hahahaha.
ang lab naman ay yung pakiramdam na kaya mong gawin yung lahat. manuod ng mga teleserye para sa mga eksaheradong eksampol. basta ito yung tipong kahit butas ng karayom o butas ng injection o kahit butas ng babae eh papasukin ng mga lalaki makamit lang ang tunay na pagmamahal.
ito yung walang kapalit. ito yung tipo na pagtinamaan ka, kesehodang kamukha ni madam auring ang minamahal mo eh okey lang. sa madaling salita, ndi sa panlabas na anyo nakikita kundi kung sino at sino ka sa mata ng nagmamahal sayo at minamahal mo.
mahirap nang mahanap ang tunay na pagibig. ndi ito nabibili. hindi ito naarkila. mas lalong hindi ito nakukuha sa short time o sa damuhan. sa kotse pede pa yata. pis! bsta, ang tunay na pagibig ay nararamdaman ng mga taong tunay na nagmamahalan at hindi iniinda ang lahat ng balakid na pedeng humarang sa mga tatahakin nila papunta sa rurok ng kanilang love nest
[Reply]
kingdaddyrich reply on September 2nd, 2008 9:41 pm:
magandang blogpost ito. ha haha. lols. mukhang marami ka nang karanasan tungkol sa pag ibig ah. at marami ka ring karanasan sa sa pagsilip ng mga girls sa cr. ha haha!
[Reply]
popoy reply on September 3rd, 2008 8:35 am:
adik ka rbilog. lols. ginagawan mo na naman ako ng kwento hahaha
[Reply]
kingdaddyrich reply on September 3rd, 2008 3:18 pm:
poy, FYI, hindi ako yung taong gumagawa ng kwento. at ipagkakalat kung di naman totoo. sobrang cheap. parang iskwa lang.
lol.
[Reply]
September 2nd, 2008 at 4:14 pm
waaahhhh! hanggang dito hindi tinantanan si love at infatuation…. ituturo ko dito ang mga gustong matuto ng infatuation101 at love101. eh dr. kdr, pwedeng pautang? hehehe! si rio nga nanghingi ng load… ako naman ay uutang
[Reply]
kingdaddyrich reply on September 2nd, 2008 9:20 pm:
ha haha! ano ba kayo? mas mayaman pa kayo sa akin!
[Reply]
rio reply on September 3rd, 2008 11:51 am:
IFM. gusto kong mag enroll sa infantuation 101 at love101 mo..
uutang muna din ako kay KDR ng pang tuition fee..hehe
[Reply]
kingdaddyrich reply on September 3rd, 2008 3:21 pm:
wah. bakit ako. saka na pag may kdr foundation na. lols.
[Reply]
ifoundme reply on September 3rd, 2008 8:34 pm:
bwehehehe!! malamang isasangla na ni kdr tong blog niya. magyaya pa tayo ng iba… baka pwede pang magpromo si kdr… buy one, take one tuition fee… bwahahaha!
[Reply]
kingdaddyrich reply on September 3rd, 2008 11:08 pm:
susulat na lang ako para sa inyo sa wish ko lang. he hehe.
[Reply]
September 2nd, 2008 at 5:07 pm
Love na naman? Ayoko ng relationships kasi in the end, magkakasakitan lang kayo, haha. Tamang magdrama?
Wow, daddy, iba na career mo ha! Pwede mo ng pataubin si Joe D’ Mango.:)
[Reply]
kingdaddyrich reply on September 2nd, 2008 9:22 pm:
parang may bitter something ah.
mag suswitch na ako ng karir. borloks na kasi ang blogging. pati mga orcs natututo nang magblog. ha haha!
[Reply]
September 2nd, 2008 at 8:59 pm
wow! yun lang masasabi ko leveling talaga.. may emo letters pa,
now a days susulat din ako ng emo letters yung tipong iiyak ka kdr.. Lol..
ewan ko lang kung masagot mo hehehe..
seriouly, dami ako natutuhan dito sa entry na ‘to (may ganun? hehe)
btw, parang over used na tuloy ang word na “emo”.. pero ewan ko lang ha trip na trip ko ang pagiging emo.
usually (slash) mostly (slash) actually, kaya naman talaga may emo dahil sa LOVE ahuhuhu.. pengeng lovelife Lol.
[Reply]
kingdaddyrich reply on September 2nd, 2008 9:34 pm:
sige sige. aantayin ko yan.
btw, emo in this blog means Email Mo. he hehe. so hindi necessary na emo ang letters.
good thing marami kang natutunan. he hehe. ako rin natuto.
[Reply]
otep reply on September 3rd, 2008 2:25 pm:
haha sorry naman.. tatandaan ko yan EMO means Email Mo (daming alam..)
sigurado ka kahit anong.. emo tatanggapin mo? PM ko na lang hehe..
cool \m/
[Reply]
kingdaddyrich reply on September 3rd, 2008 3:22 pm:
send mo sa email. para may effort! hahaha!
[Reply]
September 2nd, 2008 at 9:18 pm
hi kuya!
kumusta? haha naks Don Romantiko ka na pala ngayon ha! hahaha. sige pag may emo ako, isesend ko sayo.
anyway, ang ganda ng sagot mo in fairness.
korek ka talaga jan kuya! apir!
[Reply]
kingdaddyrich reply on September 2nd, 2008 9:35 pm:
hello ate. he hehe. salamat din. antayin ko emo mo ah.
[Reply]
September 3rd, 2008 at 9:44 am
Daddy! Wala pong halong bitterness yun noh. Ako pa!
Anyway, congratumalations sa nomination mo for the Philippine Blog Awards! Lupet ha! You truly are a blogging genius! Naks naman!:)
i love your blog. i’ll always will. Wooohooo!
bakit ako walang t-shirt? penge din, haha!
[Reply]
kingdaddyrich reply on September 3rd, 2008 3:24 pm:
oh well, i wasn’t able to complete the nomination process as i have stated on my post. poor me. lols.
di pa ako nakakapag mass produce ng tshirt eh.
[Reply]
September 3rd, 2008 at 12:05 pm
weow love guru na rin pala ang kdr… hahaha… BTW, congrats nga pla sa nomination mo…
[Reply]
kingdaddyrich reply on September 3rd, 2008 3:28 pm:
thanks pero di ko po nakumpleto ang nomination process. pero wala rin. ahu huhu,
[Reply]
September 4th, 2008 at 7:38 am
so love doctor ka na ngayon?! sige i-eemail kita nx time si charo kc ndi OL eh, so sa’yo nlng pag emo mode ako ha.
‘Ang pag-ibig ay parang isang matayog na puno, may pinag-uugatan at may malakas na kinakapitan. Lumalaki at tumatanda kasabay ng panahon. Samantalang ang paghanga ay tila isang damong ligaw na kung saan-saan lamang biglang tutubo at mamumukadkad. At sa maikling panahon, malalanta rin at tuluyan nang mamamatay.”
i try kaya natin ilapit itong linya sa producers, promise papatok toh tatalunin niya ung “i never said that i love you ni sam”…
[Reply]
kingdaddyrich reply on September 4th, 2008 6:14 pm:
oi kumusta ka naman? he hehe. pangilan ka na bang nagsabi sa akin na ieemail ako. potek, lahat sila puro drowing! ha haha. nako naman. puro spam ang natatanggap ko.
may kakilala ka ba diyang producer? balak ko kasi mag artista eh.
[Reply]
September 4th, 2008 at 11:44 pm
ngayun na lang ulit nadalaw… hanep wala pa ring kupas! ahahha apir! may sagot ka din ba sa problema ng mga bagong graduate na wala pa ding trabaho?
[Reply]
kingdaddyrich reply on September 5th, 2008 1:14 am:
mukhang mahirap ata na sa akin manggagaling ang sagot diyan ah. he hehe!
[Reply]
October 4th, 2008 at 12:52 pm
[…] si KDR sa kanyang mga sinabi na hindi porke’t kinikilig ka eh love na […]
October 8th, 2008 at 5:43 pm
“Lagi mong isa isip na ang love ay pangmatagalan at ang infatuation ay panandalian.”
Ang love pang overnight at ang infatuation pangshort time? ganun b ‘yun?..hehehe..
[Reply]
kingdaddyrich reply on October 8th, 2008 8:04 pm:
hmmm. makes sense.
[Reply]