Bigyan Mo Ako ng Emo
Ang electronic mail o email ay isa sa mga pinakamaganda at pinakamahusay na naimbento kasabay ng pag-unlad ng Internet at World Wide Web. Isa ito sa mga pinakamadali at pinakamabilis na paraan ng komunikasyon maliban sa pakikipagchat sa syota mong poreynjer at pagla-liveshow sa webcam. Kaiba sa nakaugalian nating paraan ng pagpapadala ng sulat na gumagamit ng papel, panulat at sobre, hindi mo kailangang lagyan ng selyo ang monitor mo at ihulog sa post office dahil siguradong mas mapapagastos ka pa sa gagawin mo. Gayunpaman, kakailanganin nito ang kapwa mga email accounts at higit sa lahat ang iyong mga daliri pangkamot ng ulo kung wala kang ideya sa mga pinagsasasabi ko.
Tulad nga ng aking nabanggit, ang email ang isa sa pinakamabilis na paraan ng komunikasyon. Kung dati ay puti na ang mata ng pinadalhan mo bago dumating ang sulat mo, kung sa email ay bumahing ka lang ng tatlong beses tiyak dumating na ang mensahe mo. Magandang praktis ito para ma-master ang pagbahing nang nakadilat. At di hamak na mas mabilis kaysa sa paghawak ng suso sulat (snail mail). Hindi rin pwedeng gamitin sa biological warfare ang email dahil hindi ito pwedeng budburan ng anthrax at ipadala sa Malakanyang. Yun nga lang, pwede kang mag-attach ng virus at ikalat. Lagyan mo lang ng makatawag pansin na subject (porno, scandal, kingdaddyrich nude photos) at tiyak mabilis itong lalaganap.
Maliban sa paga-add ng friends sa Friendster, malaki rin ang pakinabang ng email sa mga nais manggantso at manloko. Nariyan ang kabi-kabilang Internet frauds at scams na matatanggap mo sa email. Ilang beses na ako nakatanggap ng email na nagsasabing nanalo ako sa UK LOTTERY samantalang hindi naman ako sumali. Ilang beses na ring napili ang email ko at pamamanahan daw ako ng limpak-limpak na salapi mula sa isang namatay na pamilya sa OUAGODOUGOU, BURKINA FASO. Hindi pa kasama diyan ang mga spam messages para sa penis enlargments, pornsites, dating sites, at kung anu-ano pang kababalaghan sa Internet.
Nagsimula ang email noong 1965 sa Amerika. At si Ray Tomlinson ang nagmungkahi sa paggamit ng at sign (@) para paghiwalayin ang pangalan ng gumagamit ng kompyuter at ng kompyuter mismo. Ang at sign ay tinatawag din na asperand na sadyang ikinagulat ng mga buhok ko sa kuko ng aking malaman na utong (nipple) pala ang tawag sa kanya sa Tagalog. Kung kaya’t hanggang sa ngayon ay gumugulo pa rin sa utak ko kung suso ba (yung hayop) ba o suso (as in dede) talaga ang tinutukoy ng makalumang paraan ng pagpapadala ng sulat (snail mail).

ang laki ng susunod! bagay ba, ah?! lol
Ayaw mong maniwala? Ako rin eh. Click ka dito.

Dahil diyan, naaliw akong gumawa ng panibagong email sa sarili ko mismong utong! Mamasa-masa pa at sariwang sariwa. Para sa inyong mga kumento, reklamo, donasyon, suhestiyon, pabati, panawagan, requests, picture messages, fan mails, hate mails, pakyu mails, spam messages, chain mails, penpal, virus, scandals, latest updates sa showbiz o kahit ano pang gusto niyong sabihin, wag magatubiling ipadala sa:
rb@kingdaddyrich.com
Wag na kayong mahiya at magpadala na ng Emo (Email Mo). Lasapin niyo na ang pagkakataon dahil ito lang ang utong ko na pwede niyong pagsamantalahan.
the primary reason was that it made sense…
– Ray Tomlinson, when asked why did he chose the @ sign



August 19th, 2008 at 2:09 am
baka padalhan ka rin ng e-mail ni Alex Molina tulad ng ginawa nya saken.
in fairness, ngayon ko lang nalaman ang silbi ng “utong” na yan… at pati simpleng bagay nahanapan mo pa rin ng kamunduhan. hahaha.
ako rin pinapadalhan ng penis enlargement spam… eh ang kulit. bumili tuloy ako. HAHA.
[Reply]
M reply on August 19th, 2008 9:57 am:
Pwedeng makasampol? Kailangan daw ng kaibigan ko. Seryoso, kaibigan ko ang may kailangan at hindi ako.
[Reply]
kingdaddyrich reply on August 19th, 2008 10:10 am:
sinong kaibigan? si joseph? he hehe!
[Reply]
Leyn reply on August 20th, 2008 6:12 am:
manggagamit ka pa ng kaibigan M… kilala ko na, kaibigan mo rin naman si alex diba?
[Reply]
kingdaddyrich reply on August 19th, 2008 10:09 am:
nako. wala akong alam sa pabango.
kung sa penis enlargment naman, wala rin akong alam. ha haha! to think na hindi ko rin naman siya kailangan. ha haha!
[Reply]
August 19th, 2008 at 3:43 am
Parang leyn@sosyalera.net lang AH!
Sige Leyn, iisip ako ng ihihingi ko ng advice kay RB. Love problem kaya, hmmm… = P
[Reply]
kingdaddyrich reply on August 19th, 2008 10:08 am:
ikaw? may love problem? nako! hindi ako maniniwala. tsk. yang laki ng chest mong yan? dibdiban na lang! he hehe!
[Reply]
Leyn reply on August 25th, 2008 7:42 am:
gawa ka na rin kasi ng email mo alex@landian.com
[Reply]
August 19th, 2008 at 8:51 am
hindi ko alam kung ang post na ito e about sa email mo o about sa utong mo.
hehe. ang halay mo talaga.
[Reply]
kingdaddyrich reply on August 19th, 2008 10:11 am:
pwede both? ha haha!
[Reply]
August 19th, 2008 at 9:56 am
Wala bang malakingsusonirbakino@redtube.com
Sa susunod na lalaganap ang virus sa Internet, sa mga bandang 2020, makakamatay na ito ng tao.
Pinag-aaralan na kasi kung paano makakapagpadala ng amoy sa Internet. Kung utot ko ang ipapadala ko, mauubos ang lahat ng miyembro ng isang bahay.
[Reply]
kingdaddyrich reply on August 19th, 2008 10:13 am:
ha haha!! wag yan. wala akong malaking suso. ha haha! malaking*toot* na lang.
langya, totoo ba yang sinasabi mo? nako, pag nangyari yan hindi na ako magbubukas ng email. baka maging dahilan pa yan ng maaga kong pamamaalam sa mundo.
i wonder how mariano’s utot smells? ha haha!
y so srs?
[Reply]
August 19th, 2008 at 5:02 pm
sa utong pala nakuha yon. sana sa pusod na lang. hehehe…
[Reply]
kingdaddyrich reply on August 22nd, 2008 11:15 pm:
kuya dong, pangit kapag sa pusod. isipin mo na lang ang @ mo may mga nakadikit na dumi. iwww.. magmumukhang * sa halip na @. hindi bagay.
[Reply]
rio reply on August 30th, 2008 1:19 pm:
hehe..ano kaya ang itsura ng pusod na may @?
[Reply]
kingdaddyrich reply on August 31st, 2008 6:33 pm:
para lang naglagay ng utong sa halip na pusod. ha haha!
[Reply]
August 19th, 2008 at 7:04 pm
teka bat ba ako nagcomment. minor pa kao ee =))
[Reply]
kingdaddyrich reply on August 22nd, 2008 11:17 pm:
nako, may mga kilala nga ako 7 years old pa lang may email na. so gumagamit na sila ng @. lols.
[Reply]
berlai reply on August 26th, 2008 5:57 pm:
alam mo bang ang “nipple” sa bisaya ay ATngal. kaya siguro. kaya siguro haha. :))
[Reply]
kingdaddyrich reply on August 26th, 2008 9:23 pm:
aha! isa pang katibayan ito.! ha haha! tsk. may basehan nga pala talaga at utong ang tawag sa kanya.
[Reply]
August 19th, 2008 at 8:33 pm
susmariano!!
akalain mong ebritaym na pipindutin ko ang @ sign ay literal na kumakalabit ako ng utong????
syet! kaya pala minsan, umaangat/tumatayo ang number 2 key ng laptop ko!!!!!! dapat pala hindi siya lagi kinakalabit….
[Reply]
kingdaddyrich reply on August 22nd, 2008 11:18 pm:
ha haha!
susmariano talaga! natawa ako sa comment mo. ha haha! di ko nga napapansin nag eenjoy ako sa kakapindot ng number 2 sa keyboard ko. ha haha!
[Reply]
August 20th, 2008 at 12:35 am
How on earth did e-mail get invented in 1965 when the WWW itself only existed on 1993?! I won’t wait for the answer.
[Reply]
Leyn reply on August 20th, 2008 6:04 am:
don’t take it literally. e-mail can also be in a form of mail sent using early programming languages w/o using the internet, whizkid.
[Reply]
lethalverses reply on August 21st, 2008 5:29 am:
oh, I thought it’s a COMMON FACT that email actually predates the internet?
…and whizkid, email does paved the way to the development of the internet.
[Reply]
kingdaddyrich reply on August 22nd, 2008 11:24 pm:
ikaw pala yan debid.
para sa kaalaman ng mga hindi nakaalam, noong unang panahon, ang ibig sabihin ng Internet ay pagkakakonekta ng mga kompyuter. sa madaling salita, it is not necessary to be connected on the web just to send or receive an email. kaya nga siya tinawag na email as in electronic mail.
if you want to know more, text mo lang ako. lam mo naman number ko eh. or use the Internet/Web. or email mo ako.
read read read…
[Reply]
August 20th, 2008 at 10:43 am
is this true??
wow, it’s great to know how email has evolved this much..
i wonder what’s the history of yahoo or google…
hahaha
[Reply]
kingdaddyrich reply on August 22nd, 2008 11:28 pm:
opo sir lance. kung tutuusin ang bilis ng evolution ng technology. at talagang malaking tulong sa atin diba?
as for the history or google, nasa web na po. search niyo lang kay google at kahit history ng yahoo ay sasagutin niya.
[Reply]
August 20th, 2008 at 10:43 am
is this true??
wow, it’s great to know how email has evolved this much..
i wonder what’s the history of yahoo or google…
hahaha
[Reply]
August 20th, 2008 at 2:50 pm
Ooooooh… un pala un! tulad mo at lahat ng taong may email, nakakatanggap din ako ng mga scams at spams sa email. Nakakatuwang isipin na limpak limpak ang pera na napapanalunan mo sa araw araw. Wala sigurong maghihirap kung lahat yun totoo. Gawa ka lang ng email mo yayaman ka na! wahahahah
[Reply]
kingdaddyrich reply on August 22nd, 2008 11:34 pm:
yun na nga! at magandang ideya yang naisip mo ah. he hehe.
[Reply]
August 20th, 2008 at 3:24 pm
Kuya, snail po iyan, hindi utong. Look at the shape ng asperand.
Utong talaga di ba?
[Reply]
kingdaddyrich reply on August 22nd, 2008 11:36 pm:
so dapat, sa tagalog, suso siya? hindi utong?
ha haha!
okey.
[Reply]
August 20th, 2008 at 10:02 pm
wow..EMO..biligual ang meaning pero astig…mapauso nga! haha! cool post yet again!
[Reply]
kingdaddyrich reply on August 22nd, 2008 11:36 pm:
sige ipauso! ipalaganap at magparami! he hehe.
[Reply]
August 21st, 2008 at 2:52 am
ang saya tuloy basahin sa tagalog ng mga yahoo mails!
kunwari _____utong(@)yahoo.com
wahahahaha!!!
yahoo talaga!
[Reply]
kingdaddyrich reply on August 22nd, 2008 11:38 pm:
paano kaya yung may mga ganitong email:
basang@yahoo.com
hotpink@gmail.com
magang@edsamail.com
he hehe.
[Reply]
Leyn reply on August 26th, 2008 8:54 am:
ang ferbert naman ng mga email na yan.
[Reply]
kingdaddyrich reply on August 26th, 2008 9:27 pm:
basta sa kamunduhan si ferbert talaga ang number 1!
wow rhyming.
nasan na ba si fb? hmmm.
[Reply]
August 21st, 2008 at 10:01 am
utong at email. what a combination lols. ikaw lang makakagawa nyan bro hehehe.
by the way, hanggang ngayun naririnig ko pa rin yung halakhak na background sa kanta mo. hmmm dapat pala sya na lang model mo dito eh, yung litaw ang sus
[Reply]
kingdaddyrich reply on August 22nd, 2008 11:45 pm:
ano namang pumasok sa isip mo at gusto mong siya ang magmodelo? hmmm…
di pwede attorney.
[Reply]
lawstude reply on August 27th, 2008 1:25 pm:
hahaha.
by the way, if it isn’t too much to ask (kakapalan ko na mukha ko), i am nominated in this pinoyworld blog contest and i need votes. please check the poll in my blog and vote for LAWSTUDE. thanks bro.
[Reply]
rio reply on August 30th, 2008 1:18 pm:
eiiii..si attorney.may kung ano ang nasa isip…hehe
[Reply]
August 21st, 2008 at 3:06 pm
lolz.. bago ‘yon ah.. utong pala ‘yon, so kung meron akong 4 na email add, me apat na utong rin ako.. cool.
salamat sa input, dagdag inpormasyon..
[Reply]
kingdaddyrich reply on August 22nd, 2008 11:42 pm:
bali 6 na. kasi yung dalawang utong pa sa dibdib mo. kung dalawa nga yan. he hehe.
[Reply]
August 24th, 2008 at 11:50 pm
o cge na nga daddyrich, pagsasamantalahan ko na ang utong mo… hahaha!
took note of it just in case…
anyway, kumusta na ang hari ng kakulitan?
[Reply]
kingdaddyrich reply on August 25th, 2008 10:59 pm:
ayos lang naman ako. nasa kundisyon pa rin ang nipples. lols
[Reply]
PRUE reply on August 26th, 2008 12:23 am:
buti ka pa… nasa kundisyon nipples mo… hehehe!… ah eh ako naman… namatayan lang naman… ng kuko… hahaha! ang panget ng kwento ko… yikes!
[Reply]
kingdaddyrich reply on August 26th, 2008 5:36 am:
nako. kailan ang libing? he hehe.
[Reply]
August 25th, 2008 at 11:20 am
just bloghoppin, and langya, natawa ako sa post na ‘to. hahaha. nice one. i didn’t know utong pala un sa tagalog. i’ll use this at the office and i’ll see how people would react. hahahaha.
[Reply]
kingdaddyrich reply on August 25th, 2008 11:01 pm:
uy! parang nadaan ka na sa dati kong blog dati.
welcome back. share mo ulit dito kung anong reaction ng mga officemates mo pag ni share mo ito sa kanila.
[Reply]
August 26th, 2008 at 1:12 pm
informative post to ah. [*winks] hanep pa yung utong. yan din ba gamit mong email sa FS. cge, add kita later. LOL
[Reply]
kingdaddyrich reply on August 26th, 2008 9:25 pm:
ha haha! too bad hindi yan ang gamit kong email sa friendster.
[Reply]
August 27th, 2008 at 1:07 am
magiging iba na ang tingin ko sa pagty=type ng email dahil sa post mo rb. hahaha.. panalo ka talaga.
iko-qoute ko ung sinabi ni leyn..
[Reply]
kingdaddyrich reply on August 29th, 2008 8:35 pm:
ha haha. informative naman diba?
[Reply]
karmi reply on August 29th, 2008 9:42 pm:
sobrang informative tol.
[Reply]
rio reply on August 30th, 2008 1:17 pm:
pati ako ay natuto..hehe
[Reply]
August 30th, 2008 at 7:58 pm
pst! nag bloblog na ulit ako! yehey! tagal ko na tengga. at waw ha… laki ng pinagiba ng blog mo.
[Reply]
kingdaddyrich reply on August 31st, 2008 6:35 pm:
pinagiba? positibo ba yan o negatibo? he hehe. either way, i’m still okay! naks! makapag english lang. ha haha!
ikaw din ang laki ng pinagkaiba mo.
welcome back
[Reply]