Psst! May Tsismis Ako Sa’yo
Scenario: Umaga, papasok ka sa opisina. Paglabas mo ng bahay ay may dalawang losyang na kababaihan na pinagkaitan ng kagandahan ang iyong madadaanan. Masaya silang nagkukuwentuhan ngunit alam mong walang kwenta ang kanilang pinag-uusapan dahil sila ang pinakamalupit ng mga tsismosa sa inyong baranggay. At bago mo pa man din sila lampasan, isang nakakapanghamak na tingin ang sasalubong sa’yo at nanakaw ng titig mula ulo mo hanggang kuko. Pagkatapos ay magbubulungan, maghahagikgikan, magtatawanan sabay tapon ulit ng tingin sa iyo. Na kahit ilang metro na ang iyong layo, ramdam mo pa rin ang aura nila sa likod mo.
Isa ito sa mga pinakamadaling paraan para makipagpalitan o magkalat ng impormasyon. Katukin mo lang ang pinto ng iyong kapitbahay o tumambay. O kaya manahimik ka na lang sa sariling pamamahay, buksan ang pintuan o bintana o radyo o telebisyon, at kusa na itong lalapit sa iyo. Gayunpaman, isa ito sa mga pinakadelikado at pinakamalapit sa pagkakamali. At dahil sa pinagpasa-pasahan na ng ilang tao, hindi malayong ang impormasyong ito ay nabawasan, nadagdagan, o nabago.
Ang tsismis.
Kalat ito kahit saan. Sa bahay, opisina, eskwelahan, tindahan, simbahan, bangketa, kubeta, bahay-aliwan, sa jeep, fx, mrt, lrt, bus, Internet at kung saan-saan pa. Wala rin itong pinipiling oras. Maaari mo siyang almusalin sa umaga, ulamin sa tanghalian, nguyain sa merienda at inumin sa hapunan. Nagtatago ito sa ibat-ibang anyo. Ang pinakamasaklap sa lahat, ito ay maaaring kwentong gawa-gawa at walang katotohanan.
Ilang magagandang relasyon na ang nasira ng tsismis. Ilang pagkakaibigan na ang nawasak nito. Ilang mag-asawa at magsyota na rin ang nag-away at naghiwalay nang dahil dito. Dagdag pa riyan ang mga labtim sa showbiz na kahit nakakadiri ay pinapatulan pa rin ng masang Pilipino. Kumusta naman ang Archie-Madame Auring labtim na sa sobrang asim ay tuluyan nang napanis at umaming gimik lang ang lahat. At ang mataas na ratings na ibinibigay nito na para mapag-usapan lang ay gumagawa na ng kung ano-anong kwento.
Ang hirap kasi sa atin ay madali tayong magtiwala at maniwala. Oo lang ng oo, tango lang ng tango. Mahilig din tayo sumawsaw nang hindi man lang inaalam ang buong sitwasyon. Hindi pa nakuntento at ikinuwento pa sa iba nang hindi man lang sinisigurado kung may kahit kaunting bahid ba ng katotohanan o kasinungalingan ang kwento. Hindi man lang inalam ang puno’t dulo. Lalo pa ang mga kwentong may kinalaman sa mga tao sa paligid mo.
Kung tutuusin, madaling gumawa ng kwento. Lalo yung mga hindi totoo. Madali ring maniwala. Lalo pa kung wala tayong alam tungkol dito. Madaling magpalaki ng maliit na ningas. Sabuyan mo lang ng kaunting inggit na parang gasolina at kahit hindi mo paypayan, tiyak magliliyab yan. Ang mahirap ay ang patunayang totoo ang kwentong nilikha mo. Mas mahirap ang patayin ang apoy na ginawa mo. Dahil kung hindi ka magtatagumpay, mahirap na, ikaw rin ang masusunog sa apoy na sinimulan mo.
Scenario: Ka-chat ko pinsan ko na nasa abroad
pinsan: oi, anong balita?
ako: si mahal, buntis!
maya maya, tumawag ang ina ko na nasa abroad din kasama ang pinsang ka-chat ko
ina: *sumisigaw, mataas ang tono* hoy ikaw! ano itong sinabi ng pinsan mo? nakabuntis ka raw?! anak ka ng nanay mo! ang bata bata mo pa nakabuntis ka na agad! ano nang magiging kinabukasan mo niyan? hinayupak ka! dapat di na lang kita inire sa mundong ibabaw!… blah bleh blah… *marami pang dakdak na kasunod*
ako: huh? anong nakabuntis?
ina: eh sabi nitong pinsan mo, nabuntis mo raw si MAHAL!?
ako: ngek, ano ka ba? yung artista tinutukoy ko! yung pandak!
ina: ay put*ngina!
tsk tsk. tsismis nga naman.



August 13th, 2008 at 3:43 am
tinamaan naman ako. nagchichismisan kasi tayo nina alex kagabi. HAHAHA.
pero ayos lang yun, lalo na kung deserve ng iba na pag chismisan. haha. ansama. pero actually, nasa kultura na ng mga pilipino ang “chismis”. wala na yata tayong magagawa kung nakakasama man siya.
atsaka umamin ka… chismoso ka rin. ;P
[Reply]
kingdaddyrich reply on August 13th, 2008 11:40 pm:
sige na. chismoso na ako. pero sarili ko lang naman din ang nitsi-tsismis ko sayo.
isa pa…
mas chismoso si ALEX! ha haha!
*sana mabasa niya ito*
[Reply]
Leyn reply on August 14th, 2008 8:42 am:
oo ULTIMATE chismoso yun. antindi ng radar!
naalala ko pa yung linya nya saken..
“alam mo ba kung bakit nag-*ganyan* si *ano*?”
ang phrase na “alam mo ba” kasi ang kadalasang pambungad sa chismisan. pinatunayan yon ni alex.
[Reply]
kingdaddyrich reply on August 14th, 2008 9:10 am:
ha haha. kala mo wala presence niya eh no. yun pala nagmamasid masid lang sa paligid at nagtatago. ha haha!
[Reply]
The Gasoline Dude reply on August 14th, 2008 8:42 am:
Sinong Alex ba tinutukoy niyo? Kung ako ‘yan, HINDI AKO CHISMOSO!!! Nakikibalita lang… Hahaha. *LOLz*
[Reply]
Leyn reply on August 14th, 2008 8:48 am:
at sino namang nagchismis sayo na ikaw yung alex na yun! chismis lang yun! hahahahaha.
[Reply]
kingdaddyrich reply on August 14th, 2008 9:09 am:
ang defensive agad! ha haha! kahit walang MOLINA na nakalagay don, aba nagreact!
nakikibalita lang… HA HAHA! sos. napapamura ako. ha haha!
[Reply]
lyzius reply on August 14th, 2008 2:57 pm:
pwede bang makichismis na rin kung sinong pinagchichismisan nyo ni Alex na hindi naman Molina ang apelyido???
[Reply]
kingdaddyrich reply on August 14th, 2008 10:39 pm:
sige. he hehe.
tsismis: isang lalaki napabalitang malaki ang chest pero maliit ang *toot*
clue: nasa singapore siya.
babu na ang da hu! ha haha. sos yan!
[Reply]
lyzius reply on August 15th, 2008 12:42 pm:
ay putah! me dahu pa…kelangan mapatunayan ko kung totoo yan!
[Reply]
kingdaddyrich reply on August 15th, 2008 5:30 pm:
ha haha! nako! wag kang manggagahasa ah. kaw rin.. remember, si vitamin c. ha haha!
[Reply]
The Gasoline Dude reply on August 16th, 2008 7:19 pm:
Sige KDR, palakihan na lang. Ang mas maliit, hindi sasagutin ng nililigawan. Nyahaha! *LOLz*
*Leyn, gusto mo mag-judge?*
[Reply]
kingdaddyrich reply on August 16th, 2008 10:38 pm:
ha haha! lakas ng loob mo ah. eh balita ko, yung mga malalaki ang muscle sa taas, yun ang maliliit ang muscle sa baba! ha haha!
sige, antayin natin si Leyn kung anong sasabihin niya!
itatanong ko na lang kay lyzius yung tungkol sayo. ha haha!
[Reply]
Leyn reply on August 17th, 2008 2:46 pm:
ambababoy nyo! malalaki man ang mga *toot* nyo…
chismoso parin kayo. hahahaha. ang ironic diba.
ayoko na mag judge alex. gusto ko na maging marangal!
[Reply]
kingdaddyrich reply on August 17th, 2008 3:23 pm:
ha haha! sabi sayo alex malaki ang *toot* ko eh. ha haha! oh paano ba yan? nasan ba si ate lyzius nang ma survey ka na at magkaalaman na!
[Reply]
lethalverses reply on August 19th, 2008 8:41 pm:
potek! ang hirap naman ng blind item mo, malaki ang muscle sa taas pero maliit ang muscle sa baba na nasa SG???
ang alam ko lang mabilis sa tsismis yun, hehehehe….
kaya ako, inipon ko na lang ang muscle ko sa TOOT ko….
[Reply]
August 13th, 2008 at 12:59 pm
ang hardcore maglitanya ng nanay mo! hahahahahaha!
[Reply]
kingdaddyrich reply on August 13th, 2008 11:59 pm:
nako sinabi mo pa. he hehe.
partida sa telepono pa lang yan. mas maganda pag live at in action.
[Reply]
August 13th, 2008 at 1:32 pm
hahaha natawa naman ako sa sinabi ng nanay mo.. dapat sinabi mo muna “okay ba ma? magkaka-apo ka na?” hahaha para ndi na siya ganyan magreact pag totoo na.. kung hindi man mabago at least alam mo na kung pano siya magreact.. hahaha… tapos sabay biro lang hahaha…
[Reply]
kingdaddyrich reply on August 14th, 2008 12:10 am:
nako manong, malamang nabatukan na ako non kung nandito lang siya.
[Reply]
August 13th, 2008 at 4:20 pm
ha ha ha… kaw naman kasi krd eh, pati nga ba naman si mahal.. lolz…
kung dyan sa pinas eh babae ang nag-uumpukan sa labas para sa tsimis, dito sa saudi puro lalaki naman, kasi bawal mag-umpukan ang mga babae sa labas ng bahay…
pero ‘di nga, buntis ba talaga si mahal??
[Reply]
kingdaddyrich reply on August 14th, 2008 12:15 am:
ang daming tsismosong lalaki pala diyan sa saudi. ano naman kaya ang pinagtsitsismisan nila?
balita ko mayaman ka na raw? ayii.
padala ka naman ng langis dito.
oo, buntis si mahal! he hehe
[Reply]
lyzius reply on August 14th, 2008 2:58 pm:
oi totoo ba talaga yun na buntis si mahal? hindi ako makapaniwala…
OH HINDEH!
[Reply]
kingdaddyrich reply on August 14th, 2008 10:37 pm:
si vitamin c daw ang ama eh. tsk tsk.
[Reply]
lyzius reply on August 15th, 2008 12:43 pm:
wahahaha…ang landi ni vitamin c pati c mahal papatulan…eewwness!
[Reply]
kingdaddyrich reply on August 15th, 2008 5:31 pm:
ang tanong eh payag ka ba? ha haha.
[Reply]
August 13th, 2008 at 6:38 pm
haha.saludo ako sa nanay mo.ibang klase.mahal na mahal ka o.tindi ng concern.
[Reply]
kingdaddyrich reply on August 14th, 2008 12:17 am:
siyempre. mabait ata akong anak. lol
[Reply]
berlai reply on August 14th, 2008 2:41 pm:
haha.sinu maysabi?niloloko mo lang sarili mo. peace:))
[Reply]
kingdaddyrich reply on August 14th, 2008 10:36 pm:
ha haha. sabi ng nanay ko mabait daw ako. sabi ko rin. yan ah dalawa na kaming may sabi. may aangal pa?
[Reply]
berlai reply on August 18th, 2008 5:12 pm:
ows?di nga. haha mahal ka nga ng nanay mo.
pinapalaki lalo *toot* mo. :))
[Reply]
kingdaddyrich reply on August 18th, 2008 6:41 pm:
ha haha! oi! bata ka pa! behave berlai. baka sabihin ng nanay mo masamang impluwensiya ako sa mga bata! ha haha!
[Reply]
August 13th, 2008 at 7:04 pm
Sinong nakabuntis kay Mahal? Kahit naman san ka mapadpad may chismis talaga. Sa bawat dalawang taong nag-uusap, 63.92312% ng pinaguusapan nila ay chismis. Naging bitamina na ito ng araw-araw na kumbersasyon.
Dito yumaman si Boy, Christy, at Jobert na nakapagparebond na dahil sa chismis.
O teka, nabalitaan mo ba na si ano daw eh ano… at ano…
[Reply]
kingdaddyrich reply on August 14th, 2008 12:32 am:
bow na talaga ako sayo mariano dahil na compute mo yun? biruin mo nga naman! hindi mo mabiro. lol
tama ka, naging bitamina na nga ito. at hindi lang bitamina, ito na ang sustansiyang bumubuhay sa kanila.
kaya siguro ang yaman ng mga talk show hosts no. kita mo naman si jobert chucaldito. lol.
mare, may tsismis pala ako sayo. lam mo ba si ano… BAKLA! sos mare, kabit siya raw si ano, at di lang yan, nag aanuhan pa sila! garabe!
[Reply]
August 13th, 2008 at 9:12 pm
bwahahaha. anlupet ni inay!
tsismis. mahilig yan sakin. dito kasi sa intarwebs madami nyan. eh andito ako palagi. hala lapit.
alam mo sandata jan? EVIDENCE. yun ay kung nagugulo na talaga ang mundo mo. ako pa naman, sigurista. mapride ako. ayaw kong napapahiya. hehe.
effort kung effort.
[Reply]
kingdaddyrich reply on August 14th, 2008 12:36 am:
ako rin, laman ng tsismis eh. ha haha. pakiramdam ko tuloy sikat ako dahil pinagtsitsismisan ako. eh isa lang naman akong hamak na tao. at oo nga, marami sa intarwebs niyan.
bakit ko alam? kasi may nagtsitsismis sa akin. ha haha!
ilabas ang ibidinsiya! maliban diyan, kailangang ding panindigan lahat ng sinasabi diba?
malupit talaga yang si inay. kaya nga lab na lab ko yan. he hehe.
[Reply]
August 13th, 2008 at 9:32 pm
wahhahahahahah!!!!!!
natawa ako napagtawag pa talaga ang nanay eh hahahah =))
hala ka ikaw ang nakabuntis ke mahal
[Reply]
kingdaddyrich reply on August 14th, 2008 12:37 am:
wa. hindi ako nakabuntis kay mahal! wa.
kahit paano may taste ako!
[Reply]
sam reply on August 14th, 2008 1:31 am:
waaahh RBEE hahahah natatawa pa din ako.
umamin ka na kasi na may anak ka na kay mahal. hahahaha :))
pwede pwede hahahahah :))
[Reply]
kingdaddyrich reply on August 14th, 2008 2:47 am:
wa. wag ganon. kawawa naman magiging anak ko. baka hindi lumabas.
hindi to pwede! wa.
[Reply]
August 13th, 2008 at 11:55 pm
sino ang nakabuntis ni mahal (artista)?
[Reply]
kingdaddyrich reply on August 14th, 2008 12:38 am:
si mahal ang bumuntis? ha haha. sos yan.
[Reply]
August 14th, 2008 at 5:39 am
di ko matandaan kung sino ang nagsimula ng hierarchy of intelligence.. pero ang alam ko e nasa pangalawa sa pinakamamabang antas ang chismisan.. pero sa totoo lang aminin natin.. nakinabang tayo jan.. ahehehehe..
[Reply]
kingdaddyrich reply on August 14th, 2008 9:02 am:
ang cheap pala ng mga tsismosa at tsismoso. pero di ibig sabihin non cheap tayo! ha haha…
intelligent tsismis tayo eh! lol. meron ba non?
[Reply]
August 14th, 2008 at 8:30 am
Hahahha, yan ang nagagawa pag di muna kinausap ng maayos ang tao. Pag nauna ang dakdak bago matinong usap..
Well done..
[Reply]
kingdaddyrich reply on August 14th, 2008 9:06 am:
oo nga. ang mahirap pa diyan, may kasama pang gatong. kahit hindi naman involved, pinagsisiksikan ang sarili. tsk tsk.
saklap.
salamat po pala.
[Reply]
equilibrium2008 reply on August 15th, 2008 11:02 am:
Yeah, I think walang magawa yung mga taong mahilig manggatong. Sometimes yung gatong pa nila, is talaga pinapapalala nila yung situation lalo na if inis sila sa tao di ba.
[Reply]
kingdaddyrich reply on August 15th, 2008 5:38 pm:
yep! exactly. sa ganong paraan, parang makakaganti sila sa tao. ang cheap non. lols. cowardness.
[Reply]
August 14th, 2008 at 9:04 am
anakan mo ako daddy! chekah!
naku, sino ba naman kasing may ayaw ipulutan ang chismis, diba daddy?… kagulat gulat nga dahil kahit ang mga kaibigan kong lalaki ay nahilig din dyan.
apoy sa dibdib ng samar ang pinagmulan ng saging… ah este ng linya ni mark lapid…hihihi.
ay labyu daddy!
[Reply]
kingdaddyrich reply on August 14th, 2008 9:30 am:
san ko ilalagay? requirement ang matris. ha haha! saka di pa ko pwede. iniingatan ko ang kabirhenan ko.
okay lang siguro yung tsismis na tipong nagpapalitan lang ng alam at yung TOTOO. pero kung gawang kwento na lang at yung magkakalat ng mga bagay na walang katotohanan para sa sariling interes, ibang usapan na yun diba? marami kasing ganun eh.
at apoy sa dibdib ng samar nga talaga nanggaling ang tagline ni mark lapid. di ko na i edit pero ichecheck ko yan. lols. maniniwala ako sayo kasi taga abs-cbn ka. ha haha! pero nakita ko rin kay howie severino yan na sa tatlong baraha galing yun. he hehe. abs-cbn vs gma? not again. he hehe.
wohoo! salamat sa pagdaan.
[Reply]
August 14th, 2008 at 3:31 pm
ayan ang pampatay fungi ay mabilis pa sa tsismis. hehehe…
naku daming ganyan sa pinas. pag kinukwento pa naman parang totoo talaga.
[Reply]
kingdaddyrich reply on August 14th, 2008 10:28 pm:
ha haha. talagang nanonood ka ng mga commercials ah.
ano bang latest kuya dong?
[Reply]
donG hO reply on August 15th, 2008 9:39 am:
hahaha… anong latest? hmmm… nanganak na daw yung anak ng dating nating kasama sa power rangers na kapatid ng pinsan ng pangalawang ama na anak ng guard ng power rangers base natin.
yan ang latest. hehehe…
[Reply]
kingdaddyrich reply on August 15th, 2008 5:39 pm:
shet! di ko kinaya! ha haha!
in short, sino ang nanganak?
[Reply]
August 14th, 2008 at 8:37 pm
talagang ang mga pilipino ay mahilig sa tsimis pero dahil dito, ang pilipinas ang may pinakamababang bilang ng mga baliw. Ang pakikipagtsismisan ay ang way nila para makalimutan ang kanilang personal na problema unconsciously.
[Reply]
kingdaddyrich reply on August 14th, 2008 10:29 pm:
ay talaga? ganun ba yun nanay belen? ngayon ko lang nalaman yun ah.
eh bakit kaya ako, baliw pa rin hanggang ngayon.
hi hihi.
[Reply]
donG hO reply on August 15th, 2008 9:42 am:
hahaha… dapat malimutan mo na yan kingdaddyrich!
[Reply]
kingdaddyrich reply on August 15th, 2008 5:40 pm:
parang sinabi mo na rin kuya dong na wag ko na problemahin dahil kita ko naman ang ebidensiya. wa! ganon na ba ako kalala?
hi hihi.
[Reply]
August 14th, 2008 at 9:14 pm
yaw ko sa mga tsismoso. pero karamihan na ata talaga ay ganun.
tsismoso lng ako pag lasing. hahaha
buti na lng madalang na ko uminom. ahehe
matindi pa ata ang tsismis kesa sa mga totoong sakit e.
pero natawa ko dun sa usapan with inay ha. haha
[Reply]
kingdaddyrich reply on August 14th, 2008 10:31 pm:
nako, mas matindi ang tsismis pag lasing. mas marami kang nasasabi. mas marami kang nagagawa. at pag gising mo sa umaga, hindi mo alam kung ginawa mo nga ba yun o hindi. he hehe.
inuman tayo minsan.
[Reply]
August 14th, 2008 at 11:46 pm
May pagka drama yung post mo… pero natawa ako dun sa “Mahal preggy” sa end. lol.
Kahit saan naman may tsismis eh.. kahit nga d2 sa UK, sa Nsg Home na pinagtatrabahuan ko… uso din ang tsismis… at syempre dahil pinoy ako, kailangan kong itaas ang bandila ng Pilipinas..
Kaya isa ako sa mga tsismoso sa workplace namin.
[Reply]
kingdaddyrich reply on August 15th, 2008 12:50 am:
ha haha. proud to be pinoy.
100 percent pinoy.
iniimagine ko ang accent mo habang nakikipagtsismisan.
[Reply]
August 15th, 2008 at 2:49 pm
buti nalang tinapos ko yung blog mo dahil kung hindi aakalain ko ng si mahal pala ang tipo mong babae..sosyal!hehe
[Reply]
kingdaddyrich reply on August 15th, 2008 5:41 pm:
ha haha. buti na lang! ha haha!
cutie cute cute. *lol*
[Reply]
August 15th, 2008 at 3:55 pm
perstime ako magbasa ng entry mo mula umpisa hangang dulo a… natwa naman ako dun… ganun talaga ang chismiz sabi nila nakuha daw natin yan sa mga kastila.. ingetero daw tayong mga pinoy e… natutuwa sa mga inaapi at likas tayong mapag kaibigan kahit sa tindahan kinukwento natin ang buong buhay natin sa nag titinda…
[Reply]
kingdaddyrich reply on August 15th, 2008 5:52 pm:
perstime ko rin basahin ang comment mo mula umpisa hanggang dulo. ngayon ko lang narealize, marami pala akong napupulot sa comment mo. ha haha. joke lang. mahirap magcomment ng may sense kapag hindi binabasa ng buo ang pagcocomment-an. kaya pag nagcocomment ako sa mga comments, binabasa ko ng buo. pati tuldok at kuwit.
heniwey, tama ka, inggiter ang mga pinoy. kaya nga nauso yung naghihilahan pababa. tulad sa isang scenario kapag kukuha ka ng visa sa US embassy. sabi ng tito ko, kapwa mo rin pinoy ang maglalaglag sayo. ang saklap diba. pero di lang siguro mga pinoy ang meron nito, likas ito sa tao.
natawa ako dun sa sinabi mo na buong buhay kinukwento sa nagtitinda. ha haha. though hindi ko naman gawain yun, nakakarelate kasi ako.
[Reply]
August 16th, 2008 at 1:55 am
paano na lang ang mundo kung walang tsismis? lalong magmumukhang kabayo si jobert sakaldito.
[Reply]
kingdaddyrich reply on August 16th, 2008 2:00 am:
ha haha. dahil walang pamparebond? ha haha!
nako lagot! nagbabasa siya ng blog ko. lol.
[Reply]
August 16th, 2008 at 10:43 am
Yan kasi eh chinismis mo pa si Mahal… ahaha…
Ano ba yang pinsan mo, hindi ba nya kilala si mahal?
Natawa ako sa mama mo, “ay putang ina”
Naiimagine ko tuloy yung tono nung malaman nyang si mahal na pandak pala yun.
[Reply]
kingdaddyrich reply on August 16th, 2008 10:43 pm:
aba malay ko ba dun. if i know sila ang may nakaraan ni mahal. he hehe.
ganon talaga si inay. hindi niya napipigilan ang bugso ng damdamin eh. he hehe.
kung narinig mo lang siguro mapapautang ina ka rin! ha haha!
[Reply]
August 16th, 2008 at 2:59 pm
aray ko. tinamaan ako. hahaha.
masarap makipagchismisan lalo na kung juicy. hahaha. yung kwento ha? hindi yung pinagchchismisan.
haha. pero pwede rin… yum…
buti hindi inatake sa puso ang nanay mo.
[Reply]
kingdaddyrich reply on August 16th, 2008 10:45 pm:
ha haha! di ko nagets pero noong binasa ko ulit saka ko lang naintindihan yung juicy na yan. sos. lagot ka kay Bo!
hindi naman siya inatake sa puso. baka ako pa atakihin sa puso kung totoo ngang nabuntis ko si mahal. lols
[Reply]
mnel reply on August 16th, 2008 11:43 pm:
ssshhh! tumahimik ka. hahaha. nakakalimutan kong magkakilala nga pala kayo. haha. susme. wag naman si mahal ang patulan mo. haha. si mura na lang! teka. lalake nga pala yun. hahaha
[Reply]
kingdaddyrich reply on August 17th, 2008 3:20 pm:
ha haha! “tumahimik ka”
parang may pagbabanta dito ah. sige tatahimik na ako. balita ko kasi malaki kang tao at nambabali ka ng buto. ha haha! shut up me na! lols.
[Reply]
August 18th, 2008 at 12:26 pm
napakaganda at kahanga-hanga ang blog mo dahil sumisimbulo ito sa mga tunay na pangyayari at kultura ng mga pilipino saan mang sulok ng barangay.
teka… bago lumaki ulo, tsismis lang yun.
[Reply]
kingdaddyrich reply on August 18th, 2008 4:49 pm:
ha haha! muntik na akong maniwala! ha haha!
grabe, muntik na pumutok ang ulo ko. idedemanda kita kuya lawstude. ha haha! attempted hydrocephalus!
[Reply]
August 18th, 2008 at 4:04 pm
may bagong tsismis…
buntis si mura…
si mahal ang ama.. tsk tsk. kahindik hindik…
katapusan na ng mundo.
[Reply]
kingdaddyrich reply on August 18th, 2008 4:51 pm:
sos ginoong jose! potek. ha haha! katapusan na nga ng mundo kung mangyari man yan.
[Reply]
October 9th, 2008 at 3:54 pm
hmmn..d aq nani2wala sa tsismis basta2 sabi nga “Ang maniwala sa sabi2 alang bait sa sarili.”..pinani2walaan q mga naki2ta q ksa nari2nig q.
[Reply]