Gusto Ko Maging Action Star
Isa ito sa mga naging pangarap ko noong inosente pa ako sa kamunduhan mundo. Puro paglalaro ng teks lang kasi ang inaatupag ko noon, hindi katulad ngayon na iba na ang nilalaro ko. At kung matatandaan, puro pelikulang Pilipino ang nakalimbag sa mga sinaunang teks. Serye sila na parang komiks na pinutol-putol at kahit anong klaseng pagsunod-sunod ang gawin mo sa kanila, ay hindi mo mabubuo ang pelikula.
Pero dahil inosente pa nga ako noon, pinilit kong pagsunod-sunorin ang mga ito at nagtyagang basahin ang bawat usapan sa teks. Ang cool diba? Nakalulungkot nga lang dahil nasapawan ng mga makabagong teks ang mga sinauna. Ano nga bang laban ng mga action star kina Son Goku at Eugene na may 6 digits na power level? Hay gulay. Hindi tuloy ako nakabuo kahit isang pelikula.
Sino bang hindi nakakakilala kina Lito Lapid, Robin Padilla, Philip Salvador, Bong Revilla Jr., Rudy Fernandez at higit sa lahat ay si Fernando Poe Jr.? Mga kilalang action star ng makabagong henerasyon at nabansagan na ng iba’t ibang pangalan na tanging sa kanila lang ang pagkakakilanlan: Titanic Action Star, Binoy, Daboy at Daking! Inaantay ko na lang na mag action na rin si Dagul at talagang pipilitin kong maging Da One. At ang aking pangalan… DaddyKing!
Magsisimula ang istorya sa isang bida. Isa siyang pangkaraniwang tao at mahirap. At madalas ang kanilang mga karakter ay isang probinsiyano, alalay, mekaniko, kargador, tindero, drayber, guwardya, chairman, tanod, pulis, sundalo, at marami pang iba. At lahat sa mga nabanggit ay pawang may pangkaraniwang pamumuhay lamang, pang-masa ang imahe at tagapagtanggol ng mahihirap. Sa madaling salita, kadalasan sa mga bida ay salat sa karangyaan, walang kapangyarihan (hindi magic powers ah) at kaapi-api.
Pagkatapos biglang mababago ang takbo ng buhay ng bida matapos makabangga ang kontrabida. Kabaligtaran sa estado ng bida, ang kontrabida ay mayaman, nasa kapangyarihan, at maraming goons na tauhan. At dahil sa kapangahasang ginawa ng bida, sa halip na magtuos sila ng lalaki sa lalaki, reresbak ang kontrabida sa mahal sa buhay ng bida - maaaring kamag-anak, kaibigan, anak, magulang, ngunit kadalasan ay ang kanyang ka-labtim. Ang paghihiganti ay maaaring nasa anyo ng pagpapahirap, pagmasaker o kaya ay pagkidnap.
Dahil diyan, magpupuyos sa galit itong bida, manlilisik ang mga mata, mag-iiwan ng kanyang pamatay na linya sa isang eksena at saka maghihiganti sa kontrabida.
Pero hindi ito kakayanin ng bida ng mag-isa. Hindi mawawala ang kanyang sidekick na noo’y inakala ko pa na psychic. Kasi naman, ang sidekick na ito ang siyang chu-chu sa bida at parang alam nito lahat. Tagamasid sa paligid. At kung may ano mang balita tungkol sa kontrabida ay report agad sa bida. Taga supply din si sidekick ng mga kakailanganing armas ni bida. Kadalasan ay bibigyan niya ito ng mahahabang baril - armalite, m16, machine gun at iba pa. Pero hindi mawawala ang kadikit at kasangga ng bida sa pakikipaglaban, ang walang kamatayang kalibre kuwarenta y singko (.45).
Matapang ang bida. Mag-isa niyang susugurin ang hideout ng kontrabida na parang isang superhero na kayang sanggain lahat ng bala, saluhin ang mga granada at ibalik sa mga goons ng kontrabida. Ang lugar na pagtutuusan ay maaaring isang abandonadong gusali, pabrika, warehouse o bodega. Nakapaligid ang lahat ng goons ng kontrabida sa buong gusali. Kumpara sa kuwarenta y singko ng bida, puro mahahabang baril ang dala ng mga goons. Kung tutuusin, walang binatbat ang bitbit ng bida kumpara sa mga goons. Pero diyan tayo nagkakamali.
Dahan dahang papasok ang bida. Ngunit masosorpresa ang mga goons sa pagdating niya. Sa oras na madatnan ang bida, magsisimula na ang putukan. Kung rat-ta-ta-ta-tat ang sa mga goons, bang-bang-bang naman ang sagot ng bida. Sa simula ng sagupaan, mamamayagpag itong si bida. Hindi pa nakakakalabit ang mga goons, nakabulagta na sila. Ganyan kalupit sa barilan si bida. Kung sa Wanted ay lumiliko ang bala, ang baril ng bida, hindi nauubusan ng bala!
Sa sandamakmak na goons na ang napatumba ng bida, wala pa rin siyang tama. Kahit nagpagulong gulong na siya, nagpatalon talon at nagpatambling tambling, wala pa rin siyang galos o kahit gasgas. Hanggang sa makaharap niya ang lider ng mga goons, na tulad ng mga alipores niya ay naka leather jacket at kung walang balbas, may bigote ala Paquito Diaz. Ito na rin ang huling linya ng depensa ng kontrabida.
Makukuha pang magchikahan ng mga ito. Magbabatuhan pa sila ng ilang maaanghang na salita. Kung tutuusin, ito na ang climax ng pelikula. Magbobolahan. Mag-uutuan. Magyayabangan. Dito pa lang magpapalit ng magasin ng baril ang bida. Reload kung baga. At pagkatapos maubusan ng sasabihin, simula na ng giyera. Tulad ng nauna, kung rat-ta-ta-ta-tat sa goons, bang-bang-bang pa rin ang sagot ng bida. Sa pagkakataon ding ito, masusugatan ng husto ang bida. At sa unang pagkakataon, naubusan ng bala ang baril niya.
Duguan na ang bida. Dahil alam ng lider ng mga goons na wala ng pag-asa ang bida, lalapitan niya ang nakahandusay na bida. Habang papalapit, tatawa ito ala Paquito Diaz ulit, saka magtatangkang tapusin na ang bida. Pero alam nating lahat na hindi yan pwede. Dahil may nakakalat na baril sa tabi ng bida. Bigla siyang kikilos. At biglang babagal ang mga eksena. Dahil slow motion, mabibigla ang lider ng mga goons at bago pa niya makalabit ang gatilyo, naunahan na siya ng bida. Bang! Sa isang bala, patay ang lider ng mga goons! At dahil wala nang pag-asa, saka susuko ang kontrabida.
At diyan matatapos ang istorya.
Ganito ang ikot ng mga pelikulang aksyon dati. Kung baga, iisa lang ang tema at isa lang din ang patutunguhan ng istorya. May iilan din naman na nangangahas na baguhin ng kaunti ang daloy ng kwento. Pero sa kabuuan, parang ganun din. Sa hinaba-haba man ng prusisyon, sa barilan din ang tuloy. At kadalasan ay buhay pa rin ang bida sa katapusan ng istorya.
Sa kasalukuyan, madalang na tayong makapanuod sa sinehan ng mga ganitong klase ng pelikula. Sumabay na rin sa pagbabago ang mga pelikulang Pilipino. Kung mayroon man, may halo na ito ng modernisasyon at pantasya. Isa lang ang kapansin-pansin na nanatili at mula noon ay hindi nagbago at napapanood pa rin natin hanggang ngayon…
…ang sangka-pulisan, na dadating kung kailan tapos na ang bakbakan.
“Oo! Inaamin ko, saging lang kami! Pero maghanap ka ng puno… sa buong Pilipinas, saging lang ang may puso. SAGING LANG ANG MAY PUSO!
–Mark Lapid, Tatlong Baraha (2006)



August 6th, 2008 at 6:50 pm
ang haba naman neto, at talagang binasa ko. kaso kdr, nasa gitna palang ako predictable na yung ending. haha.
hindi mo binanggit na komedyante yung sidekick… at sexy star yung ka labtim!
[Reply]
kingdaddyrich reply on August 7th, 2008 1:46 pm:
ha haha.. predictable naman talaga sila. wala man lang twist.
[Reply]
donG hO reply on August 8th, 2008 1:37 am:
“hindi mo binanggit na komedyante yung sidekick… at sexy star yung ka labtim!” tama ka dito leyn. hehehe…
[Reply]
kingdaddyrich reply on August 8th, 2008 7:41 pm:
pag sinabi ko pa yan naku aabutin na ng siyam siyam itong post ko. ginawa ko na nga lahat para umikli eh. he hehe!
[Reply]
popoy reply on August 11th, 2008 1:43 pm:
ahaahha. tama si leyn napredict na daw nya hahaha..
[Reply]
kingdaddyrich reply on August 11th, 2008 8:45 pm:
ha haha. ako rin na predict ko. sos yan!
[Reply]
August 6th, 2008 at 7:29 pm
hahaha as i was reading, i was thinking of mark lapid’s line para ialagay d2 sa comment!
nasa last part pala ng entry mo hehe
[Reply]
kingdaddyrich reply on August 7th, 2008 1:48 pm:
uy. nagcomment ka. napanuod mo ba yang tatlong baraha? lols.
ginawan pa nga ng kanta yan eh. at may logic din naman ang sinabi ni mark lapid.
[Reply]
August 7th, 2008 at 12:13 pm
bilib ako ke paquito diaz kasi malinis trumabaho yun e. hahaha.
at di rin kumpleto ang action movie kung walang eksena sa beerhouse kung saan babastusin ng mga lasing ang leading lady nya at magsisimula silang magsuntukan!
at syempre, matapang ang bida. aaray lang sya kapag ginagamot na ng leading lady ang mga sugat at pasa nya. woo-hoo! panalo!
[Reply]
kingdaddyrich reply on August 7th, 2008 1:53 pm:
ha haha.. anong trinatrabaho ni paquito diaz?
at mukhang panatic ka rin ng action movies. kabisado mo eh.
wohoo! ito pala ang pinagkakaabalahan mo maliban sa redtube ah.
[Reply]
spongebabe reply on August 8th, 2008 11:16 am:
tarantado! hahahahahaha! redtube ka jan! ikaw nga sabi mo laos na ang youporn e. hahaha! wag mo ipasa saken!
[Reply]
kingdaddyrich reply on August 8th, 2008 7:42 pm:
ha haha. wushu. denial queen. tapos ngayon ipapasa mo sa akin. ha haha!
[Reply]
August 7th, 2008 at 1:38 pm
sayang akala ko ay mawawala ang mga pulis…. yun pa naman sana ang ikokomento ko…
bakit nga ba ang mga pulis ay palaging dumadating kapag tapos na ang bakbakan? prang walang pinag kaiba sa totoong buhay…hehe=)
pero ika nga nila…huli man daw at magaling…nakakahuli pa din..=)
[Reply]
kingdaddyrich reply on August 7th, 2008 2:06 pm:
di sila mawawala sa eksena. sila nga ang highlight non eh. he hehe.
[Reply]
donG hO reply on August 8th, 2008 1:36 am:
hahaha… highlight pala yon. madalas pa ang daming dumadating na pulis. sa totoo lang hindi naman ganun. hehehe…
[Reply]
kingdaddyrich reply on August 8th, 2008 7:44 pm:
hindi naman ganun? kasi kaunti lang talaga ang dumadating. he hehe!
[Reply]
rio reply on August 10th, 2008 2:32 pm:
ang dami ng napatay ng bida pero pag hulihan time na..parang bumabangon ang mga napatay ni bida man?? parang madami pa ding nahuhuli ang mga pulis??hehe
[Reply]
kingdaddyrich reply on August 11th, 2008 8:52 pm:
at ipapakita pa sa eksensa na iika ika sila. ha haha! lagi na lang ganon. ano ba naman yun.
[Reply]
August 7th, 2008 at 2:20 pm
di rin mawawala ang walang katapusang beach party kung saan may bonggang production number ala MTV ang bida
[Reply]
kingdaddyrich reply on August 7th, 2008 2:36 pm:
ha haha! onga. pero mas patok yan sa mga comedy movies dati.
[Reply]
donG hO reply on August 8th, 2008 1:35 am:
oo parang mga palabas sa india yung bollywood.
[Reply]
kingdaddyrich reply on August 8th, 2008 7:45 pm:
hindi pa ako nakapanuod niyan. para kasing puro kantahan lang eh. saka hindi ko naiintindihan.
[Reply]
Leyn reply on August 8th, 2008 9:09 pm:
next time comedy movies naman ipost mo.
[Reply]
kingdaddyrich reply on August 9th, 2008 6:34 pm:
nako. ganyan din naman ang kalalabasan non eh.
[Reply]
Leyn reply on August 9th, 2008 7:01 pm:
oi hinde ah. wala namang sayawan sa beach pag action movies. hahaha. imaginin mo kung meron.
may nanghaharana lang na action star tapos may gitristang kalbo.
[Reply]
kingdaddyrich reply on August 9th, 2008 9:38 pm:
ha haha! bakit mo alam!? nagdududa na ako sa iyo ah.
[Reply]
August 7th, 2008 at 4:50 pm
Hahaha! I love, love, love Pinoy action films. Lumaki akong nanonood niyan kahit na sobrang predictable ang mga kwento. Eto yung napansin kong hindi nawawala sa mga action films.
1. After ng sobrang wild love scene ng leading lady at action star na bida, babalik sa pagiging mahinhin/Maria Clara yung leading lady. At nakakainis dahil laging leading lady ang kinikidnap. Pwede namang yung alagang salagubang ng bida ang kidnapin di ba?
2. Laging may nababasag na salamin. Minsan goons yung inihahagis sa salamin, minsan yung bida, pwede rin yung scriptwriter.
3. Bakit puro bulok na kotse lang yung pinapasabog sa mga action films? Eh sa Hollywood mga luxury cars yung pinapasabog.
4. Bakit laging sa abandoned o lumang bodega o warehouse ang lugar ng huling pagtutuos? Wala bang ibang mas masayang location?
5. Bakit laging komedyante ang sidekick ng bida? At bakit sila laging namamatay?
6. Bakit laging huli parati dumarating ang mga pulis? kapag tapos na yung bakbakan tsaka sila eeksena?
7. Corny ng mga titles ng action films. Corny rin ng mga theme songs.
8. Laging may habulan ng kotse or kaya habulan ng truck scene sa mga action films.
9. Tama, hindi nauubusan ng bala yung baril ng kalaban. At kahit na isa lang yung baril niya eh ubos pa rin lahat ng alagad ng master kontrabida.
10. Laging naka-jacket ng maong o leather ang cast. Lalo na yung mga boys.
[Reply]
kingdaddyrich reply on August 8th, 2008 7:57 pm:
waw! ten commandments. salamat sa paglaan ng panahon at effort para dito. nakakatuwa naman. at hindi talaga obvious na gusto mo ang Pinoy action films. heto naman mga reaction ko.
1. parating may nangyayari muna sa bida at labtim niya na sexy star bago mangyari ang mga conflict tulad nga ng kidnapan. pwede namang after makidnap then jerjer moments na. pumopondo muna si bida. ha haha!
2. may daya yung mga salamin na yan kaya nababasag agad kapag inihahampas dun ang goons, bida, scriptwriter o sinuman. may mga candy bottles pa nga na tinatawag diba?
3. WALANG BUDGET!
4. WALANG BUDGET ULIT!
5. wala na kasing softside ang istorya kung seryoso rin ang sidekick. at pinapatay siya para sa huli, action pa rin ang kalabasan at hindi comedy.
6. Wala na ngang eksenang mapapapelan ang mga pulis eh. kasi pagdating nila, tapos na.
7. kadalasan sa mga title nila eh mga binibitiwan nilang salita sa pelikula. minsan din, ang title ay ang theme song at kinakanta din ng bida sa pelikula.
8. hindi mawawala yan. mas ayos na yan kaysa maghabulan sila gamit ang bisekleta.
9. may kapangyarihan ang baril ng bida.
10. kailangan yan for goons effect.
lols. salamat ulit!
[Reply]
August 7th, 2008 at 6:28 pm
wow! gustong gusto ko yung linyang binitawan ni mark lapid! aksyon na aksyon ang dating! parang feel na feel nya talagang sabihin!
[Reply]
kingdaddyrich reply on August 8th, 2008 7:59 pm:
napanood mo? ayii!!
[Reply]
rio reply on August 10th, 2008 2:37 pm:
pinag praktisan yan ng husto ni mark lapid!! hehe
[Reply]
kingdaddyrich reply on August 11th, 2008 9:02 pm:
yun kasi ang panghatak ng viewers kaya kailangan ng praktis.
[Reply]
August 8th, 2008 at 1:33 am
hahaha… ganun na ganun nga. ewan ko kung bakit halos ganun lahat ang tema. parang si lino brocka lang yata ang matinong direktor nung panahong iyon. hehehe…
Kung sa Wanted ay lumiliko ang bala, ang baril ng bida, hindi nauubusan ng bala!>>> ayos!
[Reply]
kingdaddyrich reply on August 8th, 2008 8:00 pm:
di pa ako nakapanuod ng kahit anong lino brocka film. wawa naman ako.
[Reply]
rio reply on August 10th, 2008 2:34 pm:
sayang at wala na ang isa sa mga magagaling na direktor ng pinilakang tabing..
[Reply]
kingdaddyrich reply on August 11th, 2008 9:03 pm:
na aksidente ata ito. car mishap ba?
[Reply]
August 8th, 2008 at 7:03 am
hehe. una kong binasa yung comments. at pinanis na ni leyn ang interes kong basahin ang mahaba mong posts.
syempre, excuse ko lang yun. tinatamad lang akong magbasa ng mahaba ngayon. pero iniskedyul ko na ang mag-backread sa mga lathala mo dito sa bago mong bahay. n_n
[Reply]
kingdaddyrich reply on August 8th, 2008 8:22 pm:
ha haha.. hail Holy Kamote. Where arth thou?
kumusta ka naman? balik na dali! go go go!
[Reply]
August 8th, 2008 at 1:45 pm
wahahaha. ewan ko ha. pero nung pinanganak ako, puro si dolphy lang pinapanood ko ee:))
[Reply]
kingdaddyrich reply on August 8th, 2008 8:37 pm:
oi. meron pa atang mga ganyan noong pinanganak ka.
[Reply]
berlai reply on August 12th, 2008 2:38 pm:
nererevive pa nga nagyon yang mga yan ee. FPJ presents, tapos may DABOY na nga :))
[Reply]
kingdaddyrich reply on August 12th, 2008 3:03 pm:
sa susunod DaddyKing na yan. he hehe
[Reply]
August 8th, 2008 at 4:58 pm
parati ngang may sayawan sa huli ang mga pelikulang pilipino nuon… pero yung korean series din minsan ganun may sayawan sa beach!
[Reply]
kingdaddyrich reply on August 8th, 2008 8:38 pm:
mukhang fan ka ng koreanovela mang badoy ah.
[Reply]
August 9th, 2008 at 8:02 am
master kdr, hindi sa Tatlong Baraha nagmula ang mga linyang iyon kundi sa palabas na pinamagatang Apoy Sa Dibdib ng Samar.
voice-over:
itinatampok ang award-winning best actress na si Elizabeth Oropesa
at
award-winning best actor na si Roi Vinzon…
[Reply]
kingdaddyrich reply on August 9th, 2008 6:37 pm:
oo nga eh. nacoconfuse din ako diyan. pinagbasehan ko na lang yung sa imdb at kay howie severino. hindi ko naman maconfirm kung saan kasi hindi ko napanood pareho. pero si mark lapid pa rin ba ang nagsabi niyan?
oops. teka. bakit mo alam? hmm… siguro napanood mo no? kaw ah. he hehe!
[Reply]
Leyn reply on August 10th, 2008 6:57 am:
tsk! sabi ko sayo e. nakikipag away ka pa saken.
Cinema One baby pa naman ako. hahaha.
[Reply]
kingdaddyrich reply on August 10th, 2008 12:40 pm:
ha haha. di kaya ginamit sa parehong pelikula? diba pwede naman?
[Reply]
chroneicon reply on August 11th, 2008 8:06 pm:
nakita ko trailer sa youtube pare. at nadownload ko pa hihi
gusto mo send ko sau copy ng file? hehe
[Reply]
kingdaddyrich reply on August 11th, 2008 9:05 pm:
ha haha! sos yan chie! hahanapin ko na lang. ha haha!
[Reply]
August 9th, 2008 at 9:39 am
nitong mga nakaraang buwan, madalas akong nakakapanood ng mga pelikula ni da king sa bus. astig nga e. ang simple lang ng mga storyline pero napaka-interesanteng panoorin kahit paulit-ulit na lang yung ending. may mga natutunan din naman akong values mula sa pelikula nya. gaya ng pagmamahal sa sangkababaihan. hehe
ginagawa ko rin yung pagsusunod-sunurin ko yung teks. di ba may number yung mga yun? dati nakumpleto ko yung isang pelikula mula 1-100. hehe.
[Reply]
kingdaddyrich reply on August 9th, 2008 6:40 pm:
siguro, kaya siya patok dahil sa kasimplehan ng istorya. lalo para sa mga simpleng mamamayan at nakukuha nila agad ang kwento at napapatayo pag nakikipagbakbakan na si fpj. kung ako na kaya ang makipagbakbakan?
isa pa yun, nagtuturo sila ng kagandahang asal at nagpapakita rin ng kulturang pinoy lalo na ang mga klasikong palabas.
buti ka pa napag sunod sunod mo. anong palabas ba yang nabuo mo? nasayo pa ba? share ka naman. he hehe!
[Reply]
August 9th, 2008 at 10:38 am
talagang kahit dito sa blog eh huli parin talaga ang mga kapulisan…hehehe
Ayos! naalala ko tuloy yung kabataan ko, gusto ko nun maging si darna! at feel na feel kong ako si darna kasi may costume ako…maaga din ako umuuwi nun galing sa skul para lang makapanuod ng ghost fighter, ayoko kasi mahuli sa mga balita sa skul namin, isa kasi ito sa mga subject namin ng mga klasmeyt ko pag break tym…hehehe
[Reply]
kingdaddyrich reply on August 9th, 2008 6:44 pm:
ha haha! buti ka pa at may superhero costume ka. pinangarap ko lang yan nong bata ako at hindi natupad. kawawa naman. kaya hanggang pangarap lang ang pagiging action star ko. lols.
yung ghost fighter, parang ilang taon na rin yan. parang dragon ball. baka maabutan pa yan ng mga magiging anak ko eh.
[Reply]
August 9th, 2008 at 4:58 pm
AKo rin….. Gusto kong maging action star noong bata…
Sad to say… Hindi na uso ang action sa Pinoy Cinema ngayon…
Ako… Kahit bold star na lang sa Indie Film… Nasa uso…
Hehe! Joke lang. Lets adventure!
[Reply]
kingdaddyrich reply on August 9th, 2008 6:46 pm:
ha haha! oo nga ano. pwede pwede. try ko rin nga mag audition.
[Reply]
August 9th, 2008 at 8:18 pm
oo nga e. iisa lang ang kwento ng mga action films noon. Teka. ilang taon ka na ba, iho? panahon ko pa yan ah. hehehe
[Reply]
kingdaddyrich reply on August 9th, 2008 9:39 pm:
ha haha! nanay, parang anak niyo na rin po ako.
[Reply]
rio reply on August 10th, 2008 3:05 pm:
bata pa po yan nay si KDR..pero rich na yan!! at king na!=)
[Reply]
kingdaddyrich reply on August 11th, 2008 9:39 pm:
kurek! ang hirap maging
menor de edad
rich sa friends (and enemies) at pagkakautang
king-inang yan!
ha haha!
[Reply]
August 9th, 2008 at 9:00 pm
pareho tayo po na ng dream ang maging action star, kdr! hehe.
true.
[Reply]
kingdaddyrich reply on August 9th, 2008 10:46 pm:
nyak! seryoso acey? mukhang mas bagay ka atang leading lady.
naks. ayiii!!!
[Reply]
August 10th, 2008 at 2:31 am
waaaaaaaah. kamiss ang mga dating laro natin hano. waaaaah and yes… mga lumang pelikula nga! tsek ka dayn
[Reply]
kingdaddyrich reply on August 10th, 2008 12:41 pm:
tsek!
pero mas gusto ko ata yung eks. yung tripol ex.
XXX
[Reply]
sam reply on August 10th, 2008 2:57 pm:
hahahah!!!
punta kang cubao o recto mas live pa hahah =))
http://inherent-omniscience.blogspot.com/2008/08/i-kick-ass-and-you-do-too.html
getmo
[Reply]
kingdaddyrich reply on August 11th, 2008 9:41 pm:
maraming salamat dito ah.
tenkyu prom da botom of my lungs.
[Reply]
August 10th, 2008 at 1:10 pm
napansin mo rin pala ang magandang timing ng mga pulis… hahaha
[Reply]
kingdaddyrich reply on August 11th, 2008 9:42 pm:
sino bang hindi makakapansin non? he hehe. sila nga yung inaantay ng marami eh.
[Reply]
August 10th, 2008 at 11:14 pm
lol. naghihintay pa cguro ang mga pulis ng go signal from the director (either PNP, or movie director)
[Reply]
kingdaddyrich reply on August 11th, 2008 9:44 pm:
dapat kasi maganda timing. pag napaaga, wala nang eksena ang bida. pag nahuli pa sa huli, baka credits na saka pa lang sila dadating.
[Reply]
August 11th, 2008 at 8:57 am
kung si mark lapid,super effort tlga sa pagdeliver ng dialogue..kailangan mong mapanood si mickey arroyo..hindi na nawawalan ng bala..hindi pa umiiwas sa bala..hahaha! kaloka talaga!
**salamat po ng marami sa pagbisita sa aking blog..
okey lang po kahit hindi pumasok iyong iba nyong comment..
a ‘tenk u’ from you is more than enough!
[Reply]
kingdaddyrich reply on August 11th, 2008 9:47 pm:
tats naman ako don..
ha haha! matanong ko lang, anong pelikula yan? mukhang napanood mo ah.
[Reply]
eiyelle reply on August 12th, 2008 8:20 am:
yii..narecover ko po yung iba nyung comment, hinarang pala ni manong akismet.. salamat po ulit
nyahaha! napasulyap lang ako sa tv kasi akala ko si eddie garcia ang bida
hindi pala..tatay ko po ang tlgang nanood nun..hindi ko na matandaan
kung anung title nung movie na iyan, bsta pulis dyan si mickey arroyo, magkapatid sila ni ace vergel na nagkahiwalay..at ka loveteam niya si maui taylor..(hindi ko tlga pinanuud iyan promise! hahahaha!)
[Reply]
kingdaddyrich reply on August 12th, 2008 2:34 pm:
loko talaga yang si akismet…
ha haha! di mo nga pinanuod ah. at talagang akmang akma siya sa mga klasik pinoy action movie. lahat ng description na nabanggit ay sakop niya.
[Reply]
August 11th, 2008 at 1:47 pm
rbilog, hindi mapagkakailang isa kang action movie fan. alam mo lahat at ang takbo ng istorya. sabagay ganyan naman talaga karamihan ng action movies sa pinas. parang artista lang yung pinapalit palit.
idagdag mo din ang setting ng bakbakan nila, sa isang sirang factory o gusali. o kaya naman sa pier dahil ang mga goons ay may negosyong kontrabando.
hindi na nga ito masyadong bisibol ngayon sa sinehan. sa totoo lang wala na talagang pelikulang aksyon. napapanuod na lang ito sa tv o kaya sa cinemaone. masarap balikan ang mga aksyong palabas na yan dahil ndi ako naeeksyat sa labanan kundi naeeksyat ako as paglait sa mga nakakatawang ginagawa at kabuktutan ng mga artista nuon.
pero imperness, magaling silang umakting hahaha
[Reply]
kingdaddyrich reply on August 11th, 2008 9:56 pm:
may negosyong kontrabando! ha haha! sos ka popoy natawa ako don.
hindi naman ako masyadong fan. no choice kasi dito, paborito ng mga taong bahay.
umamin ka na, sa edad mong yan, halata namang panahon mo ito. he hehe.
[Reply]
August 12th, 2008 at 11:12 am
hahaha… naloka ako nung ginawang kanta yung line ne yun ni mark lapid. niresearch ko pa talaga kung san galing yun…
[Reply]
kingdaddyrich reply on August 12th, 2008 2:37 pm:
ha haha. pumatok nga sa airwaves yun eh. he hehe.
[Reply]
August 12th, 2008 at 2:46 pm
action star nga ba o scriptwriter?
[Reply]
utakmunggo reply on August 12th, 2008 2:47 pm:
ay! tapos tapos dapat may mahabang eksenang gahasa.. hehe
[Reply]
kingdaddyrich reply on August 12th, 2008 3:02 pm:
ha haha. talagang humabol pa ang gahasa scene.
[Reply]
August 12th, 2008 at 3:52 pm
tambay muna…kamusta na ang buhay buhay? gud afternoon
[Reply]
kingdaddyrich reply on August 14th, 2008 9:13 am:
sige lang.
ayos lang naman ang buhay.
ikaw kumusta? ang mga bata, malalaki na ba?
tagay pa pre.!
[Reply]
August 14th, 2008 at 10:01 am
honestly i don’t like watching Tagalog action movie. kasi alam na alam mo na ang ending. wala man lang challenge or twist. anyways, sobrang nakakatawa ang last phrase about saging…
Nice job..
[Reply]
kingdaddyrich reply on August 14th, 2008 11:26 am:
yun nga raw. predictable ang istorya. di ka man lang pag-iisipin. masa talaga kasi kadalasan ang market niyan. hindi ko naman sinasabi na hindi marunong magisip ang masa, mas gusto kasi nila na isusubo na ang istorya. saka trip nila ang bakbakan.
tenkyu ulit.
[Reply]
August 15th, 2008 at 1:54 pm
Totoo gusto nila is ifi feed na lang. Too lazy to think! ahahaha…. Pinasaya mo na talaga araw ko
[Reply]
kingdaddyrich reply on August 15th, 2008 5:27 pm:
nako. unintentional kung napasaya man kita.
pero napasaya mo rin ako sa pagiiwan ng kumento at pagbibigay ng pananaw mo.
salamat!
[Reply]