May Surpresa ako Sa’yo

July 17, 2008 - 12:28 am

Ayon sa kasabihan, ang buhay ay punung-puno ng misteryo at maraming hatid na surpresa. Hindi na ito bago sa kahit sino man dahil maraming pangyayari sa atin ang kadalasan ay hindi natin inaasahan. Utang natin ito lahat sa mga taong nakapaligid sa atin at sa makulay na buhay na kahit hindi tayo kumain ng sinabawang gulay (na ngayon ay ginisang gulay na!), ay naghahatid sa atin ng mga karanasan na talaga namang maitatago natin sa baul ng nakaraan.

Gusto ko ng surpresa. Yung surpresang may magandang intensyon para sa taong susorpresahin ko. Pero ako yung magbibigay ng surpresa. Masarap kasi makita ang reaksyon nila. Yun bang napapa homaygums!, olipakinsiyet! o pautang ina! Tapos biglang yayakap sa iyo ng mahigpit tapos bibigyan ka ng gums-to-gums na halik. Ang saya diba? Ramdam ko na rin kasi ang tuwa tuwing napapatawa o kahit napapangiti ko sila sa aking surpresa, maliit man ‘yan o bonggang-bongga.

Ayoko ng surpresa. Yun bang ako ang susorpresahin. Pero yun tipong sasabihin pa na may sorpresa ako sa’yo. Masyado kasing malikot ang isip ko at kung anu-anong karumal-dumal na bagay ang naiisip ko. At para akong binabalatan ng buhay habang pinaliliguan ng suka at binubudburan ng asin pagkatapos ay tatadtarin ng pino saka ipiprito. Ang sakit nun! At joke lang lahat ng sinabi ko. Masyado ng exagerrated. Pero hindi talaga ako sanay ng sinosorpresa ako. Hindi kasi ako marunong mag-react. Ha haha! Parang tuod.

Noong isang linggo, naglalagalag ako sa mall kasama ang isang tao na itatago na lang natin sa pangalang Bb. B. Nauna siya sa aybol namin kaya humahangos at pawisan pa ako ng makita siya. Tumingin-tingin kami ng damit sandali tapos bigla niya akong niyaya sa pababa ng mall. Nagtaka na ako bigla dahil wala naman sa baba ang pakay namin. Habang nasa escalator tinanong ko siya kung saan kami pupunta at sinagot niya ako ng diyan lang sa baba. Ang buong akala ko ay kakain lang kami. Nang bigla niyang hawakan ng mahigpit ang braso ko at sabihing may sorpresa ako sa’yo.

Siyet na malagkit!

Parang gustong malaglag ng puso ko ng mga oras na iyon. Hindi ko alam pero natural na ata sa akin ang ganon kaya ayaw na ayaw ko ng sorpresa. Umagos ng butil-butil ang pawis ko at nanlalamig. Para akong nasa death row. Na matapos ang mahabang lakaran ay may sasalubong sa akin na pulutong ng gwardiya sibil at saka ako babarilin. Fuego! Gusto kong kumawala sa pagkakahawak niya sa braso ko sabay takbo. O di naman kaya ay mahimatay na lang bigla at hayaan ko siyang mahirapan kakakaladkad sa akin hanggang sa pabayaan na lang niya akong nakahandusay sa mall. Buti na lang at may nadaanan kaming parlor. Inisip ko agad na baka ipapa-rebond at reborn niya ang buhok ko. Kahit paano nabawasan ang kaba ko. Pero lumagpas kami! Waa! Hindi pala! Ayoko na! Tuloy pa ang kalbaryo.

Alam kong ayaw mo nitong gagawin ko. Talagang ginawa ko ito para hindi ka na makatanggi.

Heto ang binitiwan niyang mga salita. Hindi ko alam ang gagawin. Parang isang pagbabanta ang mga salitang iyon na nagsasabing magdasal ka na at malapit na ang buhay mo. Sabay pasok sa tindahan ng tsinelas. Anong ginagawa namin dito? Juice ko pong pineapple bayan! Ibibili niya ako ng Havaianas!

Ang puso kong gustong malaglag kanina pa ay tuluyan nang nalaglag. Nakita ko pa itong tumitibok ng mabilis sa lapag at nangingisay. Agad ko itong pinulot at nilunok para maibalik sa dating kinalalagyan dahil baka maapakan ng mga taong hindi magkamayaw sa pagpili ng tsinelas. Ang butil-butil at nanlalamig kong pawis ay tuluyang nagyelo at parang snow na nagsibagsakan. Gusto ko sana siyang yakapin ng mahigpit sabay halikan ng gums-to-gums pero parang hinigop lahat ng lakas ko. Sayang! At tila naka-inom ako ng humigit kumulang sa hindi ko mabilang na bote ng Elmer’s Glue. Hindi ako makapagsalita. Sa ingles, i’m a dead man walking, but still charming.

Ang inakala kong pulutong ng gwardiya sibil na sasalubong sa akin at babaril ay pulutong pala ng tsinelas na aking pagpipilian at isang pares sa kanila ay aking iuuwi. Hindi pa rin ako makapagsalita habang pumipili. Iniabot sa akin ni Bb. B ang natipuhan niyang pares na nagustuhan ko rin. Maganda kaya ang taste namin! At habang isinusukat, isang matabang babae na sa tingin ko ay bumibili rin ang may masamang titig sa akin. Parang gusto ko siyang kumprontahin at sabihing anong problema mo at ganyan ka makatingin? pwede ba, ibibili ako ng tsinelas. moment ko ito ,okey? so leave me alone! Buti na lang at hindi ako pa rin ako makapagpagsalita ng mga oras na iyon. Dahil kung nagkataon, tinaob ko sina Christopher de Leon sa pag-arte. At lumabas kami sa tindahan habang kumakanta si Gabby Concepcion sa utak ko ng Iisa pa Lamang sapagkat iisa pa lamang, iisa pa lamang ang tsinelas kong ganito.


i now have a pair of Havs! sabihin niyo nang jologs ako at
ipinapangalandakan ko pang mayron ako nito, WALA AKONG PAKIALAM!
ipinagmamalaki ko lang na may Bb. B ako na namimigay ng tsinelas! ha haha!
salamat Bb. B

Ang sarap sa pakiramdam. Matatalino naman ang mga bumibisita sa blog ko at alam kong alam niyong lahat kung anong punto ko. Hindi dahil sa mayroon na akong unang pares ng Havaianas. Kundi dahil alam mong may ilang tao na nagmamalasakit at nag-aalaga sa iyo. Nariyan sila para mahalin ka at maghatid ng masasayang surpresa. Hindi mabibili ng anumang salapi ang kaligayahang ito. Kaya mahal man iyan, mura, malaki, maliit, simple o magarbo, hinding-hindi ito matutumbasan ng kahit ano.

Ang mga sandaling ito ng ating mga karanasan sa ating buhay ang karapat-dapat na maitatago sa baul ng nakaraan, na tiyak masarap na balik-balikan.

Life was like a box of chocolates. You never know what you’re gonna get. But if it’s a box of tsinelas, you may know what it was. Homaygums, olipakinsiyet, pautang ina! It’s Havaianas

130 Responses to “May Surpresa ako Sa’yo”

  1. Leyn Says:

    “no comment”

    (pero nakuha pa mag post ng comment eh no.)

    kingdaddyrich reply on July 19th, 2008 2:33 pm:

    aba. at wala ka atang masabi ngayon.

  2. FerBert Says:

    yan yung quote mo sakin eh.. bwahaha
    life is full of suprises
    tas sabihin ko tagalugin mo dinudugo ako.. hahahaha

    ayun oh! may havs na si kuya rb!
    so magpapafoot spa ka na rin ba?
    tara papedicure tayo..
    gusto ko purple kulay ng kuko sa paa.. hahaha

    kingdaddyrich reply on July 19th, 2008 2:37 pm:

    ha haha.. sige fb, pa foot spa tayo. para kahit sabihan tayong mukhang paa, proud tayo dahil magaganda ang paa natin. mabango pa.

    Leyn reply on July 22nd, 2008 2:08 am:

    hoy efbee, bat di mo pa aminin na ikaw si Bb.b?

    popoy reply on July 22nd, 2008 3:02 pm:

    ahahaha. Bb. b at FB pede!!! ahahaha

    FB reply on July 23rd, 2008 4:02 am:

    at sino naman si Bb.B?

    FB reply on July 23rd, 2008 4:07 am:

    LOL! hindi ako si Bb.B

    ang alam ko mas maganda ako doon kung naging babae ako.. pasalamat na lang sya.. bwahahahaha

    kingdaddyrich reply on July 23rd, 2008 7:49 pm:

    yan ang spirit. tara na! foot spa! ha haha!

  3. PRUE Says:

    hahaha! o ayan… nakapag-starbucks ka na rin… may havs flip flops ka na din… what’s next? hmmmm…

    ito na ba ang bagong daddyrich? hehehe!

    you’ll enjoy it… the price is worth the comfort it will give your feet…

    kingdaddyrich reply on July 19th, 2008 2:40 pm:

    ha haha! nag uupgrade ako. lols. hindi na bakya ang sinusuot ko.

    oo nga. ano nga kaya sa susunod? sa tingin mo anong maganda?

    PRUE reply on July 20th, 2008 1:40 am:

    iPhone 3G? hehehe! or skull candy backpack?

    hmmmm… i wonder…

    P.S>

    or you can start hanging out with the elite circle in Ascend…

    kingdaddyrich reply on July 20th, 2008 2:46 am:

    ha haha.. bigtime na kung iPhone 3G. ha haha. at ano ang skull candy backpack?

    at ano rin ang Ascend? wala akong alam diyan. ha haha.. member ka ba ng elite circle nila?

    PRUE reply on July 21st, 2008 4:36 pm:

    me? memebr of the elite circle? hahaha! i just a charmed one… and never into peers… neither a groupie… more of a lone wolf… hehehe!

    feeling elite lang…

    Ascend is the new embassy…

    P.S.

    so kumusta ang mga paa-belles mo sa bago mong havs? hehehe!

    u make me want to post about my havs…

    kingdaddyrich reply on July 21st, 2008 10:07 pm:

    eh nasan na yung other two charmed? he hehe…

    aba, kita mo ikaw updated sa embassy. lols. makikipagkiskisan ako ng siko sa mga yamaners don. ascend sounds sossy.

    ha haha.. ang paabelles ko feeling sossy. ayaw maputikan ang tsinelas. lols. :) sige post ka lang tungkol sa havs mo. basahin ko yan. :)

    PRUE reply on July 22nd, 2008 5:43 am:

    piper, my bff… phoebe, my best bud… paige and leo, serendipituous acquaintance from an old life… makes up the charmed one and the only circle i probably have… hahaha!

    hahaha! naku… mukhang ma-a-adik na si daddyrich sa havs ah… most people i know, mula sa unang havs… puro havs na… hehehe! malay mo, may kasunod pa yung surpresa sa ‘yo ni BB. B…

    waaahoooo…

    P.S.

    off to camiguin tmrw..uwian kita pics..

    PRUE reply on July 22nd, 2008 4:53 pm:

    clarifying… i meant ascend is like the new embassy but not really the same… embassy closed and re-opened… ascend is a different club…

    hahaha! baka lang kasi maisipan mong pumunta at makipagkiskisan ng braso sa mga richiness… hehehe!

    kingdaddyrich reply on July 23rd, 2008 12:52 am:

    hayun! buti na lang. noong una kasi ganon pagkakaintindi ko eh. na ang ascend at emba ay isa lang. ha haha. pero na confirm ko naman na magkaiba sila thru Bb. B. he hehe.. iba ang lebel ni Bb. B. :)

    abangan ko mga camiguin photos mo. :)

  4. superboi Says:

    Congratulations on your new havs! =)

    Next stop…

    uhh…

    Roxy Board Shorts.

    kaya lang di na summer. heheheh

    kingdaddyrich reply on July 19th, 2008 2:40 pm:

    waw ano yung roxy? he hehe.. halatang wala akong alam. :)

    superboi reply on July 22nd, 2008 2:17 pm:

    roxy is a brand.

    at di ako naniniwalang wala kang alam :P

    ——–on your comment sa tagboard ko:
    kung i-allow ko ba ang mga comments, may iko-comment ka? hehehehe. ano buksan ko ba? heheheh :P

    kingdaddyrich reply on July 23rd, 2008 12:57 am:

    wah hindi ko talaga alam.

  5. popoy Says:

    rbilog, pano ba yan nandito na naman ako? ahahaha.

    surprisa! surprisa!! ahahaha.

    ndi pa ko nakaranas na masurpreso na ikanatuwa ko, dahil lahat yata ng surpresa sa akin eh parang gusto kong ikamatay? ahahaha.

    *intrigero mode*

    huwaw naman may HAVIANAS na sya! Congrats, mapapalitan na ang RAMBO mong sinelas. Hihihihi.

    San ba makakakita ng Bb. B na nanlilibre ng tsinelas na habayanas na parang kendi lang? Kilala ko ba si Bb. B? Parang kilala ko si Bb. B? Tama ba ako G. Rb? ahahaha.

    Ang saya nyan ha! Ang ganda din ng design ng sinelas na napili NYO ni Bb. B! ahahaha.

    Ayun pala si Bb. B o! nakita ko sya ehehehe.

    Napa-pautang ina ako dahil ang saya na naman ng entry mo! SURPRISA! :D

    kingdaddyrich reply on July 19th, 2008 2:47 pm:

    Pautang ina! masaya talaga dito! ha haha.. maraming surprisa na ikaliligaya ng lahat. lols. :)

    share mo naman ang moments mo sa surprisa. at buti hindi ka natuluyan ah. :D hanap ka na rin ng Bb. B mo. he hehe

    kilala mo ba siya? malamang hindi. ha haha. personal friend ko si Bb. B. :)

    popoy reply on July 21st, 2008 9:02 am:

    ahahaha. surprisa? wag na baka pati ikaw masurprisa ka hahaha.

    si Bb. B? sige hahanap ako, hanapin ko si Madame auring ahahaha :D

    kingdaddyrich reply on July 21st, 2008 10:10 pm:

    bading ka ano? tsk. sabi na nga ba eh.

    ha haha.. ang cheap mo popoy. madame auring! :))

    popoy reply on July 22nd, 2008 10:30 am:

    o huwaw nasurprisa ako rbilog. ahaha. im so gay na? ahahha

    siyet naman yan, cheap pa ba si madame auring? may sim pa naman daw sya. may asim kasi ndi naghuhugas hahaha

    rio reply on July 22nd, 2008 12:04 pm:

    ahahaha..poy!, trip mo ba tlga si madam auring?

    popoy reply on July 22nd, 2008 2:59 pm:

    ahahaha. doc rio nandito ka din pala hahaha. ndi ko trip si madame, trip ko pala sya trip kong saktan hahaha

    oooppppssss,bad ako hahaha

    kingdaddyrich reply on July 23rd, 2008 12:59 am:

    ha haha. ang bastos. ang mga hindi naghuhugas pala ang mga trip mo poy. nako, sa monumento nakikita ko marami. :)

    popoy reply on July 23rd, 2008 10:18 am:

    bakit naman alam na lam mo rbilog na marami sa monumento na ndi naghuhugas? ikaw ha? sumbong kita kay Bb. B hahahaha

    kingdaddyrich reply on July 23rd, 2008 7:50 pm:

    ha haha.. madalas kasi ako dumaan don. lalo pag gabi. between 12am-3am. nagkalat sila don. ha haha! if i know mas alam mo ito popoy!

  6. Sharon Says:

    puta. 3 ang pares ng havaianas ko. KAYABANGAN. eh nag give up na sila sakin. pigtal na yung dalawa, yung isa naman, nagtampo at nawala dahil hindi ko daw sya pinapansin at ginagamit.

    nakikigamit nalang ako ngayon ng tsinelas sa nanay ko.

    nadiskubre ko din na malambot din naman ang Havana. kaya malamang maghahavana nalang ako.

    Ang bait naman ni Bb. B. yihee. paulanan mo naman ako ng grasya!

    kingdaddyrich reply on July 19th, 2008 2:50 pm:

    hindi KAYABANGAN yan. KATOTOHANAN ang tawag diyan. naisip ko lang kung bakit sila napipigtal. ha haha.. ginagawa mo bang pang tumbang preso tsinelas mo?

    at ang maalamat na havana. lols.

    oo talagang mabait yang si Bb. B. kaya love ko yan eh. ayiii.. :))

  7. jep Says:

    omg as in huwaw may havaianas na si kdr.. congrats congrats… grabe ha ang galante naman nyang girl na yan, pero grabe nakakaappreciate un ng sobra kasi ang mahal nyan eh.. grabe!! maraming salamat kay Bb. b (hmmmmm)

    naunahan niya ako sa pagregalo ko sau ng havaianas… kaso kanya kasya sa paa mo pero ung ibibigay ko sau kasya sa daliri mo.. remember ung keychain? hehe

    ganda ng design, panalo… ung akin cartoons ang design eh… hahaha pambata ampotah!!

    kingdaddyrich reply on July 19th, 2008 3:40 pm:

    ha haha.. omg! in short huwaw! ha haha…

    na tats nga ako jep noong binigay sa akin. gusto ko nga ring maiyak non eh. :)

    at oo nga naunahan ka niya. ha haha. at meron na rin akong key chain na tsinelas, at si Bb. B rin ang nagbigay. :D

    maganda ang design kasi maganda ang taste namin. ha haha!

    jep reply on July 19th, 2008 7:33 pm:

    aba complete pagkage pala ang regalo ni Bb. B… baka mamaya ndi na maulit.. hahaha

    kingdaddyrich reply on July 20th, 2008 2:48 am:

    ha haha! oo nga! mauulit yan! :D

  8. napundingalitaptap* Says:

    ahaha, natawa naman ako, now HAVAIANAS is da bida, dun sa bangka blog e istarbaks, yun an una kong nabasang blog mo.

    hanaku, anti-istarbaks na ako, anti-habayanas pa. . . tsktsk.

    buti nalang, lusot ka pa din kasi MATALINONG MAMBABASA AKO! wahahaha! i got your point. sino ba si bb.b. . . hmmm, nasa POWERED BY ba sya? ahem!

    yiheeeeeeee, ansayasaya!

    flyfly!

    kingdaddyrich reply on July 19th, 2008 3:45 pm:

    ha haha. bangka blog talaga eh ano.

    sino nga ba si bb.b? ha haha.. sino nga ba siyang nakasuot pula. lols. :)

    mabuhay ang matalinong mambabasa! :D

    napundingalitaptap* reply on July 23rd, 2008 8:07 pm:

    MABUHAY! ahem! wahahaha!

    suntukan nalang!

    flyfly!

  9. lyzius Says:

    aba nga naman…di ka lang pala matapang sa pagpindot ng kung anong meron sa YM ko kundi tutyal ka na rin tutoy…tsk! di ko na ma rich si king daddy rich…iba na ang leveling…ako pang rambo pa lang din…

    kingdaddyrich reply on July 20th, 2008 2:23 am:

    kailangan kasi ng matinding chakra kapag pipindot sa YM mo. ha haha.

    kingdaddyrich cannot be reached! ha haha! rhyming

    :)

  10. donG hO Says:

    ayos! astig nga na surpresa yan. astig ng napili mo. sana surpresahin mo rin kami kigndaddyrich! hehehe…

    ako ok naman ang mga surpresa nasanay na rin. bad news good news bahala na. pero ang pinaka astig na surpresa sa akin ay yung dinala ako sa isang fine dining sa isang japanese restaurant ng mga kabarkada ko. adik kasi ako sa japanese food.

    kingdaddyrich reply on July 20th, 2008 2:25 am:

    anong klaseng sorpresa ba gusto mo kuya dong? he hehe.

    don sa japanese restaurant, anong okasyon at dinala ka dun? nasorpresa ka ba dahil ikaw lahat ang nagbayad ng kinain niyo? he hehe

    donG hO reply on July 21st, 2008 9:43 pm:

    ang gusto kong sorpresa ay yung bigla na lang may batang lalapit sa akin at magsasabi sa akin na “tatay ko po kayo”. wahehehehe…

    mga ilang araw yon pagkatapos ng birthday ko. na sorpresa ako kasi ni libre nila ako sa isang fine dining na hindi naman nila yon ginagawa sa iba. hehehe…

    kingdaddyrich reply on July 21st, 2008 10:16 pm:

    dong, tatay ko po kayo. at ako ang nawawala mong anak.

    donG hO reply on July 22nd, 2008 9:37 am:

    uwi ka na anak….. uwi ka na sa bahay ng nanay mo. hehehe… syempre kukupkopin ko na after ma confirm thru dna testing. hahaha…

    rio reply on July 22nd, 2008 11:50 am:

    tatay dong!! ako din po ang nawawala nyong anak!!

    hahahahaha!!!

    donG hO reply on July 22nd, 2008 1:38 pm:

    hahaha… ang alam ko isang lang ang anak ko. hehehe… ang tagal na natin magkasama sa bakya rangers ba’t ngayon lang kayo nagpapakilala. hehehe…

    rio reply on July 22nd, 2008 3:16 pm:

    tatay dong, ako po yung kambal ng anak ninyo..=)

    kingdaddyrich reply on July 23rd, 2008 7:53 pm:

    actually, triplets kami. panagutan mo dong!

  11. ate sienna Says:

    alam mo bang may sa sumpa ang magregalo ng kahit na anong ginagamit sa paa? Sapatos, medyas, tsinelas, boots, sandals, step-in… malas daw yan. kapag binigyan ka ng anumang pang-paa, magkakahiwalay kayo ng nagbigay sa iyo nito. Kaya ang sagot, para hindi maging malas, bigyan mo raw sya kahit na mamera o singko para lumabas na binili mo sa kanya.

    so binayaran mo ba si Bb. B para sa Havs mo?

    kingdaddyrich reply on July 20th, 2008 2:27 am:

    san ba nanggaling ang sumpang yan ate sienna? he hehe.. naisip ko kasi, kung totoo man yan, ang dami nang naghiwalay na mag ina. lols. ambabaw ko, he hehe…

    yep binayaran ko si Bb. B. he hehe. para kasing ang seryoso ng sabi mo eh. salamat po sa advice.

    donG hO reply on July 21st, 2008 9:46 pm:

    binayaran mo nga si binibiningbi?

    kingdaddyrich reply on July 21st, 2008 10:18 pm:

    ha haha.. binigyan ko siya ng piso. okay na yun. :)

  12. Tentay Says:

    wow ang sweet naman. =) sushal ha. kahit ako bigyan ng havs matutuwa din ako nu. hehhehe. at sa sinabi ni ate sienna, in fairness, nadinig ko na din yan, bigyan mo sya piso para di kayo mag away. ipasa load mo nlng. hahahah. =)

    kingdaddyrich reply on July 20th, 2008 2:30 am:

    ha haha. natawa ako sa pasaload. lols.

    ang sweet nga eh. kahit mga langgam nagkaron ng diabetes dahil sa ka sweet-an ni Bb. B

    :)

  13. karmi Says:

    wow naman, u have your own pair of havs na.. =) hehehe..

    kahit ano pa yang binigay sau, its the thought that counts nga diba? ^_^

    kingdaddyrich reply on July 20th, 2008 2:31 am:

    kurek. it’s da tot!

    donG hO reply on July 21st, 2008 9:47 pm:

    hahaha… talagang tot!

  14. lawstude Says:

    bakit sakin havanas lang ang ibinigay?

    kingdaddyrich reply on July 20th, 2008 2:32 am:

    mayaman ka na raw kasi kuya lawstude. he hehe

    donG hO reply on July 21st, 2008 9:49 pm:

    hahaha… ayos sa tira ah. oo nga lawstude kaya mo na nga daw bumyahe eh. hehehe…

    kingdaddyrich reply on July 21st, 2008 10:19 pm:

    dapat siya ang namimigay ng havs eh. di ba kuya dong?

  15. utakmunggo Says:

    sana’y nasorpresa ka sa pagdaan at pag comment ko dito.

    surprise!

    danda naman ng havs.. magaling kaya yan sa tumbang preso?

    kingdaddyrich reply on July 20th, 2008 2:35 am:

    ha haha! hindi ko ipanglalaro sa tumbang preso to! kung pati kalaban ko bagong havaianas rin ang gamit sige laban ako. :)

    rio reply on July 22nd, 2008 12:01 pm:

    sali ako sa tumbang preso nyo pero rambo ang gamit kong tsinlas ha!

    kingdaddyrich reply on July 23rd, 2008 7:57 pm:

    di pwede ate rio. madaya ka.

    rio reply on July 24th, 2008 11:59 am:

    hahaha! bakit naman?

  16. kris jasper van dyke Says:

    ganda nga… congrats sa box of tsinelas mo…

    pero akala ko kung anong sorpresa na yun..

    akala ko ________, or _________.

    kingdaddyrich reply on July 20th, 2008 2:39 am:

    anong _______ or ________???

    share! share!

    kris jasper van dyke reply on July 22nd, 2008 3:27 am:

    akala ko p______________. or m_______________

    kris jasper van dyke reply on July 22nd, 2008 3:28 am:

    pandesal or mamon.

    bakit? ano ba akala mo?

    kingdaddyrich reply on July 22nd, 2008 4:35 am:

    ha haha…

    p? pansit?

    m? monay! ha haha

  17. ayz Says:

    rb!! ako rin may sirfries sayo!! ahihihi.. saka ko na sasabihin.. bwahahahah *evil laugh*

    Bb. B, kung sino ka man!! gusto ko rin ng sirfries.. pero ayoko ng havs.. dupe nalang na brown. ahhahaha

    kingdaddyrich reply on July 20th, 2008 2:40 am:

    wa. nagkita na tayo kanina ah di ko pa naitanong yung sirfries mo. anong sirfries? siyet! napaparanoid na ako!!! waaa!

  18. naka-havaianang mangyan Says:

    aba, aba, aba.. at naka-havaianas na rin sya, welcome to the club.. may parada tayo bukas ng umaga dala ang ating mga havaianas… kita-kits.. .he he he..

    kingdaddyrich reply on July 20th, 2008 2:41 am:

    uy. anong oras at san?

    donG hO reply on July 21st, 2008 9:58 pm:

    hahahaha…. astig! may parada pala ng mga tsinelas.

    kingdaddyrich reply on July 21st, 2008 10:28 pm:

    sali ka ulit kuya dong?

    rio reply on July 22nd, 2008 12:00 pm:

    makahiram nga ng havaianas sa kapitbahay namin at ng makasama sa parada..=)

  19. blogkadahan Says:

    Hello po!!! Musta na? Buti ka pa may sopresa!! hehehe, dumalaw po, tagal na din kasing di nakadalaw dito… Palit po tayo ng tsinelas, mamahalin iyong akin… antique eh… nyahahaha. :)

    kingdaddyrich reply on July 20th, 2008 2:43 am:

    ayos lang po. he hehe.. kahit mas mamahalin ang iyo hindi ko ipagpapalit ang ibinigay ni Bb. B.

    it’s da tot pa rin! he hehe!

  20. axel Says:

    yehey! nakita ko ng live itong mga Havs na to… hahahaha…
    At nakuha pang ipatong ni KDR sa lamesa habang may mga kumakain… lol

    kingdaddyrich reply on July 20th, 2008 11:01 pm:

    ha haha. isang malaking pabor yun na makatabi sa mesa ang havaianas ko habang kumakain. isa ring malaking pabor na makita mo ito ng live. ha haha! siyet ang feeling ko.lols.

  21. Kevin Paquet Says:

    Greetings Pinoy!

    I’m 17yro Kevin Paquet from Davao City, currently blog hopping!
    Can we exchange links? My website is pinoyteens.net
    Hoping to know you better and that we’ll have a happy blogging relationship!
    If you accept our link exchange request, please comment back on us so that we’ll add you then :)

    ps: you can also add me on ym if you want: i.believe_11

    Salamat po!
    We’ll leave on topic comments next time, sorry for this offtopic one, kaya nga naghahanap kami ng link exchanges to also exchange good comments in future ^^,) bow

    kingdaddyrich reply on July 20th, 2008 11:29 pm:

    Greetings Pinoy!

    I’m 89 years old Rb from Ouagodogou.

    I’m so sorry, but even if I want to exchange links with you, I won’t.

    why? because first and foremost, I don’t have a blogroll. I don’t force people to come here and read what I write. I don’t even force them to comment. They just keep on coming.

    second, there’s no second. nor third nor fourth. gusto ko lang sabihin na first. ha haha!

    Leyn reply on July 22nd, 2008 2:04 am:

    haha. tarantado ka talaga. natawa ako dito.

    kingdaddyrich reply on July 22nd, 2008 4:36 am:

    namura pa ako. ito kasing si pinoyteens eh. he hehe. kahit san ako magpunta nandon siya. at pareho ang comment niya. lols.

    oo nga pala, hindi na ako teens. paano ba yan?

  22. mnel Says:

    dahil may havaianas ka na, magpapedicure ka na rin. :P

    tinalo mo pa ako. haha. ako nga wala niyan. haha.

    kingdaddyrich reply on July 20th, 2008 11:20 pm:

    ha haha! ang totoo naisip ko na rin magpapedicure. sabay nga raw kami ni fb eh. ha haha!

    hindi naman ako magkakaron ng ganito kung hindi lang ako binigyan. :)

  23. pamoy Says:

    ang sweet nmn ni Bb. B yihee.. tama ka hndi importante kung mahal o mura ang isang bagay, what’s important is ung effort nya to come up with a surprise just to see you happy.

    sayang at hindi ako nakasama sa dark knight movie eb, nakita ko sana ang iyong pinakaiingatang havaianas. =)

    kingdaddyrich reply on July 20th, 2008 11:23 pm:

    yihee! he hehe. naligaw si pampoy. :)

    oo nga at hindi ka nakasama. ha haha. nakasabay mo rin sana kumain ang havs ko. lols. :)

  24. pampoy Says:

    si pamoy ay si pampoy din. hahaha pasenya na typo. hehe

  25. Ely Says:

    Congrats! hehehe. Pakilala mo naman ako kay Bb. B, at baka magka-habayanas din ako. LOL

    kingdaddyrich reply on July 21st, 2008 10:30 pm:

    sige sige. kaso kailangan i treat mo siya ng movie, tapos candle light dinner, then dapat may kotse ka, hatid at sundo. dapat mabango ka, matalino at mayaman. hmmm.. :)

  26. BOMBERO KING Says:

    BOMBA!!! :lol:

    kingdaddyrich reply on July 21st, 2008 10:37 pm:

    boom!

  27. beero Says:

    naks naman! rich ka talaga king daddy! hehe. naka-havs na. ako eto, rambo pa rin ang gamit. hehe.

    kelangan ko na ring bumili ng bagong tsinelas. dinekwat kasi yong dati kong tsinelas nung isang gabi. tsk, tsk. ang walanghiya, iniwan pa yung tsinelas nyang bulok sa labas ng pintuan namin.

    kingdaddyrich reply on July 21st, 2008 10:40 pm:

    di pa ako rich. potek. sna lang diba? ha haha.

    hindi naman malakas ang loob ng numenok ng tsinelas mo ano at nagiwan pa ng bakas. ha haha. parang nang aasar pa talaga.

    rio reply on July 22nd, 2008 11:57 am:

    beero, hindi nakaw ang tawag dun! palit tsinelas lang..hehehe

  28. mang BADoy Says:

    congrats sa bago mong tsinelas na sosy… :P

    kingdaddyrich reply on July 21st, 2008 10:41 pm:

    salamat salamat!

  29. coldman Says:

    wow! ang sossy! di naba uso ang Spartan ngayon?

    kingdaddyrich reply on July 21st, 2008 10:42 pm:

    yun nga talaga ang gusto kong tsinelas. kaso talagang wala na akong makitang spartan ngayon. :(

    rio reply on July 22nd, 2008 11:56 am:

    kingdaddyrich,my spartan d2..palit tau ng tsinelas..hehe

  30. rio Says:

    hindi pa ako nasosorpresa sa buong buhay ko!! ..huhu

    astig ang bagong havaianas ah!!=)
    sana sorpresahin mo din ako kingdaddyrich..kahit rambo pink lang na umiilaw=)..hehehe

    kingdaddyrich reply on July 23rd, 2008 8:00 pm:

    hindi ka ba nasorpresa noong nagkita kayo ni cpa? :)

    rio reply on July 24th, 2008 11:41 am:

    ahahaha!! putik!! oo nga noh?!
    sobrang nasorpresa nga pala ako dun!! ahahaha…

  31. mahiwagang_sibuyas Says:

    shyet… ano un? habananas? havalamas? haba lamas? nde ko lam, mahilig ka pla sa lamas.. *kamot-ulo* pero tunog sosyal. kung ano man yan, makikikongratuleyt naren ako. (walang ganian sa dalampasigang kinaroroonan ng aming dampa) :D mabuhay ang haba lamas! ;)

    apir KDR!*

    kingdaddyrich reply on July 23rd, 2008 8:06 pm:

    ang halay

  32. acey Says:

    ayeee-heee!!! :) :)

    kingdaddyrich reply on July 23rd, 2008 8:10 pm:

    *kilig*

  33. twinkle Says:

    i know what u mean po… ang hirap mara-eng tao di nakikita ang byuti ng simpleng bagay.. kala nila kailangan bonggang-bongga ng sobrang bongga para maging mahalaga ang suprisa… yung naalala ka kahit pa choknat yan, o bebelgum ohmigoshi divlah… mapapakibit talaga ang tinglash mo sa tuwa dahil nyetang nyuwitness ng nilikhang ito… hay.. malaki maliit, mahal o mura, nancy navalta echos! basta ryt timing at ryt moment plus musical; scoring gow for the gold.. ako ayain ko ng umuwi huhubaran ko sya at maghuhubad na rin ako at ng makapaglaba nah… chekah! day halikang akapan ng umaatikabo at bungga bungga toh… un nah…

    kingdaddyrich reply on July 23rd, 2008 8:17 pm:

    *nose bleeding* chumochorva ka ah. ha haha!

  34. abou Says:

    saan kaya ang unang lakad ng tsinelas na yan ha ha

    kingdaddyrich reply on July 23rd, 2008 8:20 pm:

    ha haha. sa skul!

  35. ced Says:

    san kaya ko makakaita ng ganyang kaibigan?
    ahaha

    sosyal ka na kdr! panu ba yan?

    nbat walang comment si leyn? hmmm

    kingdaddyrich reply on July 23rd, 2008 8:22 pm:

    ha haha. ewan ko bakit walang na icomment. naaasar siguro dahil pareho na kaming may havaianas. lol

    Leyn reply on July 23rd, 2008 10:19 pm:

    hoi kdr, ginawa mo pa akong inggitera. hahahaha.

    kingdaddyrich reply on July 24th, 2008 12:37 am:

    ha haha.. di noh. :)

  36. sexy moi Says:

    yiheeee…. si kdr me Bb.B… kilig kilig hehe… la lang…

    kingdaddyrich reply on July 24th, 2008 12:53 am:

    ha haha! isyu yan ah! :)

  37. spongebabe Says:

    alam mo, ayoko ng surprises. ewan ko ba. kahit good. ayoko kasi nung pinag-iisip pa ako. naiinis lalo ako dun sa mga nagsasabing “may sorpresa ako sa’yo!” iniisip ko, kung may surprise ka, isurprise mo na lang ako, wag mo na sabihin dahil nababadtrip ako. hahahahaha!

    kingdaddyrich reply on July 24th, 2008 11:27 pm:

    taray! :) pero pareho tayo. :)

  38. akosikai Says:

    bigtime ka na talaga kingdaddy ha! and may brother ba yang si bb. b, gagawin ko ring boyfriend, para bilhan din ako ng ipanema, heheh..

    kingdaddyrich reply on July 30th, 2008 5:39 pm:

    meron kaso may asawa na. he hehe!

  39. eli Says:

    aba ang saya-saya nman ng kwento…

    kingdaddyrich reply on July 30th, 2008 5:41 pm:

    he hehe.. masaya ba? di naman eh. niloloko mo naman ako eh.

Leave a Reply