Gay-uma: Kwentong Bakla
Bakit dumadami ang mga bakla sa mundo samantalang hindi naman sila nanganganak?
Kamakailan lang ay naging usap-usapan sa buong mundo ang pagkilala ng California sa same-sex marriage. Isa itong malaking balita at tunay ngang mabuting balita lalo na sa sangkabaklaan, ngunit tinik naman na lalong tumutusok sa mga lalamunan ng mga tutol dito tuwing sila ay lumulunok. At hanggang sa kasalukuyan ay patuloy pa rin ang walang katapusang mga usap-usapan at diskusyon sa isyung ito.
Ang pagpapakasal ng dalawang taong may magkatulad na kasarian ay unang naging legal sa bansang Netherlands noong taong 2001. Ngunit hindi dito nagsimula ang kabaklaan sa mundo. May mga kasulatan sa kasaysayan na nagpapatunay na bago pa man ang panahon ni Mahoma, higit na matagal sa panahon ni Magellan ay ginagawa na ito sa ilang naunang sibilisasyon sa mundo. Gayunpaman, nang lumaganap ang Kristiyanismo ay nagbago ang tingin ng tao sa pagsasama ng dalawang may parehong kasarian. Dagdag pa rito ang pagdedeklara ng ilang emperador at hari na siyang makapangyarihan noong mga panahong iyon na ilegal ang pagiging homosexual at kung sino man ang mapapatunayan nito ay susunugin ng buhay.
Dito na marahil nagsimula ang mga tagong bakla. Sino ba naman ang may gustong sunugin ng buhay? HELL-EEERRR??!!!
Siyempre, hindi mawawala ang mga miyembro ng pederasyon sa Pilipinas. Nagkalat sila sa lahat ng dako: sa kalsada, karinderya, palengke, mall, paaralan, tindahan, kanto, beauty pageant, bahay niyo, sa loob ng kwarto mo o kahit sa loob ng simbahan. Ibat-ibang propesyon na rin ang napasok nila hindi lang ang maging paborito mong manikurista o parlorista. Maaaring isa siyang big boss ng isang malaking kompanya, pulitiko, sundalo, doktor, nars, inhinyero, guro, o di naman kaya ay boss mo sa iyong opisina. At hindi na ako magtataka kung pati ikaw na bumabasa ng lathalang ito ay miyembro ng alyansa.
Gayunpaman, nakalulungkot isipin na nagiging biktima pa rin sila ng ibat-ibang klase ng diskriminasyon sa ating bansa. At ang pagtanggap at legal na pagkilala ng pagsasamang homosekswal ay tila suntok sa buwan. Ito ang resulta sa oriyentasyong macho sa ating kultura na siyang dahilan din kung bakit may ilan pa rin na takot lumabas at magladlad. Idagdag pa rito ang dominanteng relihiyon sa ating bansa na siyang pangunahing kritiko sa mga ganitong usapin. Ngunit, nais ko lang ipabatid sa kaalaman ng lahat na ang bansangĀ Spain, na siyang sumakop sa Pilipinas sa loob ng mahigit sa 300 daang taon at nagpakilala sa ating ng Katolisismo ay nauna nang kilalanin ang same-sex marriage. Kung posible rin ba ito sa ating bansa, walang makakapagsabi.
Ang tanging magagawa na lang natin bilang tao ay ang paggalang at pagrespeto sa kanila, na iisang mundo pa rin ang ating ginagalawan at pantay-pantay na pagtingin sa lipunang ating kinaaaniban. Dahil kahit anong pagbatikos at pagtutol ang gawin natin, mananatili silang nadiyan at nangangailangan ng ating pag-unawa at pagmamahal.
To further conclude, every badey needs love, understanding and acceptance just like everyone else in the universe. Even the aliens need that. Dehins nila need all the okrays ng mga utaw na Murriah Carrey dahil kahit ano pang chorva at eklavu ng mga Lucita na itey, wa sila say sa Winnie Santos na gays. At kahit anik anetch na etchos at chenelyn pa ang i shoot, chembolar at keberetchi lang yan sa kanila. MaPagoda Cold Wave Lotion lang sila kakadakdak. Kaya sa mga mamita, entourage lang. Keribels ang crayola. Jombagin kapag wis makisama. Oks? Babush baklush!
Rampa na mga bakla!


July 10th, 2008 at 2:40 pm
hahaha. parang natural na natural na sayo galing yung dialogue ah!
in fairness, gusto ko yung FYI mo about Spain. malaking point yun. pero it will take millions of signatures, mahabang proseso sa husgado at parang obstacle course sa mga moralista bago maisagawa ang konsepto ng same sex marriage dito sa pilipinas.
kaya kung ako sa mga miyembro ng alyansa… mag migrate nalang sila sa CA. haha.
(ikaw, wala kang balak pumunta sa CA)?
kingdaddyrich reply on July 11th, 2008 12:40 am:
natural na natural ba? lols ikaw naman, parang hindi mo ako kilala sister.
oo, talagang special mention ang Spain. kasi nga napakahabang panahon na nasa ilalim tayo ng kanilang pamamahala at hindi naman maitatanggi na malaki ang naging impluwensiya nila sa atin lalo na sa relihiyon.
yung migration, pag iisipan ko muna. he hehe
July 10th, 2008 at 2:43 pm
thank you for bringing this up. saludo kasi ako sa isang blogger na nakilala ko and bading sya. kaya ako saludo sa kanya kasi alam nya ang paglulugaran nya. hindi nya pinipilit ang mga bagay na wala at hindi pa pwede… tanggap nya na talagang hindi pwede ang gusto nya at ang gustong gusto ko ay dahil MASAYA sya despite of everything. so nung nag usap kami, parang naging clear na hindi na namin kelangan pag usapan ang kung anong wala sya kungdi kung ano ang magpapasaya sa kanya at kung anong meron sya…
ayz reply on July 10th, 2008 8:36 pm:
akala ko, saludo ako kasi isa ka (ikaw rb,) na isang blogger na nakilala nya at bading.. hiihih.. buti nalang binasa ko ulit. ahahaha
kingdaddyrich reply on July 11th, 2008 12:50 am:
ako rin ayz natakot eh. ha haha… kinabahan ako bigla at binasa ko talaga siya ng paulit ulit.
kingdaddyrich reply on July 11th, 2008 12:45 am:
oo. minsan kasi kailangan din nating maki ayon sa idinidikta ng buhay. mahirap kung parati tayong susugod sa ayos. ang masaklap pa non, baka mapagod tayo, bumigay at malunod. buti na lang, may sapat na kamalayan ang kaibigan mo tungkol dito.
July 10th, 2008 at 2:57 pm
hahaha!!!! i like the way you ended this post…
to be honest with you, i didnt understand the words, but u are really, really funny, lol.
next time again.
kingdaddyrich reply on July 11th, 2008 12:49 am:
tutal honest ka, ako rin magpapaka honest na.
hindi ko alam kung tama ba ang pagkakagamit ko sa mga salitang yan kasi hindi ko naman gamay ang gay lingos. pero ni research ko pa talaga yung mga gay words na ginagamit nila sa gay conversations at aking sinikap ng buong sikap na magamit ito ng tama.
sa tingin ko may sense naman siya. eh hehe.
July 10th, 2008 at 4:25 pm
apir tayo vaklush!….
ang galing..kering keri lang ang usapin…
kingdaddyrich reply on July 11th, 2008 12:54 am:
uy, musta naman sa singapura? oki doks ba ang mga fafables diyan.
oo nga pala, na-remember ko na naman ang pinapa order mong vibrator. windang ang lola mo ano kasi vulgar ka sa pangangailangan mo.
cellphone na lang kaya ang gamitin mo sister?
July 10th, 2008 at 5:36 pm
marami akong friends na gay at lahat sila talented. marami sa kanila matagal ng nagsasama. kakaingit nga minsan kasi buti pa sila nalalagpasan nila lahat ng barriers kahit maraming tutol sa relationship na meron sila.
mag-asawang straight pero laging nag aaway at nag bubugbugan or mag asawang gay na magkasamang ino overcome ang challenges sa buhay… i wil definitely go for the latter…
kingdaddyrich reply on July 11th, 2008 12:56 am:
of course mas pipiliin natin ang isang maluwat na pagsasama.
but it doesn’t matter whether if it is a homo or hetero relationship. basta ang mahalaga, nagmamahalan kayo at nagtitiwala sa isat isa.
July 10th, 2008 at 7:42 pm
ang ganda ganda naman ng post na ito ate. hehehe
pero sabi nga ninyo ni leyn, malayo layo pa ang possibility ng same sex marriage sa pinas. pero at the same time we have to give respect to them. pantay pantay naman tau sa mata ng nasa Taas at siguraduhing hindi nakakasakit at nakakaagrabyado sa iba=]
kingdaddyrich reply on July 11th, 2008 12:58 am:
well said sister. standing ovation for you!
*claps*
July 10th, 2008 at 7:48 pm
sa maraming bagay, e marami akong say. pero hanggang ngayon, honestly, di ko pa rin alam ang stand ko about gay marriage. i have gay friends, napagusapan na naman namin yan, pero watak watak din yung opinion nila, at hanggang ngayon ewan ko wala pa rin akong ma comment.. so ayan.. eto na ata ang pinaka mahabang “no comment” na nagawa ko.
kingdaddyrich reply on July 11th, 2008 1:00 am:
kung di mo pa rin alam ang stand mo, bakit hindi mo subukan ang sit? baka sakali.
joke lang. he hehe..
napag usapan naman natin ito sa YM eh. gusto mo ipost ko dito sa comments ang usapan natin? he hehe
July 10th, 2008 at 7:54 pm
ay panalo sister!!! aammmmm…
teka… nampatola naman ndi ko naintindihan ung dialogue mo eh.. may nakatago bang message dun? hahaha…
naku, i can’t comment further pag relihiyon na ang kasabwat dyan..
nice entry i like it so much, pre!
kingdaddyrich reply on July 11th, 2008 1:01 am:
may message don jep. try mo itanong sa gay friends mo, baka ma gets nila.
July 10th, 2008 at 8:03 pm
ayan oh!
isang ka ng bayani ng mga kababayan nating bakla!
mabuhay si rb!
mabuhay ka sister!
*beso beso
kingdaddyrich reply on July 11th, 2008 1:02 am:
cheeks to cheeks…
cheeks ng pwet
donG hO reply on July 11th, 2008 2:18 am:
waheheheh
kingdaddyrich reply on July 11th, 2008 6:05 pm:
sasali ka ba kuya dong sa cheeks to cheeks namin ni ferbert?
donG hO reply on July 12th, 2008 2:08 am:
hahaha… wag mo na ako isali dyan.
kingdaddyrich reply on July 12th, 2008 4:03 am:
sali ka na. wag ka na mahiya. he hehe.
Leyn reply on July 12th, 2008 2:19 pm:
KADIRE! naiimagine ko!!! hahaha.
kingdaddyrich reply on July 13th, 2008 11:00 am:
mukhang sasali si leyn ah.
FB reply on July 14th, 2008 1:26 am:
tara..
gora na sister..
let’s do it na.. haha
kingdaddyrich reply on July 15th, 2008 10:40 am:
teka sasali ata si kuya dong.
rio reply on July 14th, 2008 1:11 pm:
hahaha..napadaan lang si dong, nasali pa sya…tsk tsk tsk…
donG hO reply on July 14th, 2008 11:02 pm:
oo nga eh. wrong move. buti na lang hindi pa check mate. hehehe…
kingdaddyrich reply on July 15th, 2008 10:43 am:
game na game na!
kingdaddyrich reply on July 15th, 2008 10:42 am:
ate rio gusto mo rin ba sumali? apat na tayo nina kuya dong at fb.
rio reply on July 16th, 2008 12:48 pm:
ahahaha!!…naku po! nagsisis na tuloy ako kung bakit ako napadaan d2..lols
nararamdaman ko na ang pagsisising nararamdaman ni dong..hehehe
July 10th, 2008 at 8:37 pm
To further conclude, every badey needs love, understanding and acceptance just like everyone else in the universe. Even the aliens need that. Dehins nila need all the okrays ng mga utaw na Murriah Carrey dahil kahit ano pang chorva at eklavu ng mga Lucita na itey, wa sila say sa Winnie Santos na gays. At kahit anik anetch na etchos at chenelyn pa ang i shoot, chembolar at keberetchi lang yan sa kanila. MaPagoda Cold Wave Lotion lang sila kakadakdak. Kaya sa mga mamita, entourage lang. Keribels ang crayola. Jombagin kapag wis makisama. Oks? Babush baklush!
Rampa na mga bakla!
antaray bakla! ahahaha.. kahit di ko naintindihan, natuwa pa rin ako.. ngaun ko lang narinig yung ibang mga words na yan. ahihihi
kingdaddyrich reply on July 11th, 2008 1:06 am:
tarush! hindi ako maniniwala. dapat alam mo yan ayz. miyembro ka ng alyansa. wag ka ng magtago. buking ka na.
ayz reply on July 11th, 2008 3:11 am:
hindi ko talaga alam..
Murriah Carrey
Lucita
MaPagoda Cold Wave Lotion
entourage
di ko alam yan.a ahaha
kingdaddyrich reply on July 11th, 2008 6:10 pm:
hi hihi.. yan ayz may translation na. basahin mo na lang.
July 11th, 2008 at 12:59 am
itong mga kapatid natin ay kailangan din nating respetuhin at tratuhin na equal. actually special nga sila eh. andami nilang impluwensya sa pang araw -araw na buhay nating lahat. kaya lang naman sila naituturing na mga deviant eh dahil makitid masyado ang norms na na-i-set ng mga moralista sa utak ng mga tao. may karapatan din naman sila sa isang relasyon na may blessing ni God. hay. sexuality politics.
SHARING NI ATE SHAWI:
lumaki ako sa isang gay environment:
may parlor kami dati, pwera pa sa isang negosyo namin, ito ang pinagkuhanan ng pambayad sa pagpapaanak ng nanay ko sakin.
nag-aral ako sa isang exclusive school for girls. how long? 12 years
dahil dun, nagkaron ako ng mangilan ngilan na girlfriendssssss. pero di na ako kompyus ngayon.
nagprpromote ako ng isang gay-friendly band. (tanya markova)
ang paborito kong blogger ay bading. sino sya? sikret. joke lang. andun sya sa luma kong blog.
boypren ko bading……………………………………………………….joke.
—hiatus ako eh. dito nalang ako magboblog.
kingdaddyrich reply on July 11th, 2008 1:10 am:
dahil makitid masyado ang norms na na-i-set ng mga moralista sa utak ng mga tao ->yeahboi!
at ang revelation na laking parlor ka, hindi na ako magtataka kung makita ko na lang si boyps mong bading (according to you) na bagong rebond!
July 11th, 2008 at 2:15 am
talagang nag research ka pa! hahaha… hindi mo naman ito ginagawa nung pwer rangers pa tayo.
i agree they deserve respect basta may respeto din sila sa sarili nila.
rio reply on July 11th, 2008 11:47 am:
oo nga KDR, bakit hindi mo ito ginawa nung power ranger days natin?
kingdaddyrich reply on July 11th, 2008 6:18 pm:
eh kasi naman ate rio, may umagaw na ng power ranger PINK eh. so kainis. errr….
rio reply on July 12th, 2008 9:38 am:
at sino naman ang churvang umagaw ng pink power ranger na titulo?? akin yun ah!! hehe..chuchurvahin ko yun!! echus!
kingdaddyrich reply on July 12th, 2008 1:01 pm:
yun na nga ate rio, inagaw mo eh. ako si pink. power ranger fink!!! hu huhu…
kingdaddyrich reply on July 11th, 2008 6:18 pm:
ha haha.. tamang research talaga ako. mahirap na baka magkamali. pero malamang wrong grammar yan. para akong nag-aaral ng ibang lengwahe.
eksakto! kailangan din nila irespeto ang sarili nila. siyempre, bago nila gustuhin na respetuhin sila ng ibang tao, kailangang respetuhin din muna nila ang kanilang sarili.
July 11th, 2008 at 3:22 am
hmmmmm…. I think everybody should be treated equally… a respect would be good… after all everyone deserves it naman diba… pero I doubt kung tatanggapin cla nang buong buo d2 sa pinas… in time siguro…hehehehhe… anyway that is just my opinion…
salamat nga pala sa iyong pagdaan sa aking blog…
kingdaddyrich reply on July 11th, 2008 6:20 pm:
and everyone is entitled to his/her opinion. salamat sa pag-share mo ng iyo.
maraming salamat din.
July 11th, 2008 at 6:35 am
katulad ni kris jasper, di ko makonek konek kung ano ang ibig sabihin ng nasa quotation.
wala na tayong magagawa sa ganitong usapin kundi ang tanggapina ng kanilang existence at respetuhin as long as hindi sila perwisyo sa atin at sa lipunan.
kaya lang at times, ipakita rin ng mga dakilang bakla na ito na karespe-respeto din sila lalo na sa atin sa pinas na talagang talo pa ang mga pulitiko kung magladlad to the point na nagiging funny na sila at tuluyan na nga silang ginawang laughing stuff.
sa susunod maglagay ka bossing ng synonyms ha. di ko mahahnap sa thesaurus! bongga! hahaa…
kingdaddyrich reply on July 11th, 2008 6:22 pm:
sa pilipinas marami ngang ganyan. marahil sa environment na kinalakhan nila kaya sila ganyan. tulad nga ng sinabi ko, kung gusto nila na respetuhin sila ng iba, matuto rin sana sila na respetuhin ang sarili nila.
at fafa may translation na ang quotation. nandito, isa sa mga comments dito. he hehe. paki spread na lang sa alyansa ah.
July 11th, 2008 at 9:16 am
hahaha! parang dinaig mo pa ako sa pag-gay lingo ah…
we do have “holy union” which is rendered by father mickley (of st. aelred church)… not a “marriage” yet since it isn’t recognized by the state but… if it is all about commitment, the “holy union” covers enough excluding the legal obligations of a spouse…
nga pala, st. aelred is a gay saint… one and only…
p.s.
pagoda gonzaida akeru kaya now lang naka-visit… mizwa ko ng mga bloggey mes….
kingdaddyrich reply on July 11th, 2008 6:24 pm:
waw! may ganyan pala. pero bakit ganon? kung may gay saint na kinikilala ang church, bakit sobrang against sila against same sex marriage and homosexuality?
shet! mukhang na gets ko ang PS mo ah. he hehe.
July 11th, 2008 at 11:43 am
hindi ko masyadong naiintindihan yung dialogue sa huli.hehehe..
ano ba ung chorvah? parati ko kasing naririnig yan e..
may narinig nga ako na ganitong uspan ganit ang salitang chorvah:
chumorvah ka na nga.
tawag ka ni bading at chumorvah ka na daw.
chochorvah ka na ba?
o sya, sige chorvah na ako..
napapangiti lang ako dahil baka mali yung iniisip ko..hehehe
respeto at pagunawa ang kailangan ng mga taong katulad nila.
donG hO reply on July 11th, 2008 3:50 pm:
lalo mo tuloy ginulo ang buhay ni doc. hahaha… di kaya may dictionary na rin sila sa internet?
rio reply on July 11th, 2008 4:08 pm:
oo nga! nawindang ang aking mundo sa mga words ni KDR.. san ba kami pwedeng makabili ng diksyunaryo nila? hehe
kingdaddyrich reply on July 11th, 2008 6:26 pm:
internet lang. marami diyan. he hehe.. o kaya kung may gay friends ka ask mo na lang sa kanila.
kingdaddyrich reply on July 11th, 2008 6:26 pm:
oo nga eh. he hehe.. yung mga salitang gay na yan sa Internet ko nakuha. malamang may mag compile niyan at makakakita na tayo ng gay linggo dictionary sa net.
kingdaddyrich reply on July 11th, 2008 6:25 pm:
ha haha. si ate rio talaga oo. ano kaya ang iniisip mo? teka lang ah, chochorva lang ako.
rio reply on July 12th, 2008 9:45 am:
ano ba yang CHORVANG YAN!??????
sya sy! chumurvah ka na nga! baka machurvah lang kita e..eklabu! labu ko=)
kingdaddyrich reply on July 12th, 2008 1:09 pm:
ha haha. basta! chorva na lang ng chorva! he hehe..
rio reply on July 14th, 2008 1:13 pm:
sya! chorvah kung chorvah!!!
mabuhay ang chumuchurvah!!!hehehe
July 11th, 2008 at 11:54 am
ayos to. nachorvahan mo tsong. by the way, ano ba difference ng homosexual sa metrosexual?
kingdaddyrich reply on July 12th, 2008 4:04 am:
let’s ask google. he hehe.
Tentay reply on July 15th, 2008 8:13 am:
metro ang alam ko un ung banidoso ba un? sobrang vain na lalaki pero straight? heheheh.
kingdaddyrich reply on July 15th, 2008 10:45 am:
yep. tama! he hehe..
July 11th, 2008 at 3:24 pm
ahahaha. . . hmmm, sa quote ulit ako magrereact, parang sanay na sanay ah. . . .
wahahahahhaha!
(hmm, medyo di kasi ako open sa ganitong usapan, di lan ako pabor, so yun, i won’t tell much in details, baka pagcheck ko ng blog ko e may nuclear bomb tsenelingers na dun. . . ayun nga lan, minsan din bakla din akong magsalita…ahahaha.)
teka, hmmmmmm, pero sobrang bilib ako sa mga joodingers na trying to embrace their masculinity, like LUMALABAN, ayaw na nilang maging bading, i know few gays na ganun, nakakatuwa sila.
grrrrrrrrr, SABI KO HINDI AKO MAGKOCOMMENT ABOUT THIS, but i stupidly unintentionally DID. . . i s*ck. ahahaha. . .
pero I STILL DO RESPECT THEM, sana nga lan, hindi nalang ganun… you are getting my point diba po?
>>>>natas naman ako dito.awwwww. . .
kingdaddyrich reply on July 11th, 2008 6:28 pm:
naku nahalata ako na sanay. nako! nako!
ha haha.. paki elaborate puhlease.
joke lang. got your point! exclamation point!
napundingalitaptap* reply on July 14th, 2008 2:19 pm:
=p
ahahaha. . .
“got your point! exclamation point!” >> huwaw, so poetic…ahahaaha! =p
kingdaddyrich reply on July 15th, 2008 10:49 am:
he hehe.. ganon talaga, kalabasa!
July 11th, 2008 at 5:51 pm
natawa ako sa post script mo ah. parang nakaka baluktot ng dila.
marami akong close friends na bading. they’re the most caring people in the world, sa aking opinyon. at tama lang na bigyan sila ng respeto dahil matino naman ang karamihan sa kanila. pinapaganda nga nila ang mundo at dinadagdagan ng “spice” ang buhay ng sinomang makasalamuha nila.
i love gays!
kingdaddyrich reply on July 11th, 2008 6:29 pm:
buti most caring. ang basa ko kanina most scaring eh. eww. he hehe…
di lang ata spice ang ibinibigay nila, pati color. ilabas ang krayola!
July 11th, 2008 at 6:04 pm
To further conclude, every homosexual needs love, understanding and acceptance just like everyone else in the universe. Even the aliens need that. Hindi nila kailangan ang mga paninira ng mga tao na cheap dahil kahit ano pang sabihin ng mga losers na ito, wala silang masasabi sa mga winners na homosexual. At kahit ano ano pang tsismis at isyu ang ibato, wala yan at keber lang yan sa kanila. Mapapagod lang sila sa kakadakdak. Kaya sa mga bading, enter lang. Carry lang ang iyak. Bugbugin pag hindi nakisama. Oks? Babay baklush!
Rarampa na ako! awww!
July 11th, 2008 at 6:29 pm
sabi nga ni Judith Butler, gender is performative. Maaari kang maging babae at lalaki base sa kung ano ang gusto mong i-perform na gender at sabi pa nga ng isang matalinong tao… errr, nakalimutan ko na… si Carl Jung ata. ATA lang okeeei… hahaha!!! dahil sa nag-eexist ang animus at anima sa tao, di naman malayong mangyari na talagang ang isang parte ng duo na ito eh mas magdominante kesa sa isa…
naisip ko lang, mula ng dumugo ang ilong tenga at mata ko sa thesis namin noon (naging about sa bakla, movies at lipunan un thesis namin kahit hindi dapat pero dahil bading si adviser eh naging ganon…) naisip kong bakit nga ba may mga judgmental na tao…
sino nga ba ang nagsabing ang first gender ang mga lalaki, second gender ang mga babae at third gender ang mga bakla/tomboy??? tayo tayo lang din naman… kung siguro lahat tayo iisipin na lang na wala naman talaga tayong kasarian mula sa simula at asexual nalang tayo siguro wala na magpapaka-judgmental sa mundo.
mahal ko pa naman ang mga bading kong friends at yung iba din
kingdaddyrich reply on July 12th, 2008 4:24 am:
pinatutunayan ng comment na ito ang isang madugong nakaraan sa thesis mo. ang galing!
bakit nga ba may mga judgmental na tao?
tulad ng sinabi mo, tayo tayo lang din naman ang nagbibigay ng “standards” dito sa mundo. at kabilang sa mga standards na ito ang panghuhusga. kaya nga may mga taong pabor at hindi pabor sa ilang isyu, partikular na ang isyung ito. at malabong lahat tayo ay iisa lang ang panig.
superboi reply on July 12th, 2008 11:23 am:
ang saklap lang na kaya hindi natin makuhang maging iisa ang takbo ng utak sa ibang bagay dahil iba iba ang experience natin sa buhay na ang nangyayari sa iba, nasasara ang utak nila.
sino ba ang nag simula ng “standards”, katayin natin.
=)
kingdaddyrich reply on July 12th, 2008 1:13 pm:
open mindedness to reality. tama. hindi yung gumagawa lang ng kung ano anong excuses para magpasintabi sa mga kakulangan.
at kung tutukuyin natin kung sino ang nagsimula ng standard na yan, it dates back kung kailan nagkaron ng mga unang tao.
July 11th, 2008 at 9:56 pm
basta di parloristang bakla ok lang yun sabi nga ng mga isa sa mga kaibigan ko “hindi ka in pag di ka bisexual” at sinabihan din ako nun minsan na “wag kang magugulat na ikaw na lang ang straight sa pilipinas”…
basta di perwisyo ok lang… gusto nila ng kapwa nila e, pabayaan na lang natin…
kingdaddyrich reply on July 12th, 2008 4:37 am:
wag kang magugulat na ikaw na lang ang straight sa pilipinas
nakakagulat naman yun.!
July 11th, 2008 at 11:51 pm
klapey klapey…
kingdaddyrich reply on July 12th, 2008 5:21 am:
wee… chumochorva
July 12th, 2008 at 3:42 am
ay vaklush! feel ko itey! and for sureness, winnie d’pooh ang beauty mo sa mga shokling!
on a more serious note, ang akin lang eh tao rin sila. ang karapatan ng mga mga tuwid na babae at lalake, karapatan din nila. at napakaraming problema ng buong mundo para aksayahin natin ang oras natin para mag-debate kung dapat bang payagang magpakasal ang mga bakla!
may karapatan silang lumigaya katulad ng lahat sa atin.
kingdaddyrich reply on July 12th, 2008 5:02 am:
yun yun eh. napakaraming problema sa mundo pra aksayahin ang oras natin para magdebate sa apgpapakasal ng mga bakla. oo nga naman. tsk tsk.
July 12th, 2008 at 7:28 am
Okay naman saken to. Kaso lang kung usapin naman ng kalandiang bakla, yun na ang tutol ako. Pero kung ang tipo naman ng bakla eh sophisticated at modern, na meron namang pagpapahalaga sa respeto sa sarili, panalo yon!
Charot sa baklang maharot!
kingdaddyrich reply on July 12th, 2008 2:09 pm:
winnie santos sister! afir!
Leyn reply on July 16th, 2008 2:37 am:
palibhasa may masamang nakaraan si M tungkol sa mga bading.
nyhahaha.
July 12th, 2008 at 3:27 pm
bakla nga naman. may sariling way ng pag rereproduce. haha. kdr, exchange tayo links ah?
kingdaddyrich reply on July 13th, 2008 11:02 am:
sige lang po. link lang.
at magreproduce! ha haha.
July 12th, 2008 at 4:51 pm
ikaw na ngayon ang bagong patron ng aming federasyon! mabuhay ka!
maghugas ng kamay bago at pagkatapos kumain.. lol
galing mo! isa kang henyo!
bilib ako sa ‘yo ateh…
tara na rampa tayo
kingdaddyrich reply on July 13th, 2008 11:15 am:
ha haha. sige sambahin niyo ako. wohoo!
July 12th, 2008 at 9:03 pm
Gays deserve respect, too. Hindi naman sila liability eh. Tsaka makulay ang buhay kapag may bading sa paligid.
Kuya, baklang-bakla ang post script mo, haha:D
kingdaddyrich reply on July 13th, 2008 11:20 am:
ha haha.. ilang taong kong ni-practice yan kei.
July 12th, 2008 at 10:55 pm
masaya talaga ang mga bading. haha. anong nangyari sayo, bro? bakit sa huli ganyang ang lingo mo? pwede na! hehe.
kingdaddyrich reply on July 13th, 2008 11:22 am:
papasa na ba sa wowowee acey? lols.
July 14th, 2008 at 11:32 am
yeeey. nakabalik na ako rito.
imissyou kdr!
haha.ayos lang saken yan, tanggap ko naman yung bakla kong kapatid.wag lang siyang magpapakasal sa katulad niya. lelechunin ko siya!
:))
o mabuhay ka!
kingdaddyrich reply on July 15th, 2008 10:50 am:
ha haha… pucha ang brutal. talagang lelechunin! ha haha! go girl!
July 15th, 2008 at 12:42 am
ayos! haha kering keri mu. Panindigan mu nalang kaya? haha sabi nga sa isang thread na nabasa ko, accept them as they are but it doesn’t mean we tolerate their doings. Tanggapin sila bilang tao at tulungan magbago. Ayan ang stand ko. Kasi walang nilalang ang Diyos na bading uh tibo. girl at boy lang XD
kingdaddyrich reply on July 15th, 2008 10:53 am:
magandang input yan ah. yan din naman ang paniniwala ko eh. na dalawa pa rin naman talaga ang klase ng nilalang sa mundo sa aspeto ng kasarian, ang lalaki at babae.
July 15th, 2008 at 8:14 am
hahahahha astig na last par. ahahha parang natural. *eeek?
kingdaddyrich reply on July 15th, 2008 10:58 am:
nako, kaya nagdadalawang isip ako ilagay yan. baka magmukhang natural. ha haha.. wala nang maniwala sa akin.
July 15th, 2008 at 4:44 pm
panalo ka sister! hahaha.
medyo nag-nosebleed ako nang konti sa concluding paragraph. pero keri lang. haha.
well, tama naman na dapat din silang irespeto gaya ng iba pang “nilalang” sa mundo. pero dapat patunayan nilang they deserve respect from other people.
kingdaddyrich reply on July 17th, 2008 9:42 pm:
ang totoo, anemic na ako ngayon dahil sandamakmak na dugo ang iniluwal ng ilong ko habang isinusulat at tinatype ito.
kumusta naman ang iba pang “nilalang”
July 16th, 2008 at 5:44 am
congrats sa mga magpapakasal..best wishes…ahe he he..
kahit san ka naman magpunta may discrimination eh….sa lahat ng bagay yan..
ewan ko ba kung sino ang nag invent ng salitang descrimination…
bakla din ba si lapu lapu?ahe he he
kingdaddyrich reply on July 17th, 2008 11:04 pm:
ngak. bakit naman pumasok sa isip mo na bakla si lapu lapu?
July 16th, 2008 at 1:06 pm
Actually, yan din ang ipinagtataka ko dati…hindi naman nanganganak ang mga bakla pero patuloy silang dumadami.
Pero dahil sa dumadami na ang naglaladlad, napisil ko na ang karamihan sa kanila ay mga nagtatago lang dati. Kasi nagugulat na lang ako na yung tito ni Ano ay bakla pala…yung kuya ni Ganyan ay bakla pala.
kingdaddyrich reply on July 17th, 2008 11:32 pm:
magandang konkusyon yan! pwede!
July 16th, 2008 at 3:37 pm
ay bongga! medyo sumaket ng konte ang aking baby bangs sa ingles words dito pero imperness panalo.
yeah mabuhay ang kabaklaan! mabugaaaay!
kingdaddyrich reply on July 17th, 2008 11:50 pm:
mabugey!
July 18th, 2008 at 1:30 pm
im not against abouth same sex r.ship coz i am also part of that,,hehe yah i hve a gf and yet were the same.. sana nman all people out der wud realiza na ndi masama ang magmahal sa parehas as long as wla tayong natatapakan n ibang tao db? my ilan lang tlagang makikitid ang utak .. dapat nererespto ntin ang bawat isa mapa bkla man yan o ano pa man andami kong friend na gay and i know qng panu mgmhal ang mga un bgay todo so sna nman respect each ader na lang..
kingdaddyrich reply on July 23rd, 2008 8:24 pm:
teka. kilala ko ba itong bob na ito?
July 23rd, 2008 at 3:35 pm
Matagal nang isyu ‘to, pero sa tingin ko’y nagkaroon ng maliit na pagbabago sa pagtingin sa mga homosexuals o third sex.
Dahil na rin sa kontribusyon nila sa iba’t ibang industriya, at sa di maikakailang pagdami nila, unti-unti nang natatanggap ng mga tao ang kanilang presensya. Kumabaga, nagiging normal na lang para sa mga karamihan ang makakita ng mga cross-dressers at mga lalaking may makakapal na make-up. Isa pa, lumalawak na rin ang kaalaman ng mga Pilipino dahil sa mga isyu na hinaharap ng bansa. Kumbaga, hindi na big deal para sa mga Pinoy ang mga homosexuals. Although hindi pa rin natin maitatanggi na mayroon pa ring mga tumutuligsa dito, lalo na yung mga may maliit na pang-unawa sa mga sitwasyon…
BUHAY NA ULIT AKO! haha…
kingdaddyrich reply on July 23rd, 2008 8:26 pm:
namatay ka ba? he hehe.
July 23rd, 2008 at 9:14 pm
Uu hehe..eto ako ngayon..nagmumulto…
August 1st, 2008 at 6:15 pm
hey hey hey!
nakakalungkot ngang isipin na sa ikina abanse ng modernong pamumuhay ay tila hindi pa rin maluwag na tanggap ng ating lipunan ang mga bakla. i agree na dahil na rin sa kulturang macho sa ating bansa kaya hanggang sa ngayon ay wala pa ring ladlad na pulis o di kaya’y militar. pero para sa akin higit pa sa dokumento ang pagmamahal sa isang tao. di ko ma imagine na ihahatid ako ng jowa ko sa dambana at doon kami mag a- i do- han. after all, di naman namin goal ang magpadami kaya mas ok kung maging mutual ang relasyon bakla kesa kasal.
kingdaddyrich reply on August 1st, 2008 8:01 pm:
thanks sa iyong opinyon. at salamat sa pagiging totoo sa sarili.
sonya sonya reply on August 1st, 2008 11:45 pm:
basta ikaw daddy, nanginginig pa! chekah! salamat din sa pagdaan sa aking mumunting blog… xoxo
kingdaddyrich reply on August 2nd, 2008 12:24 am:
ha haha. nanginginig. sa bagay maulan ngayon at maginaw!