Bagyo ng Sipon
Ilang araw ding halos walang tigil ang ulan dahil sa dumaang bagyo. Dumaan na nga lang, nag-iwan pa ng mga disgrasya at problema. Hindi na bago ang mga ganitong sinaryo sa atin. Baha, pagguho ng lupa, paglubog ng eroplano, pagbagsak ng barko, flashfloods, ipu-ipo, lumilipad na bubong, inaaanod na bahay, mga sakit at epidemya, at marami pang iba. Buti na lang at hindi ako tinangay ng bagyo dahil napagtanto siguro ng langit na may misyon pa ako sa mundong ito at marami pa ang ililigtas ko sa pagkakasala. Diyan siya nagkakamali. Pero hindi tungkol diyan ang ibo-blog ko, dahil alam kong sukang-suka na kayo sa tila piratang VCD na paulit-ulit sa TV.
Sipon.
Hindi ako maniniwala kung sasabihin mo sa akin na minsan sa buhay mo ay hindi ka nakaranas na magkasipon, dahil kahit ang aso namin na si Jeniffer ay nasaksihan ko na nagkasipon. At kahit hindi ko pa nakita na suminga si Jeniffer, hindi rin ako maniniwala kung sasabihin mong hindi ka marunong nito. Sa madaling salita, isa ka pa ring mortal at may mga pagkakataong wala kang ibang magagawa kundi alipinin ka ng sipon mo.
Maliban sa sarili ko, madalas na sinasabi ng nanay ko na maganda raw ang ilong ko. Isa lang itong malaking bola at pampalubag-loob dahil parang sa kanya ko namana ang pagiging sensitibo ng ilong ko. Hindi ko alam kung anong problema ng maganda kong ilong (ayon sa nanay ko) pero talagang may mga panahon na hindi ako tinatantanan ng sipon. Pero sa totoo lang, wala itong pinipiling panahon.
Iba’t ibang sipon na ang dumaan sa ilong ko. May malapot, may malabnaw, mabula, mamuti-muti, yellowish, medyo green, puro at mayron ding may halo. Pero ang sipon higit na kinasusuklaman ko ay yung sipon na parang tubig, na tatawagin nating tubig-sipon. Hindi ito ang tipo ng sipon na madalas nating nakikita sa mga batang-kalye na naglalabas-pasok sa ilong nila. Kahit adik ka at talentado ka sa pagsinghot, hinding-hindi mo ito magagawa sa tubig-sipon.
Ito yung tipong magwalis lang ako ng kaunti ay babahing na ako ng bonggang bongga at aatakihin na ako ng tubig-sipon na ito. Kahit magpunas lang ako ng ilang maalikabok na gamit ay mangangati na ito na parang may langgam na itim na gustong kumawala sa butas ng ilong ko. At noong minsang pumasok ako sa isang tindahan ng tsinelas sa isang sosyal na mall, ay nagmayaman ang ilong ko at parang may balahibong may kumiliti sa nostrils ko. Di na ako tinigilan ng kakabahing pagkalabas ko ng tindahan at hindi ko na rin tinigilan ang sarili ko na singhutin ang sipon ko.
Naaalala ko pa nang minsang gumagawa ako ng takdang-aralin at kasagsagan ng pag-atake ng tubig-sipon ko. Bigla na lang tumulo ang tubig-sipon ko sa notebook. Ang ganitong klase ng sipon ay yung klase na kusang tumutulo kahit hindi mo isinga. At kapag isisinga mo naman, wala namang lalabas at malulungkot ka lang. Sa mga panahong ganito, tissue lang talaga ang matalik kong kaibigan at nakakaubos ako ng isang rolyo sa isang gabi. At nilalasing ko ang sarili ko sa isang tasa ng mainit na kalamansi juice.
Kung hindi lang kahiya-hiya na magsalpak ako ng bulak sa butas ng ilong ko para kahit paano’y mapigilan ang hindi mapigilang pagragasa ng tubig-sipon ko, nagawa ko na. Kaso kahit pagbali-baligtarin mo ang mukha mo, nakakahiya pa rin ito. Minsan ko na ring naisip, bakit kaya hindi na lang binaligtad ang itsura ng ilong (nai-imagine niyo naman siguro)? Kahit paano, hindi magkukusang tumulo ang sipon at kailangan pa itong mapuno bago tumapon. Pero hindi pala pwede. Lalo sa mga maulang panahon tulad nito. Dahil kapag direktang masalo ng ilong ang ulan, tiyak maraming tao ang malulunod. Isa pa, mahirap pala suminga kapag baligtad ang ilong dahil tatalsik lahat ng sipon sa mukha mo.
Tulad ng isang bagyo, parang umaangging ulan ang epekto tuwing bumabahing ako. Sa totoo lang, kung may bayad ang bawat bahing at pagsinga ko, malamang naging milyonaryo na ako at nakapagbigay na ako ng donasyon sa mga biktima ng sakuna tulad ng nangyari nitong huli lang. Kaso, hindi.
Sa buhay ng tao, may mga pagkakataong binabayo tayo ng bagyo. At sa mga ganitong panahon minsan ay humahanap tayo ng taong masasandalan. Pero hindi natin alam na sarili lang din natin ang higit na makakatulong sa atin. Pare-pareho tayong tao. Ngunit kung magpapatalo, wala tayong pinagiba sa mukhang baligtad ang ilong sapagkat lulunurin lang tayo ng sarili nating sipon.


June 25th, 2008 at 10:52 pm
anuber! patay na pala si jennifer!
ang pinaka-ayaw ko pag sinisipon ako eh tuwing magbabara ang ilong ko at sapilitan akong hihinga sa pamamagitan ng aking bunganga na parang nagiiscuba dive! am i taking your post literally o metaphorical ang mensahe nito? parang may something e… hehe.
(idagdag mo na ako sa nanay mo na nagsasabing maganda at matangos ang ilong mo.)
lethalverses reply on June 27th, 2008 9:24 am:
yeeey! ang swit ni leyn!!! ahehehehe…
Leyn reply on June 27th, 2008 4:15 pm:
hay nako sherwin… sige na nga… maganda na rin ilong mo.
haha.
kingdaddyrich reply on June 28th, 2008 12:32 am:
@leyn - sana gumamit ka na ng oxygen tank para at lumubog sa tubig para feel ang scuba dive.
mapamethaphorical o literal, kanya kanya na lang yan.
at saamat sa papuri, dalawa na kayo ng nanay ko ang nagsabi niyan.
naiinggit tuloy si lethalverses. he hehe
@lethalverses - yan oh, maganda na rin daw ang ilong mo. ang sweet diba?
jeck reply on June 28th, 2008 7:59 am:
*taas kamay*
ako rin po maganda ang ilong. *wink*
kingdaddyrich reply on June 28th, 2008 9:45 am:
ha haha.. parang you volunteered yourself ah.
popoy reply on June 30th, 2008 11:38 am:
ang plastik hahahaha
piz!!
kingdaddyrich reply on June 30th, 2008 4:57 pm:
sinong plastik? tara at ipapakilo ko.
Leyn reply on July 1st, 2008 4:37 am:
guilty ako. ngayon ko lang napatunayan kung gaano ka sensitibo ang ilong mo. biruin mo pinindot ko lang dahil natutuwa ako sa ilong mo tapos sinipon ka na.
ano ba namang ilong yan… dapat may pangalan yang ilong mo.
Leyn reply on July 1st, 2008 4:35 am:
ikaw rin popoy… maganda na nga rin ilong mo. kahit di ko pa nakikita. haha.
popoy reply on July 1st, 2008 2:19 pm:
maganda talaga ilong ko leyn hahaha. biro lang hehehe
Leyn reply on July 4th, 2008 9:53 pm:
haha. i’m looking forward to meet your nose, pare.
June 25th, 2008 at 11:55 pm
mukha ngang di ideal na design ang baliktad ang ilong, sahod lahat ng patak ng ulan at shower kung maliligo (siguro makakaimbento naman sila ng nose-cap / clip)…tsaka parang mahirap atang linisin ang baliktad na ilong.. he he he.., pero puede rin syang gamitin for tricks, ‘yong lalagay ka ng maliit na bola sa ilong mo, then alalay ang paghinga para lumutang-lutang sa ere ‘yong bola.. lolz.
the last part, malaman (puede ring makatas, may sipon eh)… tama, kung minsan masyado lang tayong umaasa sa iba, samantalang kaya naman pala nating mag-isa, pa’no nalang kung dumating ang panahong wala na ang “iba” at nag-iisa nalang tayo…. hahayaan nalang ba nating malunod tayo sa sipon?? (yyuukkk)
kingdaddyrich reply on June 28th, 2008 12:40 am:
naku kuya mangyan, mahirap ata ang sinasabi mo kasi vacuum lang ang nakakagawa na mapalutang ng bola sa ere. pero magandang ideya yan. kaso ulit, mukhang imposible ang normal na tao na may baligtad na ilong. pati ata abnormal na tao mahirap magkaroon ng baligtad na ilong eh.
makatas? ha haha. parang ako lang. lols
June 26th, 2008 at 1:55 am
hahahaha… talagang tubig sipon ang tatawagin mo dun.
kainis nga lang kung minsan pag ganyan kawawa ang mga tissue tapos nung bata pa, pati mga damit biktima ng sipon.
natulo sa notebook>>> eh di magiging paste yon? wahehehe…
kingdaddyrich reply on June 28th, 2008 12:44 am:
aba oo nga. bakit ba hindi ko naisip yun dati. sana inipon ko ang lahat ng tubig sipon ko.
June 26th, 2008 at 2:09 am
uhugin ba? ^_^
kingdaddyrich reply on June 28th, 2008 12:51 am:
oo eh. buti na lang naimbento ang tisyu.
June 26th, 2008 at 6:43 am
isa ang sipon lalo na ang paghatsing sa defense mechanism ng ating katawan. sabi ang kulay ng sipon lalo na ang plema ay indikasyon kung anung klaseng infection meron ka. kung viral ba o bacterial. ang nerd ko tlaga. hahaha
pero naalala ko yung kaklase ko na lumobo ng parang maliit na plastik balloon ang sipon sa ilong. nyahaha. kadirs! hehehe. pati sya napatawa e. ehhehehe
kingdaddyrich reply on June 28th, 2008 12:54 am:
pero kung tubig-sipon nga? clear tapos malabnaw? ano yun?
kailan nangyari yan? kung ngayong college na yan, nako ah. nakakahiya.
June 26th, 2008 at 12:17 pm
pareho tayo sensitib ang ilong. just the other day, nagka-tubig sipon ako. kaya kahit na malilate na ako, dumaan muna talaga ako sa mini-stop para bumili ng tissue dahil wala akong panyo.
hassle ang tubig-sipon. sneaky sya. bigla na lang syang dadaloy ng hindi mo alam. T_T
kingdaddyrich reply on June 28th, 2008 12:56 am:
at habang tinatype ko ang komenton ito ay inaatake na naman ako ng pesteng sipon na ito. wahhh.. ano ba naman ito!
June 26th, 2008 at 12:34 pm
buti sayo sipon lang tumama sa yo. sa kasagsagan ng bagyo nagkataon outing namin sa batangas, dun namin inabutan ang bagyo, nakapagswimming pa kami sa beach, at yun mukhang may nakalusot na tubig sa tenga ako at nagkainpeksyon, hanggang ngayon masakit pa rin!
kingdaddyrich reply on June 28th, 2008 1:02 am:
nako pa check up ka na kulot. baka sipon ng mga lumalangoy sa beach ang pumasok sa tainga mo. sige ka baka magkasipon na rin yang tenga mo.
June 26th, 2008 at 12:52 pm
kung gray ang sipon, doc ced, ano ibig sabihin nun?
kulangot? ^_^
kung yellow-green to green na, baka kelanganin na ng antibx. tama ba doc?
kingdaddyrich reply on June 28th, 2008 1:04 am:
salamat po doc. lols
June 26th, 2008 at 1:31 pm
mag clusivol araw-araw dahil bawal magkasakit.
kingdaddyrich reply on June 28th, 2008 1:07 am:
para sa sipon ba ang clusivol?
June 26th, 2008 at 1:40 pm
rbilog, heto n naman ako? at kailangan pala si leyn ang una sa comment hahaha.
Sipon sipon sipon. ang sipon,bow.
sakit ko din ang sipon rbilog. pareho tau. allerghic rhinitis yata ang tawag jan. yung masyadong sensitibo ang ilong sa mga bagay na nakakairita sa mga nerves at buhok buhok nito. kaaway ko ang alikabok, kaya tuwing maglilinis si mama ng bahay nding ndi ako nagsstay sa loob dahil after ng 1 minute for sure nagchechemical reaction na ang alikabok sa ilong ko hahaha. chemical ang alikabok, wag ka ng umapela hahaha.
walang binatbat yang pagkaallergic mo sa sipon sa sipon ko. kasi ako once na tumagal ang sipon ko for sure kasunod na nito ang HIKA o asthma. nandyan na yung hihingalin ako at hindi ako makahinga. kaya kaaway ko talaga ang alikabokya.
naranasan ko na din yang tubig sipon, kala ko nga tubig yun eh nainom ko. yaks hahaha. biro lang :). minsan napagkamalan ko din tubig-sipon ang balinguynguy. akala ko eh sipon pagtingin ko dugo na pala. dahil pala yun sa init.
speaking of init, once na maarawana akoat biglang malamigan SIPON din ang sumatotal nun. bawal din akong mahamugan dati pero ngayon okey na. hahaha.
samakatwid ang sipon ay sipon walang sense putah hahaha
kingdaddyrich reply on June 28th, 2008 1:12 am:
hindi naman kailangan, nagkakataon lang na siya parati ang nauuna. ang babagal niyo kasi. ha haha…
may nakapagsabi na rin sa akin na allergic rhinitis nga raw ito. kahit nga may dumapong lamok sa butas ng ilong ko, yan na at nagrereact na siya. matalik ko ring kaaway ang alikabok o ano pang allergens sa pali paligid. ganito siguro talaga pops kung gwapo. wala naman tayong magagawa diyan, parte na nang buhay na ito.
mas kawawa ka lang nga kasi asthmatic ka pala, na isa pang klase ng allergy.
popoy reply on June 30th, 2008 11:42 am:
hahha. oo nga rbilog. putek. alam mo ba nung nagcomment ako dito sakto akong sinipon? kasalanan mo lahat ito rbilog hahaha. piz!
kingdaddyrich reply on June 30th, 2008 4:59 pm:
ha haha.. ang lakas ng bayrus ko. lols.
Leyn reply on June 28th, 2008 2:02 pm:
alangya ka popoy, pati pangunguna ko sa comment na iintriga mo pa. haha. nagkakataon lang yun!
popoy reply on June 30th, 2008 11:42 am:
wala naman akong sinasabi leyn? defensive hahhaaha!!!!
kingdaddyrich reply on June 30th, 2008 5:00 pm:
ha haha.. isusumbong kita pops. magtago ka na sa mga dapat mong pagtaguan.
popoy reply on July 1st, 2008 2:20 pm:
adik kayo. kung pupunta kayo sa sabado naku makikita nyo na si popoy hahaha
June 26th, 2008 at 1:54 pm
Haha. ‘Yan ang isa sa mga kinaaayawan kong mangyari, ‘yung magkaroon ng sipon. Huhu. Sobrang hassle kasi, e. Saka napipilitan akong magdala ng payong kapag umuulan. LOL.
kingdaddyrich reply on June 28th, 2008 1:18 am:
baligtad ba ang ilong mo at kailangan mo ng payong para iwasang masalo ng ilong mo ang ulan? malabo naman kasing sa payong mo sinisinga ang sipon mo. heh ehe..
June 26th, 2008 at 2:50 pm
uhhh..nakakatuwa talaga. humahagikhik nanaman ako dito..ahaha.
tubig-sipon pala ang tawag dun…hmmm.
napakaIMPORMATIBO ng blog na to para sa loser na gaya ko, o well, hehe, hmmmm, nagkakaganyan din ako, pero di tumatagal…. basta ang naalala ko, pag may ganyan ako, nagtatali ako ng twalyalito sa leeg ko para madali ng ipunas… parang bib ng beybi… ayun, pero nagkakataon na nasa bahay lang kasi ako.. try ko minsan sa mall gawin to, baka sumikat pa aku…
uhh?anu daw! ahaha..ansayasaya!
kingdaddyrich reply on June 28th, 2008 1:24 am:
lahat naman tayo nagsisimula sa pagiging loser, though technically, walang loser. pero ganon na rin. basta yun na yun. ha haah..
at hindi loser ang paglalagay ng twalyalito sa leeg. magandang ideya nga yan at ngayon ko lang napag alaman. try mo rin sa mall. pero siyempre, dalhin mo ng maayos yung twalyalito sa leeg mo na parang accessory lang. at least, double purpose siya diba. aliw din yun. he hehe..
masubukan nga yan minsan.
napundingalitaptap* reply on June 30th, 2008 10:16 pm:
wahahahaha! hmm, siguro, para mas fashinable, sarong nalan… ayun nga lan, dapat hindi paobvious na for tulo sipon purposes sila..ahihihi…
kingdaddyrich reply on July 10th, 2008 9:26 pm:
panget ang sarong. magdidikit dikit.
June 26th, 2008 at 4:52 pm
kapatid, ang sosyal na tawag diyan sa perpetual sipon mo ay allergic rhinitis. namamana iyan at laging umaariba sa bawat change of weather. karamihan sa meron niyan ay tumutuloy sa asthma.

eh meron rin kasi ako niyan. haha
go power rangers!
utakmunggo reply on June 26th, 2008 4:53 pm:
p.s.
langya nabuhos ang milo ko sa pangalan ng aso nyo.
JENNIFER? hahaha pagkasosyal.
kingdaddyrich reply on June 28th, 2008 1:29 am:
buti wala akong asthma. si inay meron. nako. wag naman sana ako. hindi ko trip yung parang may ipepress na kung ano sa bibig ko.
at oo, jeniffer talaga pangalan niya, sa ayaw niyo at sa gusto. yun nga lang, deads na siya. long time ago na.
June 26th, 2008 at 7:11 pm
hahahaha huwaw jennifer? name tlga nya yan? huwaw mahihiya ung mga taong may namen nyan… hahaha mukha pala silang aso… hahaha…
sensitibo rin ang ilong ko… kasi maraming tuchang (tama ba ang spelling) eh hindi maganda ang pagkakaporma ng ilong ko hahahaha eh di aun nakikilit ung loob ng ilong ko aun pagkabahing ayan na ang tubig-sipon… shet tlga… hirap matulog pag ganyan… as in!!! pahirapan.. dadamihan ko pa ung unan sa ulunan para dyan..
kingdaddyrich reply on June 28th, 2008 1:32 am:
aba, baka maging proud pa sila dahil magandang aso si jeniffer.
gawain ko rin magdagan ng unan sa ulo ko kapag matutulog. bawal din matulog ng nakadapa kapag may sipon, baka naglalawa ka na paggising mo. basta mahirap talaga magkasipon. mahiraaaap!
June 26th, 2008 at 11:25 pm
Ahahahha nakakaloka naman tong post mo. pero nakakarelate ako ha? Lol. Ang hirap nga non biglang tutulo… or kapag bigla ka tatawa tapos biglang tutulo?! tapos di mo alam kung saan ka magtatago para magpunas ng sipon. ahhahaha kadiri ba?
Kung sa bagay kng babaligtarin ang ilong mahirap yon, nakkalunod. nakakamatay.
Anyway, kung may sipon ka, mapapayo ko sayo, uminom ka ng Fern-C. Vitamin C yon na sobrang galing. pramis. In fairness, paiba iba ang panahon at labas pasok ako sa malamig at mainit na lugar di ako sinisipon. hahahaha…
Hirap talga ng sipon, ngongo ending mo.
kingdaddyrich reply on June 28th, 2008 1:35 am:
ha haha.. oo, yung matatawa bigla tapos sasabay ang sipon sa pagdiriwang kasi at magpuputukan! ha haha.. kaya dapat laging handa at may baong panyo diba, para anytime, anywhere, may pamunas ka.
nakakatangkad ba ang fer-c? parang cheriffer at si jeniffer. lols.
June 27th, 2008 at 12:49 am
nakakatuwa namang basahin. panalo pangalan ng aso niyo. naalala ko tuloy yung aso namin dati na ang pangalan ay madonna. tanong mo pa kay fb. haha
ayoko ng sipon, kasi apektado buong katawan ko pag may sipon ako, pati pagkatao ko apektado. nag-uutak sipon din kasi ako.
kingdaddyrich reply on June 28th, 2008 1:40 am:
ha haha.. mas panalo ang pangalan ng aso niyo. bagay sila ni jeniffer ko. sa susunod nga britney naman ang ipapangalan ko.
i so loooove buritni! lols.
kung nag uutak sipon ka, anong klaseng sipon? malapot o malabnaw? green o dilaw? ???
June 27th, 2008 at 3:25 am
astig parekoy…
gusto ko ung analogy ng bagyo at sipon…
tama ka din, mas may chance na may matulungan tayo ng ibang tao kung nalulunod tayo sa baha na gawa ng bagyo. PERO kung nalulunod ka sa sarili mong SIPON, sino pa ang tutulong sayo kundi sarili mo lang din?
…hahaha natatandaan nyo pa ba ang pangalan ng aso ko?
kingdaddyrich reply on June 28th, 2008 1:44 am:
wala talagang analogy yan, naisip mo lang yan. binabati kita! ahahaha!!
aso mo? wala naman akong nakitang aso noong nagpunta kami sa barong barong mo sa 27 floor (tama ba?).
pussy, este balahibong ng pussycat lang ang napansin ko don.
June 27th, 2008 at 3:30 am
heheehe… ayus 2ng post mo ha… yan ang iniwan sa akin nang nakaraang bagyo… sipon… waaaaaaaaa….. thanks the the visit ha… daan ka ulit ha… ingats
kingdaddyrich reply on June 28th, 2008 1:46 am:
ikaw ba yan john loyd? ingats? lols.
June 27th, 2008 at 8:59 am
natawa ko dun ha! pareho kayo ng hubby ko sensitive din ang ilong nya sa mga alikabok, magwalis nga lang ako sa house namin sinisipon na agad (grabe) pa check up ka din kasi baka may problem mas mainam na yun kesa nahihirapan ka lalo na sa TUBIG SIPON…ayos yun pagnawalan ng tubig pwedeng alternative (yaaakkkk) hahahahah
kingdaddyrich reply on June 28th, 2008 1:52 am:
ha haha! ang hirap naman atang maging alternatib nito. ilang sipon din ang kailangang pag daanan. :))
isa pa, may lasa siya ha haha!
June 27th, 2008 at 1:49 pm
ang pinakaayaw ko sa sipon ay natutuyo ito para maging kulangot! bow! ahihih
kingdaddyrich reply on June 28th, 2008 2:01 am:
based on experience. hahaha..
wag magpahid kung san san ah.
June 27th, 2008 at 2:10 pm
“Sa buhay ng tao, may mga pagkakataong binabayo tayo ng bagyo. At sa mga ganitong panahon minsan ay humahanap tayo ng taong masasandalan. Pero hindi natin alam na sarili lang din natin ang higit na makakatulong sa atin.”
words of wisdom.
kingdaddyrich reply on June 28th, 2008 2:12 am:
ha haha.. may wisdom ba diyan?
June 27th, 2008 at 4:50 pm
“paglubog ng eroplano, pagbagsak ng barko” - why not? posible naman talaga. hehe.
astig pangalan ng aso nyo. hehe. kanino pinangalan yun, kay jennifer garner, jennifer aniston, jennifer love hewitt, o jennifer lopez? ahehe.
balik sa topic…patingin mo yan. baka sinusitis na or something. sipunin din ako nung hayskul. minsan nga tumutulo sipon ko habang nagti-take ng exam. haha
kingdaddyrich reply on June 28th, 2008 2:15 am:
pucha baligtad pala. aahahah!
oh well, ang sa akin lang naman, bago pa ang lahat ng mga nabanggit mo eh JENIFFER na talaga siya. in other words, manggagaya silang lahat. ahaha..
maraming salamat sa concern ah. baka beer lang ang katapat nito.
June 28th, 2008 at 1:03 am
Sensitive din ilong ko kaya nakapagtataka na for over a year, kahit nababasa ako sa ulan at exposed sa air pollution, hindi pa ako sinisipon dito sa Manila.
kingdaddyrich reply on June 28th, 2008 2:22 am:
waw. immune ka sa polusyon dito. ha haha!
June 28th, 2008 at 3:18 am
haha loka loka malay mo pumuti din sa Fern-C dahil vitC yon. hahaha cherifer?amp di naman ako tumankad don eh. lols. pasaway na sipon nakikidiwang pa sa kasiyahan di naman invited. lol
kingdaddyrich reply on June 28th, 2008 3:27 am:
ipinapahid ba ang fern c para pumuti?
at inamin mong nag cherifer ka ah.
June 28th, 2008 at 7:58 am
si shoo shoo rin ba sinisipon? haha…
ayoko ng tubig sipon, feeling ko ang kinis ng ilong ko
kingdaddyrich reply on June 28th, 2008 9:47 am:
ay poteks, sige nga oobserbahan ko kung sinisipon din siya. pero pakiramdam ko nagkakasipon din ito eh, kasi minsan naririnig kong bumahing.
June 28th, 2008 at 8:01 am
naitanong ko na rin sa sarili ko kung bakit dalawa lang ang butas ng ilong. sabi ni red ford white sa buddy en sol (yung lumang show nila ni eric quizon)
pag tatlo daw ang butas ng ilong, magmumukha daw hollow blocks, pag isa naman ang butas e singhot lang ng sisinghutin. kaya tama lang daw na dalawa. wala lang. share ko lang.
parang ang sarap mag-blog dito. hahahaha!
kingdaddyrich reply on June 28th, 2008 9:49 am:
anong singhot lang ng sisinghutin? he hehe.. ang totoo mahirap rin talaga kung hindi dalawa ang butas ng ilong eh. ang sagwa talaga tignan.
sarap magblog dito? he hehe. ewan ko.
jeck reply on June 28th, 2008 10:17 am:
taena, typo pala yun. hahaha. *singhot LAHAT ng sisinghutin*
hahahaha.
ganda ng font tsaka nakakaaliw magtype. hehe. pa-blog ako minsan dito sa comments box mo. nyahahaha!
kingdaddyrich reply on June 30th, 2008 5:01 pm:
basta ikaw jeck. always welcome ka. alam mo namang close tayo eh.. ha haha.. parang ganito oh…
. .
yan, ganyan tayo ka-close. he hehe.
June 28th, 2008 at 4:11 pm
ah oo… hirap magkasipon… sobrang maluha luha ka na sa pag sneeze dika pa rin titigilan… yun lang pero yung sayo baka meron ka talagang allergy sa mga ganun. buti na lang walang spring dito satin hehe kumusta ka naman… vitamins ka na lang daw.
kingdaddyrich reply on June 30th, 2008 5:02 pm:
daw? sino may sabi?
June 28th, 2008 at 4:12 pm
ah oo… hirap magkasipon… sobrang maluha luha ka na sa pag sneeze dika pa rin titigilan… yun lang pero yung sayo baka meron ka talagang allergy sa mga ganun.haha. buti na lang walang spring dito satin hehe kumusta ka naman… vitamins ka na lang daw. la lang napadaan lang po ata napacomment na rin…
kingdaddyrich reply on June 30th, 2008 5:09 pm:
waw, de javu.
June 28th, 2008 at 4:13 pm
bakit ganun ang dami kong comment… na submit pati yung hindi pa edited… haha siko po sadyang mag flood..
kingdaddyrich reply on June 30th, 2008 5:11 pm:
siko? lols. ha haha… nanginginig ata ang daliri.
June 28th, 2008 at 4:42 pm
ibib sabihin ng sorting, gaano man kaiba-iba ang mga blog friends ko, they’re all equally loved, and valued.
o, say mo? ^_^
i just thought ur more of the cerebral fellas, kaya ka nasa ravenclaw. ayaw mo ba?
(reply ka sa cbox ko kung gusto mo magpasort uli ^_^)
kingdaddyrich reply on June 30th, 2008 5:13 pm:
waw, cerebral fellas. kailangan ko pa ba tanggihan yan. ha haha.. okay na yan, minsan lang may magkamali sa pagkakakilala sa akin. lols
June 29th, 2008 at 7:29 am
ako may sipon ako ngayon. pero iinom ako ng gamot ng matigil na ako sa kakasinghot. =)
at totoo ang huli mong sinabi… dahil nadama ko kung gaano kalungkot ang mundo ilang araw na pero dahil ang kasiyahan ay nasa tao, ayoko pakalunod sa kalungkutan… ayoko maging ilong na binaliktad
kingdaddyrich reply on June 30th, 2008 5:17 pm:
anong gamot iniinom mo? ako kasi neozep eh.
bakit ka naman malungkot? isipin mo na lang na bahagi yan ng buhay ng tao para mas maging tao ka.
June 29th, 2008 at 10:28 am
mahirap nga pag baligtad ang ayos ng ilong natin, mahirap yun pag nagswiswimming tayo..
badtrip nga yang tubig-sipon na yan, naranasan ko na yan eh.. hirap nga! kusang tumutulo!
kingdaddyrich reply on June 30th, 2008 5:21 pm:
may gamit din kapag pabaligtad ang ilong at nagsusuwimming. posible na lumangoy ng paatras kasi may booster. ha haha. malaking gamit ito lalo sa mga nagbabackstroke. mas mabilis ang langoy.
June 29th, 2008 at 1:05 pm
tubig-sipon.. yan ang pinaka away ko.. nakakainis kasi.. kaylangan di mawawala sailong mo yung panyo.. atsaka nakakaantok ‘pag may ganyang sipon..
salamat po pala sa pagcomment sa blog ko.. =’)
kingdaddyrich reply on June 30th, 2008 5:26 pm:
away? gusto mong makipag away pag may sipon? nako dehado ka iha.
June 29th, 2008 at 6:47 pm
nako King!
hindi masama punasan ang sipon
baka yumuko
ahahaha
salamat sa pagsubaybay sa aking VLOG
kingdaddyrich reply on June 30th, 2008 5:28 pm:
ang sipon? yuyuko? paano yun?
June 30th, 2008 at 12:48 am
SIPON.
lol. addict talaga. ha, ha.
napatawa mo ako ngayon… seriously, lahat na lang yata na ipost mo na…
kingdaddyrich reply on June 30th, 2008 5:30 pm:
oo nga. wala na nga akong maipost. ha haha.. kaya lahat na lang pinapakielaman ko.
June 30th, 2008 at 3:27 pm
baka nga beer lang katapat nyan parekoy. pano ba yan, tagay na tayo! hehe
kingdaddyrich reply on June 30th, 2008 5:33 pm:
sige. ano ba gagawin sa beer para mawala ang sipon? ihihilamos o sisinghutin ang bula?
June 30th, 2008 at 4:13 pm
teka, bumabahing ba aso?
By the way i am campaigning for INSULARE and DONGISM in Filipino Blog of the Week. Kindly VOTE for them in Talksmart’s or my blog. The poll is in the upper right side of the blog. Just check both their names. Take Care!!!
kingdaddyrich reply on June 30th, 2008 5:40 pm:
ha ahahaha.. oo kuya lawstude, narinig ko na minsan si jeniffer na bumahing. parang si shoo shoo lang. pero hindi ko pa sila nakita na suminga.
nakaboto na ako! yahoo! goodluck sa kanila.
June 30th, 2008 at 7:45 pm
sorry naman.. ayaw pala.. typographical error lang.. haha..
kingdaddyrich reply on July 10th, 2008 1:51 am:
tinatanggap ko na ang sorry mo. he hehe. ang serious.
July 1st, 2008 at 7:55 am
hano ba yan sinipon din ako non wiken buti nalang wala na ngayon at hindi na ngongo..
oo nagcherifer ako. hahahahaha bansot ako huhu
kingdaddyrich reply on July 10th, 2008 1:52 am:
kung nag cherifer ka bakit bansot pa rin? di epektib?
July 1st, 2008 at 11:43 am
Wala pa rin internet… bye muna!!!
kingdaddyrich reply on July 10th, 2008 1:53 am:
meron na ba internet? sana meron na.
July 2nd, 2008 at 7:52 am
mahina immune system ko.. pag may tumabi sakin na may sipon pagkalipas ng isang oras may sipon na rin ako.. kaya naman kadalasan yellow ang ihi ko dahil inom ako ng inom ng vitamin C…
kingdaddyrich reply on July 10th, 2008 1:57 am:
talaga? parang hindi ata ako makapaniwala dahil ang laki mo tapos mahina immune system mo.
July 4th, 2008 at 10:55 am
tanginang sipon yan. lol!
ayus!
kingdaddyrich reply on July 10th, 2008 1:59 am:
oo. tangina talaga itong sipon na ito.
July 5th, 2008 at 2:39 pm
kdr, ayon sa aking nakalap (haha. para lang akong gumagawa ng patient paper), palagay ko’y may allergic rhinitis ka.
nagpatingin ka na ba sa duktor? pwede ka niyang bigyan ng steroids na pwedeng makatulong sa madalas mong pagbahing.
sensitive din ang ilong ko. haha. ilong-pangmayaman. ayaw sa alikabok. haha. buti sana kung mayaman kami.
kingdaddyrich reply on July 10th, 2008 2:00 am:
sabi nga nila allergic rhinitis nga daw. hindi pa ako nagpapatingin sa doktor. at kung bibigyan din lang nila ako ng steroids, magpapaturok na lang ako sabay magbubuhat sa gym para at least double purpose. tanggal sipon, laki muscles.
July 6th, 2008 at 7:18 pm
ayoko ng sipon. so kadiri. hehe.
pero hindi ko maiwasan magkasipon. hay.
tama ka. parte na siya ng pagiging tao.
kingdaddyrich reply on July 10th, 2008 2:02 am:
waw. so konyo ah. so kadiri. i like you na. ehe hehe..
July 7th, 2008 at 6:06 pm
Dad, euww-inducing talaga.
kingdaddyrich reply on July 10th, 2008 2:03 am:
he hehe… ewwww… so ewwww
July 9th, 2008 at 10:07 pm
ayus sa dami ng comments pang 103 ako heheh! napadaan lang naaliw ako sa mga post mo e heheh
kingdaddyrich reply on July 10th, 2008 2:04 am:
daan ka ulit.
July 10th, 2008 at 1:05 am
alam mo kaya naman itong mga little kengkays ko e super sensitive ng mga yan kapag may sipon, dapat parating may dalang tisyu kasi nung maliit sila talagang mega pahid ako kapag tulo sipon nila. ayoko kasing makitang tumutulo uhog nila tulad nung mga nakikita kong mga bata sa kalye na halos higupin na nila yung kanilang uhog, yikess! at alam mo, dami pa ring ganyang mga bata dito, as in yung mga parents nila alam na ngang may sipon yung mga anak nila hindi man lang makitang halos higupin na nung mga bata yung uhog nila, yikes ulit. anyway, sabi nung bunsoy ko ‘ayokong makipaglaro nung sa mga batang tulo ang uhog kasi kadiri’ o ayan na, pati sila nahawa na sa akin, hehe
kingdaddyrich reply on July 11th, 2008 12:16 am:
ah ahaha.. maselan pala ang mga little kengkays ah.