Mga Larong Kalsada ng Batang Pilipino

June 17, 2008 - 8:15 pm

Batang kalye ako. Maliban sa pagtakas sa ina ko tuwing pinapatulog niya ako tuwing hapon, wala akong ibang ginawa noong kabataan ko kundi maglaro sa kalsada, lalo na kapag bakasyon. At mula nang matuto akong magdamit kapag naliligo sa ulan hanggang s matuto akong mag brip, ibat-ibang klaseng laro na ang kinagisnan ko. Narito ang ilang sa kanila.

Langit Lupa - hindi ko alam kung sinong nakaimbento ng larong ito pero marahil isa na ito sa mga pinakaklasikong larong Pilipino. Sisimulan ito ng isang kanta habang nakapabilog ang mga kasali sa laro. Kung nakalimutan niyo na ang kanta, ganito yun:

Langit lupa impyerno,
im im impyerno,
saksak puso tulo ang dugo,
patay, buhay,
alis ka na diyan!

Kung may royalty lang ang sumulat ng kantang ito malamang ay nagmamayaman na siya ngayon dahil ilang ulit at ilang dekada na rin siyang kinakanta sa kalsada. Sa saliw ng kantang ito ay pipiliin kung sino ang matatanggal hanggang sa magkaubusan at mapili sa huli kung sino ang taya, at saka biglang magtatakbuhan. Sa larong ito nagkakaroon bigla ng langit at impyerno sa mundo. Kung nasa mataas na lugar ka (maaaring bangketa, sa jeep, sa poste, sa puno, sa bubong o kahit saan basta hindi ka nakatapak sa lupa), hindi ka pwedeng mataya at pumalit sa impyerno. At kapag natiyempuhan ka na pakalat-kalat sa lupa, pwedeng-pwede ka niya habulin. Medyo may daya ang larong ito dahil kahit anong sandali na hingalin ka kakahabol sayo ng taya ay maaari kang tumapak agad sa mataas na lugar. Pero dahil sa uto-uto kaming lahat at mabababaw pa mag-isip, hindi namin ito alintana. Buti na lang at walang apoy sa impyerno sa larong ito kundi pare-pareho kaming nasunog.

Dito rin marahil nagsimula ang iba pang larong habulan tulad ng Shake Shampoo at Monkey Anabelle. At hindi ko na maalala kung paano kami natatapos kapag naglalaro nito. Mapapagod na lang kaming lahat kakatakbo at kakasigaw ng VIVA!

Tumbang Preso - kung mayroon kang lata ng gatas at tsinelas, pwedeng pwede ka na mag tumbang preso. Mas makakabuti kung naka Rambo tsinelas ka para sa lamang ka sa lakas at bigat. Pero kung gagamit ng lata ng isang kilong gatas, mabuting magisip-isip muna. Paguran din ang tema ng larong ito. At kung matalas ang mata mo at asintado ka, malaki ang lamang mo. Kung tatamaan mo ang latang nakatayo na ilang metro ang layo at magawa mo itong patumbahin at palayuin, paghahabulin mo ang preso samantalang ikaw naman ay papagurin mo rin ang sarili mo sa paghabol ng tsinelas mo. Biruin mo yun, pagkatapos mong ibato ang tsinelas mo, bigla mong hahabulin. At kung maibabalik ng preso sa dating pwesto ang lata ay maaari ka niyang habulin hanggat hindi mo pa nakukuha ang tsinelas mo. At kung mahahabol ka niya, ikaw naman ang papalit sa kanya bilang preso.

Kung asar sa iyo ang mga kalaro mo, maaari ka nilang pagtulungan sa pamamagitan ng sabay-sabay na pagtira sa lata hanggang sa umabot ito sa kabilang kanto. At maaari rin na tirahin nila ito ng paulit-ulit bago mo pa ito maibalik sa dati nitong pwesto nang nakatayo. Wala ka nang ibang magagawa kundi umayaw at umiyak dahil sa kantiyaw ng mga kalaro mo.

Trumpo - sinong hindi nakakaalam kung ano ang trumpo? Isa na ito sa pinakamaalamat na laruang Pinoy. May dalawang klase ng trumpo: ang kangkarot, mga trumpong malilikot at patalbog-talbog habang umiikot, at ang matining, mga trumpong kalmado lang na umiikot sa isang lugar hanggang sa mahilo. Sa larong ito, gagawa ng isang malaking bilog ang mga kasali at ang trumpo ng taya ang siyang nasa gitna ng bilog, ito ang magiging punterya. Kailangan itong tamaan ng mga manlalaro hanggang sa makalabas sa malaking bilog. At ang sino mang makakapagpalabas ng trumpo ng taya ay magkakaron ng libreng botong sa ulo, hindi ng may ari ng trumpo kundi ng trumpo mismo. Dahil kung ang ulo ng kalaro mo ang bobotongan mo, malamang ay makulong ka dahil ang trumpo mo na may pako ang gagamiting mong pambotong. Kung hindi mo naman matatamaan ang punterya sa gitna ng bilog, maaaring ang trumpo mo ang mabotongan o di naman kaya ay mapasama ka na sa mga punterya ng mga kalaro mo.

Kadalasan sa mga naglalaro nito ay pinapalibutan ng thumb tacks ang mga ulo ng trumpo nila bilang proteksyon. Meron din namang pinapalitan ng concrete nail ang mga pako ng trumpo nila dahil mas matigas ito at mas tumatagal ang tulis. Hindi pwede ang pakong bakla bakya.
TRIVIA:
- ang tawag sa tali na ginagamit sa trumpo ay tsate.
- kaya kong paikutin ang trumpo sa palad ko. Pero hindi ko pa ito nagagawang paikutin sa aking bumbunan o sa bumbunan ng mga kalaro ko.

Teks - alam nating lahat na hindi SMS ang tinutukoy ko dito kundi ang maliliit na laruang karton na may pelikula sa mga mukha nila na parang ginawang komiks. Parang pustahan ang kinasanayang laro ng teks. May pamato ka, may pamato ang kalaban mo at isang panggulo. May kakaibang tira ang paglalaro ng teks na ang mga batang kalye lang na tulad ko ang nakakaalam. Ito yung pagpapaikot nito sa hangin gamit ang pagpitik ng daliri. Kapag lumabas ang pamato ng kalaban, kanya ang teks na ipinusta mo. Kapag iyo naman ang lumabas, kailangan niyang bayaran ang taya mo. At kung ang panggulo ang lumabas, tabla ang laban. Magtatagal ang larong ito hanggang sa magkaubusan at maaari ka nang humamon ng ibang manlalaro.

Dahil sa larong ito, natuto akong magbilang dahil kakaiba ang pagbibilang kapag nagbabayaran na. Nagkaron din ito ng kakaibang rendition para sa mga bastos na iniiwasan ko dahil sa gusto kong panatilihing malinis ang kamalayan ko. At kung maramihan naman ang taya, dangkalan naman ang bayaran. Pero kahit pagsunud-sunorin mo ang numero sa teks mo, hindi mo mabubuo ang pelikula dito.

Maliban sa pelikula, nauso rin ang teks na anime at iba pang palabas sa telebisyon. Sayang nga lang at nawala na ang mga ito ngayon. Sana may teks na Dyesebel o kaya ay Caregiver.

Mga Larong may Riyo at Garter - kung patok sa mga kalalakihan ang trumpo at teks, panalo naman sa mga kababaihan ang Chinese Garter. Hindi ko alam kung anong kinalaman ng mga Intsik sa larong ito pero alam kong napapa-singkit ang mga mata ng mga totoy at hindi maipaliwanag ang kanilang mga ngiti kapag nagsimula nang maglundagan ang mga nene. May kakaibang tanawin ata kapag tumatalon na sila. Nagkaron din ito ng variation na mas kilala sa tawag na 10-20. At sumisingkit pa rin ang mga mata ng mga totoy sa larong ito.

Kung may chinese garter sa mga nene, mayroon namang dampa sa mga totoy. Kung ang matatanda ang tatanungin mo dito, malamang ay isang uri ng bahay ang tukuyin nila. Pero kung mga bata ang tatanungin mo nito, isa lang ang papasok sa mga utak nila, kung mayron man silang utak. Yan ay ang riyo. Ito ay isang magaan at maliit na uri ng goma na madalas na ginagamit na pang-ipit ng buhok. Sa pamamagitan ng kamay at hangin na lumalabas mula rito ay “dadampain” ang riyo. Paunahan hanggang sa makaabot sa finish line.

Ang mga larong pambata na aking nabanggit ay iilan lamang sa mga kinagisnan nating lahat. Sinong makakalimot sa Patintero, Adding, Tsato, Paway, Alog-Tansan at ang paborito kong Habulang Gahasa Ligtasan. Kung ilalagay ko lahat ng mga larong alam ko malamang ay makapagsulat na ako ng isang buong libro. Nakakalungkot lamang na ang mga larong ito ay unti-unti nang nawawala, nakakalimutan at napapalitan na ng mga modernong laro. Ang mga kinahuhumalingang laro ng mga kabataan ay sumasabay sa pagbabago ng panahon.

Aminin na nating lahat na dahil sa mga larong ito, naging makulay ang ating pagkabata. Maaaring dahil sa mga larong ito, nakilala mo ang iyong pers kras. Maaari din na dahil dito naranasan mong makipagsuntukan sa mga kalaro mo. Natuto ka ring mang-asar, mangantiyaw at mandaya. Dahil sa mga larong ito, nagkaroon tayo ng mga salitang tulad ng balaongga, taym pers at marami pang iba.

Hindi natin maikakaila na ang mga larong ito ay bahagi na ng ating kultura. At ang kultura ay pagkakakilanlan ng isang nasyon. At dahil din sa larong ito, nagkakaron tayo ng kamalayan na nabibilang tayo sa iisang grupo na may iisang kulay at iisang dugo. Higit sa lahat, natuto tayong makipagkaibigan.

163 Responses to “Mga Larong Kalsada ng Batang Pilipino”

  1. Leyn Says:

    tanginang yan, nangarap ka pa magkaroon ng teks na “Caregiver”? HAHA. at imaginin mo nalang kung Havaianas ang gagamitin mo sa tumbang preso. LOL.

    nakakamiss ang mga larong kalye! parang wala na ngang naglalaro ng mga yan e, mula nang nauso ang ragnarok at play station… anyway,

    “monkey monkey anabel, how many monkeys did you see?”

    tama ba? hehe.

    kingdaddyrich reply on June 18th, 2008 9:19 pm:

    nakarelate si Leyn kasi isa rin siya sa mga nahumaling sa ragnarok. he hehe.

    at bakit mo alam ang monkey monkey anabel. ha haha.. na aliw naman ako don. :D

    Leyn reply on June 18th, 2008 9:31 pm:

    walang hya ka, binuking mo pa ko sa addiction ko sa ragnarok.

    kingdaddyrich reply on June 18th, 2008 11:05 pm:

    he hehe.. wala namang mali sa pagraragnarok. may alam pa akong isa mo pang kina aadikan.

    getchingin getching it.. getching getching getchingit! :D

    Leyn reply on June 20th, 2008 5:04 pm:

    sandali, ang alam ko may “max alvarado… barado ang ilong” lyrics pa yung langit lupa.

    kingdaddyrich reply on June 20th, 2008 9:20 pm:

    anong langit lupa ba yang nilalaro mo? baka gusto mong isama si Panday? ha haha.

  2. ayz Says:

    parang nalaro ko yata lahat ng nasabe mo…

    nakalimutan mong banggitin ang isa pang variation ng chinese garter, ang one on one..

    tama si leyn, nakakamiss ang larong kalye.. lalo na ngaung uso na ang psp, cellphone, computer at lahat ng tekkie gadgets..

    leyn.. tama yan.. pero kulang..
    “*say number* *count number* and a rikity kiti and a blue black sheep, which is true, yes or no?!” ahihih

    Leyn reply on June 18th, 2008 4:16 pm:

    LOL yun nga. hindi ko nilagay, hindi ko na kasi alam karugtong. at kamustahin natin ang comment ni popoy? parang gumawa na rin ng blog entry. haha.

    ay sorry, hindi pala okrayan taym to. :P

    ayz reply on June 18th, 2008 6:17 pm:

    akala nya ata sa kanya tong blog. ahahah

    sya nalang next topic nyo sa okrayan! ahahah

    Leyn reply on June 18th, 2008 9:28 pm:

    sponsoran mo kasi yung popoyinosentes.com nya.

    nah… nag volunteer si jecksa next episode, gusto nya ma interview. absent kasi sya, yan tuloy.

    kingdaddyrich reply on June 18th, 2008 9:43 pm:

    ahahaha.. di nga? lols. baka naman may mabitter?

    kingdaddyrich reply on June 18th, 2008 9:34 pm:

    ayz, baka may gumaya. he hehe.

    kingdaddyrich reply on June 18th, 2008 9:22 pm:

    hindi ko alam ang one on one. basta ang naaalala ko, maraming stages yan. may mga mother mother pa nga para pag namatay ang mga anak, pwede buhayin ng mother. ahahah..

    di ko alam ang blue black sheep na yan. naaalala ko lang yung shagiddy sha popo don sa tikity kiti! ahaha. :D

  3. ifoundme Says:

    ay ang galing galing ko sa chinese garter! walang nakakatalo sakin! kaso labas naman panty ko pagsobrang taas na. buti na lang sinabihan ako ng nanay ko. ayun… naisipan kong magshorts habang nakapalda.

    kingdaddyrich reply on June 18th, 2008 9:47 pm:

    he hehe.. eh di na-intsik ang mga totoy na nanonood habang naglalaro kayo ng chinese garter. :D pero mga bata pa naman kayo eh. mga walang muwang sa kamunduhan. este sa mundo pala.

  4. abou Says:

    gustung-gusto ko noon yung habulan, baril barilan at iba pang mga larong naglalagay sa kin sa bingit ng kamatayan. paborito ko rin ang patintero sa gitna ng kalsada, minsan na kasing nabundol ng bisikleta ung kalaro ko.

    kingdaddyrich reply on June 18th, 2008 9:55 pm:

    ha haha.. totoong baril ba ang gamit niya diyan lolo?

    may pagka sadista ka pala.

  5. donG hO Says:

    hahahaha…. syempre paborito ko dyan ang tumbang preso at langit lupa. cool na cool ang langit lupa kasi malapit sa amin ang DPWH kung saan may malaking crane na nakaparada. doon ang takbuhan. hehehe…

    syempre paborito rin ang taguan dati at ang walang kamatayang jolen.

    kingdaddyrich reply on June 18th, 2008 10:12 pm:

    tama. kapag natalo ka, dekwatin mo lahat ng jolens ng kalaban mo. tapos magtago ka. pag nakita ka, don ka sa crane para nasa langit ka at hindi ka mataya. pero kung nagpumilit, itumba mo na lang ang kalaro mo. he hehe.

    rio reply on June 24th, 2008 4:44 pm:

    tumbang preso?? hahaha..rambo gamit kong tsinelas dyan at siguradong tumba ang lata….=)

    piko ang paborito kong laro at balat ng saging ang paborito kong pamato!!…hehehee

    kingdaddyrich reply on June 25th, 2008 10:52 pm:

    ate rio, kumusta? :D isa ka palang batang kalye ah. at ang maalamat na rambo tsinelas ay gamit mo pa.

    nagpipiko rin ako dati. step no, step yes pa. aliw ako diyan. kasi may family pa na bubuhayin ng mother. ha haha..

  6. kengkay Says:

    lahat ng larong yan alam ko pa, at sempre kalaro ko dito ang mga little kengkays, hehe pero teka muna — patintero, taguan pung, at piko, nalimutan mo yata :D

    kingdaddyrich reply on June 18th, 2008 10:15 pm:

    di ko na sinali ang iba. gaya nga ng sinabi ko, baka makapagsulat na ako ng isang buong libro kapag inisa isa ko ang mga laro at binuo ang bawat detalye nila. :D

    kengkay reply on June 19th, 2008 6:17 pm:

    dapat may sequel to, hehe. dun sa isang blog ko daming nagtatanong ng rules ng piko, sabi ko basta hindi tumapak sa linya, panalo, hmpf :)

    kingdaddyrich reply on June 20th, 2008 9:24 pm:

    ha haha.. oo nga eh. pinagiisipan ko pa. o di naman kaya sumulat na lang ako ng libro. para naman kumita ako. ha haha.. ang tanong kung may bibili ba?

  7. chroneicon Says:

    matayaaaaa hubaaad! paborito ni Pb iyon haha. alam mo ba iyong Lanchit technique sa teks? iyong ginagamit sa laro kung saan dalawang cards ang magkapatong both facing up, ipipitik mo at pagbagsak nila, iyong taob talo. Lanchit never fails!

    kingdaddyrich reply on June 18th, 2008 10:17 pm:

    ha haha.. lanchit pala tawag don. :)

    akala ko “kupit” lang ang dayang pwedeng gawin sa text. he hehe..

  8. akosikai Says:

    in cebuano:

    langit, yuta imperno
    mahal mo ba si vilma, yes or no? ^_^

    donG hO reply on June 18th, 2008 3:44 pm:

    ayos ah! may vilma pa pala dyan. lol. kewl!

    kingdaddyrich reply on June 18th, 2008 10:18 pm:

    ha haha.. teka. anong katapusan ng larong iyan!

    DARNA!

    rio reply on June 25th, 2008 7:17 pm:

    may karugdong yan,…
    ps ps ilove u…
    mahal mo ba si gabby, yes or no?

    kingdaddyrich reply on June 25th, 2008 10:54 pm:

    ha haha.. anong panahon ba iyan ate rio?

  9. utakmunggo Says:

    share ko lang ang aking natatanging chinese garter story:

    yung friend kong may diarrhea nanonood lang sa amin that time kasi nga may sakit siya. eh kaso mo lang pandakekok talaga ang lola mo at hindi makalusot-lusot sa ga- kilikili na height ng garter.

    to the rescue ang friend kong badingerzie na may diarrhea. and of course, it happened while suspended siya sa ere:

    bigla siyang natae.

    kingdaddyrich reply on June 18th, 2008 10:21 pm:

    teka, naiimagine ko kasi na habang suspended siya sa ere nakanganga kayong lahat dahil sa galing niya. wala bang nakasapo sa ano… alam mo na. :D

    utakmunggo reply on June 18th, 2008 10:54 pm:

    amoy lang nasalo namin, salamat naman. grabe rin kasi shorts pa ang uniform ng mga boys nun eh. :D

    kingdaddyrich reply on June 18th, 2008 11:07 pm:

    anong ginawa niya pagkatapos?

    ha haha. tsismis ito! :D

    utakmunggo reply on June 18th, 2008 11:48 pm:

    patay malisya kaming lahat. magkakaibigan naman kasi kami kaya walang bukingan. ehehe pero siya na rin ang humiwalay sa grupo at naglipat ng school (ayokong magbigay ng opinyon sa kanyang mga pwedeng dahilan). nagkita nalang ulit kami nung college, pareho kasi kami ng napiling school. pero di na kami nakapag bond ulit. hehe
    uy nagkwento daw ang lola. :D

    kingdaddyrich reply on June 19th, 2008 12:07 am:

    nag chinese garter ulit kayo?

    utakmunggo reply on June 19th, 2008 1:12 am:

    lol. hindi na dahil that time 6 million tons na ang weight ko. haha

    kingdaddyrich reply on June 19th, 2008 11:01 am:

    aba, mas aliw yun ate. :D

    weight doesn’t matter. he hehe.

  10. beero Says:

    tawa ako nang tawa habang binabasa ang post na to. naalala ko kasi childhood days ko. nalaro ko na rin ang mga to. gaya nga ng sinabi ko sa last post mo, “teks” ang pinakapeyborit ko. eto lagi pinapabili ko kay ermat pag pumupunta kami sa bayan. pareho tayo, ginagamitan ko pa talaga ng strategy ang pagti-teks. LOL.

    nakakalungkot lang isipin na bihira nang laruin to ng mga bata ngaun. mas gusto na nila ng computer games…

    kingdaddyrich reply on June 18th, 2008 10:24 pm:

    he hehe.. nag ka ideya kasi ako sa comment mo. total usapang bata na rin lang eh di lubos lubosin na natin. salamat dahil diyan, at kahit paano napatawa kita.

    oo nga, nakakalungkot dahil namamatay na ang mga larong ito. sana buhayin nila. online game na teks, tumbang preso, o kaya patintero. :D

    beero reply on June 20th, 2008 4:36 pm:

    hehe. at least nabigyan kita ng ideya para sa post na to. hehe. sadly, naunahan mo ulit ako. kasi nagcomment din ako nung una sa post ni popoy. ganun din, ginawan din nya ng post. hehe. that time naisip ko magandang topic ang childhood.

    kingdaddyrich reply on June 20th, 2008 9:29 pm:

    ha haha… sorry ah. hindi ko naman sinadya. pero pwedeng pwede ka naman gumawa ng post mo diba. im sure marami ka ring maisheshare at mas iba maliban sa mga nabanggit ko. :)

    rio reply on June 24th, 2008 4:45 pm:

    bawal ang may punit sa gilid pag hinipan ang tex….hahaha!!walang kwenta sinabi ko=) basta yun yuhn..
    tsa!…..

    kingdaddyrich reply on June 25th, 2008 10:55 pm:

    tsub!

    bawal din ang may tupi. kupit daw yun. ha haha…

  11. spongebabe Says:

    “bantay pari, doble taya!”

    hahaha! nalaro ko na din ‘to lahat and then some. ang saya saya ng childhood ko! nakakamiss tuloy.

    yung mga pinsan ko ngayon, di na naglalaro ng mga ganyan. kung lumabas man sila ng bahay, yun e aayain yung ibang neighborhood kids para mag PSP sa may gilid ng kalsada. kaya lampa mga bata ngayon e.

    naalala ko pa dati, kahit may family computer kami, mas gusto ko pa din naglalaro sa labas. naglalaro lang kami ng kapatid ko ng family computer kapag umuulan o kaya pag di kami pinayagang lumabas.

    kingdaddyrich reply on June 18th, 2008 10:28 pm:

    tama! lampa. hindi naman pwedeng mag takbuhan habang nagppsp. ahaha.

    na adik rin ako sa computer games dati. pati mga video games na piso piso. lols. tumatakas pa ako sa nanay ko non.

  12. popoy Says:

    rb, i feel nostalgic hahaha.

    iisa isahin ko ha :)

    LANGIT LUPA - natatawa ako ng mabasa ko at una sa listahan mo ang larong ito. Naalala ko nun na tuwing gabi kami madalas maglaro nito ng mga kapitbahay namin. Isang cool na laro kung tatawagin. Biruin mo kahit 2 inches na mas mataas sa lupa yung kinatutungtungan mo eh save ka pa rin? hahaha. NILAGYAN namin ng twsit ang larong ito, ika nga TAKING IT TO THE NEXT LEVEL ang drama ng mga kalaro ko nuon. Kailangan ndi nakalawit ang mga daliri mo sa paa or unless pede kang tayain hahaha. “U-MA-LIS KA NA DI-YAN” ang tamang lyrics hihihi.

    TUMBANG PRESO - madalas tong laruin nung mga bandang December kasi panahon ng paggawa ng FRUIT at BUKO SALAD. Ginagamit naming lata dito eh yung lata ng FRUIT COCKTAIL yung ubod ng laki hahaha.

    TRUMPO - umiyak ako nuon ng maBONYATAN yung pinakamamahal kong trumpo. Ang kinis kasi tas binotongan lang nung dayong humamon sa amin. Gusto ko ulit maghanap at bumili ng trumpo san ba meron?

    TEKS - sinong hindi makakalimot jan? naalala ko nuon na kinokolekta ko talaga to. Mga pelikula yun ni FPJ, ni ROBIN PADILL at ni LITO LAPID. Meron din palang PHILIP SALVADOR. Nakakatuwang isipin at basahin ang mga dialog balloons ba tawag dun? at ang maksaysayang drawing sa mga teks. Sana meron pa din nito ngayon :(. Sino makakalimot sa pagbilang na to , I-SA, MODOWA, METARUTARUGO SEMPLANG. hahaha. parang gay lingo lang hahaha

    DAMPA - naalala ko nuon nung uso ito, kumalat sa school namin ang isang balitang nagpatigil sa aking magdampa. Isang student daw ng school namin ang namatay kakadampa, sumabog daw yung kamay. HAHAHAHAHA. natatawa ako kapag naiisip ko yan pero natakot din ako kasi medyo masakit naman talaga sa daliri at sa palad ang pagdadampa.

    Marami pa kaming nilaro nuon rb, nandyan din ang patintero na sinabi mo nga at ang tagutaguan na may upgraded version na parang firmware lang ng PSP, ANG BANGSAK. hahaha.

    Ang saya bumalik sa mga panahong simpleng ligaya ang naidudulot ng mga larong yan. Sana eh nageexist pa rin yan at mas bigyang pansin ng kabataan ngayon :) NICE ENTRY RB :)

    kingdaddyrich reply on June 18th, 2008 11:01 pm:

    popoy

    Langit Lupa - sinadya kong unahin ito kasi ito na ang pinaka kilalang larong kalye na alam ko. napakadalang ng mga hindi nakakaalam nito. ewan ko na lang ngayon kung alam pa rin ito ng bagon henerasyon. at mabuti naisipan niyong lagyan ng twist ang laro, dahil kung may pinagiinitan ka, malamang ay abangan mo na lang siya bumaba sa lupa at dahil alam niyang pinagiinitan mo siya, hindi siya bababa. at sorry naman sa maling lyrics. aha haha.. ang totoo, iba talaga sa amin. yaan mo minsan kakantahan kita kapag nagkita tayo.

    tumbang preso - pucha! lata ng fruit cocktail? ano ba tsinelas na gamit niyo? buti naman umuunlad ang laro ninyo. :D

    trumpo - bonyat at botong, used interchangeably. he hehe. at bakit kailangan iyakan ang trumpo. doon naman sa binibilhan, noong bata ako sa isang tindahan lang nakakabili ng trumpo dito sa lugar namin. at talagang dinadayo ko pa para makabili. ewan ko lang ngayon kung mayron pa. pag may nahanap ako hindi kita bibilhan, ituturo ko lang kung saan nakakabili. may trabaho ka na eh. mas may pera ka. he hehe.

    teks - isa pa ito sa mga alamat. at mukhang updated ka sa mga klasik action movies dahil sa mga teks na yan. wala na rin atang teks ngayon. ang huling teks na nakita ko eh yung mga power rangers, pokemon, etc na ang naka drawing. pero patok pa rin ang klasik pelikula teks. may isa pa akong alam na kanta sa teks, “isang babae……..” alam mo na ang kasunod.

    dampa - ang totoo, naka abot sa amin ang balit. natakot din ako. pero dampa pa rin.

    lahat tayo naligayahan at nagkaron ng makulay na kabataan dahil sa mga larong iyan. maraming salamat sa pag share ng iyong mga karanasan.

    popoy reply on June 19th, 2008 10:05 am:

    hahaha. ang haba din ng reply rb ha?

    naku sinabi mo pa ang saya saya talaga nung mga bata pa. ang daming mas kwela at mas mind boggling na laro. isama mo pa ang paliligo sa ulan at pagtatampisaw sa kanal para manghuli ng ISDANG KANAL hihihi..

    nakalimutan kong ishare sau ang larong POG. yung sa COKE? yung bilog na karton na may drawing? yun yung huling teks kuno na nalaro ko before ako tuliin. inaabangan ko dati ang mga trak na delivery ng coke sa amin para ipalit lang yun. kasi napapanalunan yun kapag nakaipon ka ng mga tansan. sana nalaro mo din ang POG rb hihihi

    kingdaddyrich reply on June 19th, 2008 11:06 am:

    ha haha. nampatola! oo nga!

    naalala ko dati ang linaw pa ng mga tubig kanal dito sa lugar namin. may mga maliliit na isda pa ang nakakalangoy. GURAMI ang tawag non dati sa amin. ngayon bentsingko sentimo na ang tinatawag na gurami. he hehe. at mga daga at ipis na lang ang makikitang palutang lutang sa kanal. maliban pa diyan ang mga balat ng kendi at iba pang basura.

    yung POG! alam ko yan siyempre. he hehe. dati naman kasi may isang tindahan dito sa amin na nagpapalit ng tansan. kaya hindi na naming kailangang mag antay ng truck ng COKE. may pamato pa nga sa POG, yun bang plastik na matigas. hehe. apir popoy!

    popoy reply on June 19th, 2008 11:14 am:

    ay oo oo rb meron nga nakalimutan ko. yung pulang plastik na bilog din shet reminiscing the good old days of POG hihihi.

    meron pang mga isdang kanal sa amin. indemic sya dun sa lugar namin hahaha. kaya nila ang lason ng tubig kanal. mutated na ang mga isadang kanal nga yun. sumasabay sa aogs ng pagkasira at pagkalason ng mga tubigan sa amin nyahahaha.

    kingdaddyrich reply on June 19th, 2008 11:24 am:

    hanggang ngayon? aba mabuti yan at may living things pa sa kanal ninyo. he hehe..

    at mutated? shet, nagdugo ilong ko. paki elaborate! without any typographical error. ha haha.

    Leyn reply on June 20th, 2008 5:05 pm:

    may relasyon ba kayong dalawa? :P

    kingdaddyrich reply on June 20th, 2008 9:56 pm:

    si popoy ang dapat sumagot niyan… :D

    popoy reply on June 24th, 2008 2:40 pm:

    taena, bakit nauwi sa relasyon ang larong pambata? hahha. adik ka leyn, nung nagsearch at find ako ng POPOY bakit pumunta sa comment mo? nga pala, tama ka akala ko site ko to hahha. ang haba ng coment diba? natuwa lang ako sa entry ni rbilog, eh kasi namiss ko na maglaro ng langit lupa tsaka ng trumpo at teks, namiss ko na din pala ang saranggola na nging dahilan kung bakit nadislocate ang buto ko sa kamay hahaha

    kingdaddyrich reply on June 25th, 2008 10:56 pm:

    yun lang pala eh di maglaro tayo! ano? game?

  13. superboi Says:

    waaah. binabalik niyo ako sa aking kabataan din. shucks. nung isang araw naman ang nabasa ko ung mga kendi natin noon– lipps, dutdot kendi, at marami pang iba tapos super wooh trip down to memory lane.

    lahat yan nalaro ko. shucks. :) kamiss…

    naaawa tuloy ako sa mga kids ngayon kasi parang iba ang ang childhood na pinagdadaanan nila… puro electronic games ang hawak. wala lang. mas masayang makalaro ang kapwa bata kesa sa mga psp pa rin.

    wala lang… naaawa lang ako sa kanila… di ganon kasaya unlike ung atin super parumihan ang kabataan pero masaya pa din :)

    kingdaddyrich reply on June 18th, 2008 10:33 pm:

    oo nga eh. kahit paano may kakaiba pa rin pag larong kalye ang nakagisnan mo. kaysa sa mga electronic games ngayon. wala tayong magagawa, ganyan talaga, sumasabay lahat sa pagbabago nang panahon. wag lang sanang tuluyang mamatay. :D

  14. kris jasper van dyke Says:

    hay.. talagang simple lng ang buhay noon. ngayon sobrang modern na. mabuti pa cguro ilipat ko pamangkin ko sa africa.. dun parang simple pa buhay nila.

    ps.

    di ko yata nakita yung jolens?

    kingdaddyrich reply on June 18th, 2008 10:36 pm:

    ha haha.. mahilig siguro nag jolens si kris jasper. baka ibang jolens yan ah. hehe..

    yung pamangkin ba na tinutukoy mo yung mga nasa photo sa blog mo? akala ko anak mo eh. wag mo naman siya dalhin sa africa. baka sa sobrang simple ng buhay don mga tigre at unggoy ang makalaro niya.

    donG hO reply on June 19th, 2008 12:37 am:

    hehehe… ang kulit!

    kingdaddyrich reply on June 19th, 2008 11:11 am:

    kuya dong, gusto mo sumama sa africa at makipaglaro ng mga jolens sa mga zebra? :D

  15. ellieshe Says:

    batang kalye din aku..at madalas laruin nmen eh ung patintero (haha..ala sa nabanggit) pero ung langit at lupa nilalaro din nmen yan..at madalas aku ang taya..huhu….ung teks..nangungulekta lang aku lalo na pag mukha ng ghost fighter ang nakalagay dun..hehe..at sa dampa..nku ..pinagbawalan kami ng mahal kong ina na maglaro nian dahil malas dw..aha ..konect? kakamis talaga maging bata.

    kingdaddyrich reply on June 18th, 2008 10:38 pm:

    ha haha.. anong malas sa dampa? napaisip ako don ah. :D

    nangongolekta din ako dati ng mga text na parang collectibles. hindi ko yun pinapalaro kasi baka magasgasan at magkaron ng tupi yung dulo.

  16. kalarong mangyan Says:

    ako rin, ako rin pasale!!!! hhaayy.. sarap-sarap talaga maglaro sa kalye… dag-dag mo pa, luksong baka at luksong tinik, tantsing, tisod bata, tisod bahay, step-no-step-yes, syato, patentero, burutan, sikyo, usa-usahan, at marami pang iba…. ano manuhan na?

    kingdaddyrich reply on June 18th, 2008 10:39 pm:

    game!

    donG hO reply on June 19th, 2008 12:39 am:

    parang hindi ko na alam yung iba dito.

    kingdaddyrich reply on June 19th, 2008 11:13 am:

    ako rin eh. hndi ko alam ang tisod bata, tisod bahay, sikyo, usa-usahan, at higit sa lahat ang burutan.

    kakaiba ang tunog niya.

    :D

  17. jep Says:

    naku paborito ko ang taguan kasi buong kabataan sa village namin eh sumali.. puro lalake kami.. takte biruin mo un.. halos 30-40 ang kasali at isa lang ang taya.. bwahaha.. pero nagiging taya na rin ung naboom haha.. siyempre wawa naman eh..

    halos lahat ata ng sinabi mo eh nalaro ko.. kahit kamo chinese garter at 10-20 ndi nakaligtas sa akin yan.. ndi naman ako sinisilipan ng mga babae eh bwahaha… puro talon un db? ndi naman ako tumagkad haha..

    patintero rin ang gusto ko hehe.. dahil dyan eh may nakaaway pa ako.. simula ng naglaro ako nyan ako ang patotot bwahaha.. pag hopeless na sa larong patintero nagiging around the world ang drama hahaha..

    kingdaddyrich reply on June 18th, 2008 10:43 pm:

    walanjo. 40 kayong naglalaro ng taguan? ha haha… kawawa naman ang matataya. pwede naman yung ibang grupo eh magpatintero o kaya mag tumbang preso.

    pero aliw yan ah. the more, the many-er. he hehe..

    jep reply on June 19th, 2008 10:17 pm:

    trip tripan un eh.. at saka solid ang laro dito pag taguan.. nagkaroon din kami ng laro na sinisipa ung bola pero ala baseball siya kasi ippitch ung bola (volleyball) sisipain mo siya tapos may 4 na base aun kapag malayo pwede kang mag home run —- isa pa yan sa laro ng buong kabataan sa village.. haha

    kingdaddyrich reply on June 20th, 2008 9:59 pm:

    football ang tawag sa amin niyan. madalas rin namin laruin yan. ang totoo, yan ang pinakapaborito ko kasi diyan ako pinakamagaling. ha haha..

    naaalala ko pa, nagpabili pa ako sa nanay ko ng makapal na tsinelas para malakas at pataas ang tapon ng bola pagkasipa. wala na ngang ganyan ngayon eh. tanda ko pa dati, nilaro yan noong fiesta dito sa amin. at dahil sa paborito ko siya, una akong natanggal. ha haha..

    jep reply on June 21st, 2008 7:00 pm:

    hahaha football din ang tawag sa amin.. ndi ko lang tinype kasi baka isipin mo ung real football.. sosyalan naman namin pag ganon..

    naku ako rin nagpapabili ako ng makapal na tsinelas.. alpombra ba ang tawag dun? naku solid sa pagsipa eh palobo.. pero madalas din ako ma-out bata pa kasi eh, eh ung mga matatanda sa amin puntirya kami hahaha..

    kingdaddyrich reply on June 25th, 2008 10:58 pm:

    sosyalan din pala ako ibig sabihin. kasi football ang tawag ko don. lols. sosyal tayong lahat. naaalala ko ang sosyal tsinelas de havaianas na ipinangako mo sa akin. yuhii!!! lol jep

  18. Nash Says:

    hahahaha

    uso na din MURAHAN sa mga bata

    at gaguhan i swear

    kingdaddyrich reply on June 18th, 2008 10:45 pm:

    ha haha.. nako, kahit noong bata ako, murahan na rin ng murahan. yan ang hindi nagbago. hanggang kasalukuyan dala ng mga bata ang murahan. :D

  19. mnel Says:

    hindi ako nakalaro ng tumbang preso dahil delikado raw yung lata. baka tamaan ako.

    riyo?

    ah… mas kilala ko yun sa tawag na sanrio. hindi ko alam kung bakit ganun ang tawag dun.

    anyway, nung nasimulan ko to, sabi ko parang familiar… yun pala ay may nabasa na akong blog entry na kapareho nito ang tema… look here…

    http://dudepauee.multiply.com/journal/item/136/Flashback

    kingdaddyrich reply on June 19th, 2008 11:18 am:

    pinaikling sanrio ata yung RIYO. hehehe.. diba nandon din si Hellow Kitty. :D

    oo nga, may pagkakatulad kami ng post. ahaha.. siyempre, hindi na ako magtataka na may magsusulat ng katulad niyan lalo na sa henerasyon natin doc. lahat tayo dumaan diyan. :D

    salamat sa link. hindi lang ako maka komento sa kanya, wala kasi akong multips.

    mnel reply on June 19th, 2008 5:32 pm:

    tanging ako lang ata ang di makakagawa ng makabuluhang insight tungkol sa mga street games dahil di naman ako naging batang kalye. hehe. loser. :P

    kingdaddyrich reply on June 20th, 2008 10:01 pm:

    eh mga larong bahay na lang share mo mnel. hehehe.

  20. caleb Says:

    Waaah.. di ako nakapaglaro nito nung bata ako.. ayaw ako palabasin ng bahay ng nanay ko.. kaya nung mejo matanda nako dun lang ako nakapaglaro ng mga patintero, touch ball ba un.., tumbang preso, taguan.., bangsak at kung anu anu pa habang nakikipaglaro sa mga bata.. haha..

    nice blog po..

    link po kita.. tnx..

    kingdaddyrich reply on June 19th, 2008 11:21 am:

    he hehe. dapat tumakas ka. hehehe.

    pero ayos na rin, at least na experience mo pa ring makapag laro. teka, ilang taon ka na ba nong tinutukoy mo na *mejo matanda* ka na noong nakapaglaro ng mga ganyan? :D

    baka naman pwede ka na makabuntis noong naglalaro ka niyan tapos ang mga kalaro mo eh mga chicks diyan sa lugar mo. tapos ang nilalaro niyo pa ay habulang gahasa. hehehe.. nako! :D

    caleb reply on June 19th, 2008 11:06 pm:

    wahaha.. hayskul naman.. pwede na nga no.. wala lang.. tigang sa larong pambata eh.. wahaha.. pero masaya.. mga bata kasi ngaun puro na online games..

    kingdaddyrich reply on June 20th, 2008 10:03 pm:

    tigang saan? ha haha..

    noong hayskul ako iba na nilalaro ko. :D

    caleb reply on June 22nd, 2008 2:41 pm:

    wakekek.. tindi mo.. active na active.. nalaman ko nga lang yan nung tinuro na sa school eh.. haha.. ako laging child at heart.. wahaha.. or parang nagpapakachild at heart.. inosente effect.. waha..

    kingdaddyrich reply on June 25th, 2008 11:00 pm:

    loner kasi ako noong bata. kaya kadalasan, ang nilalaro ko eh mga action figures. iba sa nilalaro ng ibang bata. he hehe.. kaw ah. iba iniisip mo.

    caleb reply on June 28th, 2008 2:26 am:

    aaaahhh.. loner ka pala nung bata.. mas delikado nga.. kung anu anu ang naiisip.. pro tama naman ah.. action & figures nga ung tinuro samin sa skul.. may illustrations pa nga eh.. mejo in depth.. magaling ang teacher eh..

    kingdaddyrich reply on June 28th, 2008 2:30 am:

    joke lang yun, to naman sineryoso. he hehe.

  21. spongebabe Says:

    tsaka, may nakakaalala pa ba sainyo ng plastic balloon? hahahaha! bigla kong naalala!

    kingdaddyrich reply on June 19th, 2008 11:22 am:

    ha haha.. talagang naalala pa ah. adik ka siguro don ano? :D

    spongebabe reply on June 19th, 2008 1:03 pm:

    wahehehe. masarap sya nguyain e! bwahahahaha!

    kingdaddyrich reply on June 20th, 2008 10:26 pm:

    hahaha.. hindi ko siya nginunguya pero sumasakit ang panga ko kaka hipan sa plastic balloon.

  22. Lawstude Says:

    kdr may nakalimutan ka.

    1. PUTUPONG. may dalawa group ito na maghahabulan tapos yung mahuhuli ikukulong sa base. ang saya nun.

    2. SYATONG - yung may dalawang stick na pinapalo. yung maliit na stick nasa hukay tapos yung malaki stick pinam ba-bat. yung matatalo sisigaw ng SYYYYYYYYYYYAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAATTTTTTTTOOOOOOOOOO.

    3. BAHAY-BAHAYAN - eto pinaka-favorite ko noon kasi ako gumaganap sa tatay tapos yung cute kong kapitbahay na si SABEL ang nanay. tapos meron kami maliit na bahay at maliit na higaan.

    kingdaddyrich reply on June 20th, 2008 10:30 pm:

    yung putopong, yan din ata yung black 123, bangsak, or habulang gahasa. ay habulan ligtasan pala. he hehe.

    syatong, chato naman ata yan. hindi gaanong nilalaro dito sa amin yan kasi kailangan niyan ng malawak at malaking laruan. eh sa kalsada kami naglalaro at maraming taong dumadaan parati, mahirap na baka matamaan ng kahoy.

    yung bahay bahayan, yan ang peborit ng maraming totoy. ha haha!

  23. Marvz18 Says:

    hayzzzz… ang sarap maging bata… wala lang napadaan lang po…. daan ka naman sa blog ko minsan… hope you can share your comments also… thanks…

    kingdaddyrich reply on June 20th, 2008 10:31 pm:

    salamat sa pagdaan. at siyempre naman dadaan ako sa blog mo. :)

  24. kulot Says:

    wala na nga mga larong yan, ngayon puro techie na mga bata, anak ko na lang nambabasag na ng cp

    kingdaddyrich reply on June 20th, 2008 10:33 pm:

    ang yaman naman. hehehe.. gusto mo bang i revive natin ang mga larong yan? papa tournament ako.

  25. coldman Says:

    ba’t ganun iba yung version namin ng langit-lupa… sa pagkakatanda ko may Max Alvarado…mahilig sa baril… parang ganun yun.

    Iba pa rin yung patentero at habulan! Sarap maging bata!

    Ngayon Wii na!

    kingdaddyrich reply on June 20th, 2008 10:40 pm:

    pareho kayo ni leyn ah. baka magkalaro kayo noong bata. hmmm…

    he hehe

  26. cedeux Says:

    nakakamiss maglaro at maging bata…
    naalala ko ung pinsan ko, nagtutrumpo kami sa skul tapos
    nagulungan ng trumpo nya yung paa nung bata. hehehhe

    sermon kami sa nanay ko. teacher kasi sya dun. hehehe

    kingdaddyrich reply on June 20th, 2008 10:42 pm:

    kailan pa nagkagulong ang trumpo? lols..

    joke lang. he hehe.

  27. lagsh Says:

    DOTA at counter strike na ang uso ngayon sa mga bata!!!
    at lalabas na ang Starcraft 2 niyan!!!

    kingdaddyrich reply on June 20th, 2008 10:43 pm:

    wahh. starcraft…. pinakaabangan yan.. nakita mo na ba ang preview? ang lufett!!

  28. warvitt Says:

    mawalang galang lang, tanong ko lang kung alam niyo yung reyp-reypan? kasi nalaro ko dati yun e, yung momolestiyahin yung kalaro tapos pag umiyak sasabihin mo “joke lang”
    iba yun sa habulang gahasa wala kasing thrill, unlike reyp-reypan may mechanics and required ang force with gigil.

    tanong: bakit hindi ako napapasingkit noon sa mga neneng nagcha-chinese garter bagkus ay nagiging tarsier ako?
    sagot: kasi hindi pa trend ang pagsusuot ng panty.

    kingdaddyrich reply on June 20th, 2008 10:46 pm:

    hahaha.. iba ang game mo warvitt.. mahalay! hahaha…

    pati ang paglalaro mo ng chinese garter.. maL

    donG hO reply on June 22nd, 2008 12:12 pm:

    hahaha… hirap. parang bata ka pa lang may kaso ka nang rape. hehehe….

    kingdaddyrich reply on June 25th, 2008 11:02 pm:

    buti nga kapag bata hindi pwede makulong kundi malamang bulok na sa bilangguan si warvitt

  29. Tentay Says:

    hahaha nakakatuwa naman at naalala ko ang past ko non ako’y isa pang gusgusin at dugyot na bata. hehehehe. ang bilis ng panahon.

    kingdaddyrich reply on June 20th, 2008 10:59 pm:

    talagang dugyot eh noh? heh ehe.

  30. acey Says:

    kdr, nakakatuwa talaga ang mga posts mo!

    i just realized grabe pala ang lyrics ng kantang to:

    Langit lupa impyerno,
    im im impyerno,
    saksak puso tulo ang dugo,
    patay, buhay,
    alis ka na diyan!

    at imagine, mga bata pa tayo nung nilalaro at kinakanta yan!

    tumatakas talaga ako nung bata pa ako para makipaglaro sa ibang bata sa compound namin nun… sana nalaro ko rin ang ibang mga games sa lista mo. para kasing masaya at fun. :)

    nice post!!!

    kingdaddyrich reply on June 20th, 2008 11:03 pm:

    marahas ba ate acey? :) eh wala pa kasing muwang ang mga naglalaro non. kahit ngayon nga pag naririnig ko ang mga bata sa kalsada na nagmumurahan parang wala lang sa kanila eh. :)

    anong pinagkaiba ng masaya at fun? maliban sa tagalog ang isa, english naman ang isa.

    donG hO reply on June 22nd, 2008 12:14 pm:

    lupit nga nitong bersyon ng langit lupa. malamang sa bilibid ito nag originate.

    kingdaddyrich reply on June 25th, 2008 11:04 pm:

    chant yan dati ng sputnik at sige sige..

  31. kuri Says:

    favorite ko ung luksong baka at diablo… pati na rin ung luksong bunot!

    kingdaddyrich reply on June 21st, 2008 10:12 am:

    paano yung diablo? diba computer game na yun?

    saka yung luksong bunot paano? yun ba yung pag lukso mo bubunutan mo ng buhok yung taya.?

    donG hO reply on June 22nd, 2008 12:16 pm:

    diablo. isa yan sa best games na nilaro ko. di ba yan yung lalagyan ng sungay ang taya tapos hahabulin nya yung mga nasa langit habang syay nasa lupa?

    hehehe… dyok lang po. favorite ko talaga ang diablo. best character ko ang necromancer.

    kingdaddyrich reply on June 25th, 2008 11:05 pm:

    hindi ko naman nalaro ang diablo. na adik ako dati sa counter strike at red alert. pero buti na lang hindi ako naadik sa mga online games.

  32. napundingalitaptap* Says:

    awww… a lab da kowt….

    pero napapatsktsk ako.

    parang di yata ako ganoon kapamilyar sa mga laro…

    narinig ko na sila, pero 10-20 lan ata ang nalaro ko talaga.

    LOSER KO.. hmmm.

    yun monkey anabel, nalaman ko nun 4th year college ako, di ko kasi maintindihan yun ad ng advil, nagtanong tuloy ako sa klasmeyts ko…a, yun pala yun.akala ko stupid blahs lan ni anabel rama.

    tas yun “viva” third year college ko na nalaman na may ganun pala… naglaro kami minsan ng sili sili… ayun.

    masaya…

    pero, anu nga bang pagkabata ang meron ako?

    kingdaddyrich reply on June 25th, 2008 11:10 pm:

    siguro strict ang parents mo kaya hindi ka gaanong nakapaglaro sa kalsada. pero at least nakapaglaro ka ng sili sili maanghang. he hehe.. nalaro ko rin yun dati. akala ko nga imbento na lang yun ng mga kalaro ko kasi wala na kaming malaro. yun pala sa ibang lupalop nilalaro din yun.

    napundingalitaptap* reply on June 26th, 2008 2:38 pm:

    ahaha… o well, nalaro ko din pala yun langit lupa… yun mga habulan lan,

    patintero oo din, pero kumusta naman na sa lawn ng bahay ng uncle ko tas ang mga kararo este kalaro ko e mga pinsan lan… boring!! ahaha.

    yun silisili, panalo, paborito ko yun sili moves (dapat nakalabas pa ang dila tapos pinapaypayan ng kamay, ganun din ba sa kayo?)

    yun mga tumbang preso at syato ba yun, hanaku, sa tv ko lan nakikita yun, mtv ng kantang betamax ng sandwich…

    ay ang loser ko. hehe. hmmmm,

    “VIVA” wahahha! ansayasaya!

    kingdaddyrich reply on June 27th, 2008 1:39 am:

    sili sili maanghang, tubig tubig malamig.

    ganyan ang kanta don diba?

    napundingalitaptap* reply on June 30th, 2008 10:20 pm:

    ahaha..may iba pala talaga sa versions

    ganito sa amin

    sili-sili maanghangm tubig tubig panlaban…

    mas may rhyme! ahahaha! =p

    napundingalitaptap* reply on June 30th, 2008 10:35 pm:

    ay alam nyo po, aliw na aliw ako sa pagsusulat mo..paramis! hehe,

    tamo, i even recommended it to some of my NOTBLOGGING friends..hehe

    seanjamir: tsate pala pangalan ng tali sa trumpo.. hahahah
    seanjamir: ngaun kolang nalaman.
    kookoo: o diba, informative
    kookoo: hehe
    kookoo: idol yan!
    seanjamir: magaling nga..
    seanjamir: nakakainggit naman cxa.
    kookoo: bakit nakakainggit?
    kookoo: okay ba?
    kookoo: hehe
    seanjamir: magaling cxa magsulat..
    kookoo: oo talaga!
    kookoo: idol idol

    oOo

    kookoo: hmmmmmmmm
    lhymhuel_coricks: ouu teka
    lhymhuel_coricks: nasa teks na ako
    kookoo: yey!
    kookoo: hehe
    lhymhuel_coricks: hehe sensya na magulo utak ko haha kya binbasa ko ng 2 beses bawat paragraph

    told you!! hehehe. . . wala, tuwa kasi talaga ako sa sulat mo..hehehe

    siguro gawa na din ng HINDI ako gaanong nakarelate sa sulat mo, naghanap ako ng MAS makakarelate sa kanila…sabay sabay kayong magrereminisce…ako, sa ilusyon ko lan,,hehe..

    =p

    napundingalitaptap* reply on June 30th, 2008 10:48 pm:

    lhymhuel_coricks: AYOS!
    lhymhuel_coricks: maganda

    kookoo: nabasa mo?
    benedict delos reyes: natutuwa ako dun sa part n umayaw at umiyak hehe
    kookoo: ahahaha
    benedict delos reyes: haha
    benedict delos reyes: kulet pwd to tama!

    ahaha.,,at may TOTOO pa nilang pangalan.ahahha!

    =p

    galinggaling!

    napundingalitaptap* reply on June 30th, 2008 10:49 pm:

    lhymhuel_coricks: hehe sensya na magulo utak ko haha kya binbasa ko ng 2 beses bawat paragraph
    lhymhuel_coricks: AYOS!
    lhymhuel_coricks: maganda

    o0o

    kookoo: nabasa mo?
    benedict delos reyes: natutuwa ako dun sa part n umayaw at umiyak hehe
    kookoo: ahahaha
    benedict delos reyes: haha
    benedict delos reyes: kulet pwd to tama!

    ahehehe, at anjan oa yun TOTOONG names nila..hehehe.hmmm..

    =p

    kingdaddyrich reply on July 9th, 2008 10:04 pm:

    waw. touched naman ako.

    *speechless*

  33. Ely Says:

    Alam ko lahat yan maliban sa text. Wala kasi mga nabibiling text sa bundok. LOL

    kingdaddyrich reply on June 25th, 2008 11:12 pm:

    wahh.. text ang pinakapaborito kong laro. don ko naramdaman ang pagkabata ko.

  34. taps Says:

    tanga ako sa ganyan.

    hindi kasi ako lumalabas ng bahay nung bata ako, lagi akong nasa kwarto lang.

    Bakit?

    Masyadong sensitive ang tatay ko e.

    Bawal daw at baka magkasakit.

    Kaya eto, mas lalo akong naging sakitin.

    kingdaddyrich reply on June 25th, 2008 11:13 pm:

    protektib si daddy ah.

  35. PRUE Says:

    and warabawt . . . SHIT.. DI KO MAALALA… ano nga ba yung larong kalye na naka-blindfold ang taya tapos nakapwesto yung mga kalaro tapos kapag nahanap ka ni taya, hihilaan niya kung sino ka…. meron nun eh…

    and.. and… remember AGAWANG POSTE? hehehe! and TAGUAN? hehehe!

    infer… nice timing ang entry…. balik-pagkabata…

    the it must be time to play sa BAHA!!!! bwahahaha!

    kingdaddyrich reply on June 25th, 2008 11:15 pm:

    hindi ko rin alam yung blindfold game na sinasabi mo. baka initiation sa frat yan ah. :D

  36. Tentay Says:

    hahahha salamat at napadaan ka sa aking lungga. :P

    sapul ba!! nako sunuginnnn!!! hahahahahaha!! joke lang po. =)

    kingdaddyrich reply on June 25th, 2008 11:16 pm:

    walang ano man tentay patis. :D

  37. JohnBailor Says:

    hey…

    e bakit wala naman yung taguan?? or bahy bahayan?? kilala din yun…

    hehehehe

    … i hope you could share your happiness… http://jabeh143.wordpress.com/2008/06/16/happyness/

    kingdaddyrich reply on June 25th, 2008 11:22 pm:

    nandiyan lang yun, nagtatago lang. :D

  38. Lyka Bergen Says:

    Miss ko ng maglaro ng Chinese Garter! (Isama na rin ang Chinese Jackstone!)

    kingdaddyrich reply on June 25th, 2008 11:25 pm:

    paano ang chinese jackstone?

  39. ponchong Says:

    natuwa ako sa mga komento. kanya kanyang alala ng mga supot days. may tanong lang din ako dugtong don ke kris jasper.

    “asan ang jolens?” hahaha…nasa PI..nagpupumilit maging judge.

    dati kapag tapos na ang school, since di pa uso ang mga tv at mga selpon na yan, ginagabi kami sa kakalaro ng tubig-tubigan. sinusundo na lang ng nanay ng pamalo.

    paborito ko din ang “shatong”, ‘yong may 2 patpat, isa medyo mahaba at yong isa mga thrice ng haba ng isa. doon naexcercise ang breathing power ko. pero natigil din kami ng may maaksidente sa amin. natamaan ng shato sa mata, ayon duling na sya for life.

    naman!

    kingdaddyrich reply on June 25th, 2008 11:29 pm:

    uy ah, kahit tuli na ako nilalaro ko pa rin ang iba diyan! :)

    at pareho tayo, sinusundo na rin ako ng nanay ko ng dos por dos.

    napundingalitaptap* reply on June 26th, 2008 2:42 pm:

    (pedeng pa-epal? sori naman po, natawa ako sa ayon duling na sya for life. hmmm, wawa naman sya, kasi kasi kasi…

    ayun, tapos na ang pangeepal ko sa nayun.

    ponchong reply on June 26th, 2008 2:58 pm:

    ay oo. totoo yon. ikaw ba ang tamaan ng pamato sa nosebridge, aside from seeing the comet meron pang after shock at iyon yon.

    kingdaddyrich reply on June 27th, 2008 1:36 am:

    kawawa naman

    napundingalitaptap* reply on June 30th, 2008 10:52 pm:

    nga naman…ahahaha…

    after shock? tawa nanaman…. wahahahahaha!

  40. saishin Says:

    namiss ko tuloy ang aking chayldhud..
    mas nakakatuwa laruin yang mga yan kaysa sa mga kompyuter geyms..
    bukod sa mag-enjoy ka na, gud for da health pa..

    kingdaddyrich reply on June 25th, 2008 11:30 pm:

    yes. may point ka. dahil diyan, may premyo ka sa akin!

    *joke*

  41. janus Says:

    bigla ko tuloy naalala kabataan ko sa post na ito. hehehe

    kingdaddyrich reply on June 25th, 2008 11:31 pm:

    ako rin eh. pero hindi bigla. dahan dahan.

  42. watusiboy Says:

    naalala ko tuloy yung larong prikidam(freakydom? ano ba ang ispeling). yung puro balyahan lang. brutal ang larong iyon.

    kingdaddyrich reply on June 25th, 2008 11:33 pm:

    ha haha.. hindi ko alam yan. si warvitt mahalay ang gustong laro, ikaw naman marahas. :D

  43. The Morning Bolero Kronikels: Ang Artipisyal Blog ni Kingdaddyrich » Blog Archive » Bagyo ng Sipon Says:

    […] Home « Mga Larong Kalsada ng Batang Pilipino […]

  44. equilibrium2008 Says:

    naku may kulang ka pa, dati naglalaro rin ako ng Jolens, yung goma, siato tsaka patintero. :)

    Nice blog. Btw, I will add you sa blogroll ko and i will visit your blog na lagi. I just simply love it :)

    kingdaddyrich reply on June 27th, 2008 1:21 am:

    salamat po. :)

  45. dramachinedoypi'03 Says:

    in-depth! oi naglaro din ako nian.. hehehe ba’t di mo sinama ang patintero?

    kingdaddyrich reply on July 9th, 2008 10:07 pm:

    nako. hahaba na ng sobra sobra kapag sinama ko pa. alam naman nating lahat na bahagi siya ng larong kalsada eh kaya ayos na yan. :D

  46. Anino Says:

    Daddy, hindi ko pa pala napapalitan ang iyong link! Hindi tuloy kita mahagilap dati.Nangaling pa ako kay ABou para mahanap ang iyong link.

    Ako nga pala ang nakatanggap ng Best Patotot Award sa aming Barangay.