Bakit Baluktot Magsulat ang mga Pilipino?
Pasukan na naman! Opisyal nang bukas ang bagong taon ng eskwela (SY 2008-2009).
Tiyak iba-iba ang saloobin ngayon ng mga estudyanteng Pinoy. Maaaring may ilan na sabik nang pumasok sa eskwela, lalo na ang mga bagong papasok sa elementarya, hayskul o kolehiyo. May ilan din siguro na ayaw pang bumalik eskwela dahil bitin sa bakasyon at sinusulit ang buhay tambay. At siguradong may mga estudyante riyan na sabik na sabik na, hindi dahil sa gusto na nila pumasok, kundi dahil makaka-delihensiya na ulit ng baon kay ina at may dahilan na para makahingi ng pera kay ama para sa mga school projects, kahit wala.
At tiyak napapakamot na lang ng ulo ang maraming magulang dahil sa patuloy na pagmahal ng presyo ng pag-aaral dito sa ating bansa, mapa pampubliko man o pribado. Ngunit dahil sa hindi mamatay-matay na kasabihang iyan lang ang kayamanang mapapamana namin sa aming mga anak, patuloy pa rin sa sila sa pagsisikap para mabigyan ng magandang edukasyon ang kanilang mga anak. At patuloy din sila sa pagkakamot ng ulo.
Noong nasa elementarya ako, nagsimula ako sa tatlumpung piso tatlumpisong (P 3.00) baon. Sakto lang para sa noo’y P 1.50 na halaga ng tinapay, pambara, at P 1.50 na halaga ng inumin, panulak. Ni wala akong pambili ng kendi o kahit maning hubad para naman magkaron ako ng tinga na sisingit sa ngipin ko, at maramdaman kong may kinain ako. Hindi rin naman ako namamasahe dahil nilalakad ko lang ang eskwelahan ko kapag papasok, kaya saktong sakto lang ang baon ko. Pero tumaas naman ang baon ko at naging limampiso (P 5.00) noong ako’y nasa ika-anim na baitang na. Kahit paano ay may pang kendi na ako at nakakabili na ng maning hubad.
Naranasan ko rin dati ang pilit na pagpapaubos sa amin ng ibinebentang pagkain tuwing recess namin. Ang sistema kasi, may nakalaan na basket kung saan naroroon ang mga pagkain (tinapay, juice, cornick, maning hubad, beans, dilis, saging atbp.) na ibebenta sa aming section. Kailangan naming maubos ang laman nito at kahit hindi namin gusto ay kailangan naming gustuhin. Minsan ay dumating na sa punto na isa-isa na kaming kinakapkapan ng bulsa at kapag may kumalansing, babay na sa barya. Sa halip na may pang laro pa ako ng video game na hinuhulugan ng piso, napupunta lahat sa maalat na maning hubad.
But wait! There’s more!
Nakaranas na rin ako ng mga guro na ume-extra at kung ano-anong tsokolate at kendi ang binebenta sa amin. Hindi naman ito sapilitan, lalo na sa lagay ko dahil kahit anong gawin kong pilit sa sarili ko ay hindi naman ako makakabili dahil sa wala na akong pera. Kaya ang mga can-afford kaklase ko na lang ang nakaka-bili at wala akong ibang pagpipilian kundi pagtiyagaan ang maning hubad. Pero noong hayskul ako, tocino at longganisa na ang inilalako ng isa sa mga naging teacher ko.
Maliban dito hindi ko rin malilimutan ang samu’t saring tiket na ipinagbili sa amin. Karamihan dito ay pa-raffle ng kung anong organisasyon na taon-taon na lang kung dumating. At sa buong anim na taon ko sa elementarya, ni minsan ay wala akong narinig na may nanalo. At nagpatuloy rin ito hanggang hasykul na ako. Eh apat na taon yun, eh di sampung taon na lahat lahat.
Dito ko rin nagawang pagkasiyahin sa bag at bitbitin ang hindi bababa sa sampung libro, labindalawang notebook, mga quiz booklets, papel, pamphlets at iba pa, araw-araw! Isipin mo na lang na may naka-sampay na malaking bag sa likod ko at may hawak pa ako sa magkabilang kamay ko. Kulang na lang ay magdala ako ng maleta para isang lalagyan na lang. Buti na lang at sagana ako sa maalat na maning hubad na naging sikreto ko para lumakas ang katawan ko at makaalpas sa torture na dulot ng pag-aaral.
At sa tuwing matatapos ang school year, diyan na biglang maglilitawan ang mga tagong bayarin. May mga pagkakataong kapalit ng pirma ng guro mo sa clearance ay kailangan mong magpasa ng floor wax o kaya ay pentel pen. At gagawing hostage ang report card mo kapag hindi ka nagbayad ng inutang mong tocino.
Hindi na lingid sa kaalaman nating lahat ang mga ganitong suliranin. Idagdag pa riyan ang kakulangan sa silid aralan, kakulangan sa guro at kakulangan ng mismong eskwelahan. Ilang beses na rin tayong nakarinig ng mga istorya ng mga estudyanteng tumatawid ng ilog at bundok para makapasok sa paaralan. Nakarinig na rin tayo ng mga gurong isinasakripisyo ang kanilang personal na buhay, maihatid lang ang kanilang serbisyo at ang sinumpaang tungkulin bilang isang guro.
Gayunpaman, walang pagbabago, At taon-taon na lang, pare-parehong istorya ang naririnig natin. Napapakamot na lang ako ng ulo.
Paano maitataas ang kalidad ng edukasyon sa Pilipinas kung ang sistema ng edukasyon ay bumababa?


June 10th, 2008 at 9:54 pm
HAHAHA. naka-relate ako sa floor wax! dati nga may plus points pa ang magdadala ng walis at bunot…
gulat ako sa news kanina, na-interview ang isang public teacher at 107 daw ang handle nyang estudyante sa isang klase.
at uso na pala ang pag-sstampede para lang maka-pasok sa school?
ano na bang nangyayari sa outside world… nakakulong kasi ako. lol.
kingdaddyrich reply on June 12th, 2008 1:31 am:
kakatapos lang ng Pinoy Big Brother ah, how come nakakulong ka parin. at teen edition yun!
nilubos lubos na pala sa inyo. oo nga naman, bago mag floor wax kailangan magwalis, at after magwalis kailangan magbunot. maliban pa diyan ang mga plastic cover, manila paper at cartolina na pinapadala tuwing magsisimula ang pasukan.
June 10th, 2008 at 10:08 pm
alangya talaga pre! sobrang nakakarelate ako lagi dito sa mga post mo. magkababayan nga tayo. San ka ba nagaral? melchora aquino elementary school? kung saan nasa basket ang tinda at sapilitan ang pagubos ng tinda? 5pesos ang baon ko noon. 2pesos tinapay, 2 pesos juice, at piso para sa isang katiting na pastilyas de harina! nyahahaha those memories talaga! XD
kingdaddyrich reply on June 12th, 2008 1:39 am:
ahahah… parang narinig ko yang melchora aquino na yan. pero buti na lang hindi ako diyan nag aral kundi baka isipin ko na kaklase kita noong elementary. lols.
June 10th, 2008 at 10:34 pm
‘di kaya naging mag-kaklase tayo?? he he he, kulang ata ‘yong tinda sa basket, may kasama pa ‘yong mainit-init na sopas, espasol, banana at kamote cue. nauso rin ‘yong binibentang collectible stamps na noong mga panahong ‘yon eh wala pa akong kaalam-alam kung saan ba ginagamit ang mga stamps na ‘to (’yon daw mga mapagbibilhan eh ipamimigay sa mga bulag)…
at ang pinaka-ayaw ko eh ‘yong bakuna.. talaga uma-absent ako…he he he..
ganoonpaman, hanga at saludo talaga ako sa sakripisyo ng lahat ng mga guro. mabuhay ka madam, sir!!!
kingdaddyrich reply on June 12th, 2008 1:55 am:
kuya, hindi ata tayo magkaklase. alam mo naman ang age gap natin. ahahah.. pis.
di ko alam ang mga commemorative stamps na yan. talagang mga ticket ang patok noong panahon ko.
oo nga, saludo tayo sa mga guro na pangalawang magulang na natin!
xio reply on July 7th, 2008 5:09 pm:
Bakuna??
kingdaddyrich reply on July 9th, 2008 9:41 pm:
bakuna sir xio, ay ang pagpapaturok.
xio reply on July 9th, 2008 11:40 pm:
oo nga. bakit may ganun sa school?!
kingdaddyrich reply on July 9th, 2008 11:53 pm:
wala ba sa inyo? noong elementary kasi ako may libreng bakuna rin. nakalimutan ko na kung para saan ang bakunang yon. eh since nakapila na lahat ng kaklase ko, eh di go na rin ako.
June 11th, 2008 at 1:17 am
May mga pagkakataong kapalit ng pirma ng guro mo sa clearance ay kailangan mong magpasa ng floor wax o kaya ay pentel pen. >>> hahaha… may ganun nga. pero hindi naman nangyari sa akin. sa iba nga lang.
nung elementary ay medyo excited pag pasukan kasi may mga bagong classmates na aasarin. hehehe…
nung high school naman ay lahat ng karantaduhang bagay nagagawa buti na lang maayos ayos ang section namin. block section kami from 1st year to 4th year kaya hindi nag iiba ang mga kaklase.
nung college, the best kasi challenging pero saya naman. daming project, daming kailangan pag aralan pero marami ring mga gimik. buhay college pa rin ang pinaka masaya para sa akin.
parang ang tagal na ng P3.00 na baon na ang tinapay ay .50 lang. parang hindi ko na naabutan yon ah. hehehe…
kingdaddyrich reply on June 12th, 2008 1:59 am:
bully pala si kuya dong noong elementary. tsk tsk. siguro lagi kang nasa guidance office at laging ipinapatawag ang ina mo.
buti naman at na enjoy mo ang buhay college. pero sabi nila hayskul daw ang pinakamakulay na buhay eskwela sa lahat…
at malamang hindi mo na maabutan ang 3.00 na baon. kasi noong panahon mo ay sapat na ang 2.00.. lols. o di naman kaya rich si kuya dong at pang mayaman ang allowance niya noong nag aaral pa.
xio reply on July 7th, 2008 5:13 pm:
masaya ang HS lalo na ‘pag may kuya ka na maraming barkadang COCC and CAT officers: may tagabuhat ng bags mo every morning at uwian!
college, puro power play naman. challenging nga! ahem, siyempre pati rector hindi ko pinalampas. mabuhay ang power ng lapis!
kingdaddyrich reply on July 9th, 2008 9:42 pm:
siguro may kuya ka na cocc officer?
hindi ko na gets ang lapis sir xio.
xio reply on July 9th, 2008 11:42 pm:
campus journalism ;>
rio reply on June 13th, 2008 11:48 am:
“nung high school naman ay lahat ng karantaduhang bagay nagagawa”
mukhang laging highblood ang adviser nyo ah! hahaha!
the best din sa akin ang college days ko…nakakatakas na kasi ako pamisan minsan para gumimik…=)
donG hO reply on June 13th, 2008 3:36 pm:
hahaha… ganun na nga. umabot na nga yung klase namin nung high school sa principal. pero nanalo pa rin kami. hehehe… astig ang mga parents. pasaway din pala.
mahilig ka palang tumakas doc. paano na lang si x-cpa nyan?
rio reply on June 14th, 2008 10:44 am:
nanalo pa kau? hahaha!! kawawang mga guro! magkaroon b naman ng mga pasaway na estudyante at magulang!..hahaha…
hindi ko pa nakikilala si X CPA nun. Taga U belt din pala yun..malamang nakabanga ko na yun nung araw hindi ko lang alam.hindi ko kasi noon pansin ang mga varsity ng sepak takraw e ay este varsity ng basketball….hehehe=)
kingdaddyrich reply on June 16th, 2008 10:04 pm:
ang pilyo ni kuya dong. mas matatag pa sa mga teacher. ahaha.. certified teachers enemy.
ate rio, varsity ba ng basketball? parang may remark ka ata sa kanya tungkol sa validity ng sinabi niya na basketball player siya dahil sa height niya. ahaha.. kumusta na nga pala kayo? ayiii…
June 11th, 2008 at 2:35 am
baon ko nung araw tatlong piso, ano ba yun, hahaha kasi naman 15 centavos lang ang pamasahe non ano. tapos yung mga binebenta ng mga teachers e yung mga imported chocos like cadbury, hershey’s etc - ngayon kahit saan pwede mo na sila bilhin. tapos kapag cleaner’s kami bunot at floor wax din ang drama, at sempre dapat ikaw din ang mag decorate ng bulletin board. pero teka, super dami yata ng estuyante kung 107, hanu ba yun! dito nga grade one e 22 kids lang nagrereklamo na sila dahil ang dami daw. meron akong mga ka edad dito sa mga nag comments sa yo, hahaha
kingdaddyrich reply on June 12th, 2008 2:03 am:
ahahaa.. ate ah. di tayo magka edad. pero bakit ganon, pareho tayo ng baon. hindi ko naman naabutan ang 15 centavos na pamasahe. at ang sosyal naman ng teacher niyo. sa amin kasi tootsi roll at goya lang ang ibinibenta. at oo, uso ang overcrowding ng mga estudyante dito sa Pilipinas. kaya kung ano anong remedyo na ang ginagawa ng mga administrasyon ng mga paaralan para maresolbahan ang problemang ito. tsk tsk.
June 11th, 2008 at 4:44 am
mahusay! pinoy na pinoy pare pasitib man o negatib. buong pilipinas yata ay ganoon pa rin ang sistema. ako man ay biktima ng mga binebentang tikets na ang tanging nananalo ay ang mga gumawa noon.
isa pang suliranin ay ang paunti nang bilang ng mga guro dito sa bansa. silang mga bayani na nagtitiis sa pagtuturo na ngayon ay nagsisipunta sa mga dayuhang lupa upang maging isa pang uri ng bayani.
nakakalungkot…
kingdaddyrich reply on June 12th, 2008 2:06 am:
buti nga sayo chie may nananalo eh. eheheh.. sa amin kahit ata teacher namin ang tumaya, walang posibilidad na manalo.
at tama ka sa mga nag eexodus na mga guro, ang katwiran nila, sa ibang bansa ay kikita sila ng mas higit sa kinikita nila dito. at mas malaki ang posibilidad na maka ahon sila sa buhay.
tsk.
nakakalungkot talaga.
rio reply on June 13th, 2008 11:50 am:
kakalungkot tlga na bumababa ang kalidad ng edukasyon sa pilipinas..
nagsisisalisan na kasi sa bansa ang mahuhusay na guro e, ang mga gurong may dedikasyon tlaga sa pagtuturo=)
kingdaddyrich reply on June 16th, 2008 10:08 pm:
oo nga. pero buti na lang may ilan pa rin na nananatili para magturo sa Pilipinas at nananatiling matimbang para sa kanila ang kapwa Pinoy sa kabila ng mababang sahod at pagod.
xio reply on July 7th, 2008 5:28 pm:
i think it’s because Filipinos find it more familial teaching here than sa ibang bansa–prolly like how other teachers feel ‘pag nagtuturo sila sa sarili nilang bansa. i’ve a friend in Australia, she tried teaching HS studs there, e dahil nga sa difference in (sub)cultures, nahirapan pa rin siya mag-function as a teach even after training under Aussies.
most of the time, somehow, nagiging choice talaga siya between working for profit or working for a career. (my gudness, Dad, ano ‘tong pinagsasasabi ko?!)
kingdaddyrich reply on July 9th, 2008 9:44 pm:
ha haha.. wala namang masama sa pinagsasabi mo. nice insights by the way. very smart!
June 11th, 2008 at 8:43 am
ang average na sweldo ng guro sa pampublikong paaralan ay nasa sampung libo lang kada buwan, kaya talagang angkop sa kanila ang titulong “the most noble profession”.
kailangan nila mabuhay kaya pumapasok na rin sa kung ano-anong sitwasyon para lang magkaroon ng sapat na kita na maipapantustos sa kanilang mga pangangailangan. tama ka… sino ba sa atin ang di nakaranas bentahan ng ice candy, palburon, tosino o longganisa ng ating mga guro kapalit ang mataas na marka.
subalit kanino ba talaga sila susuling kung ang gobyerno natin ay patuloy silang pinababayaan. karamihan ng mga guro ko ay nag-abroad na bilang mga tutor or worst katulong. at di naman talaga natin sila masisisi.
marami pa sana ko gusto sabihin kaya lang blog mo to baka maubos ko space
ingats!!!
kingdaddyrich reply on June 12th, 2008 2:12 am:
nako kuya, parang napakatagal na niyang 10k na sweldo na yan. ewan ko lang ngayon kung nagbago na ang sistema.
maraming loopholes sa sistema ng edukasyon natin, pati na sa gobyerno. ano pa ang aasahan mo sa isang pahamalaanh dominante ang mga may pansariling pakay at di na naisip ang mga sinumpaang tungkulin.
kuya, you have all the space you need to speak out your heart and mind.
June 11th, 2008 at 10:10 am
At ito pa ang misteryo ng high school: HInahanapan ka ng resibo sa PTA o kung ano mang binayaran mo kahit inilista naman nila nag mga pangalan ng nagbayad.
Daddy, saludo pa din ako sa mga mararangal ng gurong Pilipino natin.
kingdaddyrich reply on June 12th, 2008 2:16 am:
ahahaha.. na reminisce ko bigla ang hayskul. ang bulok ano?
lahat tayo saludo sa mga gurong Pinoy na may pusong makatao at makabansa!
June 11th, 2008 at 3:31 pm
sikreto mong pampalakas ay ang maalat na maning hubad? e kumusta naman ang mga bato mo? baka nanigas na ang mga yan sa sobrang asin. hehe
nung grade school ako ang binibenta yema. sa naaalala ko, masarap naman yung yema ng teacher ko. lagi ko ngang pinapakyaw eh.
kaya siguro mataas ang sugar ko ngayon. hahaha
kingdaddyrich reply on June 12th, 2008 2:17 am:
ahaha.. ayos pa naman ang bato ko. bato pa rin naman siya at hindi pa nagiging buhangin. wag naman sana.
nauso rin sa amin ang yema. piso isa pa non. hanggang ngayon ata piso pa rin yun.
utakmunggo reply on June 12th, 2008 4:53 am:
walangjo! parang na-orient ulit ako sa tunay kong edad ah. hehehe kasi noon 25 centavos lang ang isang yema, at 2 pesos ang isang supot. tsk.. tsk..
ang baon ko noong grade 1 ay piso. at ang laman ng lunchbox ko ay daisy (yata?) chocolate drink at jack and jill munchies or barbeque curls or chocolate pretzels.
damatans na kohhhh!!!
kingdaddyrich reply on June 12th, 2008 10:05 am:
ahaha. sori hindi ko sadya. lols. pero in fairness hindi ko alam ang daisy chocolate drink na yan. kadalasan kasi puro magnolia chocolait ang katambal ng mga lunchboxes ng mga estudyante noon. minsan kasi ipinagbawal ang pagbabaon ng pagkain sa eskwelahan namin dahil nga kailangang maubos ang pagkain na ibinibenta sa iskul. pero ang chocolate pretzels naabutan ko pa. eheheh.
June 11th, 2008 at 3:34 pm
amoy national bookstore ang mga bata sa unang pasok sa eskwelahan..haha
natatandaan ko pa ang unang pasok ko sa skul..takot n takot akong iwanan ng nanay ko sa loob ng klase…maya’t maya ang lingon ko sa kanya sa bandang likuran ng klase namin..=)
paborito kong baon dati nung kinder ako ay yung magnolia chocolait at he-ro biscuit..hehehe
donG hO reply on June 12th, 2008 1:09 am:
hahaha…. tama. amoy national bookstore nga. yung iba naman amoy “dating school year pa rin”.
kakatuwa naman nanay mo. sinamahan ka pa talaga. malamang ang kinopya pa nya ang mga assignment ninyo. hehehe…
kingdaddyrich reply on June 12th, 2008 2:20 am:
ahaha.. amoy na amoy din ang plastic cover at pambura ng lapis. na miss ko bigla ang buhay estudyante ah. ahaha..
@dong ho - noong una kong pasok sa eskwelahan noong elementary nanay ko ang kumokopya ng mga kailangan naming notebook sa eskwela. ahaha.. sa start lang naman yun.
rio reply on June 13th, 2008 11:54 am:
@ DONG
hehehe..taga buhat din sya dati ng mabigat kong bag..
Hindi din kasi ako marunong tumawid dati kaya kailangan nya akong
samahan…=)
@KDR
may ibang amoy talga ang unang pasok sa skul…can’t explain! pero meron! meron! meron!.hehehe
June 11th, 2008 at 4:11 pm
matinding issue itong tinalakay mo ah. Imbis nga naman magpokus ang mga guro na magturo sa estudyante, nakatutukot nalang sila sa mga investments nilang pautang at pahulugan na parang naka-time deposit at pwede nang iwithdraw pag kuhanan na ng clearance.
kaya natuto rin ang mga bata na manlamang ng ibang tao. tatanda sa natutunan kay ma’am at sir. masama pa non. meron magiging guro sa isa sa mga batang yun na magtuturo din ng ganung klaseng bulok na sistema.
sinong dapat sisihin?? edi yung mga manufacturer ng tocino at nag-aani ng maning hubad!
(anyenyeaah!)
kingdaddyrich reply on June 12th, 2008 2:21 am:
ahahaha.. ang ganda na eh. bumanat pa sa huli. ahahaha!!!
pero tama lahat ng sinabi mo. ano kaya ang masasabi ni ate vi dito.
June 11th, 2008 at 4:15 pm
ako ang reyna…ay iba pala yun ♥ hihi.
ako ang reyna ng typoe!
—>nakatutukot = nakatutok. that’s what i meant ya’ll.
bente pesos naman baon ko nung kinder. at maliit na yun. hanep ka naman sa 3 pesos na baon nung elementary. diba 21 ka palang naman?
goldilocks cake slice chaka magnolia chocolait na may design na baka na oldschool. yun ang madalas kong baon.
kingdaddyrich reply on June 12th, 2008 2:24 am:
ahahaha.. isa lang ang reyna sharon. megastar ka na eh. lols.
wag mo naman ibulgar ang edad ko dito. baka maraming maniwala. ahahaha… totoo yun, nagsimula ako sa tatlong pisong baon. at least ikaw may cash ka na, may chocolait pa. ahahah..
June 11th, 2008 at 5:21 pm
di lng pagkain ang negosyo ng mga titser…
pag na fefail ako dati sa mga quiz, kelangan naming magbayad ng 2.00 as multa, then 5.00 to retake…
yung ROTC dati, nagbayad din ako dun para hindi na ma prito sa ilalim ng araw.
hay….
kingdaddyrich reply on June 12th, 2008 2:25 am:
waw. san napupunta ang pera? ahahaha.. magandang business yan ah. mag teacher na lang kaya ako.
at ang rotc, sinuhulan mo. lols. sa eskwelahan namin maraming gumagawa niyan.
June 11th, 2008 at 5:55 pm
Very Bob Ong.
Anyway, tama yung last line mo. Kahit na anong sakripisyo ng mga magulang o guro para itaas ang kalidad ng edukasyon sa bansa natin, patuloy pa rin itong babagsak dahil sa bulok na pamamahala ng administrasyong Arroyo at ng mga tauhan sa likod nito.
donG hO reply on June 12th, 2008 1:10 am:
hahaha… king daddy ong. pwede na rin. pero astig pa rin ang bakya rangers.
kingdaddyrich reply on June 12th, 2008 2:27 am:
ahahah.. ayos na yan kaysa naman king kong diba!? ahaha.. at ang bakya rangers, kailangan nang i revive. inaapi na tayo masyado. eheheh…
June 11th, 2008 at 10:43 pm
These stories are indeed manifestations of the state abandonment on education. Kulang na kulang na ‘yung suporta. Makikita naman ‘yan sa kakulangan pa lang ng classrooms at aklat sa loob ng paaralan. Saka, I think we have a wrong orientation of education nowadays. Hindi na tayo minsan nag-aaral para makatulong sa holistic development ng bansa. Instead, ginagawa na lang kasing investment-return of investment process na lang, kaya ang daming nag-aabroad. Kaya minsan, ‘yung ibang mga aspeto ng pag-aaral o disiplina, hindi na rin talaga kinukuha ng iba kasi hindi in-demand sa ibang bansa. Well, hindi naman natin sila masisisi dahil wala ring mga oportunidad sa bansa. Pero parang ganung klase kasi ng education ‘yung ibinibigay sa atin, e, kaya bulok na bulok na rin talaga.
Medyo marami pa akong gusto sabihin kaso comment lang naman. Hehe. Agree din ako kay Kei.
kingdaddyrich reply on June 12th, 2008 2:30 am:
the political buzzer beater.
mabuti at sa murang edad ay nakikita mo na ang mga ganyang bagay bagay.
sabihin mo na ang gusto mong sabihin. baka makidnap na tayo bukas. lols
June 12th, 2008 at 12:32 am
oo nga. paano nga naman ba natin maitataas ang kalidad ng edukasyon kung ang mga taong inaasahan natin na manguna sa pagtaas nito ay siya rin dahilan nang pagbaba ng kalidad ng sistema… tsk.
donG hO reply on June 12th, 2008 1:11 am:
tama. hay buhay!
kingdaddyrich reply on June 12th, 2008 2:31 am:
tama ulit!
June 12th, 2008 at 1:54 am
sa mga pagkakataong ganito ko naiisip na kailangan kong magpasalamat na hindi ko naranasan ang ganyang klase ng sistema. kaya tama na ang bloghop. sige mag-aaral na ako.
kingdaddyrich reply on June 12th, 2008 2:32 am:
ahahaha.. ang sipag mo mag aral ah.
ako rin, matutulog na.
June 12th, 2008 at 5:28 am
ako medyo malungkot na pasukan na.. kasi trabaho na naman for me.. wala nang petiks time! ahahah
kingdaddyrich reply on June 12th, 2008 10:06 am:
ayaw mo non ayz may sweldo na ulit. at dahil diyan, manlilibre ka na. ahahaha!
ayz reply on June 12th, 2008 3:40 pm:
may sweldo pa rin naman kahit walang pasok e. ahahah
yun ang masaya!
kingdaddyrich reply on June 16th, 2008 10:10 pm:
paano ka nagsusweldo kahit walang pasok? san ka pumapasok?
June 12th, 2008 at 6:28 am
Grade one ako non P.15 centavos lang pamasahe.Hehehe (tanda na no?)
College ako non-Avon, Triumph products na ang binebenta ng mga prof ko at ang student meal noon ay P2.50 lang. Ngayon ang mga anak ko, sa Mc Do na kumakain kaya kulang na ang isang daan na baon
kingdaddyrich reply on June 12th, 2008 10:08 am:
waw Avon, eh di kasali rin diyan ang mga underwear sa ibinibenta nila. ahahaha.. ang sossy naman sa school mo nanay belen.
at ang sosyal ng mga anak mo kasi McDonalds pa sila. ehehe.. at totoo yan, kulang talaga ang isandaan na baon sa isang araw.
June 12th, 2008 at 6:41 am
wahehe. public school ka din nag-elementary? mas makulay ang buhay ng mga nagelementary sa public school kahit walang sinabawang gulay!
grade three ako nung nag-umpisa akong pabaunan ng pera. P2.50 pa nga nun e. pero parang andami ko pang nabibili non.
tanda ko pa, P1.50 pa lang ang pamasahe nun. at pag bata kang estudyante, libre sakay ka (sa probinsya ‘to, kaya mejo mababait pa mga drivers)!
grabe, tumatanda na talaga akooooooooooooooooooo!
wala na. ayoko na magbertdey.
kingdaddyrich reply on June 12th, 2008 10:10 am:
ahahha. mahirap ata yan kung ayaw mo mag birthday. lols.
opo public school ako since kinder. hanggang mag college ay naging produkto ako ng state university. tama na sa maliit na halaga, marami ka na talagang mabibili non.
spongebabe reply on June 12th, 2008 12:14 pm:
wala e. inevitable. this month pa man din yun. wahahaha. yung bertdey ko, i mean. siyet.
ayos, pareho tayo. produkto din ako ng public schools at state university.
nung elementary, tanda ko pa pag ang pencil case mo e hindi yung may compartment, panis ka. tapos kelangan yung pambura mo e may amoy para sikat ka. and kapag ang crayons mo e yung 46 o 56 colors, diyos ka! tiyak na sasambahin ka nun ng mga klasmeyt mong 8-color or 24-color lang ang crayons.
di ba? di ba? ^_^
kingdaddyrich reply on June 16th, 2008 10:13 pm:
oi oi! kailan ang birthday mo? pa burger ka naman. ehe heheh..
oo nga, inggit na inggit pa ako non kasi ang pencil case ko iisa lang ang lalagyan, yari pa sa lata. tsk. tapos yung crayons ko eh colors lang. buti na lang cute ako kaya sinasamba ako noong elementary ako.
hindi naman masamang mangarap hindi ba?
June 12th, 2008 at 5:31 pm
una sa lahat, nais kong magpasalamat sa aking mga sponsors, ay mali, sayo pala dahil sa pagdaan mo sa blog ko.
back to your post. bigla ko tuloy naalala ang school days ko. andun yun makipag-teks sa likod ng classroom, umakyat sa puno ng santol na malapi din sa room namin. LOL. ang pinaka-disappointing eh yung pag-demote sa kin ng teacher ko nung grade 4. hehe. pinanghawakn ko ang pagiging 1st-2nd honor from grade 1-3 pero nung mag-grade 4 ako sa rank 5 lang ako bumagsak. hehe.
kingdaddyrich reply on June 12th, 2008 11:53 pm:
eh anong honor mo nong mag grade 6 ka?
ilang beses ko ring binasa ang comment mo. iniisip ko kung anong teks yang binanggit mo. ahaha.. kala ko teks sa celphone, malamang teks na laro yan.
June 12th, 2008 at 5:41 pm
At ano naman ang pumasok sa kukote mo at bumili ka ng domain, ha? LOL. XD
But seriously, mas ok naman to kaysa sa Blogdrive, which sucked balls to begin to with. Mabagal pa mag-load. Thank gawd naisipan mong lumipat.
Haaaay ang buhay estudyante nga naman ? ? high school life, oh high school life ? ? WTFFFF. Thanks for the nostalgic trip. I needed that. ;-p
kingdaddyrich reply on June 12th, 2008 11:56 pm:
ahahah.. napapakanta ka ah. lols.
masyado na kasing bulok ang blogdrive kaya naisipan kong lumipat na for good. mas mabuti na rin ito. at ikaw naman biglang nabuhay as blogger. ahaha.. ill be reading your post tomorrow. sige. welcome back sa pagboblog at stay active sa twitter.
June 12th, 2008 at 6:45 pm
hahaha ako kasi binabaunan ako ni inay ng pagkain mula grade 1 hanggang grade 4.. pang lunch na un.. eh naasar na ako kasi may mga lumilibot sa klasrum na hihingi ng konting ulam (ung klasmeyt ko) aba magulat ako mas madami na siyang ulam sa akin iba iba pa.. haha kaya aun nung grade 5 hanggang grade 6 may pumupunta every lunch sa canteen namin na kasambahay namin kaya nakakapaglunch na kami na luto ni inay.. hehe
at wag ka may baon pa akong pera nun.. kaek-ekan lang pag may bayarin sa eskwelahan..
hmmm parang ako lang ata ang nagprivate skul dito ha.. di ako makarelate sa 1.50 na bentahin sa skul eh.. hmmmmmm
kingdaddyrich reply on June 13th, 2008 12:00 am:
ang sosyal ni jep. may tagadala pa ng pagkain sa kantin. ahahaha.. mayaman. pautang naman jep!
jep reply on June 13th, 2008 8:31 am:
teka nagkakamali ka.. ndi mayaman tawag dun.. nagtitipid! at saka ung pagkain sa canteen eh busog sa sangkap ng betchin kaya lagi akong nacclinic kasi nahihilo ako.. eh si inay kasi walang betchin na hinahalo.. eh kung magrequest ako sa canteen na wag lagyan ng betchin aba eh di nalugi sila kasi wala ng mga lasa ang pagkain nila..
kingdaddyrich reply on June 16th, 2008 10:17 pm:
ahahah.. maselan pala si jep. at hindi ka nagtitipid, mayaman ka talaga. ahahah.. may nagtitipid bang nasa private skul?
pautang ulit jep!
jep reply on June 17th, 2008 10:35 am:
oo sakitin kasi ako nung kabataan ko eh.. ayaw ko tlga ng mabetchin hahaha.. ganon ba un pag asa private skul mayaman na? may mga mayayaman din naman sa public skul ha! hahaha… papautangin kita pag may work na ako hahaha..
kingdaddyrich reply on June 17th, 2008 11:40 am:
ahahaha.. good luck sa pag aapply. sabi ko naman sayo parang babae lang yan, piliin mo yung mas mamahalin mo. lols. ang haba ng hair mo.
jep reply on June 17th, 2008 6:38 pm:
leche… nakakainis di pwedeng bastedin? hahaha.. choosy pa eh, kapal! naku salamat sa good luck, sana makahanap at matanggap din… babalitaan kita..
kingdaddyrich reply on June 17th, 2008 8:20 pm:
ikaw pa. ang daming opportuniy, malabong hindi ka makahanap.
June 12th, 2008 at 7:40 pm
nung high school (public school) naman ako pina pa paint nila yung classroom sa amin. sarili naming pera (class funds daw). eh kami naman gustong gusto namin kasi walang classes dahil amoy paint yung room. nung elementary ako sa catholic school naman yun, di ko makakalimutan yung Mission chuva every October, nagcocollect ng money sa classes namin, yung may pinakamaraming money na ncollect in one month may free day sa park. ayun ubos ang baon ko.
tradition na ata sa atin yung ganyan eh.
kingdaddyrich reply on June 13th, 2008 12:03 am:
sa amin naman electric fan. ahahah. maliban diyan, iba iba pa ang koleksyon. dahil sa ma anomalyang alokasyon ng pondo para sa mga pampublikong paaralan, pati ang sinasabing libreng pag-aaral dito ay nasasagasaan.
wala na talagang libre sa mundo. lols.
xio reply on July 7th, 2008 5:43 pm:
may libre pa, Dad: ang magtiis. :}
June 12th, 2008 at 9:01 pm
natawa ko sa mga teachers na may sideline.
ganyan na ganyan din ako noong elementary. ayaw pa magpauwi pag di naubos.
at dati from roxas blvd, nakakauwi na ko ng 20 lng ang pamasahe.
hay…
ingats kdr=]
kingdaddyrich reply on June 16th, 2008 10:19 pm:
nako, ni-hostage pa kayo ah. tsk tsk.
June 13th, 2008 at 6:47 am
hay iskuela. nabadtrip ako sa sistema ng edukasyon, kaya pinuwersa ko ang sarili kong maging out of school youth! papatunayan ko sa daigdig na kaya kong harapin ang buhay with flying collars (kuwelyo??) kahit walang diploma.
King daddy rich, are you rich? enge pera.
kingdaddyrich reply on June 16th, 2008 10:38 pm:
waw! that’s the spirit. ang lupit naman non. so anong ginagawa mo ngayon?
napatunayan mo na ba sa earth na hinaharap mo ang buhay with flying collars?
oo nga pala, kingdaddyrich ako, pero wala akong pera. ahahaha..
June 13th, 2008 at 6:53 am
naalala ko din yang tray ng mga pagkain tuwing recess nung nasa elementary ako.. at ang isa pang di ko makakalimutan ay yung mga nagbebenta ng mga buto ng kung anong halaman at puno, compulsory yun madalas.. ni isa sa mga buto na yun, wala akong napalaki!
korek ka dyan, ang baba na talaga ng sistema ng edukasyon dito sa pilipinas.. minsan, may kapitbahay akong 4th year hayskul na nagpaa-type sakin ng project niya, susmiyo!! grabe ang english grammar, nagkabaluktot-baluktot.. walang sentence na tuwid na tuwid ang grammar.. gustuhin ko mang i-edit e hinayaan ko na lang na ganun an i-type ko para malaman naman ng teacher niya na turuan siya ng tamang grammar bago siya grumadweyt ng hayskul..
kingdaddyrich reply on June 16th, 2008 10:53 pm:
aha haha.. oo nga, ang mahiwagang buto. ilang taon ding may nag alok sa klase namin noong elementary, maliban sa mga buto nariyan din ang mga kung ano anong pataba sa mga halaman. at tulad mo, wala rin akong napalaki.
at tama ka riyan, dahil sa mababang sistema ng edukasyon sa Pilipinas, balubaluktot talaga ang natututunan ng mga estudyanteng Pinoy.
June 13th, 2008 at 9:51 am
yung na nga yun bosing. don’t tell me di mo naranasang makipag-teks. ahehe. nung grade 6 rank 1 ulit ako. lumipat ako ng skul eh. haha.
kingdaddyrich reply on June 16th, 2008 10:57 pm:
aha haha.. kahit paano naranasan ko namang mag teks. nalulungkot lang nga ako kasi wala nang teks teks ngayon eh.
at matalinaw ka pala. balebiktoryan noong elementary. mas mahirap kaya maging honor student lalo pa kung hindi ka talaga taga doon sa skul na yun. congrats! malamang consistent honor student hanggang college.
June 13th, 2008 at 1:13 pm
talumpiso!ilang taon kn b pare?bat ako gumradweyt ng elementary dalawampiso lang baon ko?tapos nung HS hang 4th year 20lng baon ko.kasama na pamasahe at pangmerienda dun h.
itsampeyr!
kingdaddyrich reply on June 16th, 2008 11:14 pm:
ahahaha.. bata pa po ako kuya. may asawa ka na ako wala pa.
June 13th, 2008 at 4:04 pm
kdr. mayaman papala ako sau nung elementary. nagstart ang baon ko ng 5 piso at 10php na nung grade 4 to 6. biruin mo ang 10 pesos ko nun eh nakakakain na ko ng isang SIOPAO at isang lemon na FANTA. naalala ko din ang tray nang mga pagkain tuwing recess. nakasulat pa sa isang pang grade 1 na papel ang MENU na laman ng tray.kawawa naman ang nasa row 4 dahil pagdating sa kanila, matigas na biskwit na lang ang tira. hahhaha. buti na lang at row 1 ako parati.hihihihi. nung hayskul 60php na ang baon ko. mdyo malayo kasi sa amin ang exwelahan ko nun. ndi ako nagrerecess nun dahil pang hapon ako pagdating ng uwian iinom ako ng slurpee na coke. ayos kaya cguro hyperacidity na ako. tatak ng highschool. nakakatuwang magaral, masayang mahirap. pero natututo naman tayo, ndi lang leksyon sa mga asignatura kundi leksyon sa lahat ng bagay tulad ng sakripisyo at paghihirap kung gusto mong makatapos.
kingdaddyrich reply on June 16th, 2008 11:22 pm:
ang lalim naman non pops. at napatunayan mo nga na mayaman ka. hindi naman kasi ako mayaman sa pera. mayaman ako sa mga kaibigan. *ang showbiz* maraming salamat sa pag share ng iyong sentimiyento.
popoy reply on June 17th, 2008 11:20 am:
ah pareho tayo rb mayaman din ako sa kaibigan pero ndi ko sure kugn kaibigan ang turing nila sa kin hihihihi. ndi ako mayaman sa pera. play money pede pa hahaha
kingdaddyrich reply on June 17th, 2008 11:41 am:
lols. ang drama ni pops.
magpapayaman tayong dalawa at bibilhin natin lahat ng kaibigan sa mundo. shet ang pathetic. ahaha.
popoy reply on June 18th, 2008 11:11 am:
OO supalpal sila ng pera sa mukha hahaha. shet KONTRABIDA hahaha
kingdaddyrich reply on June 21st, 2008 10:02 am:
isupalpal natin ng isang libo, tigpipiso. ha haha.
June 13th, 2008 at 11:03 pm
hi, kdr!!!
ano po ang meaning ng salita na “baluktot”? =D
kingdaddyrich reply on June 16th, 2008 11:38 pm:
ate acey,
sa ang english translation ng baluktot ay CURVED or BENT.
June 14th, 2008 at 12:40 am
NAKAKARELATE AKO SA LAHAT. HAHAHA
lalo na yung pag kulang ka ng requirements pagpapasahin ka ng floorwax o kaya basahan or bondpaper. hahaha
tapos sideline rin ang mga titser. haha!:)
kingdaddyrich reply on June 16th, 2008 11:45 pm:
buti naman mama miah at naka relate ka. kahit saang eskuwelahan naman ata eh nauso yan. may patago, meron ring bulgaran.
June 14th, 2008 at 12:41 am
ergo, kumain ng maning hubad para lumakas at tumalino! hehehehehe
kingdaddyrich reply on June 16th, 2008 11:53 pm:
may mga doktor na nakapagsabi sa akin na epektib nga daw yan. he hehe.
June 14th, 2008 at 1:29 am
3 pesos? nung grade 1 ako 20 pesos na baon ko… 8 pesos noon ang coke..
1970’s ka ba nag grade 1 kuya rb? hahaha
kingdaddyrich reply on June 16th, 2008 11:54 pm:
ha haha… hindi pa ako buhay non. hindi pa nga ako nagagawa eh. lols.
June 14th, 2008 at 12:38 pm
hehehe
hindi ako nagkukumpara, pero nakikita ko si Bob Ong sa pagsusulat mo. hehehe Peace!! nabasa mo na ba yung “stailess langonisa?” o baka ikaw ‘yan mula sa bobongPinoy.com yata ‘yun? pinalitan mo lang ng kingdaddyrich.com lol.
hehehehe biro lang bro! astigin dami nagbalik sa isip ko noong mga panahong nag-aaral ako, malas lang hindi ako nakapag-enroll ngayon.
Kung may hinding-hindi man ako malilimutan noon, ay yung na jerbakz ako sa classroom namin Nyahahahaha!!
Naalala ko din yung dinaya ko pirma ng mga terror teachers ko na pinagkakautangan ko ng testpaper.. hehehe Lol.
kingdaddyrich reply on June 17th, 2008 12:01 am:
uyyyy!! kumusta ka naman! nagbalik ka ah.
sa henerasyon natin, sino bang hindi maaaring makakilala kay Bob Ong. Gayunpaman, hindi ko pa nabasa ang Stainless Longanisa.
at hindi rin ako si Bob Ong. Ako po si kingdaddyrich. gayunpaman, maraming salamat sa pagkumpara, marami pa akong kakaining nfa rice para paihambing kay Bob Ong.
bakit naman hindi ka nakapag enrol. sayang naman ang panahon. pero hindi ba nagtatrabaho ka na?
at kumusta naman ang pag jerbakz sa classroom samantalang may banyo naman siguro sa eskuwelahan ninyo.
at hindi pa ako nagkakaron ng lakas ng loob para dayain ang pirma ng teacher ko. lols. kakatakot yun ah. pwede akong mademanda.
otep reply on June 17th, 2008 1:23 pm:
Yah i’m Back!! \m/ pero emo (imaw) pa rin!!
hehehehe.. ABNKKBSNPLAko yung tinutukoy ko hindi stainess longanisa sensya na heehhehe. adik lang..
taena napakahabang istorya kung bakit. hindi ko lam paano paiikliin, nakapag-enroll naman ako hindi lang nakapag-bayad, hindi dahil sa walang pambayad kundi sa nakaka banas na sitwasyon.. grrr…
by the way, kala ko kasi mapipigilan ko yung pag-aarboroto ng tiyan ko.., hindi nakayanan eh, kaya lumabas si ukerampa.. hehehe
minor pa ko nun kaya imposibleng mademanda ako.. nyahahahhaha.. \m/ yeah..
kingdaddyrich reply on June 17th, 2008 8:24 pm:
ahahah.. anong ginawa mo? nagkalat ka? naman!!!
otep reply on June 18th, 2008 3:44 pm:
nyahahhaha..
uu.. hindi lang nagkalat bro! naiyak din ako dahil inulan ako ng katatawanan at nakakabiging “ang bago”, “ang baho”, “ang baho”
ganoon pa man, sa huli ako ang tinanghal na “most industrious” sa klase… Nyahahahahhaha…
mahilig kasi ako magbunot ng sahig.. pero yung ukerampa ko ay hindi ko nagawang linisin.. nyahahahahaha..
kingdaddyrich reply on June 21st, 2008 10:01 am:
ha ahaha ha. sasabihin ko pa naman na most industrious ka dahil sa ikaw na mismo ang naglinis ng sarili mong kalat. di naman pala. he hehe. pero ayos lang yan. basta sana ngayon nagbago ka na. he he he.
June 14th, 2008 at 3:39 pm
u made most of us feel young again.. hahaha! bnalik mo kami sa pagkabata…
ako? pinakamasarap na panahon ang college… more than high school, mas hinid mkakalimutan ang college…
awakening yun eh… to everything… hahaha!
be good always my friend….
kingdaddyrich reply on June 17th, 2008 12:16 am:
si kuya dong din mas naenjoy daw ang college life. ako naman, ewan ko. kailangan ko muna atang mag reflect para mapagtanto kung ano mas masarap.
awakening? parang may nais kang ipakahulugan ah. ehehe..
you too. be good always!
June 14th, 2008 at 3:41 pm
btw, katukayo si previous reader… hehehe!
kingdaddyrich reply on June 17th, 2008 12:18 am:
oo nga ano. ahaha.. ako lang naman ata nakakaalam dito kung anong pangalan mo.
June 15th, 2008 at 5:51 pm
Sad nga at bumababa na ang ating efficiency sa edukasyon. Ang laki ng pinagbago ng henerasyon ngayon sa henerasyon noon tapos ganito pa ang sistemang iniimplementa sa mga paaralan.
kingdaddyrich reply on June 17th, 2008 12:20 am:
at hindi pa rin nagbago ang sistema noon kumpara ngayon. hindi umaayon sa pangangailangan ng panahon at ng pagkakataon kaya nananatiling bulok at magpapatuloy na bulok kung walang pagbabagong magagangap.
June 15th, 2008 at 5:53 pm
Kaya dapat magsikap ang mga nasa kolehiyo ngayon na itaguyod ang kalidad ng edukasyon nang magkaroon ng malaking pagbabago sa hinaharap.
May bagong post si Promdi Dormitoryano :]
kingdaddyrich reply on June 17th, 2008 12:24 am:
oo nga. ganyan kahalaga ang edukasyon.
June 15th, 2008 at 8:25 pm
smin din.. uso ang floorwax at basahan as requirements bgo mo mkuha card mo.. hehehe… pro wla nman bentahan factor sa loob ng classroom.. bawal kasi sa teachers..
mbenta din samin ung mani.. pampatalino daw kasi kya pinapapak nmin sa classroom.. pro d nmn ako tumalino.. ngkapimples lng ako ampfufu..
akla ko nursing pinaka mahirap n trabo, pro ngyon naisp ko pgiging teacher pla mas mhirap..
kingdaddyrich reply on June 17th, 2008 12:30 am:
maalamat ang mani. effective naman daw siya sabi ng mga doktor na nakilala ko. may scientific basis kaya sinabing pampatalino ang pagkain ng mani.
at tumpak, isa sa pinakamahirap na trabaho ang pagiging guro, yun nga lang hindi sila nabibigyan ng sapat na atensyon kaya karamihan sa kanila ang nangingibang bansa na lang.
June 16th, 2008 at 9:13 am
Noong nasa elementarya pa ako, ilang beses na akong nabentahan ng mga titser ko ng raffle tikets para sa kani-kanilang parokya. Piso lang naman ang isa pero oo nga pala, malaking halaga na ang piso noong araw.
Ang hindi ko naranasan ay ang mapagbentahan ng tocino at hotdog.
kingdaddyrich reply on June 17th, 2008 12:31 am:
nako. yung iba gusto pa pakyawan ang benta ng raffle tikets na yan.. masakit din sa bulsa yun ah lalo na kung sakto lang ang pera mo.
June 16th, 2008 at 6:57 pm
hey hey yup. nababasa ko mga comment. OT haha.
kingdaddyrich reply on June 17th, 2008 12:33 am:
nabuhay ka Jade. heheh.. oo nga OT ka. ha haha..
June 17th, 2008 at 9:36 pm
hwag naman ituro lang sa sistema.. nasa bata rin yan eh… lalo na ngayon na may internet… tamad lang ang hindi matututo
kingdaddyrich reply on June 17th, 2008 10:11 pm:
maganda ang punto mo. ayos!
June 21st, 2008 at 8:56 am
syet parekoy… para sakin, THIS REALLY DEFINED YOU, as a datkomer!!
ang galing ng husay (hehe department of redundancy department?) ng pagkakalahad… makatotohanan pero may humor pa din, maging dun sa muling pagbanggit ng tocino bilang “hostage”.
astig ka idol!! mabuhay ka!
kingdaddyrich reply on June 21st, 2008 9:59 am:
kaibigan nga kita. ha haha.
July 3rd, 2008 at 8:32 pm
nakaka disappoint lalo mag-aral e..
kingdaddyrich reply on July 9th, 2008 9:50 pm:
sabi nga ni sir xio. magtiis!