ito ang panahon kung kailan kahit nakakaramdam ang ako ng gutom, hindi ako makakain
panahon kung kailan gusto ko lang matulog maghapon at umaasang huwag na sanang magising
panahon kung kailan gusto kong tumingin sa mga bagay na ikasasaya ko, ngunit ang mga mata ko’y naka-pinid lang sa kawalan
panahon kung kailan gusto kong kumilos ngunit hindi ako makagalaw
mga sandaling kahit pigilin kong pumatak ang aking luha ngunit nais nilang kumawala
at
ang pagkakataong nais kong huminga, ngunit ang hanging nagbibigay buhay sa akin ay wala
alam kong mababasa mo ito, patawad,
kailangan ko nang tulong mo at ikaw lang ang makakagawa nito
sapagka’t ikaw ang hangin ko, at ikaw ang buhay ko


