Nasaan Ang Tsinelas Ko?

May 29, 2008 - 4:46 pm

Kung normal kang tao at gumagamit ng paa para maglakad, tumakbo, gumapang, tumingkayad, magkandirit o tumalon, hindi malayong gumamit ka rin ng tsinelas para protektahan ang mga paa mo. Maliban na lang kung mas trip mong mag medyas kung mamamalengke ka o di naman kaya mag sapatos para makipaglaro ng tumbang preso. Malamang sapatusin ka rin ng mga kalaro mo.

Noong bata pa ako, lagi akong nawawalan ng tsinelas. Kaya galit na galit ang ina ko sa akin dahil bili siya ng bili, wala naman ako ng wala. Yun naman pala, tinatago ng mga mababait kong kalaro kapag naglalaro kami ng chinese garter at habulang gahasa ligtasan. Mas masarap lumundag at tumakbo kapag walang tsinelas. Kaya nang minsang bilhan ako ng ina ko ng Rambo slippers, ito yung makapal na tsinelas na may kabigatan at medyo magaspang, iningatan ko ito ng bonggang-bongga. Pero hindi pa rin ako tinantanan ng mga kalaro ko. Tinago pa rin nila. Kaya noong makita ko, isinampal ko ang tsinelas ko sa mga mukha nila. Mula noon, hindi na nila tinago pa ang tsinelas ko.

Maliban sa ginagamit kong pangsampal ang tsinelas ko, nagamit ko na rin ito bilang pinanggagalingan ng walang kapantay na kapangyarihan. Isusuksok ko ito sa kamay ko ito hanggang sa umabot sa siko. Kaunting meditation. Taktak ng concentration. At budbod ng imagination. Yun na! Bigla-bigla, nag-transform na ako bilang Power Ranger o kaya minsan ay Masked Rider Black. May matching usok epek-epek pa. At tulad ng dati, nagta-transform ako para pigain ang lungs at puksain ang mga bully kong kalaro.

Iba’t ibang tsinelas na rin ang nasuot ko. Maliban sa Rambo slippers ko, naranasan ko na rin magsuot ng tsinelas na tig sasampung piso. Extinct na ata ngayon yun. Naaalala ko pa dati hirap na hirap akong makahanap ng sukat ko kasi alanganin daw ang sukat ng paa ko. Hindi ko alam kung anong ibig sabihin non. Mas malaki ata ang kanan kaysa sa kaliwa kong paa.

Marami na ring klase ng tsinelas ang nauso. Nariyan yung makakapal, maninipis, bulaklakin, makukulay, yari sa plastik, gawa sa balat ng hayop, bakya at alpombra ni lola. Nag-iba na rin ang pangalan nila, kung dati patok sila sa tawag na tsinelas, iba na ang bansag sa kanila ngayon, flip-flops. Maraming tatak na rin ang namayagpag, Beach Walk, Islander (Hari ng Tibay) at marami pang iba. At sino bang hindi makakakilala sa maalamat na Havaianas?

Note: Oops. Before I forgot. You have to say the word H-A-V-A-I-A-N-A-S with your best maarte and uber socialite tone and pronunciation.

Oh my gums naman pare. I can’t say anything but Havaianas is the best flip-flops for me. Kasi naman it’s very matibay and of course pang-mayaman. Everybody knows naman that i’m uber maraming pera and i can even make you kain all of them, raw and fresh. Or if you want, i can sampal your face with my one thousand pesos cold cash and it’s all tigbe-beintsingko. That will make you bleed. Im sure of that, pare. Havaianas is the tsinelas of the socialites. I just don’t know why these baho orcs make bili the havaianas, as we all know only people of the upper class like me can afford it. Afford means not need to ipon a one year sweldo from ate and kuya just to buy this piece of luxury. Gosh naman pare, it’s so pathetic. All these natives are filingeros and filingeras talaga. My aura is nasisira pare. Why not buy the ever famous pirated edition Havanas from the ever famous piracy capital of Quiapo and Divisoria diba? Oh my gums ulit! Give me a break. I have to go na pare and go to Antartica. I need to freshen up and cleanse my aura.

Ang tsinelas. Kahit gaano pa kamahal o kamura yan. Kahit anong klase pa yan. IIsa pa rin ang gamit niyan. At kahit anong gawin nating lahat, sa paa pa rin sinusuot yan. At tsinelas pa rin yan!

PS: The dialogue above is not mine (about Havaianas). Isa pa, NOT MINE!! Mahirap na baka mag welga kayo sa harap ng bahay ko.

188 Responses to “Nasaan Ang Tsinelas Ko?”

  1. Leyn Says:

    woi! hindi ako “adik” sa havaianas pero meron ako nyan.

    matibay kasi ang quality nya atsaka hindi madaling mabura ang print.

    ang problema nga lang, binibili lang to ng mga tao kasi USO sya at mukhang SOSYAL hindi dahil maganda ang quality…

    …yun ang lame.

    (taena ang critic mo, sa susunod na mag mall tayo di na kita dadalhin sa flip flops, naiirita ka pala. HAHA.)

    kingdaddyrich reply on May 29th, 2008 7:09 pm:

    ahahaha.. sabi sayo sensitive ang ilong ko eh.. lols. anong konek? :D

    Leyn reply on June 2nd, 2008 2:25 am:

    nagmamalinis ka pa…

    pare the time we went to greenbelt 5 gosh you were sobrang eager when you saw the “FLIP FLOPS” store. hahaha.

    kingdaddyrich reply on June 2nd, 2008 10:38 pm:

    but of course. you know naman pare it’s greenbelt 5, my mayaman aura belongs there. and a mayaman aura needs mayaman accesories. :D

  2. fb Says:

    ayaw mo ng spartan? mura lang yun.. 80 pesos lang ata.. awoo awoo awoo!

    kingdaddyrich reply on May 29th, 2008 7:10 pm:

    hindi pa ako nakagamit ng spartan. ahahaha.. naririnig ko siya. kaso sa pelikula na. awoo awoo awoo!

  3. Lyzius Says:

    ang mahal namang spartan nyan 80 petot?

    kingdaddyrich reply on May 29th, 2008 7:10 pm:

    magkano ba yung naabutan mo ate lyzius?

    Lyzius reply on May 29th, 2008 8:30 pm:

    sampung piso lang ata yun di ba? ahahaha…nineteenforgotten pa ata yun

    kingdaddyrich reply on May 31st, 2008 10:54 am:

    oo nga. nineteenforgotten pa ata yun. sa dubey ba walang spartan.

  4. ayz Says:

    oo nga mahal ang spartan na 80. di ba 40 lang yun??

    wala akong havaianas. wala akong balak bumili ng havaianas. batukan mo ko kapag bumili ako ng havaianas..

    lahat ng tao merong nang havaianas ngaun, mayaman, mahirap, dukha, basura, busabos, DOM.. lahat may havaianas. at dahil deviant ako (according to me) hindi hindi ako bibili ng havaianas, mahal na meron pa lahat ng tao.

    di ko rin naman nasubukan magrambo na tsinelas, sabe ng nanay ko, panglalake lang daw yun. yung alfombra, di din ako binilhan, di mo daw kasi maintindihan kung alin ang kanan o alin ang kaliwa.. yung havanas meron ako nun! pambahay at pambanyo. eehehe..

    ang pinakamahal kong lelas ay dupe, half the price ng havaianas, matibay din at di lahat ng tao meron! oi yung mga nakakabasa! bawal gumaya!! mag-ipanema nalang kayo! MAS MAHAL YUN SA HAVAINAS! MAS TOTYAL KAYO DUN! hahaha

    kingdaddyrich reply on May 29th, 2008 7:17 pm:

    hindi ko kasi alam na mayron palang spartans kaya hindi ko alam ang presyo.

    oh well, the truth is, wala rin akong havaianas. pero tried and tested naman na kumportable siya at matibay nga! hindi lang talaga bagay sa paa ko ang havaianas. i prefer Ipanema kasi. Bwaahahahahaha! wtf!

    ayz, panglalaki nga ang rambo tsinelas. at masakit siya sa paa kasi ang tigas ng strap non, parang tupperware. lols. yun nga lang, wala na siya sa ngayon. na extinct na rin.

    ang gamit kong tsinelas ngayon, ay ibinigay lang. hindi naman kasi ako madalas lumabas ng bahay. kung lalabas man ako eh dahil sa may mahalagang lakad at kailangang magsapatos.

  5. ayz Says:

    hahaha.. ipanema boy ka pala e!

    sabe nga ng bestfriend ko na may 3 o 4 na havaianas, matibay nga daw ito. minsan na akong inoofferan ng havaianas as a christmas gift, at sinabe ko lang na, pwede bang iba nalang?? kung saan ang sagot nya saken e, “maarte ka! hindi na kita reregaluhan!” e kasi naman, masisira ang prinsipyo kapag binigyan nya ako ng havaianas. hahahah

    sa sabado, susuotin ko ang dupe ko na tsinelas, dahil yun lang naman ang tsinelas ko e :p

    kingdaddyrich reply on May 29th, 2008 7:28 pm:

    lols. joke lang. ahahaha.. sineryoso ang ipanema. ahahaha… hindi nga ako nagtitsinelas kasi hindi naman ako lumalabas ng bahay. hindi rin naman kailangan ng havianas dito sa bahay kasi malinis ang bahay namin. ako ata ang naglilinis dito. ahhahaha…

    anong meron sa havianas bakit ayaw mo? isa pa eh reregaluhan ka na nga at hindi mo naman pera ang gagastusin. kung ako reregaluhan, aba tatanggapin ko yun. :)) iba ang dating mo kapag naka havvy ka. lols. im so conyo na. ahahahaha…

    hindi ko makikita ang dupe tsinelas mo.. baka hindi ako makapunta sa sobrang busy ng mga buhay buhay. lalo pa ako. :)) di bale. sa susunod na lang. oks?

    ayz reply on May 29th, 2008 7:40 pm:

    ewan ko.. dahil nga siguro lahat ng tao e may havaianas, at ayoko ng maraming kapareha..

    bat mo hinahanap ang dupe ko na tsinelas?? hahaha.. wala syang sariling store, unlike havaianas, usually sa mga sports shop sya, like toby’s o royal sporting ganun.

    tsaka saken din kasi yung regalo, kung gusto mo kong bilhan, wag mo nang sabihin saken, bilhan mo na ko.. e parang ang yabang pa ng dating na bibilhan kita as a christmas present. di ko alam kung nagyayabang o nagpaparinig na regaluhan ko din ng mahal.. heheh. ang cynic di ba?! :P

    kingdaddyrich reply on May 31st, 2008 1:17 am:

    baka ganon na nga yun. regaluhan mo rin. at dapat mahal din! ahahaha..

    nasan na ang thought don? is it the price that counts nowadays?

    anyways, kapag pumunta ka ng mall, at di sadyaing mapasok ka sa tindahan ng tsinelas (lalo na sa havaianas), di mo aakalaing mahal ang presyo ng tsinelas na yan. aba, biruin mo, laging puno na parang mauubusan sila ng tsinelas. ahahaha. ganon talaga eh, siyempre kung afford naman nila, why not diba. siguro naman yung iba, kaya meron non dahil matibay talaga at hindi pang japorms lang. :D

    ayz reply on May 31st, 2008 2:10 am:

    mali ka dyan.. hindi lahat ng tindahan ng havaianas ay nasa mall! hahahah :P

    kingdaddyrich reply on May 31st, 2008 10:57 am:

    ayz, sinabi ko ba na sa mall lang may tindahan ng havaianas? hindi ko rin naman sinabi na havaianas lang ang tinutukoy ko. sabi ko tindahan ng tsinelas at ibinigay ko lang ang tindahan ng havaianas as an example. :D i hope it’s clear

    ayz reply on May 31st, 2008 2:18 pm:

    hahaaha.. sige na nga.. its clear! crystal! hahaha :P

    sabagay, sa palengke may tindahan din ng tsinelas :p

    kingdaddyrich reply on May 31st, 2008 3:13 pm:

    kurek! natumbok mo ayz!

  6. eloiski Says:

    dyan ako agree sayo kuya!
    hindi ko sasayangin ang aking pera para lang sa havaianas na yan.
    dyosko! eh mahal kaya niyan.
    mas mabuti na lang ang islander at mga tyangge-tyangge dyan sa tabi-tabi.
    wapak!

    kingdaddyrich reply on May 31st, 2008 1:27 am:

    hindi naman siguro masasayang ang pera mo kung bibili ka ng havaianas. im sure it’s worth the price naman for the quality of the product. ang catch lang dito kasi, the affordability of the product to a specific buyer. diba? kasi may iba diyan, dahil IN at USO ang havaianas ngayon, nakiki IN na rin, para masabi lang na meron sila at sosyal na ang dating kahit cant afford naman. parang ganon. hay. hirap mag explain. hehehe.

  7. Laarni Says:

    Lullllllllllz. Wala akong havaianas kasi waste of money para sa akin. ewan ko ba. lol. pero i just bought a new pair of flip flops, 100 pesos.

    :p

    donG hO reply on May 30th, 2008 4:12 pm:

    flip flops. at least sosyal pa rin ang dating.

    kingdaddyrich reply on May 31st, 2008 1:33 am:

    aahahah.. oo nga eh. kabaligtaran ba ng flip ang flop? wala lang.

    kingdaddyrich reply on May 31st, 2008 1:32 am:

    ahahaha… sa divisoria maraming ganyan.

  8. Padre Salvi Says:

    Naranasan ko na ring makipagpalit ng tsinelas sa isang di ko kilalang tao, accidentally. Pareho kasing Rambbo na red ang aming tsinelas. Ayun. Ang weird pero alam mo na hindi mo tsinelas ang sinuot mo. Di na namin naibalik sa isa’t isa ang tsinelas namin.

    donG hO reply on May 30th, 2008 4:11 pm:

    karaniwan pa sa mga bata ang magsuot ng magkabaligtad ang kanan at kaliwa. lol. ewan ko kung bakit. tingin yata nila pareho yung dalawa.

    kingdaddyrich reply on May 31st, 2008 1:53 am:

    oo nga. di ko lang sure kung dumaan ako sa ganon. pero pansin ko talaga na karamihan sa mga bata baligtad magtsinelas. very consistent!

    kingdaddyrich reply on May 31st, 2008 1:35 am:

    uy tama! ahahah.. ilang beses ko na rin naranasang aksidenteng mapagpalit ang tsinelas. oo tama ka may something. parang may certain attachment na ang tsinelas sa sarili mo at alam mo na kapag hindi siya ang suot mo.

  9. mia Says:

    dati gusto ko magkolekta ng havaianas. kaso ala na ako pera at aksaya siya sa pera. haha

    kingdaddyrich reply on May 31st, 2008 1:56 am:

    magastos na koleksyon yan ah. at dapat hindi mo siya ginagamit para ma preserve ang value kung meron man.

  10. karmi Says:

    usapang tsanelas pala dito. isa pa ulit, TSANELAS.. hehehe.. oo, yan ang tawag ko.. :P

    di ako nagtsa-tsanelas dito sa loob ng bahay, korny. sagabal kapag kelangan kong itaas ang paa sa sofa. madalas ding di ko maalala kung san ko ito inilagay kaya di ko na rin hinahanap..

    syetness.. havaianas. (did i spell it right?) ala akong ganyang flip flops.. nike saka puma kasi binibili ko.. lol

    kingdaddyrich reply on May 31st, 2008 2:00 am:

    iba talaga kapag umaamerika na. nagiging slang na, nag iiba na rin ang spelling sa mga tagalog words. ahaahaha

    at ang sosyal ah, nike at puma.

    karmi reply on June 4th, 2008 4:39 am:

    slang ka dyan. di noh. arte lang yan.. hahaha..

    o pano tol, c u when i c u na lang dyan sa pinas.. :) un eh kung ibibigay mo ung number mo sa akin.. ^_^ hehehe..

    tc!

  11. akosikai Says:

    daddi, i think alam ko where mo nakuha ang dialogue excerpt sa itaas, sounds familiar, cofibean? ; )

    kingdaddyrich reply on May 31st, 2008 10:59 am:

    ahahah.. kilala mo pala siya. lately ko lang nabasa ang blog niya. and i am really shocked. it was a bit entertaing though. pero hindi ko sa kanya nakuha yung dialogue sa taas. ehehehe..

  12. spongebabe Says:

    noong araw, pagnaka-Rambo slippers ka, astig ka! kasi syempre, sa tumbang lata/preso pa lang, panis na lahat ng kalaban mo! haha!

    hindi rin ako nagha-havaianas kasi they’re so overrated. isama mo pa jan yung crocs na hindi ko maintindihan kung bakit gusto ng mga tao, e ang pangit pangit naman.

    kilala ko kung kanino galing yang “dialogue” mo. hehe.

    kingdaddyrich reply on May 31st, 2008 11:05 am:

    astig pala ako. at talagang sinabi mo na “noong araw” aahahah! sa lola ko lang naririnig ang term ba yan. pero ambigat talaga ng rambo slippers na yun. yung crocs naman hindi ko rin gusto ang hitsura. hindi ko pa rin nasusubukan. hindi ko rin alam kung matibay ba siya o hindi. ang alam ko lang pareho silang mahal. oh well, sige mag susurvey ako tungkol diyan.

    alam ko kung anong iniisip mo about sa dialogue sa taas. ngayon pa lang sinasabi ko na, na diyan ka nagkakamali. ehehehe.. :D

    spongebabe reply on May 31st, 2008 12:31 pm:

    oo nga e. sabi nga nila, malalaman mong tumatanda ka na kapag nagrereminisce ka at kinukumpara yung panahon mo sa panahon ngayon. haha.

    pero di pa ako matanda ah. tsk. hehe.

    kingdaddyrich reply on May 31st, 2008 3:14 pm:

    ahahaha… lols. ako rin na experience ko na yan dati. :D ganon talaga. ang oras lumilipas.

    ayz reply on May 31st, 2008 2:21 pm:

    ako rin.. di ko rin magets ang crocs mania.. panget naman talaga.. parang pang gardening lang..

    ayan tuloy andali mapeke :P

    kingdaddyrich reply on May 31st, 2008 3:17 pm:

    totyal daw kasi. shet naka crocs (pronounced kraks)

  13. jep Says:

    hahaha alien ka.. mas malaki ang kanan kaysa sa kaliwang paa? hahaha.. teka may havaianas din ako pero may imitation na rin as in havaianas din ang gamit na name.. nyeta tlga!! sige reregaluhan kita ng havaianas kasi mabait ka.. hahaha ung fake o orig? hahaha

    ayaw niyo ng crocs? haha ampotah ang mahal mahal non, sa pagkain ko nlang gagastusin ung pera..

    spongebabe reply on May 30th, 2008 9:38 am:

    tama. ang mahal mahal ng crocs e ampangit naman. yung ibibili ko din nun, ikakain ko na lang. wahehe.

    kingdaddyrich reply on May 31st, 2008 11:14 am:

    sama ka samin spongebabe, ililibre ako ni Jep. ehehehe.

    kingdaddyrich reply on May 31st, 2008 11:14 am:

    ahahaha… jep. siyempre yung orig diba? am i a fake friend to you? lols. yun yun eh! :)) about sa crocs, sige ikain na lang natin. :D

    jep reply on May 31st, 2008 2:56 pm:

    hahaha naman!! nacorner ako.. siyempre ndi ka fake friend… haha… sige keychain nlang na havaianas haha..

    kingdaddyrich reply on May 31st, 2008 3:18 pm:

    bwahahaha! sige na nga. havaianas pa rin yan. para masabi ko na sosyal ako at may havaianas. ahahaha!

  14. Kei Says:

    May Rambo din ako na tsinelas nung bata ako. Maganda siyang weapon sa tumbang preso o kaya sa tatching ng mga tsinelas. Maganda rin siyang weapon kapag dinadaya ka na ng mga kalaro mo.

    Hindi rin kami bumibili ng tsinelas noon kasi may mga friends yung tatay ko na gumagawa ng sapatos at sandals dito sa Marikina kaya may supply kami parati.

    Hindi pa ako nakakapagsuot ng Spartan, Havaianas, Dupe, at Crocs. Gaya ni Spongebabe, napapangitan din ako sa Crocs at mitsa pa yan ng buhay mo lalo na kapag madalas kang mag-escalator.

    Ang peyborit kong tsinelas eh yung nabili ko from Planet. Sobrang nice sa paa kasi para kang tumatapak sa marshmallows.

    Yung linya about Havaianas, buti na lang hindi ikaw nagsabi nun or else iisipin ko na kamag-anak ka ni Cofibean.

    kingdaddyrich reply on May 31st, 2008 11:18 am:

    rambo is the ultimate weapon. hehehe…

    buti ka pa may supply ng tsinelas. eh ako kada wala ng tsinelas ko sa palengke ang tuloy namin eh. lols.

    hindi pa rin ako nagkakaroon ng spartan, havaianas, dupe, crocs at kahit planet. yung crocs pala yung kinakain ng escalator ano? alam ko marami ma ring gumagawa ng tsinelas na kamukha ng crocs. parang chucks na ginagaya ang hitsura.

  15. popoy Says:

    ang sosyal ng dialogue. ang sarap sapakin hahaha :)

    eh ano bang meron ang havaianas na yan at nahuhumaling sila jan?

    eh ako kahit maghavaianas wala rin ang pangit kasi ng paa ko. hehehe.

    okey na sa akin kahit ano basta simple at comfortable :)

    kingdaddyrich reply on May 31st, 2008 11:23 am:

    ahahah.. oo nga eh. sarap sapakin.

    anong meron sa havaianas? well i guess it’s the durability of the product. may ganyan kasi si Leyn and she’s been using that for years now. maganda yun kung bibili ka dahil sa quality niya at may pambili ka talaga. pero kung bibili ka just for the sake na masabi lang na sosyal ka at may havaianas ka, ibang usapan na yan.

    poy, try mong mag havaianas, baka sakaling madala ng kamahalan ng tsinelas ang ayon sayoy pangit mong paa. hahahaha! :D

    popoy reply on June 2nd, 2008 10:00 am:

    hahaha. meron ang mom ko at sister ko. meron akong nike na flipflops. okey na din kasi comfy naman sa paa. cge pag may tira sa pera ko baka makabili ako. kaso namamahalan talaga ako. ang mahal mahal naman eh. bakit rb meron ka bang havaianas?

    kingdaddyrich reply on June 2nd, 2008 9:11 pm:

    nike, flip-flops, comfy… ang conyo ni kuya pops. ahahaha!

    oh well, kahit king ako wala akong havaianas.. :D

    popoy reply on June 3rd, 2008 10:37 am:

    oo nga nag conio ko, parang gusto kong sapakin yung sarili ko. hahaha

    nakalimutan ko, fiki pala yung nike kong tsinelas na yun kdr hahaha.

    kingdaddyrich reply on June 4th, 2008 6:22 pm:

    popoy, gusto mo ako na gumawa non para sayo! pero dahil labs kita, sige ikaw na lang. :D

    at nagpa humble ka pa. if i know coniong conio ka talaga pare, you know naman, the mayayamans like us need not to mag piling. :D

    popoy reply on June 5th, 2008 8:37 am:

    i can manage kdr. i will sapak sapak na lang my face hahaha.

    ang conio ko hayufff!!! hahaha

    kingdaddyrich reply on June 10th, 2008 9:50 pm:

    what a late reply. inamag na. kumusta naman pops? nasapak mo na ba sarili mo?

  16. kuri Says:

    “mang kulas pabili nga ng tsinelas
    luma at gasgas baka mapigtas ang luma kong tsinelas
    ang luma kong tsinelas”

    pang spartan lang ang paa ko eh.
    parang kilala ko kung sino ung nagdialogue nun.

    kingdaddyrich reply on May 31st, 2008 11:25 am:

    kanta ba yan kuri? kung sino man nagdialogue non, hindi siya yung iniisip mo. ahahaha!

  17. Ralph Says:

    hahahaha! pucha yan tawa aco ng tawa sa pagttransform mo sa power rangers hahaha! very wild ang imagination mo iba ka!

    donG hO reply on May 30th, 2008 4:07 pm:

    ganyan talaga si kdr. ang lupit ng imagination tapos may kasama pang sigaw yan habang naka taas ang kamay.

    kingdaddyrich reply on May 31st, 2008 11:28 am:

    hihihi.. wag ka magpanggap kuya dong. ikaw si blue ranger diba? :D

    rio reply on May 31st, 2008 11:51 am:

    psst! at ako naman si pink five…lols

    kingdaddyrich reply on May 31st, 2008 12:21 pm:

    yun na! mabubuo na ang power ranger!

    donG hO reply on June 1st, 2008 6:43 pm:

    kala ko kasi atin atin lang yon. pero ok na rin since retired na rin naman na tayo sa pagiging power ranger.

    kingdaddyrich reply on June 2nd, 2008 12:14 am:

    irerevive natin ulit. ano game ka na ba?

    donG hO reply on June 2nd, 2008 10:01 am:

    sige. kaya lang baka mahihirapan na tayong tumalon. kelangan muna nating mag ehersisyo. hehehe…

    kingdaddyrich reply on June 2nd, 2008 9:23 pm:

    i schedule natin ang exercise na yan. hindi ko pa natitipon ang mga miyembro eh. sobrang busy kasi. tsk tsk.

    rio reply on June 6th, 2008 2:06 pm:

    kelan na ba mag sstart ang exercise session ng mga kasapi sa power rangers?

    kingdaddyrich reply on June 10th, 2008 9:53 pm:

    ate rio, ang hirap ng sked ko, masyadong busy eh. hay. ang power rangers. kailangan nang magensayo. andiyan na ang masasamang loob.

    kingdaddyrich reply on May 31st, 2008 11:27 am:

    hindi mo ba na experience maging power ranger noong bata ka? hahaha!

  18. donG hO Says:

    o di naman kaya mag sapatos para makipaglaro ng tumbang preso. Malamang sapatusin ka rin ng mga kalaro mo.
    >>> mahirap ito lalo na pag doc martens ang sapatos mo. hahaha…

    Mas malaki ata ang kanan kaysa sa kaliwa kong paa.
    >>> hindi naman kaya paa ng isang bibi yan??? o baka may sakit ang isa mong paa kayat lumalaki ito. sana normal na ito ngayon. hehehe…

    pampatay ng ipis na rin ang tsinelas.

    kingdaddyrich reply on May 31st, 2008 11:30 am:

    o kaya merrel ang sapatos diba? ahahaha…

    bibi? ahahaha.. may naaalala ko sa bibi. lols. at oo nga. nakalimutan kong tsinelas pa rin ang pinaka mabisang pamatay ng ipis! kurek!

  19. eumi Says:

    grabe ang mahal ng havaianas. nung una medyo naaliw ako at naintriga kaya bumili ako ng isang pares, ung havaianas flash. nakakainis lang kasi nung tumagal andami nang bumibili. anyway, payts na ung meron akong isang pares. :) hehe.
    i miss you kuya!

    kingdaddyrich reply on May 31st, 2008 11:31 am:

    eumi, ano yung havaianas flash? ahahaha… hanep yun ah. sounds good.

  20. arhey! Says:

    bosing kdr! napadpad lang. =D haha! batang spartan ako eh. haha! awoo awoo awoo! ngun adik ako sa “sanuk” astig! wala lang.

    kingdaddyrich reply on May 31st, 2008 11:34 am:

    anong sanuk? magandang klase ba yan?

    rio reply on May 31st, 2008 5:43 pm:

    oo nga…anong sanuk?? hehe

    kingdaddyrich reply on June 2nd, 2008 12:15 am:

    produkto ni arhey yon. siya lang nakakaalam.

  21. warvitt Says:

    Wala ako paki sa mga mamahaling tsinelas. Balewala lang pag bumili ako dahil nginangat-ngat lang ng aso namin. Yun ang talent niya, Ngumat-ngat ng branded na tsinelas. Hindi ko alam kung pano niya nadidistinguish ang mamahalin sa hindi. Kapag cheap ang tsinelas, dedma lang at maririnig mo siyang magsasabi ng “Pweh!”. Kaya yang mga Havaianas na yan…magiging durog na makopa lang yan sa aso ko.

    favorite kong laruin yung tumbang preso dati, pero mas trip ko yung ‘habulang gahasa’.
    Magtanong ka pa sa mga anak ng kalaro ko dati.

    kingdaddyrich reply on May 31st, 2008 11:37 am:

    heto lang ang masasabi ko. ang sosi ng aso mo. ahahaha…

    at nagbunga pala ang paglalaro mo ng habulang gahasa ah. nag enjoy ka naman ba?

    warvitt reply on May 31st, 2008 7:16 pm:

    kahit hindi na gamitan ng dna test nakita ko sa mga anak ng kalaro ko dati kung sino ang nalahian ko. favorite din nila yung habulang gahasa. mana-mana lang. haha!

    kingdaddyrich reply on June 2nd, 2008 12:17 am:

    aware ba sila kung sino ang ama nila? oh my gums!

    warvitt reply on June 2nd, 2008 12:50 am:

    sabi ko sa kanila artista at model tatay nila sa italy hahaha!

    bagong posts—-> warvitt.blogspot.com

    kingdaddyrich reply on June 2nd, 2008 9:39 pm:

    bakit naman sa dinami dami ng bansa, italy pa ang napili mo.. ahahaha! at tinanggap ka ba nila bilang ama?

    warvitt reply on June 3rd, 2008 11:30 pm:

    maraming nagsasabi mukha daw akong ITA-lyano. hehehe

    BORAEMON chapter 1 —–@ warvitt.blogspot.com

    check it out guys and meet the rejected robot!

    kingdaddyrich reply on June 4th, 2008 6:23 pm:

    aahaha.. ayos sa punchline!

    ayos din sa advertisement! ahaha.. ayos lang. naaaliw naman ako sa mga posts mo eh. :D

    warvitt reply on June 4th, 2008 9:09 pm:

    ay sowee po sa blogvertise..hehehe

    badtrip ako kay inday.kilala mo yun? yung ingleserang katulong? tangna niya nagcomment sa akin sabi:

    “Haha…its quite funny na rin.”

    tangna nakapanlilibak. purkit no. 1 sya sa ranking sa project lafftrip at no. 6 sa ranking sa top blogs sa ph ang yabang na. badtrip.

    wala lang..

    kingdaddyrich reply on June 4th, 2008 9:45 pm:

    nah. it’s okay. ahahaha.. bakit kaya sa akin hindi pa nag cocomment yun. lols. :)) gusto mo ibagsak natin. ahahaha..

    warvitt reply on June 4th, 2008 9:59 pm:

    oo nga, pinaplano ko nga rin yun e…magsusumbong nga rin ako kay chiksilog galit din yun dun e! tska mauubusan din ng english yung katulong na yun!

    kingdaddyrich reply on June 4th, 2008 10:22 pm:

    ahahaha.. hindi naman ako galit sa kanya eh. im not competing with anyone either. :D patunayan mo na lang na mali siya.

    warvitt reply on June 4th, 2008 10:59 pm:

    sige pre..pasensiya na lng sa abala. la lang kc aq masabihan ng kabdtripan e. sa ngayon nagbabasa ako ng almanac at thesaurus para makipagdebate kay inday na yan.

    la k bago post?busy?

    kingdaddyrich reply on June 5th, 2008 12:54 am:

    hahaha.. talagang sineryoso mo ang pakikidigma kay inday ah. ayos lang din at ako ang hiningahan mo ng sama ng loob. talagang may mga blogistang ganyan at sisirain ang araw mo. minsan kahit gabi pa.

    yep medyo busy. pero mag popost din ako wag mag alala. keep the comments coming. i really appreciated it. :D

    thanks!

  22. utakmunggo Says:

    guilty! may pirated plip plaps rin ako, havanas. hahaha.. buti na lang sosyalan ang balat ko sa paa at di naman halatang pirated; mas mukhang pirated nga yung havaianas ng prend ko dahil flat footed siya (they touch the ground on all points), tipong hindi kasya ang buong paa niya sa sinelas. (uy nanlait)

    jowskow nasubukan ko na rin yang suotin ang sinelas sa braso at mag-ala power rangers… yung mga kalaro ko nga, complete costume dahil may brip pa sila sa ulo, pang-helmet.

    ;P

    kingdaddyrich reply on May 31st, 2008 11:41 am:

    diba nasa ibang bansa ka? nakaabot na rin ba ang havanas diyan? :D at ang astig ah, nasa paa pala yun. kahit gaano pa kamahal at kaganda ang tsinelas mo, kung pangit naman ang paa mo, wala rin. ahaha.. paano na si popoy nito. sinabi ko pa naman sa kanya na magsuot siya ng havaianas baka sakaling hindi mapansin na pangit ang paa niya. ahahaha…

    at naexperience mo rin pala na maging power rangers. ikaw si pink ranger diba? ahahaha…. mabubuo na ang power rangers! :) pero ayoko magsuot ng brip sa helmet.

    utakmunggo reply on May 31st, 2008 2:11 pm:

    1 year pa lang ako dito, naabutan ko pa ang havanas diyan sa pinas pero sumakabilang buhay na yung paborito kong pares na pula. ang dala dala ko dito ay islander..:P

    oo naman, nasubukan ko na maging power rangers, at ang sinelas ko noon ay puro bantex. ang sinelas na di marupok. hehe

    kingdaddyrich reply on May 31st, 2008 3:22 pm:

    ahahaha.. ok. havanas fever. anyhoo, orig ba yan islander mo? hari ng tibay! :D

    at ang power rangers, dumadami na ang kasapi! ahahaha!

    utakmunggo reply on May 31st, 2008 4:15 pm:

    power rangers reserves na yung iba.. let’s volt in!! (ay mali, robot pala yun..)

    p.s.
    orig ang islander ko, inggit nga mga puti dito wlang sinabi ang crocs at havaianas nila. hahaha

    kingdaddyrich reply on May 31st, 2008 4:23 pm:

    ahahaa… sige. iipunin ko muna sila. :D magtatayo tayo ng bagong version ng power rangers..

    at ang islander. hari talaga ng tibay! hahaha.

  23. Ely Says:

    havaianas?!? amf! Anu un? Andami dyan, ndi lang spartan, may beach walk, rambo (daw, sabi ng katabi ko) hahaha. Basta malinis at makinis paa ako, un na un! Ndi yan nakukuha sa havaianas. LOL

    kingdaddyrich reply on May 31st, 2008 11:42 am:

    ahhahaha… sinong katabi mo kuya ely. :D at pareho tayo, malinis at makinis ang paa. yun yun eh. :D

  24. kengkay Says:

    owe, owe, owe, hahaha- ang kilala ko lang e spartan - solid liquid gas ako dyan. pero may na alala ako, dati yung hang ten ang pang sosyal e. pero dahil pahirapan bago ako nag ka hang ten (minana ko lang dun sa kaibigan ko yata) balik spartan ako kesyo naman sumama lang loob ko ng kaantay sa wala :D na-remember ko pa, kapag gusto kong magkaron ng bagong spartan, pilit ko syang sinisira kaso mo sa sobrang tibay, wa epek. kaya nilulublob ko sa putik para mawala, hahahha

    kingdaddyrich reply on May 31st, 2008 11:45 am:

    ahahaha… mukhang patok na patok ang spartan dati ah. bakit ba hindi ko alam na nagexist yan. :D at sosyal hang ten. meyron palang ganoong tsinelas. ahahah.. diba tindahan ng mga damit yun? ngayon ba ate kengks nag lulublob ka pa rin ng tsinelas sa putik? o gawain na yan ng mga little kengkays ngayon. ahahaha.

  25. kris jasper Says:

    lol.. you’re so sosi..

    lol…

    anw, ano ba yang havaianas?

    flip flops… hmm… i have a dirty mind.

    kingdaddyrich reply on May 31st, 2008 11:46 am:

    oy. anong iniisip mo? ahaha.. share mo naman!

  26. Rommel Says:

    Well, I can’t blame people who prefer Havs, kasi naman pangmatagalan ang gamit nila dahil nga sobrang tibay neto. Umaabot ng taon. Eh yung mga cheap na tsinelas kasi minsan, ambaho na nga sa paa [dahil rubber] eh madali pa masira. :]

    kingdaddyrich reply on May 31st, 2008 11:49 am:

    yep yep. tama. matibay nga yung mga mamahaling tsinelas. para saan pa at naging mahal sila kung madali lang naman masira diba?

    the point is, may mga bumibili non hindi dahil sa matibay siya at pangmatagalan kundi para masabi lang na may mamahalin siyang tsinelas kahit na hindi ito sulit para sa kanya. parang ganon. :D

    Rommel reply on May 31st, 2008 7:42 pm:

    Lol. Galit ako sa mga ganun. For that, we can call them elitists. Ako, pag bumili man ako ng Havs, for the purpose that makakatipid ako at hindi lang para ipagmayabang sa mundo na meron ako nun. :-D

    kingdaddyrich reply on June 2nd, 2008 12:18 am:

    good for you. at least your one of them. your one of us. ahahaha! patok!

  27. vera Says:

    potek. napakadaming comment. kahit pilitin kong mag isip ng hindi pa nila nasasabi parang hindi na kakayanin ng braincells ko.

    ah.

    kailangan na yan ngayon kasi tagulan na
    kesa mabasa ang school shoes mo.

    kingdaddyrich reply on May 31st, 2008 11:50 am:

    ahahaha.. kaya dapat mauna mag comment para masaya. at least wala pang nakakapagsabi ng gusto mong sabihin. ahahaha. :D

    vera, sa school namin bawal ang tsinelas.

  28. rio Says:

    nagpabili din ako sa nanay ko ng rambo na tsinelas nung bata ako..mas ok kasi na pamato sa tumbang preso e..sapul agad ang lata sa bigat ng tsinelas na 2..
    kapag naman spartan ang tsinelas ko..tinutupi ko yung sipit sipitan para mas mabigat at swabe sa pagbato..hehe=)

    kingdaddyrich reply on May 31st, 2008 12:00 pm:

    ate rio, nagrarambo ka rin pala dati. ahahaha.. pang lalaki yun ah. :D

    nagawa ko na ring bilugin ang tsinelas ko dati. wala lang. lols.

    rio reply on May 31st, 2008 5:41 pm:

    pink naman yung kulay ng rambo ko e…=)

    kingdaddyrich reply on June 2nd, 2008 12:19 am:

    sakto. pink 5! ahahaha.. irerevive na natin ang power rangers..!

  29. cedeux Says:

    wala akong havaianas… oks lng kasi di keri ng paa ko magsuot ng ganun. heheheh

    kakamis mga laro nung bata tuloy! kaso di ako nakakalaro nyan dito samin kasi along high way bahay namin. hehehhe

    kingdaddyrich reply on May 31st, 2008 4:18 pm:

    problema ba yun? eh di sa highway mag laro. hahaha.. makipagpatintero kayo sa mga sasakyan.

  30. mnel Says:

    wala akong havaianas. wala kasi akong pera pambili. hehe.

    kingdaddyrich reply on June 2nd, 2008 12:20 am:

    wushu. kunwari pa si doc.. if i know, you have the most…

    mnel reply on June 2nd, 2008 10:46 am:

    ambot. wala nga. poor ako. walang trabaho eh.

    kingdaddyrich reply on June 2nd, 2008 9:40 pm:

    pareho tayo doc. hay. hay ulit.

  31. Yom Says:

    Duh, Kuya RB! Why you make feature the Havaianas naman? You know, it’s quite laos na kaya. Duh! Crocs is the newest ever-sosi brand na! Ssooper outdated ka na, ha! Eeew. LOL. Kidding. :D

    At totoo, sobrang bwisit ‘yung iba kasi feeling nila, masyado na silang sosi ‘pag naka-Havaianas. May Havaianas ako. One pair lang. Havaianas Top, ‘yung plain white. At sobrang hindi ako nagsisi dahil around P600 lang siya at malapit-lapit na ring mag-one year sa sakin. Saka share ko pala. Minsan, nag-try akong bumili ng Havana sa kalye. Grabe, nagsugat paa ko. Hahaha.

    Ayoko ‘yung Rambo. Ang kapal kasi. Mas gusto ko ‘yung mga Planet dati na tig-P100 yata. Kaya mukha akong hiphop nung bata, without the bling-bling. Haha. Malaki lahat ng suot.

    kingdaddyrich reply on June 2nd, 2008 12:26 am:

    well, you know naman yom, that i’m so social that i make havaianas patok ulit by buying all their stocks and making them pamigay to all baho orcs.. by the way, crocs is a copy cat. it’s is just for the orcs… see..? sounds the same ayt.. crocs orcs crocs.. ewww…

    ahahaha! wow ah. ang sosyal ng paa mo. ayaw ng havana. mali raw ispelling kaya sinugatan ang paa mo.

    at ang rambo.. oo ang kapal niya. eh cant afford ako ng planet kasi bigtime tsinelas yan ng mga panahong iyon. at gangster ka pala ah. ahahaha! yo man wachup!

  32. sexy moi Says:

    im not really a fan of expensive tsinelas. ewan ko ba kung bakit nagiging sukatan ng social status ang tsinelas kasing yan. masaya na ako sa mga tsinelas ko. mga bakya ko hihi.

    kingdaddyrich reply on June 2nd, 2008 9:46 pm:

    yeah! bakya. tatak pinay! mas malupit pa yan sa Rambo slippers.

  33. nakatsinelas na mangyan Says:

    buti nalang may note sa dulo, muntik na akong sumama sa welga sa harap ng bahay mo…

    noong bata pa ako pangarap ko na ang “Rambo” na tsinelas, kasi sigurong llamado ako sa tumbang preso at magandang pamato rin sa tatsing ng tsinelas, kaso hindi ako naibili dahil ayaw ang nanay ko. Noong nagkoleheyo na ako, natupad ang pangarap ko na magkaroon ng “Rambo”, kaso ‘di ko na sya masyadong na-appreciate, kasi wala nang magpasali sa akin sa tumbang preso at ‘di na rin uso ang tatsing ng tsinelas. in pernes ah, matibay talaga ang “Rambo”, ngalang medyo matigas at mabigat.. (kaya kung suot mo ‘to, ang lakad mo eh astig at bigatin..)

    kingdaddyrich reply on June 2nd, 2008 9:52 pm:

    nagbabalak nga ng malawakang tigil pasada ang mga jeep sa pasukan eh. simula na yata yun ng pagwewelga sa labas ng bahay namin.

    at least kuya natupad ang pangarap mong magkarambo. pero parang hindi maganda kung college ka na at nagtutumbang preso ka pa. tsk tsk. it’s worth the experience naman to wear rambo diba? bigatin.

  34. ifoundme Says:

    hehehehe! i know where you got that excerpts… kay kapeng buto yan no? hehehe! may mga havaianas din naman ako at crocs pero di pumasok sa utak ko gawing basehan yan ng social status… parang ano yan? mukha at pagkatao mo ibabase mo sa bagay na inaapak apakan lang? hwag niyo ng pansinin yan. ganyan talaga ang insecure.

    kingdaddyrich reply on June 2nd, 2008 10:01 pm:

    kapeng buto? COFFEESEED? nako, kahit saang blog niyo hanapin ang dialogue na yan dito niyo lang mababasa yan. ahahaha! :D lols. si ate. ahahaha! gusto ko yan. that’s the spirit! go girl. die all insecured people! :D

    argh *im dead*

  35. GODDESS Says:

    ako mas gusto ko nakapaa. dito sa bahay, lage ako hinahabol ni mama para magtsinelas. hehehe! sa tanda kong to, pinapagalitan pa din ako kapag nakapaa ako.

    nakarating na ako at lahat sa lugar na banyaga eh hindi ko man lang naranasang makapagsuot niyang havaianas na yan. at hindi ko alam na pati tsinelas ngayn basehan na ng social status! dati cellphone, eh ano bukas? amoy ng tae? ahhahaha!!!

    kingdaddyrich reply on June 2nd, 2008 10:06 pm:

    ahahaha! pwede!! kaya wag ka mag pa-paa para hindi ka makaapak!

    GODDESS reply on June 3rd, 2008 11:39 am:

    ayos! iba ka KDR!

    mabuhay ka! =)

    kingdaddyrich reply on June 4th, 2008 6:24 pm:

    ahahaha.. sige. MABUHAY KA RIN! MABUHAY TAYONG LAHAT!

  36. nanaybelen Says:

    parang na-iimagine ko ang mukha ng nanay mo tuwing nawawalan ka ng tsenelas.
    natatangayan ka ng tsenelas din pala ng mga kalaro mo, akala ko ikaw ang nagtatago ng tsenelas nila. hehehe. joke

    kingdaddyrich reply on June 2nd, 2008 10:07 pm:

    wahh, goodboy po ako nanay belen. hehehe.. hindi ko po gawain yan.

  37. Nash aka Wonderboy Says:

    Nako yang Havaianas na yan pambahay ko lang yan hahahaha

    mag Banana Peel nalang tayo mura na pang masa pa ^^,

    mahal ang bayad sken ng BP sa pag endorse lol

    king daddy rich!

    salamat sa regular na pag komento mo sa aking blog :P

    kingdaddyrich reply on June 2nd, 2008 10:12 pm:

    ahahaha… waw. ako rin sana mabigyan ng pagkakataong mag endorse ng havaianas. at sana mas mahal ang iabayad sa akin.

  38. linglingbells Says:

    sa pakapalan lang, walang ibubuga ang havaianas sa rambo! hehe!

    meron akong isang pares ng havaianas pero meron akong mahigit na benteng pares ng banana peel!! mas mura kasi yun eh.. at yung havaianas ko ay bigay lang sakin.. lagi kasi akong naka-tsinelas sa skul..

    tama ka, kahit na mas mahal ang havaianas, pare-pareho lang naman na mapudpod ang mga yan at itatapon mo din!

    kingdaddyrich reply on June 2nd, 2008 10:22 pm:

    wawawee! higit sa benteng tsinelas! wawawee ulit. hanep ah. yun yun eh. wala. na speechless ako.

  39. Bacner Says:

    havaianas masyadong mahal.

    kingdaddyrich reply on June 2nd, 2008 10:23 pm:

    oo nga. alam nating lahat yan. tsk tsk tsk. tapos yun pala meron ka eh, 100 pairs. :D

  40. Lawstude Says:

    amf. dapat pala after office hour ko binasa tong post mo. napagalitan tuloy ako boss ko kasi tawa ako ng tawa mag-isa. ang mahal naman talaga nyang habayanas na yan. yung tsinelas ko sa bahay na free ko lang sa watson nung bumili ako ng oil of olay total eppeks. tanong ko nga kung bakit may free na tsinelas, sabi ng tindera, pag di raw umepekto oil of olay eh tampalis na lang ng tsinelas mukha ko para pumula.

    kingdaddyrich reply on June 2nd, 2008 10:29 pm:

    hala. sorry naman at napagalitan ka dahil dito. eheheh… pero at least yun lang ang naging reaksyon no bossing. at hindi ibang bagay. aba, tumatawa ng mag-isa. tsk. ibang usapan na yan. :)

    at ang sosyal mo koya. oley towtal epeks! yahoo… epektib ba ang tsinelas? paalala ko lang, wag ipampapatay ng ipis ang tsinelas bago itampalis sa mukha. okay? baka ibang oil of olay ang kumapit diyan! :D

    donG hO reply on June 4th, 2008 4:56 pm:

    lawstude astig yang tsinelas na yan. tingin ko yan din ang last option nina calayan at belo. hehehe…

  41. Kei Says:

    Ang official tsinelas ko ngayon ay may tatak na Offshore. Binili ko siya sa Gamol. Mura lang, at mas maganda pa sa havaianas at crocs combined. Wala atang 100 yung price niya.

    kingdaddyrich reply on June 2nd, 2008 10:32 pm:

    pwede bang isuot yan on shore? ano kayang itsura kapag pinagsama ang havaianas at crocs?

    HavaiaCrocs?

    Crocianas?

    donG hO reply on June 4th, 2008 4:57 pm:

    parang mas ok ang crocianas. pwede mo na itong i-patent kdr. iyong iyo na ang pangalang ito.

    kingdaddyrich reply on June 4th, 2008 6:26 pm:

    waw! mabuti. sige. kapag may gumaya alam niyo na kung saan unang nanggaling ang pangalang crocianas ah.

    it sounds more sosyal than the havaianas and crocs. agree? bwahahaha!

  42. arthritisguy Says:

    ano ba ang ispesyal sa habayanas na yan at ang mahal.

    kingdaddyrich reply on June 2nd, 2008 10:36 pm:

    nakakawala ata siya ng athritis kuya.

  43. acey Says:

    lol. how nouveau riche naman of those people who discriminate dahil lang sa tsinelas. naiinis ako sa ganyang klaseng mga tao, kdr. btw, funny impersonation, ha! =D

    kingdaddyrich reply on June 4th, 2008 6:28 pm:

    thanks at naappreciate mo. ikaw lang ata nakatunog na im impersonating someone. ahaha.. lahat sila akala kinuha ko yun as excerpt sa blog niya. ahaha.. it sounds original yata kaya ganon. pero iba pa rin ang orig. hindi ko inaagaw ang tronong yun sa kanya. ahahaha…

    since convincing ang impersonation ko, itatry kong i impersonate sa susunod sina vilma santos at nora aunor. at higit sa lahat, si ate glo. wtf!

  44. lethalverses Says:

    subukan kaya natin, na sa isa sa mga lakad natin, magBAKYA tayo at magliwaliw sa Greenbelt???

    rio reply on June 4th, 2008 1:18 pm:

    pa join ha..=)

    donG hO reply on June 4th, 2008 4:53 pm:

    huh??? sasama ka doc? ano to rally ng mga nagbabakya. hehehe… sa power rangers ka na lang.

    kingdaddyrich reply on June 4th, 2008 6:30 pm:

    ganito na lang. subukan nating magbakya as power rangers. para maiba naman. at least pinoy na pinoy at kakaiba!

    donG hO reply on June 5th, 2008 10:42 pm:

    sige para maiba kaya lang baka tatawagin na tayong bakya rangers. ok lang ba yon? hehehe… bahala na ang mga tao.

    rio reply on June 6th, 2008 2:15 pm:

    hahaha..nu kaya itsura natin nun?? nakikipagdigma habang nakabakya? hehe

    Leyn reply on June 4th, 2008 5:37 pm:

    tangina sherwin… may bakya ka?

    hindi ako natawa sa balak ni LV, natawa ako dahil may bakya sya. lol.

    kingdaddyrich reply on June 4th, 2008 6:29 pm:

    hahaha. ngayon pa lang naririnig ko na ang ingay na dulot ng tunog nang bakya. malamang, headturner tayo niyan.. lols.

    Leyn reply on June 4th, 2008 9:08 pm:

    HAHAHA. huminga ka nga lang naririnig na dun e.

    kingdaddyrich reply on June 4th, 2008 10:24 pm:

    oh yes pare. we’ve been there na nga pala. oh my gums! ahahaha!

  45. superboi Says:

    hahahah!! nabalik ako sa pagkabata ko… pati yung pagsuksok ng tsinelas sa braso ko para lang maging pink ranger. hahaha :)) nice nice!

    kingdaddyrich reply on June 4th, 2008 6:31 pm:

    nostalgic ba? ahahaha.. hindi kaya ikaw ang kalaro ko non? :D

    superboi reply on June 5th, 2008 1:40 pm:

    ay baka. hahahah!!! :D

    kingdaddyrich reply on June 10th, 2008 9:55 pm:

    hindi ba kalabaw?

  46. domjullian Says:

    syet mali ng post dito pala dapat yung comment about cofibean’s blog entry:

    wow parang galing sa blog ni cofibean yun ah

    anyway, medyo hindi aktib si cofi the ultimate denial king ngayun. natauhan na ata.

    kingdaddyrich reply on June 4th, 2008 6:32 pm:

    ahahaha.. oo nga eh. anyway, hindi niyo yan mababasa sa kahit anong post niya. ;D o kahit sang blog maliban dito. i enjoy na lang natin ang pagtatago niya, para sa kanya rin naman yun dahil sa dami ng fans niya, ang dami ring gustong pumuksa sa kanya. ahahaha!

    domjullian reply on June 4th, 2008 6:35 pm:

    feeling ko kasama na nya ang mga bulate orcs 6 feet below dahil sa mga posts nya

    kingdaddyrich reply on June 4th, 2008 9:08 pm:

    hahaha.. ewan natin. recently ko lang nabasa ang mga posts niya. isa ka ba sa mga tangahanga niya?

    domjullian reply on June 5th, 2008 1:16 pm:

    I read his posts pero di naman siguro ako taga hanga. Naaliw lang ako sa mga terminologies ma ginamit nya pero just like anybody else hindi ako natutuwa with the way he mocks other people