Anong Oras Ginawa ang Orasan?

May 21, 2008 - 12:03 am

Ang oras ay ginto.

Ito na marahil ang pinakatanyag na kasabihan na may kinalaman sa oras. Ang oras na isa sa mga pinakamahalagang elemento na bumubuo sa sangkatauhan. Ito rin ay sumasaklaw sa ating buong kamalayan at pagkilos magmula pa ng matutong mag-isip ang mga tao. At tulad ng isang ginto, sinasalamin ng kasabihang ito kung gaano kahalaga ang oras sa buhay natin sa mundo.

Iba-iba ang tao. Iba-iba ang kani-kaniyang mga pinagkakaabalahan sa buhay. Iba-iba rin ang pinaggugugulan ng kani-kaniyang oras. May ilan na malaking parte ng oras nila ay inilalaan sa pag-aaral. May ilan naman sa paghahanapbuhay. Ngunit ang karamihan ay nagbibigay ng malaking bahagi ng kanilang oras sa mga hindi gaanong mahalagang gawain. Dahil ang lahat ng ito ay nakasalalay sa sitwasyon, sa hinihingi ng pagkakataon at higit sa lahat sa ating sarili.

At minsan, hindi natin namamalayan na malaking bahagi ng ating oras ay nasasayang.

Alas-otso ang pasok mo. Nagising ka at tumingin sa orasan. Ala-sais na ngunit pakiramdam mo masyado pang maaga kung kaya nanghingi ka pa ng karagdagang limang minuto para ipagpatuloy ang bitin mong tulog. Sa kasamaang palad, napasarap ang tulog mo at nagdirediretso hanggang sa gisingin ka na ng ina mo dahil alas siyete y media na ay naglalaway ka pa. Dahil diyan, hindi mo na nagawang magplantsa ng uniporme mo. Hindi ka na rin nakapag-almusal. Nahuli ka na sa eskwela o trabaho, hindi ka pa nakaligo.

May nakatakda kang gawain. Maaaring projects, assignments, requirements, thesis o paperworks at may deadline para rito. Ngunit sa halip na gawin mo na ito, “nagpa-maya-maya” at “bukas na” ka pa. Inuna mo pa ang mag-DOTA, manuod ng telebisyon, mag-porno o kaya mag-dvd marathon ng Heroes. At kung kailan malapit na ang deadline saka mo inumpisahan ang sana’y dati mo pang natapos na gawain. Dahil diyan, nagmadali ka at nataranta. Hindi ka makapag umpisa dahil hindi mo alam kung paano ito tatapusin. Ang dati’y mahabang mong oras, ngayo’y limitado na. At hindi mo ito natapos ng maganda, tama at maayos.

May nakilala kang babae. Naakit ka, nahumaling at nahalina. May kakaiba kang naramdaman para sa kanya. At kakaibang tigas titig ang isinasalubong mo sa kanya tuwing nakikita siya. Alam mong siya na ang babaeng matagal mo nang pinakahihintay. Ngunit dahil sa torpe ka, inunahan ka ng kaba. Pinatagal mo pa ang pagtatapat ng pag-ibig sa kanya. Dahil diyan, naunahan ka ng iba. Ang babaeng sana’y ikaw ang ka-holding hands, ibang lalake ngayon ang kasama. Ngayon nagsisisi ka at hindi mo alam kung saan mo hahagilapin ang sagot sa tanong na “ano kaya kung niligawan ko na siya noon pa?”.

Bawat segundo sa buhay ng tao ay mahalaga. At kung ang Pilipino ay may average life expectancy na animnapu’t walong (68) taon, mayroon siyang dalawang bilyon, isandaan at limampung milyon, at pitumpu’t dalawang libong (2,115,072,000) segundo para ubusin at ilaan sa mga kung anong bagay na matripan niya. Gayunpaman, hindi dapat natin kalimutan na ang oras na lumipas ay hindi na natin maibabalik kailanman. Hindi rin ito pwedeng i-recycle at malamang na mabulok lang kung hindi gagamitin sa tama at mga gawaing kapaki-kapakinabang.

Kung may mga bagay kang gustong tapusin, mabuti nang simulan ito hangga’t maaga pa. Gawin na ang mga bagay na dapat, kinakailangan at gustong gawin hangga’t kaya pa ng katawan mong lumanghap ng oxygen. Iparamdam mo na sa mga taong malapit sayo kung gaano sila kahalaga hangga’t hindi pa humihinto ang panahon sayo. Magparamdam ka na rin sa mga kaaway mo kung paano nila binigyan ng kulay ang buhay mo hangga’t humihinga pa sila. Dahil hindi mo masasabi ang oras, baka bukas, oras mo na.

Masasabi nga natin na ang oras ay ginto dahil sa halaga nito. Ngunit ang pinagkaiba nila, hindi nabibili kahit saan ang kinang ng oras kapag naubusan ka.

136 Responses to “Anong Oras Ginawa ang Orasan?”

  1. vera Says:

    “ano kaya kung niligawan ko na siya noon pa?”

    — bakit kasi hindi mo sinubukan? pasensya ka na kung sinagot ko ito ng isa pang katanungan. ang totoo’y ikaw rin ang syang makakasagot sa sarili mong muni-muni.

    tuwing maiipit ka sa ganitong klaseng sitwasyon, isipin mo na baka hinihintay ka na nya at hindi nya lang magawang sabihin ito sayo dahil alam nyang may pag-aalinlangan ka. women’s intuition pare koy. malakas ang kutob namin sa mga ganyan.

    at least di kita tinawag na torpe diba. :D

    kingdaddyrich reply on May 21st, 2008 11:07 pm:

    torpe talaga ako! hehehehe. at oo nga pala, hindi ang tanong na ito ang tinutukoy ko. lols. gayunpaman, tanong pa rin naman siya. ahahaha…

    vera reply on May 22nd, 2008 2:31 am:

    eh gusto ko sagutin yun eh!!

    kingdaddyrich reply on May 22nd, 2008 8:57 pm:

    ahahah.. antaray! pwede namang mag sorry diba? sige na nga wag na lang. :D

    xio reply on May 26th, 2008 11:17 am:

    Suppressing too much body heat is dangerous to your health.

  2. vera Says:

    at sa tanong mo sa title? mmm. alas medya daw.

    kingdaddyrich reply on May 21st, 2008 11:09 pm:

    alas medya? akala ko alas medya menos singko para dos. pero pwede na rin ata. malapit na sa alas medyas.

  3. donG hO Says:

    Hindi rin ito pwedeng i-recycle at malamang na mabulok lang kung hindi gagamitin sa tama at mga gawaing kapaki-kapakinabang.>>> very good point.

    talagang hindi mare-recycle ang oras. buti pa ang ginto narerecycle pa. kaya hindi talaga pwedeng sayangin ang oras. para mo na ring sinayang ang buhay mo.

    dami pa namang procrastinator sa pinas.

    kingdaddyrich reply on May 21st, 2008 11:11 pm:

    awts. tinamaan ako don ah. ahahahaha…

    kuya na miss ka ng blog ko. eheheh. sensya na hindi ako nagpacomment sa nakaraan kong post. pero ngayon pwede na ulit maki comment sa comment ng iba. :D

  4. blue Says:

    so lets not waste our time daddy, tell me, tell me you love me! :)

    kingdaddyrich reply on May 21st, 2008 11:16 pm:

    ahahaha. langyang banat yan. hindi pwede PARE! ahahaha… i love myself… yang si kuya dong ho sa itaas, single yan. available at balita ko may malaking *toot* daw. ahahaha…

    Lyzius reply on May 24th, 2008 3:15 pm:

    aba at bakit naman naka advertise pa ang malaking toot ni dom?

    kingdaddyrich reply on May 25th, 2008 3:12 am:

    in demand sa world market yun lyzius.

  5. Laarni Says:

    Ngunit minsan masarap i-beat ang deadline.

    Nice title and content. napaisip tuloy ako. More!

    (Yeah, nag exceed bandwidth limit ako. 10 mb lang kasi eh. pero now 20 mb na ang nadagdag pero baka mag exceed ulit ako kasi lintek na emma watson panties yan. lol. oooops baka dagsain ka din dito kasi sa keywords lol. take care!)

    kingdaddyrich reply on May 21st, 2008 11:18 pm:

    pleasurable ba yun kapag nakikipag unahan ka sa deadline? although ilang beses ko nanag naranasan yan, mahirap kasi dahil parang nakikipag unahan ka rin kay kamatayan. dahil kapag naunahan ka, patay ang grades mo! argh!!!

    (nagpapanty pala si emma watson? ahahaha.. may nakita kasi akong nude photo niya eh.. ehehehe)

    xio reply on May 26th, 2008 11:20 am:

    daig ng matulin ang… makupad? ‘yun ba ang kasabihan?

    (dad, lay off my twin. ;p)

    kingdaddyrich reply on May 27th, 2008 12:59 pm:

    xio! out of thread ba ito o sadyang hindi ko lang siya naintindihan. ahahah!

  6. spongebabe Says:

    hehe. nice blog.

    i dunno who said it, pero sabi nya hindi naman daw talaga useless ang mga relo once they stop working. at least daw malalaman mo exactly when it happened. ^_^

    kingdaddyrich reply on May 21st, 2008 11:20 pm:

    aba ayos ang ah. kapag huminto, malalaman mo kung anong oras nasira ang relo mo. pero paano kapag digital ang relo mo?

    lols. baka baterya lang ang problema. ehehehe.

  7. keitaro hanazawa Says:

    Ang oras din ang pinaka-aktibong bagay sa mundo. Biruin mo, kaya nitong tumakbo, dumaan, lumipas, dumating, lumipad, at mag-cartwheel ng hindi mo namamalayan. Pero tama ka, hindi pwedeng i-recycle ang oras at mas lalong hindi na natin pwedeng balikan ang lumipas na. Kasi pag nangyari yun, maiiba yung future or kinabukasan na itinakda o isinulat ng makapangyarihang mama na may mahiwagang panulat. Live every day as though it was your last, sabi nga ng kanta. Pero sana nga kaya nating gawin yun di ba?

    kingdaddyrich reply on May 21st, 2008 11:24 pm:

    ibig mo bang sabihin na ang tadhana natin ay gawa na at hindi na maaaring baguhin dahil ito ay initakda o isinulat na ng makapangyarihang mama na may mahiwagang panulat?

    si mr clean ba yan?

    hehehehe…

  8. keitaro hanazawa Says:

    For the record din, ugali kong mag-cramming marathon nung college ako. actually kahit ngayon na may nagtitiyagang magbayad sa mga ginagawa ko. Salamat sa pagbisita sa aba kong blog.:)

    kingdaddyrich reply on May 21st, 2008 11:26 pm:

    sakit na ata ng maraming estudyante ang cramming complex. ehehehe… may may thrill at excitement daw pag ganon. ahahaha. na curious naman ako sa mga ginagawa mo na may bayad. :D ano ba yan? share naman!

    xio reply on May 26th, 2008 11:26 am:

    hence the dawn of Quickie. :D

    kingdaddyrich reply on May 27th, 2008 1:00 pm:

    oo. mas masarap daw pag quickie. don daw may totoong thrill.

  9. Padre Salvi Says:

    Haha. After a long time. First time ko pala makabisita sa bago mong bahay. At mukhang nag-iba ka na rin ata ng istilo ng pagbablog.

    Title pa lang, na “blown away” na ako. Medyo nagkakaroon na ako ng time management kasi iba na pala ngayong college na ako. Hindi ko na maiaapply ang nakasanayan ko nang gawin nung high school. Pero di ko pa rin naiiwasang magcram. O well, Rajo Laurel, ce’st la vie!

    kingdaddyrich reply on May 21st, 2008 11:30 pm:

    oo nga. ahahaha…. naaalala ko pa non sa blog mo eh na adik ka sa mga american series. o kumusta naman si hiro nakamura? hehehehe. ganon pa rin naman ako. :D wala pa ring kwenta. ahahaha!

    ayos yan at natututo ka na ng time management. kahit paano may maturity sa pagkatao hindi ba? at tama ka, iba ang college life sa hayskul life kaya may mga pagkakataong ang mga nakasanayan sa hayskul ay hindi maibabagay sa kolehiyo. at ano namang kinalaman ni Rajo Laurel dito? ehehehe..

    Live your Life! Drink Sprite! ahahaha.. advertisement to! :D

  10. jep Says:

    IDOL… another great entry.. medyo nagiging malalim ata ang ating mga entry ha.. nagulat naman ako dun sa pinasok mo about sa babae na naunahan ng iba, okay well sinayang nga ung time pero ganon tlga ang torpe eh nagsasayang ng oras hahaha.. trust me… hehe..

    haayyy about dun sa previous post mo, gusto ko tlga magcomment eh.. i think both of you are lucky.. nice one kdr.. IDOL..

    kingdaddyrich reply on May 21st, 2008 11:37 pm:

    aahahaha… naka relate ka ba Jep don sa halimbawa ko? mabuhay tayong mga torpe! ahahaha….

    don sa previous post ko, sensya na hindi pwede mag comment ah. :D paano mo naman nasabing “both of us are lucky?” hehehe…

    jep reply on May 22nd, 2008 10:33 am:

    kasi there is a mutual understanding.. nabasa ko ung blog niya eh.. kinilig to the bones ako eh.. kung nandyan lang ako sa tabi mo may kaltok ka sa akin sabay sabing galing mo naman idol!! hahaha…

    oo leche nga eh.. tagos naman ung halimbawa mo… haayyy naku.. long live torpe hhahaha..

    kingdaddyrich reply on May 22nd, 2008 8:59 pm:

    ahahaha… dumaloy din ba ang dagitab sa buto mo? :D

    basta long live torpe pa din!

  11. rio Says:

    anong oras ginagawa ang orasan??…..malay ko ! wala pa akong orasan nung mga oras na yun e..lols!

    mahilig akong maghabol sa “deadliest deadline” nung nag aaral p ako..hehe..

    ang daya mo naman at bawal ang comment sa last post mo..d bale nag comment naman ako sa blog ni karmi e…hehehe..=)

    kingdaddyrich reply on May 21st, 2008 11:39 pm:

    oi ate riotooth! ehehehe. namiss kayo ni kuya dong ng blog ko. :D sensya na kung hindi pwede mag comment noong nakaraan ah. di bale ngayon pwede na ulit maki comment sa comment ng iba. :D

    at kung hahabulin mo ang deadliest deadline, nakakatakot kasi. baka nga naman maunahan ka ni kamatayan, patay ang grades mo pag nagkataon. bakit mo pa iririsk diba? :D

    rio reply on May 22nd, 2008 10:52 am:

    hehehe..sori pero mas magaling ako kay kamatayan..lols

    si kuya Dong ay nasa Cebu…tayo naman ang makakamiss sa kanya dahil hindi daw nya dala ang kanyang sigma5(laptop)..hai…wala tuloy akong kasamang mangugulo sa bahay mo=)..
    hmmm….e kung tayo naman ang mang gulo sa bahay ni kuya Dong.ano sa tingin mo kingdaddyrich?? hehehe

    kingdaddyrich reply on May 22nd, 2008 9:00 pm:

    mas magaling ka kay kamatayan? waw. bestfriend na kita ah. hehehe…

    si kuya dong ay nasa cebu nga at nag declare na ako ng war sa blog niya. guguluhin natin yun! bwahahaha!

    rio reply on May 23rd, 2008 11:59 am:

    sige..bestfriend na tayo sa kalokohan ha!! hehehe

    kuha ka na din ng tsokolate sa ref ni kuya dong sa bahay nya..wala pa sya e..lols

    kingdaddyrich reply on May 24th, 2008 11:42 am:

    wala akong nakitang sokolate sa ref.. wala ngang ref eh. ang saklap.

    rio reply on May 24th, 2008 12:53 pm:

    hahaha..baka pati yung ref ni dong natangay na!..

    kingdaddyrich reply on May 25th, 2008 3:13 am:

    aba oo nga. kailangan nang uwi ni kuya dong. ang laman ng bahay niya nalilimas na.

    rio reply on May 27th, 2008 3:02 pm:

    kingdaddyrich..nisumbong ko na ikaw ang kumuha ng sigma5 ni kuya dong..hehe

    kingdaddyrich reply on May 27th, 2008 9:57 pm:

    naku ate rio. bakit naman ako? wala akong kinalaman diyan ah.

  12. kris Says:

    malupet ang title. idol. grabe.

    kingdaddyrich reply on May 21st, 2008 11:40 pm:

    title pa lang ulam na! ahahahaha! kahit hindi na magbasa! lols.

  13. Nagi Says:

    ei, kingdaddy! hehe.. ganun po talaga yung url ko japanesenagi. ^^;;
    ang kulet ng title mo.

    kingdaddyrich reply on May 21st, 2008 11:41 pm:

    title lang ata binasa mo eh. ahahahaha…. so japanice!

  14. Yom Says:

    Love this post. Hahaha. Parang ngayon lang yata kita nakita mag-post ng ganito ka-seryoso ah. Haha. Peace! :D

    kingdaddyrich reply on May 21st, 2008 11:42 pm:

    ahahaha… akala mo lang yun parekoy! :D pero mainam kung liligawan mo na si dentist! ahahaha… remember, time is gold! :D

  15. Ralph Says:

    time is life! so we have to gve importance on every aspect we do especially on giving a damn to time

    kingdaddyrich reply on May 21st, 2008 11:43 pm:

    right! *yun lang nasabi ko* ahahahah!

  16. warvitt Says:

    mahalaga talaga ang oras sa mundo. baka nga ito na ang pinakamahalagang elemento ng buhay simula nung nilikha ng diyos ang sanlibutan.

    Diyos: 1:30 na pala, shet gawa na ako galaxy. Mamayang 4 gawa naman ako ng stars. Mamayang 6 gawa na ako planets. Wat time kaya ako rerest?

    Wala lang nagpalipas lang ng oras dito.
    oras na siguro pra magpaalam.
    bye.
    maliligo lng ako after 126 hours kong hindi pagligo.

    kingdaddyrich reply on May 21st, 2008 11:44 pm:

    anong oras naman kaya niya ginawa ang sarili niya? :D

  17. ifoundme Says:

    ang oras ay ang isang bagay na masasabi natin na ang mayaman ay hindi nakakalamang at ang mahirap ay hindi kinukulang…. na realize ko yan habang nakaupo ako sa condo ng tita ko habang pinapanood ang paglanding ng helicopter ni lucio tan sa building nila at nag-eemote ako sa nangyayari sa buhay ko.

    kingdaddyrich reply on May 21st, 2008 11:46 pm:

    geesh.. ang lalim ah. ate, promise hindi ko naarok. :D

    ifoundme reply on May 22nd, 2008 7:54 am:

    tara, abutin natin ang kalaliman nyan. maiba, ano ibig sabihin ng naarok? lechugas! di ko naintindihan.

    kingdaddyrich reply on May 24th, 2008 11:43 am:

    hahaha… sinabi mo na kung ano ang ibig sabihin ng naarok. it means naabot.

  18. Keitaro Hanazawa Says:

    Sana nga si Mr. Clean na lang siya para hindi na malaking palaisipan kung ano ang itsura niya.

    kingdaddyrich reply on May 22nd, 2008 9:01 pm:

    kapag nakita mo ako makikita mo itsura niya! ahahaha.. langya!

  19. Lawstude Says:

    Nicely written blog. Sabi ng iba bloggers komikero ka daw. Di naman pala kasi seryoso topic mo. Pero ang ganda ng pagkakasulat.

    Wala lang. Comment lang ako kasi lagi ko nakikita link mo sa mga ka-blog ko eh kaya ililink din kita ha. Sikat eh. Take care parekoy.

    kingdaddyrich reply on May 22nd, 2008 9:03 pm:

    komikero? ehehehe… minsan nang inakala na nagsusulat ako sa komiks. yun ba ang ibig sabihin ng komikero? ahahaha.. ambobo ko. lols… salamat! :D

    uy sikat! hindi ko alam yun ah. hindi ako sikat. kayo ang sikat! ahaha.. ang showbiz. salamat sa paglink kuya!

    Lawstude reply on May 23rd, 2008 10:17 am:

    komikero nga. :-)

    kingdaddyrich reply on May 24th, 2008 11:43 am:

    hehehe… ano ba yung komikero? hindi kasi ako nagsusulat sa komiks eh.

  20. mentholGUY Says:

    Isang post na pilosopikal at malalim.

    :D Mabuti at napagsasama mo ang kaunting yumor at pilosopiya (o kung ano mang tawag dun na malalim at hindi maaruk-arok). LOL.

    Ayos at DATKOM ka na! Apir!

    kingdaddyrich reply on May 22nd, 2008 9:04 pm:

    oo. nachambahan. mahirap kasi kung masyadong seryoso at masmahirap din kung puro yumor tapos wala namang kwenta. tulad ng blog ko. walang kwenta. ehehehe…

    naninibago ako. menthol guy… :D utak gago na lang. hehehe

  21. Leyn ? Says:

    (dumadami na ang mga kalahi ni hener… mga torpeng supot. :P)

    marami pang oras kdr,
    hindi dapat madaliin ang mga bagay.

    atsaka pwede namang pahintuin ang oras basta i-apply natin ang theory of relativity.

    apir!

    ?

    Leyn reply on May 22nd, 2008 4:57 pm:

    arg. talagang ayaw ng heart symbol ko. bulok ang WP!

    <3

    kingdaddyrich reply on May 22nd, 2008 9:06 pm:

    ahahaha… ill resurrect einstein then! :D

  22. lalaine Says:

    naligaw lang po…. lalim naman ng entry na to…

    ako pa namn ung taong laging humahabol sa deadline… lagi ko sinasabi sa mga kaibigan ko na… better late than never… hahahaha

    =)

    kingdaddyrich reply on May 22nd, 2008 9:07 pm:

    ahahaha.. oo nga… naging kasabihan ko rin yan… heto pa isa.

    “it’s better to cheat than to repeat”

  23. chroneicon Says:

    ang lupit naman nito. hanggang tigas titig na lang ba ang mga torpe? paano kung mawalan tayo ng oras, bebenta pa ba ang mga relo? samantalahin natin kung ano ang meron tayo hindi iyong magmumukmok ka kapag nawala na or hindi na available.

    kingdaddyrich reply on May 22nd, 2008 9:10 pm:

    paano kung mawalan tayo ng titig, may titigas pa ba? meron pa naman siguro. ehehehe… at kung mawawalan tayo ng titig, malamang bulag ka na. :D

  24. The Gasoline Dude Says:

    Dapat mabasa ni Lethalverses ‘to. *LOL*

    kingdaddyrich reply on May 22nd, 2008 9:10 pm:

    lols. bakit naman?

    The Gasoline Dude reply on May 23rd, 2008 9:36 pm:

    TORPE ‘yun eh! *LOL*

    kingdaddyrich reply on May 24th, 2008 12:00 pm:

    sabi naman ni chie babaero si sher sher

    Leyn reply on May 25th, 2008 11:53 pm:

    hindi torpe si sherwin, aggressive lang si alex. hehehe.

    kingdaddyrich reply on May 27th, 2008 1:01 pm:

    at emosyonal. ahahaha! caregiver.!

    chroneicon reply on May 27th, 2008 1:31 pm:

    si sherwin lang ang torpeng babaero! magaling talaga ang hayup!

    Leyn ? reply on May 27th, 2008 7:12 pm:

    sige lang! pagtulungan nyo pa si sherwin dito. naging thred na to ah.

    kingdaddyrich reply on May 27th, 2008 9:59 pm:

    leyn, spell thread please.. T-H-R-E-A-D

    ang lupit naman. torpeng babaero. napaka unique. parang toothpaste.

    lethalwho? reply on July 8th, 2008 3:49 am:

    mga hayup na alex at chie ito a!!!

    suntukan na lang!!!!!!!!!!!!!!!

  25. karmi Says:

    ayiii. hahaha. talagang comments lang ung binasa ko.. :P sensya, tsismosa..

    aun, may oras pa naman talaga eh. wag ka lang hihina-hina dyan. tsk.. :D torpe, torpe, sus. arte.. :P hehehe..

    sabi mo nga ang oras ay ginto, ala lang. inulit ko lang. =)

    *sensya tol, sa alang wentang comment.. hehehe.. *

    kingdaddyrich reply on May 24th, 2008 12:00 pm:

    okay lang. wala namang wenta tong blog na ito. ahahaa.

    karmi reply on May 24th, 2008 1:27 pm:

    anung alang wenta ka dyan. :P

    akala mo lang wala, pero meron meron meron. :D

    kingdaddyrich reply on May 25th, 2008 3:15 am:

    ahahaha… VILMA? ehehe.. si sharon ata ang patok ngayon.

  26. ponchong Says:

    kung ganyan sana ang attitude ng Pinoy sa oras, sigurado hindi tayo laging kulelat. sayang lang ang dami ng mga relo na nakadisplay sa mga bahay, wla namang sense of time.

    lol..i’m talking to myself. pero nagbago na ako. suisse time na dapat.

    kingdaddyrich reply on May 24th, 2008 12:01 pm:

    marami ngang relo, wala namang baterya. nako, ako late pa rin. pero slowly, babaguhin ko na sarili ko. dami kong na mimiss eh.

  27. linglingbells Says:

    maganda ang pagkakalahad at ang tiyaga mo para i-calculate kung ilang segundo meron ang average na pinoy.. :)

    kingdaddyrich reply on May 24th, 2008 12:04 pm:

    nako madali lang naman ang calculations eh. :D

  28. acey Says:

    kdr, agree ako na ginto ang oras at mahalaga at grabe mag-slip away…

    p.s.: ikaw pala ang gumawa nung open love letter sa blog ni cedeux!

    kingdaddyrich reply on May 24th, 2008 12:05 pm:

    grabe mag slip away?

    yep. sakin nga po galing yung nakapost kay ced at sa iba pang tao dito sa blogosphere.

  29. utakmunggo Says:

    kainis ka. napaisip tuloy ako.

    (nasasayang ba ang oras sa blogosphere?naku…)

    andami dami ko nang di kayang bawiin. at sa lagay na to, ayon na rin sa iyo, 35 years na lang ang ilalagi ko sa mundong ibabaw.

    makapag-join na nga ng pacontest sa guiness.

    kingdaddyrich reply on May 24th, 2008 12:08 pm:

    anong contest ba yan? eheheh… kung marami nang nasayang at hindi na kayang bawiin, eh di sulitin na lang ang nalalabing

  30. ced Says:

    late na ba para magcomment ako dito?
    hmmm???

    yan ang regret ko… hay. mnagsayang ng oras…
    salamat naisip ko sa pasukan… aayusan ko na. pramis!

    kingdaddyrich reply on May 24th, 2008 1:03 pm:

    ako rin. aayusin ko na rin. hay….

  31. abou Says:

    hindi ako mahilig sa orasan. direksyon ng araw lang tinitingala ko, ha ha

    mas trip kong langhapin kung ano mang panahon meron ako, at ayokong sayangin ito sa paghahabulan sa numero.

    kingdaddyrich reply on May 24th, 2008 1:05 pm:

    lolo abou. ang ganda ng sinabi mo ah. food for thought.

  32. Ely Says:

    Yoko na makirelate. Takot na ako isipin na nauubusan na ako ng oras. Mababaliw ako sa kakaisip ng should have done this, should have done that! Waahhhhh!

    kingdaddyrich reply on May 24th, 2008 1:07 pm:

    oo nga. ganyan din ang nararamdaman ko minsan eh. kaya nga dapat hanggat maaari, gawin na ang mga bagay na dapat gawin. hindi naman kailangang magmadali. dapat lang sulitin ang bawat segundong lumilipas.

  33. Kai Says:

    ayy ako super on time lagi - american time. hahaa. kasi lahat dito may oras e :( gusto ko man magpka-petiks, d namn ako sswelduhan hehehe.

    oy kingdaddy, i miss you :D sorry ngayon lang ako napadpad. busy ang beauty e. hehe. ingat ka dyan, mwah :*

    kingdaddyrich reply on May 24th, 2008 1:09 pm:

    diba nasa yuropa ka? eh di dapat europian time. hehehe… siguro hindi naman bago sayo ang Filipino time diba. :D well. isa yun sa mga kulturang Pinoy na sa aking pananaw ay dapat baguhin.

    ayos lang ate kai. eheheh… lam ko namang may career na ang beauty mo diyan. :D

  34. kengkay Says:

    hay, the one that got away. yan ba ang tunay na ginto? alam mo, hindi lang lalaki ang may ’sala’ sa mga ganyang drama, pati ang mga babae. aba, kung gusto mo talaga at alam mong gusto ka nya, bakit hindi kayo maging prangka about it? talk about it. at kung hindi talaga kayo, kahit na dapat kayo, life goes on :D at tama ka, bawat secundo ginto. kaya naman tagal ko parati magblog hop, ahahaha

    kingdaddyrich reply on May 24th, 2008 1:10 pm:

    ahahaha… siguro kumikita ka ng ginto sa pag bobloghop. lols. :D

  35. PRUE Says:

    hey… hey… hey… naks naman… at dahil ngayon lang ako nakabisita, ngayon lang kita mababati… hanep.. 2 na ang blog mo ha… sosyal!!! very writer…

    good… hehehe!

    as always, enjoy ako sa sulat mo… very nsightful withot being heavy…

    btw, buti naman at tuli ka na… hahaha! reading your posts…

    anyways, hope you are having a good life… nakapagkofi ka na ulit? hehehe!

    ‘bush!

    kingdaddyrich reply on May 25th, 2008 3:19 am:

    woi!!! aahaha.. nabuhay ka prue! ano bang nangyari sayo… kumusta ka naman! ahaha… dito na ako nag boblog. medyo inaktib na yung isa. :D

    at buti na lang at tuli na nga ako! lols…

    hindi na ako nakapag cofi. :D ikaw din ingat. mukhang masaya ka ngayon. :D

    PRUE reply on May 26th, 2008 12:42 am:

    lagi naman akong masaya… trip ko lang magdrama… hahaha!

    eh alangan namang mag-oa ako dito sa blog mo… hindi bagay…

    and yes… the witch is alive… wag na lang itanong kung anong nangyari sa akin…

    good life to you kaibigan…

    (my words… my phrasing.. it’s vrey manly… hahaha!)

    kingdaddyrich reply on May 26th, 2008 1:10 am:

    ahahaha… hindi mo ba feel maging man? lols. belated happy birthday nga pala. :D mabuti at back for blogs ka na ulit. bisita ako sa blog mo kapag nakakahinga na ako. hehehe.. medyo busy eh..

  36. dhez Says:

    korek ka dyan! ang oras ay mahalaga talaga sa bawat minuto nito it can change a lifetime db? may point ba ako? at dahil ang oras ang napaka halaga, kung may oras ka, paki gawa tag ko ha… teka nga muna.. hindi pa naman ‘huli’ ang lahat kung talagang mahal mo siya.. may oras ka pa na ipakita mo sa kanya.. :)

    kingdaddyrich reply on May 25th, 2008 3:19 am:

    ahahaha.. yun yun eh! ang tag! ahahaha… sige ba. pag may oras na ulit para mag blog.

  37. mangyan ako Says:

    kung may mga bagay sa mundo na hindi na natin kayang ibalik o balikan, tsak yon kasama ang oras sa listahan. ganoon ka importante ang oras, isang beses lang dumaan, wala nang ulitan. isang beses lang puedeng gamitin, hindi puedeng i-recycle. pero sa mundong ito, sa oras ang mayaman at mahirap eh pantay-pantay (kay ifm ko ata nabasa ‘to)…hindi puedeng sabihin ng mayamang mas marami silang oras, at sabihin ng mahirap na naghihirap sila sa oras, dahil kapwa parehas na meron silang 24 oras sa isang araw… nagkakaiba nga lang kung papaano ito gagamitin… sa kapakinabangan o sa walang kabuluhan…

    kingdaddyrich reply on May 25th, 2008 3:20 am:

    good point! astig astig!

  38. Rommel Says:

    In fairness, ang seryoso ng blog post mo nato ah! Hehe, pero aylayket parin :D

    kingdaddyrich reply on May 25th, 2008 3:22 am:

    binasa mo ba? ahahaha…

  39. Puypuy Says:

    Hello! Ang galing nyo po magsulat! Nakaka-engganyo. Sana po i-visit nyo din po yung site ko :)

    Hehe. At exchange links po tayo kung pwede?

    kingdaddyrich reply on May 25th, 2008 3:22 am:

    nako salamat po! sige po at ibivisit ko po ang blog niyo po! :D

  40. Puypuy Says:

    Hmm. Sikreto po. Hehe. Links ex po tayo :D Hehe. Paborito ko po kasi tong tambayan nung di pa ako nagbablog :)

    Sana po mapadalas kayo sa aking blog. Salamat din sa iyong magandang compliment sa aking titulo :D Taga-Bataan po ako.

    kingdaddyrich reply on May 26th, 2008 1:36 am:

    aaahahaha.. baka wala patong blog na ito noong tumatambay ka. :D

    nasasaiyo na kung gusto mo akong i link. hindi mo na kailangan ng aking permiso.

  41. mnel Says:

    Tinamaan ako dito. Slight. Haha. Ako kasi ang perennial latecomer/procrastinator. Pero well, di na pwedeng laging ganun ang sistema. Nakakastress! Baka mas maaga pa ko mamatay kesa sa mga future patients ko. :P

    kingdaddyrich reply on May 26th, 2008 1:37 am:

    nako lahat ata tayo tinamaan diyan doc. :D at tama ka, hindi pwedeng laging ganon na lang.

  42. sexy moi Says:

    time is really precious at tama po kayo, di ito nabibili. kaya kung ano man merong oras tayo dapat ginagamit natinto ng tama. let’s enjoy our life… carpe diem… :)

    kingdaddyrich reply on May 26th, 2008 1:43 am:

    bakit po kayo nangongopo? ehehehe… bata pa po ako… ;D

    mnel reply on May 26th, 2008 2:03 am:

    haha. you exude the “old and aged” feel daw. hahaha. peace! =P

    kingdaddyrich reply on May 26th, 2008 2:05 am:

    ahahaha… loko ka ah. ahahah.. okay lang.. lagi naman eh. haahhha!

  43. nanaybelen Says:

    kingdaddyrich pwede pa ba akong magcomment? may oras pa ba para ako ay maki-comment sa usapan nyo? …….Sabagay ang sasabihin ko lang naman ay ..BETTER LATE THAN NEVER

    kingdaddyrich reply on May 26th, 2008 1:47 am:

    ahahah… kaiba si nanay belen ah. :D

  44. GODDESS Says:

    kung late si nanay belen, eh ano pa ako??? halos di na umabot! lagi naman ankong ganito, cramming!

    anyway, isa ka ding torpe? bakit ganun? dumadami ang kakilala kong torpe. halos pumapantay na sa dami ng kakilala kong manloloko!

    mas mainam na siguro yung torpe kesa sa manloloko.

    walang sense! leche.. sabog sabog utak ko ngayon.

    kingdaddyrich reply on May 27th, 2008 1:03 pm:

    ahahaha.. parang may something ah.. oo torpe nga ako. :D

  45. superboi Says:

    dahil nagmamarunong nga ako… whaahha!!! masasabi ko lang na bakit ba biglang naging mahalaga ang oras?

    wala naman nagsabing gawing mahalaga ang oras eh. so kung ako sa inyo, wag niyo na lang isipin ang oras :D

    mas masaya ang buhay ng ganoon. noon naman walang oras oras…

    kingdaddyrich reply on May 27th, 2008 1:07 pm:

    ahahaha.. kanya kanya kasi yan superboi. kung sayo walang nagsabing mahalaga ang oras, malamang sa iba meron. at kung mas nasisiyahan ka na mas masaya ang buhay na walang oras, so be it. pero sa ayaw mo man at sa gusto, may oras pa rin. hindi mo ito matatakasan. patuloy ka nitong susundan. at kung maabutan ka at maiwan, sorry ka na lang.

    i beg to disagree na noon ay walang oras oras. well, paano mo nalaman? ;D

    thanks for sharing sentiments on this post! it’s well appreciated. until next time!

    superboi reply on May 27th, 2008 6:05 pm:

    sana nga wala na lang oras talaga… para pwede ako mag online forever ng hindi nasasabihan ng mga magulang ko na “huy inuumaga ka na naman”, para hindi ako nanghihinayang sa mga lost moments, para hindi ako napapagod sa dami ng ginagawa ko at parang onti ang oras.

    :D

    at oo, alam ko naman na may oras dati pa… kaya nga may sundial and stuffs eh… pinaninindigan ko lang ang pagmamarunong ko. wahhahaha!!! :)) joke lang. hehehehe!!!

    :D

    kingdaddyrich reply on May 27th, 2008 10:02 pm:

    ahahaha! sige sige! hindi ka naman pipigilan ng blog na ito sa gusto mo eh. ahaha…

  46. kris jasper Says:

    impt. ang oras pero eto.. inuubos ko sa internet imbes na mag-aral..

    argh!

    kingdaddyrich reply on May 27th, 2008 1:08 pm:

    pareho tayo! lols. san kaya tayo pupulutin nito.

  47. Nash Says:

    nako nako..

    awts ang sakit lolz natamaan ako hahahaha

    kelangan kumilos para umunlad ako hahaha

    kingdaddyrich reply on May 29th, 2008 4:56 pm:

    hindi tayo uunlad kung hindi kikilos. ahahaha!

  48. domjullian Says:

    wow parang galing sa blog ni cofibean yung ah

    kingdaddyrich reply on June 4th, 2008 6:18 pm:

    hahaha… wrong send tol! :D

Leave a Reply