Recycle: Jeepney Juan
Naranasan mo na ba yung isang araw na papasok ka ng eskuwelahan? Handang handa ka na. Ang gwapo mong tignan sa uniporme mong bagong plantsa. Na halos ni isang maliit na gusot ay wala. Yun bang taas noo kang naglalakad sa kalsada. At pagsakay mo sa jeep, na sa halip na ikandong mo ang bag mo ay inilapag mo na lamang ito upang hindi magusot ang bagong plantsa mong uniporme. Mapupuno na ang jeep, aalis at sa wakas makakarating ka na sa eskuwelahan para ipagyabang sa mga kaklase mo ang super plantsado mong uniporme. Nang may biglang sumakay at tumabi sa iyo. Na kahit siksikan na ay ikiniskis pa rin ang sarili niya sa napakaliit na puwang. At dahil ipinagsiksikan niya ang katawan niya ay nasiksik din ang super plantsado mong uniporme. Nalukot, inupuan at nagusot ang iningat-ingatan mong bagong plantsang uniporme. At sabi ng bagong sakay, ano ba itong drayber na ito, ang sikip ng jeep?! At gusto mong sumabat at murahin ang bagong sakay, eh pampam ka pala eh bakit ka pa sumakay? Sa wakas ay nakarating ka na sa iyong paroroonan. Bumaba ka na nang jeep. Ang bagong super plantsado mong uniporme na kani-kanila lang ay walang kagusot-gusot, ngayon ay para ng nilamukos na lata. ASAR DIBA?
Naranasan mo ba ba yung isang gabing umuulan? Wala kang dalang payong. Basang basa at naiihi ka na. Nasa isang silong at nag-aantay ng masasakyan. Halos amagin ka na sa kinatatayuan mo at inaamag na rin ang ihi mo. At sa wakas may dumating na jeep. Sabi ng drayber, halika totoy, marami pa! Tuwang-tuwa ka at sa wakas ay makakauwi at makaka-ihi ka na. Sumakay ka, naknampitumputpitongputikasamanaangdilawnatupa! Ang jeep puno! Sabi ulit ng drayber, dito totoy isa pa, sabay turo sa dulo. Dahil wala ka ng ibang pagpipilian kaysa mabulok ang ihi mo, tumuloy ka na lang. At ang sinasabi ng drayber na isa pa, siyet, kahit apat na taong gulang na bata iiyak pag pinaupo doon. Umupo ka. At kahit tumbong mo na lang ang magkasya ay pwede na, makauwi at makaihi lang. Ikinapit mo ang kanang kamay sa estribo at ang kaliwa para sa bitbit mong gamit. Biglang may sumigaw, mama bayad po! Dahil ikaw ang nasa dulo, ikaw ang mag-aabot. Kung pwede lang sana gamitin ang paa pang abot ng bayad. Ang manong drayber ay kaskasero. Biglang liliko, aabante, at hihinto. Nampatola! Halos malaglag ka na sa kinauupuan mo. At may hinayupak pang nakikiunan pa sa balikat mo. Hindi ka na nga magkanda ugaga kung anong pwesto ang gagawin mo para makaupo ng husto at makakapit sa estribo, naninigas na ang binti mo, may naglalaway pa sa braso mo. BADTRIP DIBA?
Naranasan mo na ba ng pauwi ka na? Sumakay ka ng dyip sa isang terminal. Mapupuno na. Makakauwi ka na at makakapagpahinga. Napansin mo na halos babae ang kasabay mo sa jeep. Naggagandahan, nagseseksihan at nagbabangohan. Kung saan-saan ka na napapatingin. Naglalaway ka na sa kaharap mo. At biglang sumakay ang crush mo. Sakto tumabi pa sayo. Kinilig ka. Tumayo ang anaconda balahibo mo. At ikiniskis mo pa ang balat mo sa kanya. Ang manyak mo! Isa na lang mapupuno na. Nang biglang sumakay ang isang malaking babae. Pagsampa niya sa jeep ay nag-alinlangan dahil baka hindi na siya magkasya. At sumigaw ng barker, dito ka kanan konting ayos lang, oh mga miss kauting ayos lang, paki-ipit na lang baka sumingaw! PATOK diba?


May 13th, 2008 at 4:21 pm
hahaha… isang astig post na naman at ako’y andito na naman para mangulit sa mga nagcocomment na kunwaring may-ari ako ng blog na ito. kaya kung kailangan mo ng assistant ay nandito lang ako. hehehe… pambihirang buhay singit.
ayan! totoo ngang nangyayari to dahil nangyari na sa akin lahat yan pwera na lang maging driver ng jeep. hehehe… asar talaga pag may umupo na medyo mataba (naglagay pa ng medyo para safe), tapos sa side mo uupo talagang gusto mo talagang lumipat sa kabila.
kaya astig pag may mga taong may dalang bata at sasabihing babayaran na rin nila ang bata kasi kahit papaano nagiging maluwag ang upo.
nangyari na rin sa akin na nagsuot ako ng plantyadong plantyadong damit dahil may business trip tapos syempre paborito ko ang front seat kaya doon ako kaya lang biglang may rumaragasang jeep na dadaan sa kanan at biglang tatalsik sa yo ng putik…. yihaa! parang ang sarap talagang umuwi na lang at mag-leave.
kaya sa mga taong mahilig sa front seat, iwasan ito kapag panahon ng ulan. hehehe…
kingdaddyrich reply on May 13th, 2008 8:36 pm:
oy kuya! ehehehe.. ayos lang maki comment sa mga nagcocomment. yun nga ang purpose ko kaya nilagyan ko ng reply ito. ehehehe. natatawa nga ako sa mga side comments mo eh.
isa rin akong taong front seat. ang sarap kasi don lalo kung ikaw yung nasa bandang labas dahil malamig at mahangin. yun nga lang, kapag umuulan patay na, lahat ng angge sayo ang patak. kung wala namang ulan, yung usok naman na galing sa tambutso ang diretso sayo.
pero dahil sa matigas ang ulo ko, paborito ko pa rin ang front seat. hindi pala kita pwedeng makasabay sa jeep kasi mag aagawan tayo ng upuan, ahahaha!
donG hO reply on May 13th, 2008 10:17 pm:
away nga tayo nyan pagnagakasabay tayo kasi yung sa labas na front seat din paborito ko kasi lagi akong may hawak na camera. pero kung magkasabay man tayo, ibigay ko na lang yung seat na yon sa yo. dun na lang ako sa kaliwa ng driver. kasya naman siguro.
kingdaddyrich reply on May 14th, 2008 6:55 pm:
o kaya, akin na lang ang camera mo! ahahahaha!
xio reply on May 16th, 2008 11:37 am:
“medyo mataba.”
parang “meyo chubby.” ang hirap sukatin!
kingdaddyrich reply on May 16th, 2008 6:16 pm:
para safe daw! ahahaha!
May 13th, 2008 at 5:15 pm
mas badtrip kung ang drayber na nasakyan mo ay bingi..yung tipong isang kilometro na ang layo sa bababaan mo bago ka ipara…yung tipong halos lahat na ng pasahero sa dyip ay tumulong na sa pagpara dahil ayaw huminto ni mamang drayber….haizz…=)
badtrip din yung mga pasahero na uupo malapit sa drayber tapos ayaw mag abot ng bayad…hai ulit!!.. kukulit talaga ng pinoy!
kingdaddyrich reply on May 13th, 2008 8:39 pm:
tama ate! bingi sila kapag may papara at ang talas naman ng pandinig kapag may magbabayad. bingi rin pag may manghihingi ng sukli. nakakapang init ng laman anoh? grrr…..
xio reply on May 16th, 2008 11:42 am:
isa lang ang solution for that: 1. 2. 3! ;p
kingdaddyrich reply on May 16th, 2008 6:18 pm:
minsan ganon ang ginagawa ko kapag ramdam kong gahaman sa pera at pasahero ang drayber. although alam kong medyo hindi tama iyon, kaso nakakairita kasi ang mga ugali nila eh. and i represent the madlang people for my act! aahahah… conyotiks!
donG hO reply on May 13th, 2008 10:10 pm:
hahaha… tama ka dyan kingdaddy rich. ayan dalawa na kaming mangungulit ni doc rio dito. hehehe…
pambihirang mga jeepney driver. siguro dapat doc rio magkaroon kayo ng “libreng check up sa tenga” para sa lahat ng jeepney driver at gawin nyong sponsor si kingdaddyrich kasi king na sya, daddy pa tapos rich din. di ba?
rio reply on May 14th, 2008 11:55 am:
dapat siguro may monthly check up yang mga dryaber sa tenga…hehehe
palibre tayo dong kay kingdaddyrich ng cheese burger… baka sasamahan na nya ng fries at coke yun…=)
donG hO reply on May 14th, 2008 3:52 pm:
malamang. cheese burger cheese burger! plus coke pa pala.
rio reply on May 14th, 2008 5:26 pm:
plus….fries..hahaha!
kingdaddyrich reply on May 14th, 2008 7:04 pm:
nako kuya at ate. wala tayong budget diyan sapagkat ako’y isang banal na tambay sa ating lipunan. kayo nga diyan ang may mga trabaho na at mayayaman. kayo dapat ang pacheeseburger, coke at frieS!
wohooo!!!!
kingdaddyrich reply on May 14th, 2008 7:00 pm:
ahahaha! nako naman! wala sa budget ko ang mag sponsor ng check up sa tainga. saka siguro naman marunong silang maglinis ng sariling tainga nila. yun na lang siguro ang kaya kong gawin, libreng seminar sa tamang paglilinis ng tainga.
saka wag natin kalilimutan, mahirap talaga makarinig ang mga taong nagbibingibingihan.
May 13th, 2008 at 5:17 pm
naranasan mo na rin ba ang natatae ka pero super pigil ka. kaya ang lakad mo ay parang model sa kahabaan ng edsa. tapos pagsakay mo sa jeep, puro singlaki ng mata ng manok ang mga goosebumps mo. tapos para kang pinaglaruan ng demonyo. limang libong humps yata ang dinaanan ng biyaheng impyerno. at pagbaba mo sa sasakyan, may souvenir na ang ilong ng mga kasama mo at ang salawal mo… tsk tsk..
kingdaddyrich reply on May 13th, 2008 8:40 pm:
based on personal experience ba yan master chie? ahahahaha. nako, naranasan ko na iyan. nakalimutan mo yung hindi maipaliwanag na pawis. ahahaha!
May 13th, 2008 at 7:14 pm
naalala ko tuloy yung school service ko.. jeep na pula. para magkasya kaming lahat, may bangko sa gitna ng jeep. parang gago lang yung operator. eh pano kung maaksidente kami kasi overloaded na.. diba? kaya lumipat na ako ng school service. yung L300 na erkon. hahaha. maharlika ako e.
kingdaddyrich reply on May 13th, 2008 8:43 pm:
ahahaha! maharlika! natawa ako don ah. ehehehe.. ang alam ko sa probinsya lang ginagawa yung mga ganyan. minsan pa nga kahit bubong merong pasahero eh. nagtataka lang ako kung bakit sa gitna eh may bangko, eh pang mahirap lang yun. kala ko ba maharlika ka? ehehehe./// ay, bumawi ka naman pala sa huli. l300 na de-erkon! ahooo! ahooo!
May 13th, 2008 at 9:37 pm
kingdaddyrich!!! musta po? oo, nasa circulation pa rin ako. hehe.. pa-link exchange naman. update ko na link mo. =)
kingdaddyrich reply on May 14th, 2008 7:05 pm:
oks doks. kaso wala akong links ng ibang bloggers dito. ahahaha.. im such a loser.!
May 13th, 2008 at 10:25 pm
kingdaddyrich, share ko na rin ito. galing sa kabilang bakod>>>
May isang napakagandang binibini na pumara sa isang jeepney at sumakay. Sa ilang sandali may naamoy and mga pasahero na mabaho…yun pala’y may umutot sa isa sa mga pasahero. Ngunit di nila alam kung sino. Nang di na matiis ang kabahuang amoy nagsiparahan ang mga pasahero at nagmadaling umalis…At sabi ng isa sa mga pasahero PASAHERO: Yung umotot po hindi pa po nagbayad!!!!…Sumagot kaagad yung magandang binibini…BINIBINI: Nagbayad na po ako!!!….at nagmadaling umalis
http://jokes.kabarkada.com/archives/1059
rio reply on May 14th, 2008 11:50 am:
hahaha….humirit pa kasi e…=)
meron naman dating magsyota na pumara ng dyip..e isa nalang ang pwedeng makaupo..ayaw naman ni boyfren na sumabit kaya kinandong nalang si gelfren…nautot si gelfren…tawanan ang nasa dyip pati si boyfren lakas ng tawa…may sipon pala etong si boyfren…sa kakatawa nya kay gelfren…lumobo tuloy yung sipon nya…at yun..sabay silang pumara sa kahihiyan..=)
Lyzius reply on May 14th, 2008 3:36 pm:
nyahahaha… as in tawa ako ng tawa dito…naranasan ko na kasi yan…yung lumobo ang sipon ko sa kakatawa..pero HS pa lang ako nun…ahihihihi
kingdaddyrich reply on May 14th, 2008 7:17 pm:
ngak! ate! hindi ko pa naman naranasang lumobo siya. naranasan ko lang na biglang siyang sumirit noong bigla akong natawa! ahahaha! kakahiya yun!
kingdaddyrich reply on May 14th, 2008 7:14 pm:
ahahaha! lols. is this packing true!? nako ah. hindi ba sila nahiya at nagkandungan pa? ahahaha.. pero malupit talaga siya. lumobo pa sipon ni boyps!
xio reply on May 16th, 2008 11:44 am:
eww.
kingdaddyrich reply on May 16th, 2008 6:20 pm:
eww talaga. with the combination of iwww…
kingdaddyrich reply on May 14th, 2008 7:11 pm:
ahahaha! taena. tawa ako dito! patok patok!
rio reply on May 15th, 2008 12:38 pm:
kwento lang ng nanay ko yan,,,hahahaha..pumatok din sa aming magkakapatid yan e..hehe
kingdaddyrich reply on May 15th, 2008 1:08 pm:
baka naman personal experience ni nanay yun! ahahaha! lols!
rio reply on May 15th, 2008 4:29 pm:
hahaha..oo nga noh!! hindi ko naisip yan ah..maitanong nga s kanya..
kingdaddyrich reply on May 15th, 2008 8:21 pm:
paramdam ka na lang dito kung ano ang sagot ni ina ah. he he he.
rio reply on May 16th, 2008 12:09 pm:
secret daw sabi ni ina…hehehe
kingdaddyrich reply on May 16th, 2008 6:21 pm:
nako ah. mukhang guilty si ina.! hehehe!
May 13th, 2008 at 11:38 pm
kahit pa napakaraming mis-adventures ang nagaganap sa pagsakay ng dyipneey, sasabihin ko pa ding namimiss ko ang pagsakay sa DYIP!
nga pala, KDR, pwedeng magcomment ang lahat sa site ko.. kaya ano pang hinihintay mo???? woot woot!!
kingdaddyrich reply on May 14th, 2008 7:20 pm:
oo nga. onli in da pilipins yun. tsk tsk. ay, meron na ata sa guam.
May 14th, 2008 at 12:36 am
Masarap sumakay sa jeep, kahit minsan mainit at masikip. Ang ayoko lang, kapag may nakakatabi akong me anghit.
(Huwaw! Rhyme! Hahaha!)
kingdaddyrich reply on May 14th, 2008 7:22 pm:
pwede na ito kuya alex. papatok na ang rhyming skills mo kay goddess. oops! at magkasunod pa sila ng comment? is this just coincidence o talagang meant to be lang. ayIIIII!!!
May 14th, 2008 at 12:59 am
okey naranasan ko na yung unang dalawa. yung sa pangatlo, duda ko lang ako yung huling babaeng sasakay na alanganing kakasya. haha
meron pa akong dagdag.. yung may kaharap kang manyak na nilalaro ang maliit niyang etits habang nakatingin sa lahat ng babaeng pasahero, matanda, bata, may ngipin o wala. anlufeet!!
kingdaddyrich reply on May 14th, 2008 7:27 pm:
naranasan ko na rin yan. buti na lang hindi sa akin tumingin ang loka. kundi baka nasapak ko siya!
May 14th, 2008 at 2:39 am
miss ko na ang sumakay sa jeep.
nakakamiss ang jeep.
nakaka miss ang makinig sa mga nag uusap sa jeep (tsismoso), pero wag pa obvious.
ang di ko namiss eh yung anghit na maamoy mo minsan sa pagsakay sa jeep.
kingdaddyrich reply on May 14th, 2008 7:29 pm:
aaahhahaha! aba oo nga! may iba pa nga kahit magkatabi na ang ingay pa rin nila magusap. san ka pa diba?
krisjasper reply on May 18th, 2008 11:49 pm:
sweet naman nung current post mo..
dun ako nag comment kay Dr. ced.. sa u pala yun galing..
kingdaddyrich reply on May 19th, 2008 2:12 am:
May 14th, 2008 at 3:35 am
yan ang na mimiss ko sa pinas e, ang kwentong dyipney. sempre sina kengkoy at mga little kengkays nakasakay na rin sa dyip. ayaw nga magpakalong ni bunsoy e di nya alam hindi sya bayad kasi nagtitipid si nanay kengkay, ahahaha
kingdaddyrich reply on May 14th, 2008 7:31 pm:
nako. ang yaman mo na ate kengks, hindi mo pa pinagbigyan si bunsoy, walang ganyan sa alemanya! ahahaha!
May 14th, 2008 at 6:25 am
kwentong jeepney pala dito.
at malapit-lapit na rin ako (ulit) makasakay ng jeep. ^_^
basta ako, patokera nung college. ung mga jeep na mabibilis, makukulay at malalakas ang sounds.. sa sobrang bilis eh ang isang oras na biyahe mula sta. mesa hanggang cubao eh less than 10 mins lang.. hehehe..
byaheng langit tol…
naranasan mo na rin bang sumakay sa jeep tapos may tingin ng tingin sayo. akala mo eh nagagandahan/nagagwapuhan sya sau. un pala, holdaper sya at gusto lang ung celphone mo.. may tutukan ng baril pa.. hehehe.. naranasan mo na ba un?! ako kasi oo.. lol ^_^
kingdaddyrich reply on May 14th, 2008 7:34 pm:
baka ikaw yung tinutukoy ni kuya krisjasper na tsismosa sa jeep. ahahaha! nako ah, biyaheng langit talaga yung mga ganon, madali kang mapupunta sa langit!
at buti na lang hindi pa ako nakaranas na maholdap. wahhh.. hindi ko alam gagawin ko non. naranasan ko pa lang yung tingin ng tingin sa akin saka sa *toot* ko. tsk. yun pala bukas Zipper ko.! naknampupu!
May 14th, 2008 at 8:31 am
natatawa talaga ako sa entry mo na ito..siguro, dahil nakaka-relate ako. haha.
kingdaddyrich reply on May 14th, 2008 7:35 pm:
ate san ka diyan naka relate? share mo naman! share! share! share!
May 14th, 2008 at 11:16 am
bagong daan po…. di ko mapigilan humalakhak mag-isa sa post na to.. marami rin akong jeepney moments eh. yung pinakairita kong experience eh makasakay dun sa jeepney na sobrang sakit sa tenga ang sounds. bad trip sobra.
kingdaddyrich reply on May 14th, 2008 7:37 pm:
bawal na ata sa edsa yung mga ganyan. na experience ko yang mga jeep na malakas talaga magpatugtog sa may bandang marikina at antipolo. oo nga nakakatanggal ng pagkabagot. yun nga lang, hindi kami magkarinigan kapag papara na ako.
May 14th, 2008 at 1:31 pm
Daddy, maaga ng isang linggo yung larawan kaysa sa mismong istorya. Kaya akala mo ay matagal ang update. Kaunti lang naman.Hehehe
Yung Ate ko, nakipag-away sa isang buntis dahil sa masikip na dyip.
kingdaddyrich reply on May 14th, 2008 7:38 pm:
ay talaga? nako. sana pinagbigyan niya na yung buntis.
May 14th, 2008 at 6:13 pm
tagal ko ng di nakakasakay sa jeep ha.
teka nga matry. hehheh
nakakaasar nga ung sa uniform.
lalo na kung OC ka.
grrrr!
kingdaddyrich reply on May 14th, 2008 7:40 pm:
oy sosyal ka cedeux ah! :)) hindi ka nag jijeep!
cedeux reply on May 14th, 2008 9:56 pm:
sumasakay po naman ako.
pero lately laging fx nasasakyan ko. hehe.
kingdaddyrich reply on May 14th, 2008 9:59 pm:
naks! hayuf! may service!
May 14th, 2008 at 6:15 pm
ang tagal ko na ding di nakasakay na jeep, yung last na sakay ko ng jeep naholdap pa ako. Kasumpa-sumpa yung araw na yun.
kingdaddyrich reply on May 14th, 2008 7:41 pm:
anong nakuha sayo kaibigang coldman? ang puri mo ba?
May 14th, 2008 at 7:47 pm
lol. napagtripan kong sumakay ng jeep nun 1st yr college ako. haba ng nilakad namin kkasi nalito kami kung saan ang sakayan. haha.
kingdaddyrich reply on May 14th, 2008 9:03 pm:
aba. at naligaw ka ulit sa tambayan ko. ahahaha! at iba na ang link mo, naka multiply na. loser ako. wala akong multiply account! ahahahah!
talagang trip lang sa iyo ang pagsakay ng jeep. ahahaha! lols. nakakatuwa. ano ba ang nangyari at naligaw kayo?
jadelopez reply on May 14th, 2008 9:11 pm:
hehe multiply user talaga ako nag try lang ako sa i.ph eh di ako marunong mag approve ng comment dun. wag nalang. hindi kasi namin kung saan ang sakayan. pero it was fun.
kingdaddyrich reply on May 14th, 2008 9:30 pm:
ahahaha! kaya pala hindi lumabas ang comment ko. kaso hindi rin ako maka comment sa multiply mo kasi nga loser ako at wala akong multiply account.. omfg, im such a loser!
oo masarap sumakay ng jeep. lalo na pag may holdaper. adventure!
May 14th, 2008 at 8:51 pm
Haha. Nakakatawa. LOL. Ayoko talaga ng mga ganyang senaryo sa loob ng dyip.
And in fairness, estribo pala ang tawag doon sa hand rail sa loob ng jeepney. Waw, knowledge. Hahaha.
kingdaddyrich reply on May 14th, 2008 9:12 pm:
ahahaha! lols. buti na lang may natutunan ka sa pagbabasa nito.
May 14th, 2008 at 9:03 pm
hehehe ang kulit!!!
kingdaddyrich reply on May 14th, 2008 9:13 pm:
alin? sino? saan? kailan? kanino?
donG hO reply on May 16th, 2008 10:25 am:
oo nga sino ba? bakit? nagkakagulo na po dito. hehehe… joke lang po.
May 14th, 2008 at 9:19 pm
grabe, bro…! hee-veeh!
sana bigyan ka ni lord ng sasakyang magagamit mo para hindi ka na mauulanan sunod at ma-sandwich sa jeep!!!
kingdaddyrich reply on May 14th, 2008 9:27 pm:
oo nga! at sana ikaw na lang si lord para ikaw ang magbibigay ng sasakyan sa akin. sportscar ang gusto ko, yung red!
May 14th, 2008 at 9:35 pm
pwede ka mag comment kahit wala ka account. naka-public lahat ng post ko.
kingdaddyrich reply on May 14th, 2008 9:52 pm:
ay talaga? langya loser talaga ako. hindi ko man lang alam yun! wahhh… im such a loser!
kingdaddyrich reply on May 14th, 2008 10:07 pm:
wahhh.. baket ganon. kailangan ko pang mag register. wawa naman ako..
May 15th, 2008 at 6:01 am
kapag tayo na, ako ang magpaplantsa ng damit mo everyday, kahit anong gusot.
kapag tayo na, ihahatid sundo kita kahit saan ka pumunta at ititigil ang sasakyan kahit saan kapag ihing-ihi ka na.
at kapag tayo na, akin ka lang, hahahaha, joke!
mahal na yata kita, lol!
kingdaddyrich reply on May 15th, 2008 12:26 pm:
yan ay kung magiging tayo? ahahaha.. lols.. antaray! haba ng hair ko! *flips hair*
blue reply on May 15th, 2008 1:56 pm:
hahaha! sira!
kingdaddyrich reply on May 15th, 2008 2:27 pm:
lols pare.
donG hO reply on May 16th, 2008 10:26 am:
swerte naman ni king daddy rich. may mga ganitong offer na. pambihira!
kingdaddyrich reply on May 16th, 2008 6:23 pm:
ahahah! balato ko na sayo kuya! hindi ako magaling sa fencing eh.
donG hO reply on May 17th, 2008 10:56 pm:
HAHAHA… kaya naman pala. ba malay ko bang dehins pala sya babae. hehehe… ipapasa ko na rin sya. HAHAHA…. pinagpasahan pa tuloy. kay doc rio na lang sya siguro.
kingdaddyrich reply on May 19th, 2008 1:03 am:
ahahaha. tanong natin kay doc! :)) baka carry niya!
May 15th, 2008 at 11:17 am
dang kakulit. haha.
naranasan ko na yung siksikan na yung jip pero isisiksik ka pa rin. tae talaga minsan ang mga jeepney driver. haha
kingdaddyrich reply on May 15th, 2008 12:24 pm:
aba oo naman mama mia! nako. hindi ko alam napagsasamantalahan na pala ako sa jeep! ahahaha
May 15th, 2008 at 11:26 am
sa blumentritt na jeep papuntang solis. Yung barker dun kamuka ng bokalista ng mayonnaise! wahahahaha at merun din dun isa kamuka naman ng monster sa predator.
kingdaddyrich reply on May 15th, 2008 12:22 pm:
oi! ahahaha! yung mataba ba sinasabi mo? yung maitim yung batok?! ahahaha!!! tapos yung kamukha ni predator, yung tomboy?! ahahaha! lols… baka kapitbahay kita ah!
May 15th, 2008 at 1:03 pm
tama ka pre! wahahahaa isang araw me matandang sumakay dun. Si mayonnaise ang barker ng panahong iyon, me sigarilyo si lolo pagsakay ng jeep, hinagis nya ito bago umakyat ng jeep at tumama sa kamay ni mayonnaise at sinabing “aray lo! tignan nyo naman kung san niyo hinahagis ung sigarily nyo! aray! tsk!” wahahaha mamatay matay aku kakatawa peru pinipigilan ku haha
laki akong tundo na lumipat dito sa QC. Peru muuwi arin aku dun para magsimba kapag linggo.
kingdaddyrich reply on May 15th, 2008 1:06 pm:
ahhahaha! hindi ko na nga siya nakikita lately eh. minsan ang nagtatawag don eh mga sumasideline na nagtitinda ng sigarilyo. ahahaha. na miss ko tuloy siya. pero paborito ko talaga sina mayonnaise at predator! ahahah.. ako rin laking tundo. mukhang dito na rin ata ako mabubulok! lols.
May 15th, 2008 at 2:04 pm
hahaha. panalo!!! OO. yung first na dalawa naranasan ko na… matapos kong mabasa ito parang nagdadalawang isip na tuloy akong sumakay ulit ng jeep. hahaha
kingdaddyrich reply on May 15th, 2008 2:28 pm:
nako. baka ma misinterpret. baka isipin nila black propaganda ito sa mga jeepney! baka magwelga sila sa harap ng bahay namin. wahhh!
donG hO reply on May 16th, 2008 10:28 am:
tingin ko nga may-ari ng sampung FX si king daddy.
rio reply on May 16th, 2008 12:19 pm:
@ dong
tingin ko din..hehe
kingdaddyrich reply on May 16th, 2008 6:24 pm:
nako. malabo na mata niyo. kahit bisekleta nga wala ako eh.
May 15th, 2008 at 2:28 pm
medyo matagal na rin akong di nakakasakay ng jeep, pero sa bawat pagsakay ko ata eh hindi matatawaran at makakalimutan ang bawat karanasan.. he he he..
bosing dagdag mo pa sa umaga ‘yon bang ang bango-bango at preskong-presko ang pakiramdam mo tapos may tatabi sa’yong pasaherong yosi kadiri, na feeling nya eh manok na panabong ka at parang feel-na-feel nya ang pausukan ka every morning…ang sarap ihulog sa jeep eh..
…at ‘yong sa huli, baka nga naman sumingaw, may katwiran ‘yong barker..
kingdaddyrich reply on May 15th, 2008 2:41 pm:
alam ko matagal ng bawal ang paninigarilyo sa loob ng mga pampublikong sasakyan. kamakailan lang ito ang target ng mmda. hahaha.. yung mga nagyoyosi na drayber at pasahero. pagkahuli sa kanila, tiniketan, may libreng seminar pa. ahahaha.
May 15th, 2008 at 6:05 pm
Hay naku. alam na alam ko ang mga taktika ng mga lalaki. Kaya lagi kung sinasabihan ang anak ko na huwag tumatabi sa mga lalaki pag sumsakay ng jeep.
donG hO reply on May 16th, 2008 10:30 am:
aray!
rio reply on May 16th, 2008 12:42 pm:
hehehe..may tinamaan ka, nay!
kingdaddyrich reply on May 16th, 2008 6:28 pm:
pucha may nag react! ahahahaha!
kingdaddyrich reply on May 16th, 2008 6:25 pm:
teka, lalaki ako ah. ahahaha!
May 15th, 2008 at 8:02 pm
ayos lang naman dyan! Namimis ku nga dyan eh. Pero hindi masyado dahil madalas naman aku bumalik haha
about jeepney thing, naranasan nyo na ba magpanggap na nakaupo? ngunit sa katunayan eh nakasandal nalang kayo sa edge ng upuan na dalawang paa nyo nalang ang sumasalo sa bigat nyo? hahaha at kapag pumreno ay pahirap ng husto? XD
kingdaddyrich reply on May 16th, 2008 6:40 pm:
oo. yan ang tinutukoy ko sa blog ko na halos tumbong na lang ang nakakapit sa upuan. ang hirap non, mas mabuti pang sumabit ka lang kaysa mangatog ang binti mo.
May 16th, 2008 at 10:06 am
mayamang haring tatay, post ulit! hehehe
kingdaddyrich reply on May 16th, 2008 6:41 pm:
opo opo. bukas po mayron na.
May 16th, 2008 at 11:35 am
dad, nandito ka lang pala. would’ve commented on the post before this one kaya lang it’s… too much. ;p
enwa, gusto ko ako lagi ang unang sasakay ng PUJ. walang point ‘yan, gusto ko lang i-share para word-y naman kahit papano ang first note ko sa new space mo. ganda!
hey you’re importing your older posts from the first site, yes?
kingdaddyrich reply on May 16th, 2008 6:44 pm:
nako. limitless naman ang pag comment dito eh. for as long as may masasabi ka at marunong ka magtype walang problema. uhmmm.. hindi ko iniimport lahat ng post kasi mahirap, bulok yung dati kong bahay. nagkataon lang na timeless ang post ko na yan kaya ni “recycle” ko. kaunting edit at yun na!
May 16th, 2008 at 2:24 pm
teka… late akong magcomment huhu, kasi naman busyhan pa eh..
oo nga kaasar nga ung mga drayber na ganyan.. kahit sa bus eh nyeta sila sabi maluwag pa.. aun tatayo ka tuloy.. kaasar tapos ndi pa sila marunong umintindi kasi nakasulat na nga sa bus nila ung capacity ng tao na pwede lang sa loob.. arrrr init ulo eh.. haha
kingdaddyrich reply on May 16th, 2008 6:46 pm:
ahahaha! kwentong bus naman ang iyo. hindi kasi ako madalas sumasakay ng bus maliban na lang kung nagagawi ng kabite o laguna.
pero mukhang pareho rin ang sitwasyon diba. mahirap kasi kumita ng pera sa pinas. kaya hayan natututo nang mandaya ang ilang kababayan,
May 18th, 2008 at 11:28 am
naku! lagi kong nararanasan yan sa terminal ng jip papuntang UP sa may philcoa.. pinagsisiksikan nila kasi ang mga pasahero.. malas talaga kapag ikaw ang huling sasakay at pupuno sa jip, most likely, yun nga, tumbong mo na lang ang makakaupo..
kingdaddyrich reply on May 19th, 2008 1:34 am:
basta kung anong capacity ng jeep ipagpipilitan nila yun. regardless kung may oversized na passengers sa loob. ahahaha!
May 19th, 2008 at 5:09 pm
since i can’t comment to your new post, i’ll do it here.
you know you don’t have to tell the world about it, i know it daddy! lol
remember, you are blue’s boy forever! LOL
kingdaddyrich reply on May 21st, 2008 12:45 am:
ahahaha.. pooreber!
May 20th, 2008 at 3:07 pm
pag ganyan,sumasabit nalang ako.mas kumportable pa. pag-para ko.sabay takbo!
kingdaddyrich reply on May 21st, 2008 12:47 am:
aba tama! oo. sabit! ang sarap sumabit! basta walang sabit! ahahaha!
May 20th, 2008 at 6:10 pm
nyuahaha
kaya gustong gusto ko sumakay ng jeep eh
ang daming nakakatuwang pangyayari
courtesy of the unbeatable attitude of Pinoys haha
kingdaddyrich reply on May 21st, 2008 12:50 am:
oo nga. maraming nangyayari sa jeep. pinaka masaya kapag may holdapan! ahahaha!
May 21st, 2008 at 9:12 pm
naranasan mo na bang sumakay sa jeep na may tsuper na malupit pa sa congressman? Bakit? Dahil hindi na nito ibabalik ang sukli mo kapag nagbayad ka hanggat hindi ka humihiret ng “Mama sukli po sa 200. Isa lng po yan, estudyante.”
Naranasan mo na bang sumakay sa jeep na sobrang lakas ang pinapatugtog na stereo at halos madurog na ang tutuli mo? tapos yung sounds ay puro nagra-rap puro nagra-rap na tungkol sa yung lalaki niloko ng babae dahil pinagpalit sa kabarkada na kababata nung lalaking naloko dahil mas trip daw nung babae ang kulot ang patilya kaya yun puro mura yung lyrics dahil inamin nung rapper na siya pala yung lalaking niloko ng ex niyang buong husay niyang pinapatamaan sa chorus na B**c* at P*t* raw ito kaya yung kanta patok na patok sa mga kabataang nakakarinig nito at ginawang inspirasyon sa buhay kaya hindi na pinagpatuloy ang pag-aaral dahil naging kaklase niya yung ex niya na nanloko sa kanya tapos nung tumanda na siya ay sinabi sa sarili na magiging tsuper na lang siya.
blog na ata to. sorry
kingdaddyrich reply on May 21st, 2008 11:02 pm:
naranasan ko na yung una. tulad nga ng sinabi ko, may mga tsuper na matalas ang pandinig kapag may magbabayad pero nabibingi na kung may papara at hihingi ng sukli nila.
naranasan ko na rin ang makasakay ng jeep na may 10.1 dolby sorround system sa loob. maliban na lang na hindi ko pa naririnig ang kantang yan. pero in fairness ah, inspirational siya. magpapakulot na rin ako ng patilya.
July 31st, 2008 at 4:19 pm
hahahah…kakatuwa naman…i remember college days ko when I was in PUP…
dati asar ako sa masikip kc ang payat ko na nga..naiipit pa ako..puteek na buhay!!
pro mg maranasan ko mamatok..PARANG-CUBAO-STOP N SHOP- AHHAHA…
PATIGASAN TAYO!!! ang saya..(1) mabilis pro na lalate p din ako kc hintay ko ung ka tropa ko na dyip..kc libre…salamat sa mga tropa kong kundukot at driver….
(2) malakas ang sounds ..azztig!! ung bang lahat ng makasabay naming sasakyan inggit! (3) dami estudyante…xempre ung mga makamasang taga PUP…friendly students ng CCP..level up na taga FEU, sosyalerang taga ST.Paul at CEU. at iba pang schools..pati mga sales lady ng SM kasali dito..nakasakay!! Dami ka makikilala…(4) Friendly mga pasahero wag ka lang mag inarte! kc ihuhulog ka nila Joke..pati driver at kundukot kasali sa jammin. (5) pede ka maligawan dito unang didiskarte sau ung kunduktor at pag type ka ng driver liligawan ka din…dun ka papaupuin sa harap..special dba..pro take note madami kau special..BASTA DRIVER AT KUNDUKOT SWEET LOVER!
kingdaddyrich reply on July 31st, 2008 4:24 pm:
oi. salamat sa pagshare ng iyong mga karanasan. he hehe.
August 1st, 2008 at 2:20 pm
xencia na kala ko blog ko to…hihiihih…kerid away!!…kakatuwa kze.!!
kingdaddyrich reply on August 1st, 2008 4:11 pm:
ha haha! okay lang naman yun!
may blog ka ba? share mo rin naman dito.