Pare, tuli ka na ba?

May 5, 2008 - 4:31 pm

Kung mayroon mang inaabangan ang ilang kabataang lalaki ngayon na nagbibinata, hindi iyon ang Dyesebel ni Marian Rivera o ang pagta-transform ni Angel Locsin bilang Lobo. Ito ay walang iba kundi ang pagpapatuli.

Hindi ko alam kung saan nanggaling ang salitang tuli. Ang alam ko lang, supot ang tawag sa iyo kung hindi ka pa tuli dahil may balat pang naka “supot” diyan sa ulohan ng alaga mo. At hindi ito ang uso sa Pilipinas dahil kung treinta-anyos ka na at supot ka pa, parekoy, mag isip-isip ka na.

Halos lahat ng kabataang Pilipino ay dumadaan sa panahong ito. At ilang bansa rin ang gumagawa ng pagpapatuli sa lalaki (kahit sa babae) sa ibat-ibang dahilan, maparelihiyon man o kultura. At kung may mga bansang gumagawa nito, mayron din namang mga bansang hindi sumusunod sa ganitong gawi. Magpe-first year high school ako noon nang magpatuli. Tama! Sa maniwala kayo’t sa hindi, tuli na po ako. At kaya kong patunayan yan! Gusto niyo makita?

Hindi naging malaking problema sa akin ang pagpapatuli. Una sa lahat dahil hindi ako takot at pangalawa excited ako. Siyempre, iba ka kung tuli ka na. Kung baga, isa ka nang tunay na lalaki. At kahit pa sa dami na nang kwento at pananakot na nasagap ko tungkol sa mga karanasan ng mga kalaro kong mas matanda sa akin noong tinuli sila, hindi umurong ang *toot* ko at game pa rin ako. Medyo nag-aalangan lang ako at nahihiya, hindi dahil sa maliit ang *toot* ko (well, hindi naman talaga), kundi dahil may balahibong pussy na ako nang edad na iyon. Manipis lang naman at hindi singkapal ng balahibo ng gorilya. Wala lang, pakiramdam ko lang hindi normal.

Dahil sa maarte ako at hindi papayag na kung sinong albularyo lang ang hahawak sa *toot* ko para pukpokin, siyempre sa lehitimo at pribadong doktor ako nagpatuli. Mahirap na, baka mawalan ako ng kaligayan at sa halip na ang balat lang ang mawala, pati testicles ko sumabit! Pangarap ko pa namang bumuo ng football team at isasali ko sa Hep Hep Hurrah sa Wowowee.

At tinawag na ang numero ko. Kabado ako. Iba talaga ang pakiramdam kung sa kuwentuhan lang at kung nandon ka na mismo sa sitwasyong iyon. Ibat-ibang scenario rin ang nabubuo sa utak ko habang papasok sa kuwarto at makasalubong ang sinundan ko. Parang may bahid ng paghihirap sa mukha niya. Ewan, parang suminghot ng isang basong pamintang durog ang hitsura niya. Pumasok tuloy sa isip si Edward Scissorhands ng mga panahong iyon na siyang magtutuli sa akin. Nakakatakot.

Pero hindi ko iyon pinansin. Inisip ko na lang na isang magandang nars ang sasalubong sa akin at bibinyag sa pagka-birhen ko. Hindi bali nang tigasan ako habang tinutuli basta siya lang ang makikita ko. Gayunpaman, hindi pa rin nawala sa utak ko na baka bigla akong maihi habang tinutuli dahil sa takot kay Edward Scissorhands. Nakakahiya. At muntik na akong tumama, isang matandang lalaki ang nandon at nag-aantay sa akin.

Lalo akong kinabahan. Paano kung biglang maduling si lolo at sa ibang direksyon maiturok ang anestisya? Paano kung bigla siyang manginig at malihis ang paggupit sa balat ng *toot* ko? Parang awa mo na lolo, umayos ka. Pero buti na lang, hindi pala talaga siya ang magtutuli. Isang mas batang doktor ang biglang lumitaw at pinalayas si lolo. Nakahinga na ako ng maluwag. Pero napa-isip ako. Anong ginagawa ni lolo doon? At siya pa ang naghubad ng shorts ko.

Note: hindi ko na idedetalye ang mga nangyari noong tinuli ako.

Sa wakas, at natapos ang operasyon nang walang aberyang nangyari. Swabe ang pagkakagupit. Halos wala ring sakit. Naramdaman ko na lang ang hapdi noong nasa jeep na ako pauwi dahil sa sobrang magalaw at siksikan sa loob, na-aalog, nababangga at naiipit ang *toot* ko.

Halos isang linggo akong nagtiis para hawakan ang pundya ng shorts ko at maglakad ng sakang. Hindi rin nakatakas ang palda ng tiyahin ko. Minsan, nagigising na lang ako mula sa pagkakatulog na nakataas na ang palda ko at exposed na si *toot* na naka-attention. At kung sa probinsya, uso ang pagtalon sa dagat at ilog kapag bagong tuli, mas sosyal ako dahil hindi ko pinalampas ang outing namin at nakuha ko pang magbabad sa swimming pool noong bagong tuli.

Sa totoo lang, nami-miss ko ang hitsura ng *toot* ko noong hindi pa ako tuli. Ewan ko, parang nostalgic kasi ang pakiramdam kapag nakikita ko ang *toot* ko sa kasalukuyan na pinangalanan ko nang Anaconda. Pero hinding-hindi ko talaga malilimutan ang sinabi ng nanay ko noong bagong tuli ako at wala kaming ulam:

…anak, wala tayong ulam. iluto na lang kaya natin yang sayo. may hotdog na, may itlog pa! may libre pang kamatis para sawsawan…

153 Responses to “Pare, tuli ka na ba?”

  1. jep Says:

    hahaha… pati ba naman ang pagtuli? hahaha… bago mag 1st year HS din ako.. at excited din ako, deadma ang takot eh… sinabihan nlang ako na tapos na tapos medyo masakit na nung nililinisan na ni doc… haha.. iba ka kdr, anaconda pala!! akin ndi ko maintindihan ng dalawin ko ang blogthings.com na ineendorso ng blog mo dati.. Bavarian beefstick.. ano kaya un!!? ahhh ewan…

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on May 6th, 2008 12:15 am:

    hahaha. hindi ko rin naintindihan. parang donut lang, bavarian flavor!

    [Reply]

  2. donG hO Says:

    hehehe…. astig ang topic mo ngayon ah. naalala ko din yung akin. masaya at kakatakot kasi wala akong idea kung ano yung tatangalin. hehehe… basta may tatangalin, ok na. yung time na yon ay hindi ko kasama tatay ko kasi wala sya sa bansa kaya tito ko lang ang sumama. ang two weeks na pagkatapos ng tuli ay exciting din. syempre alam mo naman siguro kung anong mangyayari pagkatapos matuli. hehehe…

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on May 6th, 2008 12:16 am:

    two weeks after meron na agad? huwaw!

    [Reply]

  3. kris jasper Says:

    d2 di uso ang circumcised “toot”.. parang di big deal sa europe.

    ako tinoot na ang toot ko kahit baby pa lng…

    kaya kahit di pa ako teenager nun, toot na ko ng toot.

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on May 6th, 2008 12:18 am:

    anong toot ng toot? hehehe…

    oo nga, nabasa ko rin nga na hindi gaanong pinapraktis ang circumcision diyan sa europa.

    [Reply]

  4. Leyn Says:

    nabigla naman ako, iba ang sinabi mo sakin na isusulat mo sa next entry mo. hahaha.

    alam ko namang ang kwentong ito ay fictional lamang,
    wala kang pruwebang tuli ka na.
    hahaha.

    ;p

    atsaka may pahabol akong comment, pero sa personal ko nalang sasabihin…

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on May 6th, 2008 12:19 am:

    hahaha. pruweba? meron meron meron!

    [Reply]

  5. otep Says:

    aalis na lang ako pinapatawa mo pako.. wahahahahaha

    sabi nila pag na tuli kana tatangkad kana.. LOL mga sinungaling sila..!!

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on May 6th, 2008 12:19 am:

    hehehe..hindi ba gumana? :D

    [Reply]

    donG hO reply on May 6th, 2008 9:58 am:

    baka mali ang pagkatuli. hahaha…

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on May 6th, 2008 11:26 am:

    hahaha. baka nga. paano kaya yun?

    [Reply]

  6. karla Says:

    No offense… Disturbing talaga para sakin ang basahin ito. Ok, so i just read the first 2 1/2 paragraphs, to be honest.

    At least nageffort rin akong magcomment, db? So. Good Job. congrats. Condolence. Best wishes.

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on May 6th, 2008 12:20 am:

    ahahaha.. at least. :D thanks karla!

    [Reply]

  7. Nelson Says:

    Puta. Gago. Ulol! Wala na talagang kwenta mga pinagsusulat mo. Bumili ka pa ng domain…

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on May 7th, 2008 2:16 pm:

    hayun! salamat sa compliment! ahahahah! at nag exert ka pa ng iyong uber precious effort para mag comment sa walang kwenta kong blog. salamat ulit!

    and fyi parekoy, hindi ko ito binili, sponsored ito. :D

    [Reply]

  8. paolo Says:

    noong kabataan ko, sabi ko pagnagka-anak ako ipapatuli ko ng maaga para siya na lang yung nang-aasar ng supot sa mga kaibigan niya. pero ngayon napagisip-ispi ko, makakadagdag nga sa maturity ng lalaki kung tutuliin siya sa edad na alam niya ang kahalagahan. kita mo ko.. mature. =P

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on May 6th, 2008 12:21 am:

    bakit kuya? kailan ka ba tinuli?

    [Reply]

    paolo reply on May 6th, 2008 1:07 am:

    last year. =P

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on May 6th, 2008 11:26 am:

    ay talaga! ehehe. ayos. congrats sa atin!

    [Reply]

  9. R.J. Says:

    hello! naalala ko, ang tumuli sa akin ay ang tumuli pa sa tatay ko at mga uncle ko. hahaha.

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on May 6th, 2008 1:43 pm:

    baka si edward scissorhands din yan? hehehe,

    [Reply]

    donG hO reply on May 8th, 2008 1:02 am:

    RJ, astig! siguro naman hindi na tepokpok ang gamit nyang method.

    [Reply]

  10. Micamyx Says:

    hindi ko binasa post mo haha tanong ko lang naman pupunta ka ba sa blogger’s event mamaya?

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on May 6th, 2008 1:42 pm:

    hmmm.. mamaya? hindi ko alam yun ah.. san ba yan? hehehe..

    [Reply]

  11. Lyzius Says:

    nung ako tinuli hindi naman nangamatis…nyahahaha

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on May 6th, 2008 8:46 pm:

    ate! babae ka eh! paano ka tinuli? i mean, yes it’s possible, pero nagpatuli ka ba talaga? :D

    [Reply]

    Lyzius reply on May 7th, 2008 2:34 pm:

    ahihihi..joke lang yun..seryoso ka naman…pero meron akong tanong, tinutulo ba talaga ang babae ayun sa sinulat mo…kung oo, paano?

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on May 7th, 2008 7:42 pm:

    opo ate. totoo po iyon. heto po ang link.

    http://en.wikipedia.org/wiki/Female_genital_cutting

    kung paano naman po, uhmmm… sa you tube may mga videos po. :D ilagay niyo lang po ang female circumcision sa keyword. :D

    [Reply]

  12. rio Says:

    ayos ah! unang bisita ko d2 ganito na agad ang post na nabasa ko..hmm…masubaybayan nga parati..hehe

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on May 6th, 2008 8:48 pm:

    welcome! buti naman hindi ka na disturb. :D sige subaybay lang ng subaybay. :D

    [Reply]

  13. The Gasoline Dude Says:

    Pucha! A post about circumcision! Me naalala ako bigla!

    I’ve had 2 attempts para lang matulian ako. Yung una, merong ‘tuliang bayan’ sa amin nun. Mga medicine students pa yung mga magtutuli, at talaga namang tabi-tabi ang mga batang lalakeng tinutuli. Sabay sabay din silang umiiyak at nag-sisisigaw! Hindi ko ito kinaya, kaya kahit ako’y naturukan na ng pampa-manhid, ako’y umatras.

    Pero I’m proud to say na tuli na ako ngayon. Syempre sa doktor! Ayokong isipin na parang pinagpa-praktisan lang ng mga di ganap na doktor ang toot toot ko, buti na lang hindi ko tinuloy nun. = D

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on May 6th, 2008 9:38 pm:

    kuya congrats sa ating dalawa!
    hahaha!!

    naaliw naman ako non. ano feeling ng *toot* na may anestisya!

    [Reply]

  14. belen Says:

    Noong assigned ako sa nursery Dubai hospital noon wayback ’80s, Sa mga muslim, pag baby boy within 24 hours upon birth ay pinapatuli na namin agad sa operating room after the parents singed the consent. Hindi nila pinapatagal pa kasi cultura nila.

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on May 6th, 2008 9:40 pm:

    oo nga. actually sa pinas din may gumagawa na ng ganon. kadalasan lang nga dito, tuwing puberty age ginagawa. sabi kasi nila hahaba ulit ang balat kapag tinuli nang baby pa lang. totoo ba yun? hehehe

    [Reply]

  15. ayz Says:

    alam ko ung proweba ni leyn.. nakita na nya kasi. hahaaaaha :-O
    hhahaha

    oi sama kayo sa 10!!

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on May 6th, 2008 9:45 pm:

    lols. ahahaha! kayo ah. ang halay! :))

    [Reply]

  16. Laarni Says:

    tinanong ko pa tlga ang s/o ko kung saan galing ang word na tuli. di rin nya alam. fails. lol.

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on May 6th, 2008 11:24 pm:

    sinong s/o?

    [Reply]

  17. Laarni Says:

    wait. he said daw “puTULIn”

    oha oha oha my man is smart lol.

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on May 6th, 2008 11:25 pm:

    oo! hahaha! tama! tama! hahaha… ang galing nito!! pakilala mo nga ako kay s/o! hanep!

    [Reply]

  18. Laarni Says:

    you are welcome. lol. sige. hahaha.

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on May 7th, 2008 11:32 am:

    hahaha. hindi ko talaga makakalimutan ang araw na ito. nakakatuwa talaga. antalino niya. :D

    [Reply]

  19. mnel Says:

    hahaha. dapat may circumcision mission kami this May eh kaya lang di tuloy. makakapagpractice na sana ko ng surgery skills ko.

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on May 7th, 2008 11:33 am:

    diba ate mnel dapat registered doctor ka na bago ka gumawa ng isang surgery? at ang pagpapatuli ay isang major surgery? tama ba?

    [Reply]

    mnel reply on May 9th, 2008 12:30 pm:

    engk. it’s a minor surgery.

    come on. kami rin ang madedehado pag gumawa kami ng procedure na hindi kami lisensyado gumawa. wala pa nga kaming license marerevoke na agad. sos.

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on May 9th, 2008 1:56 pm:

    ahahah! sabi ko nga! to naman kaya nga nagtatanong kasi bobo ako diyan! ahhahaha… kaso parang nakakatakot ata yun! :D goodluck na lang ate docmnel!

    [Reply]

  20. David Gonzales Says:

    Tuli ka na pala?!

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on May 7th, 2008 11:34 am:

    ang totoo niyan david, hindi pa. ehehhe!

    [Reply]

    David Gonzales reply on May 7th, 2008 12:07 pm:

    Tara, sabay tayo next summer!

    Nga pala, dahil ang bait bait mo at pinag-subscribe mo ako sa latest updates mo ng hindi ko alam, pinag-subscribe na din kita sakin. I-approve mo ha! At bakit wala pa akong link dyan sa sidebar!?

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on May 7th, 2008 1:04 pm:

    oo. inilipat ko yung mga nagsubscribe sa akin sa dating blog. anong email ginamit mo david?

    [Reply]

    David Gonzales reply on May 7th, 2008 1:18 pm:

    cheesmack at yahoo dot com

    Tama ba yun?

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on May 7th, 2008 1:49 pm:

    hindi former classmate. YM na lang! :D

    [Reply]

    David Gonzales reply on May 7th, 2008 2:00 pm:

    Sure. Kuha ko na, approve mo na!

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on May 7th, 2008 2:08 pm:

    approve!

    [Reply]

  21. blogkadahan-incorporated Says:

    Hmmnnn!!! ang ganda ng topic!!! Whew!!! Supot sa tagalog… pisot naman sa bisaya kapag di ka natuli… hehehehe

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on May 7th, 2008 11:36 am:

    pisot? sa tagalog ata ang ibig sabihin ng pisot ay naipit. parang magulo ata kapag sinabi kong,

    “napisot ang *toot* ko!”

    hehehe… gayunpaman, ayos to. may isang word na naman tayong natutunan,

    [Reply]

  22. Nash Says:

    wahaha pasensya na ngaun lang ako nakapag comment back

    hala jusko ako ata grade 6 na ako nagpatuli nyuahaha

    at ang nagtuli sken babaeng doctor

    at ang assistant? babaeng nurse na napakaganda kmusta naman un hahaha

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on May 7th, 2008 11:38 am:

    napakaswerte mo naman. hindi ka ba nakaramdam ng kakaibang pakiramdamo noon tinuli ka? :)

    [Reply]

  23. KC Says:

    Haha! Pakdatshet. Natawa ako sa entry na ito.
    Naalala ko tuloy nung minsang nagtuli ako. Pinagpawisan ako kasi nahirapan akong gupitin yung balat. Maganit na kasi…feeling naman nung pashente na-turn on ako sa kanya. Eew. Harhar. ;p

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on May 7th, 2008 11:40 am:

    ahahahah! talagang maganit eh no. bakit kaya may ganon? hahaha! naalala ko tuloy yung karneng nakain ko minsan, parang bubble gum, ang hirap nguyain!

    [Reply]

  24. karmi Says:

    nyahaha. tuli pala ang sunod mong entry. :P kala ko pa naman kung ano na.. hehehe..

    hahaha, wala ka raw pruweba sabi ni leyn.. lol

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on May 7th, 2008 11:45 am:

    hahaha. oo nga eh. nilalaglag ako. :( baka kasi pag naglagay ako ng picture dito iconsider na pornsite ang blog ko. hahaha!

    [Reply]

    karmi reply on May 9th, 2008 12:11 am:

    hala. picture ba ika mo?! wag na nga tol. hehehe. ma-MTRCB ka pa.. ipasara pa itong papasikat mong blog. :D

    naka naman, papasikat.. hehehe.. ^_^

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on May 9th, 2008 1:59 pm:

    papa sikat ba? tama ba ang nabasa ko? hindi ba dapat matagal nang sikat! ahahaha! tangenang yan. confident!

    [Reply]

    karmi reply on May 9th, 2008 2:53 pm:

    haha. syet, pwede namang magsorry diba?

    sorry naman.. lol

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on May 12th, 2008 7:15 am:

    hahahaha! hindi pwede mag sorry! lols! dapat may sokolate ako pagdating mo ng pinas!

    [Reply]

  25. kris Says:

    naku naman. tawa ako nang tawa. bakit kasi kelangan pang magpatuli?
    e di naman ako mag aasawa. well, whats done is done. hindi ko naman gagamitin ito. ampf

    ot. naaus ko na link mo :D kudos!

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on May 7th, 2008 11:46 am:

    uy! sayang yan kapag hindi mo ginamit.

    [Reply]

  26. carl Says:

    i watched nip/tuck recently and the episode was about circumcision. sabi ng top surgeon na may anak na teenager, ayaw daw niya ipatuli ang kanyang anak dahil ito ay vanity operation and it’s not necessary.

    ang ginawa niya, hiniwa niya ang sarili niyang toot. ayun, napilitan ang dad niya na ipatuli siya.

    it’s always good to conform with the norm pero sometimes, mas mahusay parin na ginawa mo ito hindi dahil sa ito ang ginawa ng karamihan, kundi necesarry ito para sau. ^_^

    gf ko pa nangtuli sakin. wahaha!

    [Reply]

    David Gonzales reply on May 7th, 2008 2:02 pm:

    GF mo tumuli sayo!? Oh may gazz!

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on May 7th, 2008 2:09 pm:

    ang galing ni carl. nice insight! ichecheck ko yan!

    [Reply]

  27. carl Says:

    naniwala naman mga to ^_^

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on May 7th, 2008 2:10 pm:

    ahahaha! natawa naman. ang cool naman non kung giep mo nag tuli sayo…. ang lufet!!! :))

    [Reply]

  28. kuri Says:

    tuli kn pala pare? nasan ang ibidinsya?hehe.

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on May 7th, 2008 7:24 pm:

    ahahaha! kaw ah. gusto mo makita? lols.

    [Reply]

  29. coldman Says:

    basta ako tumangkad pagkatapos magpa tuli!

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on May 7th, 2008 7:33 pm:

    anong height mo kaibigang coldman?

    [Reply]

  30. tahn Says:

    Natuwa ako sa post na ito e. Exchange links? :)

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on May 7th, 2008 7:39 pm:

    ui kuya. pasensya na po kung hindi ako nakapunta sa forum ah. medyo busy po kasi eh. sige po, kung gusto niyo po akong i link sa blog niyo ayos lang po.

    [Reply]

  31. greenpinoy Says:

    hahahhaha nung tinutuli ako nakatingin pa ako sa pututuy ko LOL ang tapang no? pero iyak ako nung nawala yung anesthesia.

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on May 8th, 2008 2:03 pm:

    ahahaha.. bakit ka naman umiyak? lols. hindi ata tumalab ng maayos ang anestisya! kinulang sa dosage!

    [Reply]

  32. ponchong Says:

    “pare, tuli ka ba?” — oo sir. pagkasummer after ng grade six. hahaha…sa takot ko sa injection di ko tiningnan ant *toot* ko habang kinakarne ni doc. swerte lang dinm kasi kasbay ko din mga kabarkada ko ^kaya nonng sabay maligo sa dagat magpakitaan ba.

    di na uso ang magsuot ng palda na yan..isang tip: iayos mo ng patayo ang *toot* mo tapos suot ka brip.

    haha!

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on May 8th, 2008 2:05 pm:

    hindi ba masakit yun kapag brief agad? naka benda pa kaya yun. saka hindi pa sanay yun, mejo uber sensitive pa siya. hahahah!

    [Reply]

  33. neens Says:

    hello daddy rich..

    no comment ako sa post mo hahahaha

    thanks for visiting!

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on May 8th, 2008 2:06 pm:

    salamat mo sa pagdaan. :D sana sa susunod may comment ka na. ehehehe.

    [Reply]

  34. M Says:

    Meron din nga pala akong kwentong tuli, yung iba nung kabinataan pa ng tatay ko. Iba-blog ko na din bago matapos ang summer para hindi pa huli para saken at maalala ko namang magpatuli bago dumating ang panahon ng tag-ulan.

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on May 8th, 2008 2:07 pm:

    hindi ka pa tuli?

    [Reply]

  35. kengkay Says:

    hanu ba to, summer na kasi panahon na naman ng tuli, hahaha. nung asa bangkok ako, sempre girls talk kaming magkakaopisina. nagkakatuwaan at kunyari daw seminar tapos biglang nag drawing ng organo ng lalaki yung thai lady na bossing ko, sabi ko, ermm, iba yata ang drawing mo — sempre drawing naman ako ng alam kong hitsura.. tawanan kami kasi kaya pala ibang iba e dahil buddhist sila, hindi sila tuli. sempre ang mga pinoys tuli naman, hahaha - e pano ko daw nalaman? kasi sa kababasa ko ng mga ganitong kwento, ehem :D

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on May 8th, 2008 2:10 pm:

    ahahaha! ayos! salamat sa pag sheshare ate kengks! natawa ako don promise! ahahaha. kayo talagang mga girls pinaguusapan niyo kaming mga boys. :D

    yun na nga, kultural ang isang dahilan ng pagpapatuli. ang mga buddhist pala ay hindi nagpapatuli. :D

    [Reply]

    donG hO reply on May 8th, 2008 2:28 pm:

    kaya pala laging naka damit babae ang mga buddhist. wahhehehe

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on May 9th, 2008 2:01 pm:

    hahaha! taena! idol ka talaga kuya! naisip mo pa yun! ahahha! hindi ko kaya naisip yun!

    [Reply]

  36. Nhil Says:

    Bata pa ko nung nagpatuli ako, mga 2 or 3. Kaya hindi ko matatawag na unforgettable experience yun.

    Nga pala, buti napaalala mo. Ia-add din kita sa links ko. :]

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on May 9th, 2008 2:04 pm:

    salamat! :D

    bata ka pa nga noong tinuli. at least hindi na nakaranas ng pang aasar na SUPOT! noong bata ka. pero hindi ba bumabali yung balat?! ahahaha!

    [Reply]

    Nhil reply on May 21st, 2008 5:48 pm:

    sa kabutihang palad.. hindi naman.

    Ayaw mo maniwala? Pakita ko pa sayo eh. lol x]

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on May 21st, 2008 10:55 pm:

    ahahaha… sa kasamaang palad, wag na lang. meron na ako niyan eh. ahahaha…

    [Reply]

  37. popoy Says:

    nakakahiya man KDR eh ako ay natuli nung magsesecond year high school na ako. kamusta naman ang bolsbols ko nun?? hahaha. balbon pa ko hahaha. nakakahiya din kasi babae ang nagtuli sa akin.hahaha. buti na lang ndi sya nagali kasi sobrang kabado ako nun. hindi rin tumalab gaano ang anesthesia kaya medyo masakit ang pagkakagupit sa balat. ramdama ko din yung tahi. actually kaya cguro masakit dahil ang schedule na tutuliin lang nun eh 2 tao lang. eh 3 kami, no choice ayaw magpatalo ng iba kaya pinagkasaya na lang siguro ang anesthesia. hay. ang srap din pala magtebats pag galing ng tuli, ginawa ko yun dati ang saya!!! hahaha

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on May 9th, 2008 2:07 pm:

    hahaha! tebats agad? buti hindi dumugo! hindi mo man lang ipinahinga muna! ahahaha!

    [Reply]

  38. ced Says:

    same situation with nhil. too young when chopped! haha
    la ko maalala nun pero di totoo na dpat may certain age sa tuli para ma-achieve ang tamang size! hahah

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on May 9th, 2008 2:09 pm:

    ahahaha!!! ano ba ang tamang size? ahahaha!

    [Reply]

    donG hO reply on May 9th, 2008 9:58 pm:

    astig follow up question. yihaa!

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on May 12th, 2008 7:16 am:

    ahahaha! na curious ako eh,. baka kasi sumobra sa tamang size ang akin!

    [Reply]

  39. blue Says:

    i wanna see, puede? :)

    i love them tuli, i have nothing against supot, but i’m a catholic, i’m very conservative, so i like it kung dumaan na sa gunting ng mtrcb, cut na, ayoko ng un-cut!

    i’m new year, i love this topic, lol.

    and back to you, i wanna see you anaconda!!!

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on May 9th, 2008 2:15 pm:

    ahahah! ang halay parekoy! :))

    [Reply]

    blue reply on May 9th, 2008 4:18 pm:

    at mali-mali pala ang spelling ko, lol

    “i’m new here”

    “i wanna see your anaconda”

    lol, joke lang yun!

    have a great day!

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on May 12th, 2008 7:17 am:

    oo nga eh. inisip ko na lang na nakapikit ka habang nag tatype! teka, pasensya na pero sa authorizes person lang nagpapakita ang anaconda! ahahaha!

    [Reply]

  40. berlai Says:

    hahaha.
    samen ang tawag sa mga puedi ng tuliin na *toot* ay “palos” so nung pinalabas ang “palos” (starring jake cuenca as giancarlo at cesar montano as fabio +si bangs hehe) ay sobrang tawa namen.
    panu ba naman pagnabanggit kasi ang “palos” ee una maiisip ee yung *toot* hahaha :D wala lang. uhmm hahaha :D

    owell baket antanda mu naman ata nung nagpatuli? haha :D
    kapatid ko ngang bakla ee natuli nung gradetu siya. haha.
    feel na feel yung palda :D

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on May 9th, 2008 2:16 pm:

    ahahaha! so hindi pala maganda pakinggan kung matanda ka na at tawagin kang palos. hahahah! salamat sa pag share berlai!

    [Reply]

    berlai reply on May 27th, 2008 4:44 pm:

    hindi naman, “pisot” naman yung parang counterpart ng “supot”.
    so kapag tinwag kang pisot yun ung di maganda.
    yung palos..adjective sa *toot* yun ee. :D

    [Reply]

  41. McRey Says:

    Hahaha… wordpress na ba ito?

    dapat ko na pala i-update ang link mo kasi blogdrive pa yun…

    Hahahha… ako sa pukpok ako nagpatuli, mas manbilis ang processes, hindi gaya sa doctor na may anesthesia epek pa bago gupitin… sa pukpok pang yosi lang ang bayad, tapos papanguyain ka ng bayabas, tapos nun pupukpukin na yung balat with labaha tapos after 2 strikes tuli ka na… parang injection lang din… kaya pwede ko sabihin sa iyo na parang kinagat ka lang ng langgam… isang libong langgam… hahahahah…

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on May 9th, 2008 2:18 pm:

    wahhh!! siyet! hindi ko yata kakayanin yun! ahuhuhuh… takot ako sa pokpok, este, pukpok pala.

    [Reply]

  42. Anino Says:

    Daddy, mukhang blockbuster ang “TULI” mo. Daming komento!

    Hindi ako naniniwala na tuli ka na. Kailangan ko ng ebidensya. Ipadala mo na lang ang litrato sa email ko.

    [Reply]

    blue reply on May 9th, 2008 4:19 pm:

    lol, oo nga ebidensya! lol, nangungulit lang po!

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on May 13th, 2008 8:03 pm:

    sa sunod na ang ebidensya master!

    [Reply]

  43. chase/chubz Says:

    grabe!! haba ng listahan ng comments ahh..

    anyway, na miss mo xa?
    ganun ba.
    come to think of it. parang na kakamiss nga.

    masarap kaya ang supot?
    ahihihh.. sorry hindi pala dito dapat mag tanong..

    Peace!! kingpaparich!!! congratz ulit!!

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on May 12th, 2008 7:19 am:

    chase! ahahaha! bigla bigla ka na lang sumusulpot ah.

    don naman sa tanong mo. ah, eh, ih, oh, uh…. hindi ko alam! ahahaha…

    [Reply]

    chase/chubz reply on May 12th, 2008 10:26 pm:

    syempre.. love kasi kita. hahihihihihih

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on May 13th, 2008 3:41 pm:

    nako!! ahahaha!! lols!

    [Reply]

  44. acey Says:

    happy mother’s day to your fun/funny mom! =D

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on May 12th, 2008 7:20 am:

    uy! salamat acey! :D sayo din happy mothers day… ahahaha! future mother! :D

    [Reply]

  45. jadelopez Says:

    hi! napadaan lang. nakkaaliw ang blog mo.

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on May 12th, 2008 7:20 am:

    salamat jade… daan ka ulit para maaliw ulit! :D

    [Reply]

  46. reyn Says:

    The best ka talaga kapatid!

    Ang daming kowments ow!! Wuhoo! Sikat na sikat ka na!

    Pati yung pinsan ko sa Saranggani kilala ka na!!

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on May 12th, 2008 7:21 am:

    ahahaha! sinong pinsan yan kapatid?

    [Reply]

  47. vk Says:

    si raquel pala si kengz?
    ngayon ko lang alam…..lol

    tapos, jokers din siya ano?…hejeheehj

    thanks for passing by ha?

    at saka, huwag mo akong tawagin na Maám….ngekkkk

    bye and have a nice Mother´s day, kahit hindi ka mom….paki greet nalang sa Mommy mo……….

    bye

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on May 12th, 2008 7:23 am:

    mam VK! ehehehe.. ano po itatawag ko sa inyo? :D

    opo si ate raquel si ate kengks. eh dati na akong visitor ng bloggy niya.. naalala ko pareho kayong nasa germany at nagkita kayo recently lang. ang saya naman! :D

    HAPPY MOTHER’s DAY din po!

    [Reply]

  48. linglingbells Says:

    hahahaha! ang kulet ng nanay mo! :D

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on May 13th, 2008 3:33 pm:

    oo, makulet pa sa bunso namin yun!

    [Reply]

  49. vk Says:

    happy Pfingstmonday to you………

    good morning……holiday pa dito, kaya ito nag-lakwatsa ako.

    bitaw, huwag mo akong tawagin ng Maam ha?

    we are already friend, isn´t it?

    hala sigi, tawagin mo nalang akong Nanay…..or Manay ….or ikaw na bahala or Tita mo na lang kaya ako.,…………ok rin ako.

    or like here, they call the first name, kahit parents nila…..pero ako, never my kids call me VK……lol

    have a nice week days ahead…………may araw na kami dito….ito masaya nga si ako, feeling ko …pinassssssssssssssss

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on May 13th, 2008 3:38 pm:

    ahahaha. kailan ba kayo uwi pinas momi vk, yan ah momi na… :D sina ate raquel kauwi lang dito recently. sayang talaga hindi ako nakapunta non pag uwi niya kasi naman ang daming skul work ng mga panahong yun,

    [Reply]

  50. utakmunggo Says:

    spfeaking of anaconda, dito sa lupalop ng daigdig kung saan ako tinanim ni Lord ay napakaraming anacondang pang-guiness book sa haba pero NAMAAANNNN.. naka-raincoat pa po silang lahat. ifs you knows whats i means.
    :)

    belated congratulations sa iyong pagiging atapang atao noong nagpa-minor operation ka. hawhawhaw

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on May 14th, 2008 9:20 pm:

    ahahaha! alam ko na. mga supot sila! ahahaa…

    [Reply]

  51. Yom Says:

    Hahaha. Letse ka. Tawa ako nang tawa. LOL. Well, iinggitin na lang kita nung tinuli ako. Kasi kinakaya kong mag-brief araw-araw kahit nagpapagaling pa lang.

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on May 14th, 2008 9:22 pm:

    waw. pang guiness yan yom! ahahaha! pa jerjer ka naman!

    [Reply]

  52. Aethen Says:

    Huli ko man nabasa, naaliw naman ako ng sobra. Hehe.

    Ako, first year HS (summer) tinuli. Kasama ko buong barkada ko sa amin na nagpabinyag. :) Makalipas ng tatlong araw nagbrief na ako nun… hindi kasi sanay na nakabitin ang *toot*. Hehe. Pero masaya kasi masaya din ang *toot* ko ngayon. Hehe.

    Napanood nyo yong “Tuli” na independent film. Masaya din at maganda ang pagkagawa ng story.

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on May 15th, 2008 2:25 pm:

    ahahah! aba! bakit masaya ang *toot* mo ngayon! ehehehe.

    hindi ko pa siya napanuod. pero maganda nga raw sabi sa mga reviews na nabasa ko.

    [Reply]

  53. SUpPOrT Pinoy Says:

    Self-cut ako. At nagpapasupot through foreskin restoration. Supot: natural, sensitibo, gwapo!

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on May 21st, 2008 12:17 am:

    seryoso dude? anong ibig sabihin ng self cut? anong restoration? disturbed naman ako. ehehehe… pero cool. something new yan ah

    [Reply]

  54. Kei Says:

    Mas malaking bad trip yung mga lalaking alam na nga nilang sobrang sikip yung space sa sasakyan eh nakukuha pa nilang bumukaka ng bonggang-bongga. Nakakainis. Sarap gamitan ng castrating kit yung mga ganung tao.

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on May 21st, 2008 12:19 am:

    naligaw ata ang comment mo ah. ehehehe. anyway. kapag ang lalake naka bukaka, malaki ata ang ano. sige ikaw na bahala mag castrate! ahahaha

    [Reply]

  55. warvitt Says:

    nung tinuli ako nanigas ung *toot* ko dahil maganda ung nagtuli saken, natawa siya at hinimas-himas pa ang duguan kong *toot*. lalo pa itong tumigas at di ko na napigilan. natanggal ang mga tahi sa *toot* ko
    tanong: may koneksiyon ba iyon sa talento kong manahi gamit ang *toot* ko?

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on May 21st, 2008 10:43 pm:

    woooo… di nga?! kaya mong manahi gamit ang *toot* mo? ehehehe. paano kaya yun?

    [Reply]

    warvitt reply on May 30th, 2008 11:59 pm:

    hehe hindi joke lang yun. Cross stitch lang kaya niya. haha!

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on May 31st, 2008 12:33 am:

    ahahaha! nagcrosstitch pa! ahahaha.. talentado!

    [Reply]

  56. kingdaddyrich Says:

    woooo… di nga?! kaya mong manahi gamit ang *toot* mo? ehehehe. paano kaya yun?

    [Reply]

  57. watusiboy Says:

    kingdaddy rich, sinubukan ko rin yung link.
    sa unang subok ang pangalan nya: Squirmin’ Herman the One-Eyed German
    sa pangalawa: Anaconda
    sa pangatlo: One Eyed Wonder Weasel

    siguro pipili na lang ako kung alin ang pinakamaganda. di na pwde yung anaconda kasi sabi mo sayo na yun. weird naman kung magkatukayo yung atin. hehe.

    grade three ako tinuli. ang naaalala ko lang, 2 weeks after, naparanoid ako na baka bumalik yung balat. may nagkwento kasi sakin na pwede daw mangyari yun. buti na lang hindi bumalik.

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on August 2nd, 2008 3:11 pm:

    waw. ayos ah. mukhang maganda yung squirmin herman, the one eyed german. he hehe.. so anong napili mo? di na pwede ang anaconda. may copyright na ako dun.:)

    [Reply]

  58. Penis Enlargement Says:

    Speech on the health of the penis, exercises, penis enlargement pills, anatomy of the woman, clitoris, informations on sex, positions, health and much more. Visit: http://www.sinepenis.com

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on August 3rd, 2008 3:12 pm:

    Thank you.But I definitely don’t need it. har har. pretty confident. :D

    [Reply]

  59. sonya sonya Says:

    daddy! hindi ko na- keri yung inispluk ng mudra mes about your tuli moment. gandang logic nga naman ang ulam is equals to itlog at hotdog with matching kamatis on the side..yum yum! and i dare you na patunayang tuli ka na nga talaga. pasilip nga brad… chekah! hihihi!

    [Reply]

    kingdaddyrich reply on August 4th, 2008 2:16 pm:

    ha haha! pare naman! di pwede. mabalasik ito. mahirap na pag nakawala.

    [Reply]

  60. penis enlargement Says:

    Natural Herbalz Inc Offers Reviews on General health products, Skin care Products, Hair Care Products, Men’s and Women’s health Care Supplements, Weight loss and Diet Products, Sexual and Optimal Health Care products for your better health care and life style. http://www.naturalherbalz.com

    [Reply]

  61. lei Says:

    feeling ko dapat magthank you pa nga kayong mga boys kasi puputulin lang ang dapat putulin sa inyo kapag tinutuli.. eh kaming mga gurls? kaylangan manganak. waaaaaaaaah! masakit daw talaga un. minsan 2loy iniisip ko magmadre nalang ako. haha. gagawa nalang ako ng ube. LOL.

    [Reply]

Leave a Reply